Share

Chapter 40: Marry me, darling?

Pinili kong sulitin ang ilang araw na pananatili ko sa mansyon kasama si Ruan. Nagawa na nga yata namin lahat ng maaari naming gawin sa loob ng mansyon.

Kung hindi namin katawag si Nanay at ang mga anak namin, we would watch a movie together. Kaya lang, nauuwi 'yon madalas sa isang mapusok na halikan. Madalas ko rin siyang panoorin na magluto. Siya ang nagluluto ng pagkain namin dahil hindi naman ako marunong. Taga-tikim lang palagi ang ambag ko. Nasubukan ko na ring makalaro ang lalaki sa iba't ibang board games, at madalas akong manalo siyempre, maliban lamang sa chess.

Nasabi ko na rin lahat kay Ruan ang mga dapat niyang malaman tungkol sa mga anak namin. Naplano na rin namin ang mga magiging kaganapan sa darating na second birthday nina Aero at Ruin.

And of course, I got to know more about him.

He's serious when it comes to almost everything. Pinag-iisipan niya lahat ng bagay ngunit minsan ay impulsive ito sa pagdedesisyon. Iba-iba ang ugali na ipinapakita niya, depende sa kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status