LOGINMeanwhile, nakabalik na si Archer kay Bella.
Walang kaalam-alam si Bella sa mga kaganapan sa airport, lalong hindi niya alam na nakagawa ng malaking gulo ang kanyang anak. Nag-aalala niyang tinignan ang bata na halatang nagmamadali sa pagbalik. “Archer, saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap.” Ramdam ni Archer sa boses ng mommy niya na wala itong kaide-ideya sa nangyari. Napangiti na lang siya. “Mommy, don’t worry. Na-curious lang po ako kasi first time natin dito kaya tumakbo ako sandali para mag-ikot. Mommy, ang ganda at ang laki dito!” “Siyempre! Isa ‘to sa pinakasikat na city sa bansa! Pero dahil maraming tao, ‘wag na ‘wag kang tatakbo kung saan-saan. Paano na lang kung makidnap ka? Anong gagawin namin nina Hunter at Ryder?” Tinapik ni Archer ang dibdib niya bago mayabang na nagsalita. “Huwag kang mag-alala, Mommy. Kapag nakita ako ng kidnappers, sila pa ang dapat mong alalahanin! Matalino ako, paano ako madudukot?” “Ang kulit mo talaga,” naiiling na sabi ni Bella habang puno ng lambing ang mukha. Nag-pout si Archer. “Sige na Mommy, ‘wag ka na mag-alala. Look, safe naman akong nakabalik, ‘di ba? Mommy, kain na tayo, nagrereklamo na yung tyan ko. Siguradong gutom na rin sina Kuya at Ryder.” Nag-aalala si Archer na baka hanapin siya ng masamang babae at magalit ang Mommy nya. Ngumiti si Bella. “Sige. Dadalhin ko kayo sa masarap na kainan.” “Mmm.” Sabay-sabay na tumango ang tatlong bata. Kinuha ni Hunter yung maleta sa kamay ni Bella. “Mommy, ako na po.” Kinuha naman ni Archer yung backpack. “Ladies should just stay pretty, kaming mga lalaki na ang bahala sa mabibigat.” Si Ryder naman ay inabot ang maliit na kamay sa Mommy nya. “Mommy, ako na ang hila ng maleta. Hawakan mo lang ako.” Para namang isang spoiled na prinsesa si Bella na masayang naglakad palabas ng airport kasama ang mga anak. Hindi nila napansin na mula sa malayo, may isang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanila. Nakangiti yung taong ‘yun, pero yung ngiti nito ay nakakatakot at nakakakilabot. .. Dahil mahirap kumain nang may dalang mga gamit, humanap muna si Bella ng maliit na hotel malapit sa airport para mag-stay. Wala pa siyang work at kulang sa budget kaya hindi niya afford yung mamahaling hotel. Plano niyang makipag-divorce muna kay Sebastian, ayusin ang papeles ng mga bata, tapos aalis na sila ng Manila. Gusto niyang manirahan sa isang tahimik na lugar na maganda ang klima at doon na maghanap ng trabaho. “Mommy, dito ba tayo matutulog?” tanong ni Hunter. Alam ni Bella na medyo clean freak ang panganay niya kaya hindi nito masyadong gusto ang lugar. “Hunter, pasensya na, wala pa kasing budget si Mommy para sa magandang hotel, kaya tiis muna tayo dito ha? Pero ‘wag kang mag-alala, lilinisin ko yung kwarto at papalitan ko yung mga bedsheet natin. Hindi naman tayo magtatagal dito dahil lilipat din tayo agad kapag natapos na yung mga inaasikaso ko.” Napabuntong-hininga na lang si Hunter habang iniisip ang bilyon-bilyong pera na nasa ilalim ng pangalan niya. Ang mommy niya, napakabait pero medyo slow pagdating sa ganitong bagay. Maganda ang Mommy niya sa lahat ng aspeto, maliban sa medyo simple lang ito at ayaw sa marangya. Dalawang taon na ang nakakaraan, dinalhan niya ito ng 100,000 pesos na kinita niya, pero natigilan ang mommy niya. Akala nito ay scam o pain ng mga kidnapper ang perang iyon para makuha silang mga bata. Mula noon, hindi na siya naglakas-loob na sabihin ang totoo tungkol sa kinikita niya para hindi ito mag-alala. Nung pababa na sila ng bundok at nakitang walang pera ang Mommy nya ay palihim niyang pinabigay kay Archer yung 5,000 yuan at nagsinungaling na napanalunan daw ‘yun sa raffle sa supermarket. Tiningnan ni Hunter ang simpleng mommy niya at napabuntong-hininga . “Mommy, huwag kang mag-alala. Tanong lang naman ‘yun. Hindi ko naman kinamumuhian ang lugar na ‘to. Basta kasama kita, masaya na ako kahit saan.” Ngumiti si Bella. “Hunter, ‘wag kang mag-alala, magtatrabaho nang maigi si Mommy para mabigyan kayo ng mas magandang buhay!” “Go, Mommy!” “Mommy is the best!” Masayang nag-cheer sina Archer at Ryder kaya lalong lumawak ang ngiti ni Bella. “Sige, tara na. Ilagay muna natin ang mga gamit, tapos kakain tayo.” “Okay!” Pagkatapos kumain ay pumunta ang tatlong bata sa banyo para maglinis habang si Bella naman ay nagpapalit ng bedsheet at kumot sa labas ng may marinig syang kumatok. Knock knock knock. Akala ni Bella ay staff ng hotel kaya binuksan niya ang pinto. “May—“ “Kunin niyo siya!” Bago pa niya matapos ang sasabihin nya ay nag-utos ang leader ng mga lalaking naka-black. Dalawang lalaki ang agad na lumapit at hinawakan siya. Natakot si Bella. “Sino kayo? Anong gusto niyo? Bitawan niyo ako!” Tinakpan ang bibig niya at pwersahang dinala palabas ng maliit na hotel. Hindi nagtagal, dinala siya sa isang malaking building