Home / Romance / Divorce Me If You Can / Chapter 61: Assurance

Share

Chapter 61: Assurance

Author: NJ
last update Last Updated: 2025-04-11 10:40:14
MATAMANG nakatitig sina Ilana at Cloudio sa isa’t-isa. Ang mga mata’y nababalot ng mga emosyong nag-uumapaw. Cloudio couldn’t help but think about what good he did in his previous life that his wish was granted without fail in this lifetime. Ilana was showing the same emotion he feels, and it’s more than a dream come true.

Nalulunod sila sa titig ng isa’t-isa nang biglang umiyak si baby Nayi. Agad na tumayo si Cloudio upang isayaw-sayaw ang sanggol pero ayaw nito tumigil sa pag-iyak.

“Basa na siya.” Napansin ni Ilana na basa na ang lampin.

Agad silang pumasok sa kwarto. Maingat na inilapag ni Cloudio si baby Nayi sa kama. Kumuha naman ng malinis na lampin si Ilana para palitan ang sanggol. Si Cloudio na ang nag-alis ng lampin nito.

“She pooped,” deklara ni Cloudio. Agad nitong kinuha ang baby wipes at ilang gamit para malinisan ang baby. Marahan ang dalawa—bawat hawak ay may ibayong pag-iingat. Matapos palitan ng lampin ay natigilan ang dalawa nang makarinig ng ingay mula sa baby.
NJ

To be continued~

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Aviana
STAY STRONG 🩷
goodnovel comment avatar
Lai
Halos 'PERFECT COUPLE' na kayo matatawag for now Ilana focus muna kayo sa Isat isat ni Cloudio at kay bby nayeli. Stay loving each other, Happy, sweet, caring. For now wag mo muna isipin yung divorce kpag bumalik at puntahan kna lang ni gray. Damn Ewan tlaga kung matanggap ni gray sainyo ni cloudio
goodnovel comment avatar
HeyItsMe
Yiizz Ilana congrats nemen Girl di nako makapag hintay Ano kaya gagawin nila tatlo lalo c gray
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Divorce Me If You Can   Chapter 62: Fight

    PINAGMAMASDAN ni Ilana si Cloudio na nagsasampay ng mga ginamit na lampin ni baby Nayi. Hindi kakikitaan ng pagod ang mukha nito na tila ba enjoy na enjoy pa sa ginagawa. Mula sa sala ay tanaw niya ito sa balkonahe. Lumabas sila ni Lovella sa kwarto bago pa nila magising si baby Nayi sa pag-uusap nila. Sa sala nila ipinagpatuloy ang pag-uusap hanggang sa lumabas sa laundry room si Cloudio para isampay sa balkonahe ang mga nilabhang lampin. “May nangyari na ba sa inyo?” Nasamid si Ilana sa sariling laway at namamanghang tiningnan si Lovella na nakangisi. “Kapapanganak ko lang, Lovella.” Humalakhak si Lovella. “So, kapag naghilom na ang sugat, pwede na?” Naramdaman ni Ilana ang pagkalat ng init sa kaniyang mukha. Napailing siya. “Normal naman iyon sa magkarelasyon.” “Yieee! Grabe talaga!” Natawa si Ilana sa reaksyon ng kaibigan. Pumasok naman si Cloudio mula sa balkonahe at lumapit sa kanila. Naupo ito sa kaniyang tabi saka sumubo ng isang piraso ng cookies na kinakain nila ni Lov

    Last Updated : 2025-04-11
  • Divorce Me If You Can   Chapter 63: Rival

    ISANG malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ni Gray nang mag-angat siya ng tingin sa babaeng pumasok sa opisina. Michelle’s face was red. Her eyes were bloodshot and full of tears. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito habang nanginginig ang kamay na lumapat sa kaniyang pisngi. Gray’s expression retained its calmness and coldness. “What do you want?” “Is it true?” Her voice even cracked. Bahagyang tumagilid ang ulo ni Gray. “Seeing you crying like that, I supposed you heard from your father.” Suminghap ang dalaga. “How dare you?!” The corner of Gray’s lips slowly rose in a cold, sinister smirk—predatory, like of a serpent. “You challenged me, I just accepted it.” Marahan ang iling ni Michelle—puno ng galit. “You lied to me! Pinaniwala mo ako na pakakasalan mo ako pero niloko mo lang ako! You’re even planning to bankrupt my family's business! Ang sama sama mo!” “That's what you get for threatening Ilana's life. And you know what? I can be worse than that, Michelle. Try h

