ATASHIABelle Friol! Parang gumuho ang aking mundo nang nakita ko siya. Halata ang pagiging komportable nila ni Lance sa isa't isa. Nagagawa pa nga nilang magbiruan kahit nasa harapan na nila ako. Bigla kong naramdaman ang aking tamang lugar sa buhay ni Lance. Parang nawala ako sa eksena. "Hon, pasensya na kung hindi ko nasabi. Kanina pa pala si Belle dito. Siya ang bumili ng lechon manok. Siya rin ang nagbigay ng pambayad natin sa kuryente. Umalis lang siya saglit para ipag- grocery tayo. Hindi n'ya na ako isinama dahil baka hanapin mo ako," explained ni Lance. Tumango ako at pilit na ngumiti. Dahil nakasuot lang ako ng towel kaya nagpaalam ako sa kanila. Ilang minuto na ako sa silid ay hindi pa rin ako nakakapagbihis. Kinain ako ng matinding selos. "My God, may disaster yatang parating," bulong ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Gusto kong lumabas para silipin ang asawa ko at ang babaeng gustong-gusto ng mga magulang niya para sa kaniya. Subalit wala akong lakas ng loob para ga
ATASHIA"Oh, my god! How dare you sampal may son!" Nagulat ako sa biglang pagsali ni Ma'am Olivia sa gulo sa loob ng bahay namin. Nakapasok siya ng gate dahil hindi ko ni-lock iyon nang dumating sina Nanay at Loida. Dinaluhog ni Ma'am Olivia si Nanay kaya napapikit na lang ako. Riot kung riot ang ganap sa loob ng bahay. Daig pa namin ang nasa war zone area. Gosh, parang wala nang katapusan ang gulo at paghihirap sa buhay ko. Ayaw ko namang iwan si Lance kahit na sinaktan niya rin ako emotionally dahil kay Belle. Napasabunot na lang ako sa aking buhok at dahan-dahan akong umupo sa silya. Pinabayaan kong magsampalan at sabunutan ang mga ina namin ni Lance. “Let’s go out,” yaya sa akin ni Lance. Hinawakan niya ako sa braso at pilit itinayo. “Saan naman tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Anywhere. Ayaw ko lang marinig ang ingay nila.” Sumama ako kay Lance. Sumunod din si Loida. Habang nag-uusap kami ni Lance malapit sa gate ay panay ang balibagan ng mga magulang namin sa loob ng b
LANCE No English policy kami ni Atashia sa bago naming bahay. Finally, I had the best time of my life with her. Kahit ang mga simpleng kailangan ko ay inihahanda niya. Literal na she is a housewife material kahit na madalas ay umaalis din siya para magtinda ng mga lutong ulam. It's been three months simula ng lumipat kami sa Siniloan. Our life is so simple. No more dramas. Walang gulo. Tama ang naging desisyon ko. Kahit mahirap ang pamumuhay namin ni Atashia ay naging masaya at peaceful rin ang pagsasama namin. No one in our neighborhood knows that I was once a CEO of a multi-million company. Hindi rin nila alam na ako ang nag-iisang anak ni Congressman Demitri Henzon. Sinikap kong mamuhay ng normal sa isang unfamiliar na environment. It was hard at first, really so hard. But Atashia makes my life's battle easier. Nabalitaan kong nagkasakit daw si mommy dahil sa biglang pagkawala ko. Nag-alala ako sa kaniya pero hindi rin mawala sa isip ko na it was just for a show para lumabas
ATASHIAParang gusto kong magtago na lang sa loob ng CR nang nakita ko sina Lance at Jaspher. Hindi man lang kasi nagsabi ang asawa ko na may isasama pala siyang asungot sa bahay. Simula nang nalaman kong magkarelasyon sina Nanay at Jaspher ay nawala ang amor ko sa lalaking kasama ng asawa ko. Pero bilang tao, kailangan ko siyang harapin. "Love is so complicated, huh?" Parang nang-aasar na wika ni Jaspher. "Don't worry, guys. Your secrets are safe with me. Iyon nga lang, kailangan ninyo akong pakainin ng madalas dito. Okay ba iyon sa inyo?" "Wala kaming bigas at ulam para sa isa pang dagdag na pakakainin," prangka kong sabi. Well, it's a silent way of telling him that he is not welcome in our house. "Magdadala ako ng pwedeng iluto. Magaling ka namang magluto, Atashia, 'di ba? Ang sarap nga ng ulam na ito."Napaismid ako. Dapat pala ay inalatan ko ang niluto kong paksiw na bangus, tapos nilagyan ko ng napakaraming ampalaya at saka nilubog ko sa isang litro na suka. Ewan ko na lang