kung nasaan si Sebastian. Workaholic siya. Bukod sa anak niya, trabaho lang ang interes niya. Pagkatapos niyang ihatid si Astrid kanina, diretso na siya rito para tingnan ang building dahil plano niyang bilhin ito. Nasa opisina si Sebastian at nagre-review ng mga papeles nang kumatok si Dominic at pumasok. “Boss, naimbestigahan na namin lahat. Ginamitan ng maliliit na bomba ang apat na gulong. Pero ordinaryo lang ang background ng bata. Namatay ang tatay niya noong bata pa siya. Sila ng dalawang kapatid niya ay nakatira kasama ang nanay nila sa isang bundok. Ngayon lang sila dumating sa Manila. Walang kahina-hinala sa pamilya nila. Dinala na namin ang nanay ng bata. Nasa conference room siya ngayon.” Kumunot ang noo ni Sebastian. Miniature explosives? Binaba niya yung documents at naglakad papunta sa conference room. Sumunod si Dominic. Alam niyang kilala ni Sebastian ang mga explosives. Yung ginamit sa kotse ay high-precision explosive. Gulong lang ang nasira, hindi nadamay yung katawan ng sasakyan o yung mga tao sa loob. Imposibleng bata lang ang may gawa nun. Iniisip ng boss niya ay may backer yung bata. Dahil marami nang nagtangkang pumatay kay Sebastian ay kailangan niyang maging maingat. Sa loob ng conference room naman ay nakaupo si Bella at parang nawawala sa sarili sa sobrang kaba para sa sarili nya at sa tatlong anak nyang naiwan. Hindi pa niya alam ang nangyayari, at mabilis ang tibok ng puso niya. “Sino kayo? Anong ginagawa niyo? Bakit-“ Bumukas yung pinto at pumasok si Sebastian, punong-puno ng awtoridad. Para siyang isang hari. Dahil sa tangkad niyang halos 6’2 ay kitang-kita siya agad ni Nuanning. Nanlaki ang mga mata ni Bella sa gulat. Hindi siya makahinga at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Yung lalaking ‘to… kamukhang-kamukha nina Hunter at Archer! Siya ba ang ama ng mga anak niya? Siya ba ‘yung lalaking sumira sa buhay niya noon? Biglang nag-init ang ulo ni Bella at napakuyom ang kanyang mga kamao. Ang sakit ng nakaraan ay biglang bumalik—yung gabing iyon ang sumira sa lahat. Dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis, nadungisan ang reputasyon niya at kung ano-anong masasamang salita ang itinawag sa kanya. Kahit sobrang saya niya ngayon dahil sa tatlo niyang anghel, hinding-hindi niya makakalimutan ang hirap na dinanas niya noon. At lahat ng ‘yun, dahil sa lalaking nasa harap niya! Napatingin si Sebastian kay Bella, parang may kakaiba siyang nararamdaman. Hindi dahil sa sobrang ganda nito, kundi dahil parang pamilyar sa kanya yung mukha nung babae… parang nakita na niya ito somewhere. Pero kahit anong titig niya, hindi talaga niya maalala kung saan. Seryoso ang mukha ni Sebastian habang naglalakad papunta sa conference table para maupo. Napansin niyang ang talim ng tingin sa kanya ni Bella. Parang tinitignan siya bilang isang kaaway kaya napakunot ang noo niya. Anak na nga nito ang sumira sa sasakyan niya tapos imbes na humingi ng tawad, ganoon pa siya tignan. Masyadong matapang, parang ang anak lang nito! “Bakit mo inutusan ang anak mong sirain ang kotse ko?” Agad na paratang ni Sebastian. Nanginginig ang buong katawan ni Bella sa halo-halong emosyon pero nang marinig iyon ay nagtaka siya. Hindi siya nito kilala? Hindi ba nito namukhaan ang mukha niya nung gabing iyon, o nagpapanggap lang ito? Dahil hindi siya sure kung ito ba talaga yung lalaki na ‘yun ay hindi muna siya gumawa ng eksena. Sinubukan niyang kumalma at nag-tanong, “Hindi… hindi mo ba ako kilala?” “Hindi.” “Talagang hindi mo ako namumukhaan?” “Bakit, dapat ba kitang makilala?” Bella. “…”Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy
“Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy
“Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod
Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak
Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin
“May obsession ang batang ito sa Mommy niya, at dahil ‘yun sa sobrang pangungulila.” Nagtaka si Bella. “Sobrang pangungulila sa Mommy niya? Nasaan ba ang nanay niya?” Nagkibit-balikat lang si Doctor Bentley at sumulyap muna kay Sebastian bago sumagot. “Wala siya rito.” Agad na nag-assume si Bella na pumanaw na ito. “Kailan pa namatay ang nanay niya?” Bago pa makasagot si Bentley ay biglang bumanat nang galit si Sebastian. “Sinong nagsabing patay na ang nanay niya? Buhay na buhay ang Mommy niya! Mas malakas pa sa kahit kanino!” Nagulat si Bella sa biglang pagsabog ni Sebastian. Tinitigan niya ito nang masama, gusto sana niyang lumaban pero pinigilan niya ang sarili. Napansin din ni Sebastian na nawalan na naman siya ng pasensya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Marahil dahil hindi niya alam ang sasabihin, tumingin na lang siya sa natutulog na si River. Agad na sumingit si Doctor Bentley para ayusin ang sitwasyon. “Hindi siya namatay, nawala lang siya p