    Last Updated : 2025-04-12
  • Divorce Me If You Can   Chapter 64: Fierce

    PAULIT-ULIT ang pagbuntong-hininga ni Ilana habang pinagmamasdan si Cloudio na nililinis ang kusina. Matapos magsuntukan ng dalawa ay nagwalk-out si Brian at agad nagpaalam si Lovella para sundan ito matapos magsorry kay Ilana. Pinasadahan ni Ilana ng tingin ang mga nabasag na gamit. Maging ang niluto niyang ulam ay natapon. “Tsk!” Umiling si Cloudio habang nakatingin sa natapon na ulam. Madilim ang ekspresyon sa mukha nito at sa unang pagkakataon ay nakitaan ni Ilana ng galit ang mga mata ng binata—galit na tinabunan ang panghihinayang sa nasayang na pagkain. “Cloud, sa labas nalang tayo kumain. Hayaan mo na muna iyan.” Tumayo si Cloudio at lumapit sa kaniya. Karga niya si baby Nayi kaya maingat ito nang yakapin siya at halikan sa ulo. “I’m sorry. Dapat pinigilan ko ang sarili kong patulan siya. Nasira tuloy ang mga gamit mo.” Umiling si Ilana. “Hayaan mo na iyang mga iyan. Hawakan mo muna si baby. Kukunin ko lang ang stroller.” “Ako na ang kukuha—” “Nope.” Umiling si Ilana. “M

    Last Updated : 2025-04-12
  • Divorce Me If You Can   Chapter 65: Freedom

    “DON’T think about it.”Napaangat ng mukha si Ilana habang nakaupo sa bench. Inabutan siya ni Cloudio ng ice cream na agad naman niyang tinanggap. Sa ilalim ng lilim ng puno ay tahimik na nag-iisip si Ilana. Hawak niya sa kaliwang kamay ang ice cream na nasa cone at sa kanan ay ang stroller. Naupo kaagad sa tabi niya si Cloudio.“They don’t know about us. They don’t know how happy we are in our lives.” Dugtong ni Cloudio.Bumuntong-hininga si Ilana. “Tama ka pero naisip ko lang rin ang sitwasyon natin. Kasal pa ako, Cloud.”“Then, what do you want to do?”Bumaling si Ilana sa binata. “Kailangan kong bumalik para asikasuhin ang paghihiwalay namin ni Gray.”Hinawakan ni Cloudio ang kamay niyang nasa stroller. “Will you be okay? Hindi kita pipigilan sa mga gusto at kailangan mong gawin, Ilana. Pero nasaksihan ko kung paano ka nasaktan noon kahit nakikita lang siya. Sigurado ka bang kaya mo na siyang makita?”Napatitig siya sa binata. “Bakit hindi ka nagagalit? Dapat magalit ka kasi nagbab

    Last Updated : 2025-04-13
  • Divorce Me If You Can   Chapter 66: Win Her Back

    INALIS ni Gray ang suot na jacket nang makalabas ng terminal. Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang sundo niya nang may sasakyang pumarada sa kaniyang harapan. Bumaba ang bintana sa passenger seat at bumungad sa kaniya ang mukha ng pinsan. Sumilip si Gray sa backseat bago binuksan ang pinto ng passenger seat. “Nasaan ang anak mo?” “Iniwan ko sa sekretarya ko.” “Sekretarya? Akala ko ba ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa kaniya.” Bumuntong-hininga si Grant saka pinaandar ang kotse. “Wala akong choice. Nahuli ako ni Elenita na bumibili ng formula kasama si Gavin.” “Gavin?” “Iyong bata. Last week napansin ko na may nakaburdang pangalan sa panyo na kasama sa mga gamit niya. Gavin ang pangalan niya.” “Napapaternity test mo na ba?” “Oo.” Bumuntong-hininga si Grant. “Ngayong week ko makukuha ang result.” “Anticipating a positive result?” “Hindi ko alam.” Napalunok si Grant. “Sa ilang buwan kasi…parang umiikot na sa batang iyon ang mundo ko.” Pumikit si Gray.