OLIVIA My son and his wife left their house pero tinaasan ko lang ng kilay iyon. Duh, I am not tatanga-tanga like what they are thinking. Kaya nga ako naging parte ng Henzon Family because beauty and brain talaga ako. Even my in-laws noong nabubuhay pa sila ay believe na believe sa akin. Mula sa house nila sa South ay sinundan ng isa sa mga kakilala ni Mark sina Lance at Atashia hanggang makarating ang mga ito sa Siniloan. I want to make action na pero pinigilan ako ni Demitri. My duwag na mister told me to wait and act silently. I made headline na kunwari may sakit ako, but, duh, my son doesn't care at all. He did not show up, my god. That was very frustrating. I cry-cry pero saglit lang naman. I don't think Jaspher Regalado will make pakialam sa problema nina Lance and Atashia. So, I am free to do whatever I want kaya naman I gives suhol sa engineer na kakilala ni Mark at sa foreman. "Make sure that you will give a lot of mahirap na trabaho sa baby boy ko, huh? I know him kasi
ATASHIAMaaga pa lang ay nasa bahay na agad namin si Jaspher. Sa bahay na siya nag-almusal at mukhang lasing pa. "Regalado, hindi hotel ang bahay na ito," saad ni Lance. Halatang hindi n'ya gustong makita ang dati niyang kaibigan. "Yeah, I know. I am here to warn you, Lance. I saw your mommy in the bar last night."Nabitawan ko ang pitsel na aking hawak at tumapon ang lahat ng laman noon sa sahig. Maagap naman na pinulot iyon ni Lance. Hindi ko napigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Ngayong alam na ni Lance ang tungkol sa pananatili ng Mommy niya sa Siniloan, I decided na sabihin na rin sa asawa ko kung ano ang nakita ko sa restaurant noong birthday niya. Hinintay ko lang makaalis si Jaspher. "Hon, pasensya ka na kung naglihim ako sa 'yo." Bumuntong-hininga ako. "May sasabihin ako sa iyo," pagpapatuloy ko. "Tungkol saan naman iyan, Atashia?" Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. My Husband was so serious. Wala man lang ka-ngiti-ngiti sa kan'yang mga labi. "Noong birthd
ATASHIA Nine hours ang itinagal ng operasyon kay Lance. Nine hours na nakakabaliw. Masaya akong naging successful iyon kahit sabi ng mga doktor ay isa iyon sa pinakamahirap na operasyon na isinagawa nila. Nevertheless, I am not completely happy. Hindi pa rin kasi nagkakaroon ng malay si Lance. Ang sabi ng mga manggagamot ay delikado pa rin daw ang lagay ng asawa ko. Nagbigay sila ng oras, subalit hindi man lang nagpakita ng sign ang mister ko na magigising siya. Hanggang sa ideklara ng mga doktor na comatose na siya. Nakakapanghina. Nakakaubos ng katinuan. Gayunpaman, mas pinili kong maging positibo. Nagsimula na rin akong palakasin ang sarili ko. Natutulog ako ng sapat sa silid na kinuha ni Jhaspher para kay Lance. Kumakain na rin ako ng tama sa oras. Hindi ako pwedeng magutom o kaya mapagod ng sobra lalo na at sixteen weeks pa lang ang baby na nasa sinapupunan ko. Sabi ng doctor ay pwedeng makaapekto ang stress, puyat, gutom at pagod sa ipinagbubuntis ko kaya naman pilit k
ATASHIA Kung mahirap ang sitwasyon dati, it's more difficult during the pandemic. Hindi na ako pinapayagan na lumabas sa private room na kinuha ni Jaspher para kay Lance. Everyone seems hopeless. Parang nasa Limbo ang pakiramdam ng mga tao sa ospital dahil hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Hanggang sa nakatanggap ako ng isang masamang balita, sinundo raw si Nanay ng mga barangay officials dahil positive siya sa Covid. Very tormenting ang bawat oras na lumipas. Hindi kasi alam ni Loida kung saan dinala si Nanay dahil hindi pa bumabalik ang mga barangay officials. Bawal silang lumabas ng bahay dahil sa maraming kaso ng sakit sa lugar namin. "Lance, kumusta ang pakiramdam mo? Ang dami nang nagbago sa labas. Sana magising ka na during pandemic para walang chance ang mga magulang mo na kunin ka. Bawal na kasi silang pumasok dito sa hospital. Naka-lockdown din ang maraming lugar sa labas," kwento ko kay Lance. Subalit tila ayaw pa akong pagbigyan ng lang