    Last Updated : 2025-04-13
  • Divorce Me If You Can   Chapter 67: Reunited

    SA LUMIPAS na mga araw at linggo ay napatunayan ni Ilana na handa na siyang harapin ulit ang dating asawa. Habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksyon ay hindi na makita ni Ilana ang babaeng dating mahina at baliw na baliw sa pagmamahal sa isang Gray Montemayor. Ang babaeng handang isuko ang lahat para sa pagmamahal na nakakaubos, nakakaupos…Pwede pala iyon… Pwede palang magwork ang isang relasyon kahit hindi ka desperada sa sitwasyon. Pwede palang maging masaya kahit hindi ibuhos ang sarili sa sobrang pagmamahal. Mas magwowork pala kapag may natira pang pagmamahal sa sarili.Isang magaang halik sa pisngi ang nagpabalik kay Ilana sa realidad. She was sitting in front of the vanity, behind her was Cloudio—smiling sweetly, and holding three pieces of tulips.A sweet smile crept on Ilana’s lips. “Mapupuno na ng tulips ang apartment ko.”Mahinang natawa ang binata. “Paalala iyan kung gaano ako kabaliw sayo.”“Bolero.” Inamoy ni Ilana ang bulaklak bago pinatakan n

    Last Updated : 2025-04-14
  • Divorce Me If You Can   Chapter 68: Mercy

    GRAY was stunned. The sharp contour of her face. Her arched brows emphasizing her deep expressive eyes and long eyelashes. The high bridge of her pointed nose. The natural glow of her pinkish cheeks. Her red, plump—always been kissable lips. Her soft and smooth hair, dancing with the wind. Everything about her changed. The way she carries herself was full of confidence. The heaviness of her stare holds power. Biglang nanliit si Gray. This is what a happy Ilana looks like. “Pinagtataguan mo ba ako?” Ulit nito sa kalmadong boses. Malayong-malayo sa garalgal at nagmamakaawang tono nito noon na malinaw pa sa kaniyang alaala. Malayong-malayo sa babaeng sinaktan niya ng husto. “Ilana…” “Bakit hindi ka sumagot?” “Ilana…” “Kapag hindi ka tumigil sa katatawag sa pangalan ko, ihahampas ko sayo ang bag ko. Sagutin mo ang tanong ko, Gray. Pinagtataguan mo ba ako?” Umiwas ng tingin ang binata at napalunok. “H-Hindi—” “E bakit sinabi ni Grant kay Lovella na hindi ka pa nakakauwi?” “Sinunga

    Last Updated : 2025-04-14
  • Divorce Me If You Can   Chapter 69: Nightmare

    “KAWAWA naman siya.” Kanina pa paulit–ulit na sinasabi iyon ni Lovella. Nagpapahangin sila sandali dahil talagang tumaas yata ang presyon ni Ilana sa inis kay Gray. “Kawawa naman siya… Para siyang naliligaw na tuta nang iwan mo…” Tiningnan ng matalim ni Ilana ang kaibigan. “Hindi siya naawa sakin nang ako ang saktan at iwan niya, Lovella. Saka akala ko ba gaganti ka sa ginawa niyang pananakit sakin? Balak mo pa ngang pasabugin ang mga Montemayor. Ano? Bumaliktad ka na?” Sumimangot ang dalaga. “Syempre hindi! Naawa lang ako kasi mukhang nagsisisi naman iyong tao.” Umismid si Ilana. “Hindi siya nakakaawa.” “Pero infairness, very good ka don! Pintrakis mo?” Umiling si Ilana at humigop ng iced coffee. Leche! Bakit ba iced coffee ang binili ni Lovella para sa kaniya? Ipinatong ni Ilana ang cup sa bench saka sinagot ang kaibigan. “Impromtu iyon. Nairita lang talaga ako nang manghingi siya ng isa pang chance. Ni hindi nga niya alam ang mga ginawa niyang kasalanan sakin. Ang ak

    Last Updated : 2025-04-15

Latest chapter

  • Divorce Me If You Can   Chapter 94: Choices

    ILANA and Nayi are swimming on the pool. Nag-eenjoy silang mag-ina habang naglalaro ng bola nang biglang nagtanong si Nayi.“Mama, love mo ba po si papa dati?”Saglit na natigilan si Ilana bago marahang inihagis sa anak ang bola. Nasa mababaw na parte si Nayi samantalang nasa hanggang sikmura naman ang tubig sa kinatatayuan ni Ilana.“Oo naman.” Nakangiting sagot ni Ilana. She saw how her daughter’s eyes twinkled and her lips stretched into a sweet smile. “Mabait po ba si papa sa inyo?”Muli ay natigilan si Ilana. “Mabait siya at maalaga, baby.”“Talaga po? Pero…” Biglang nabura ang ngiti nito. “Bakit hindi po natin siya kasama dito sa bahay? Bakit po kayo naghiwalay?”Lumunok si Ilana at hinaplos ang basang buhok. Binitawan niya ang bolang ibinalik sa kaniya ni Nayi saka nilapitan ang anak. She caressed her cheek. “Hindi madali kay mama na iwan si papa, anak. Pero kailangan dahil nasaktan ng husto si mama.”“Sinaktan po kayo ni papa?”Umiling si Ilana. “Hindi pero parang ganoon. Nag

  • Divorce Me If You Can   Chapter 93: Happiness

    ALAM ni Ilana na mahirap nang ayusin ang mga bagay na nasira. Tulad ng tiwala na hindi na mahirap ibalik ng buo. Hindi mapapantayan ang bawat sakit na naranasan niya habang pilit na inaabot ang kaligayahan at tahimik na buhay. Sa paglakad niya sa diretsong daan ay may mga tao siyang nasaktan hanggang sa hindi niya namalayang naliligaw na pala siya at hindi na makita ang paroroonan.Her failed marriage with Gray was planned. She just tried to fight for it pero alam niyang iyon talaga ang kahahantungan.“Mama, thank you sa pagtupad ng wish ko.”Napatingin si Ilana sa batang katabi. Yakap nito ang isang malaking manika. Nakatirintas ang mahaba at tuwid nitong buhok at kitang-kita sa mga mata ang kislap ng kaligayahan. Ngumiti si Ilana at hinalikan ang pisngi ng batang babae. “Basta para sa baby ko.”“Mama, may isa pa akong wish.”Bahagyang hinarap ni Ilana ang anak. Nasa eroplano sila pauwi sa Pilipinas. Seventh birthday na ni Nayi sa isang araw at nagrequest ito na magcelebrate ng birt

  • Divorce Me If You Can   Chapter 92: Family

    HINDI mapakali si Ilana habang palakad-lakad sa harap ng emergency room. Akala niya ay ayos lang ito pero nang kinaumagahan ay nilalagnat na ang bata kaya naman agad niya rin itong dinala sa hospital. Nayi was checked last night after everything, and although Ilana knows this might happen, she’s still shocked.Habang palakad-lakad ay natagpuan ng mga mata ni Ilana si Grant na naglalakad sa hallway at padaan sa gilid niya. Nakita siya nito at agad na bumalatay ang pag-aalala sa mukha.“Anong nangyari?”Tiningnan ni Ilana ang emergency room. “Nagkaroon ng mataas na lagnat si baby.”Napabuntong-hininga si Grant. Kinagat naman ni Ilana ang pang-ibabang labi. Hindi niya nakumusta ang kalagayan ni Gray dahil kagabi ay agad na rin siyang nahiwalay sa mga ito. Nang dumating kasi ang pamilya nina Gray at Grant ay agad nang umatras at umalis si Ilana.“Kumusta…si Gray?” Hindi napigilang tanong ni Ilana.“Nasa ICU,” pabuntong-hiningang sagot ni Grant. “Kritikal siya at kailangang tutukan ng dokto

  • Divorce Me If You Can   Chapter 91: Saved

    HABANG nakatingin at nagmamakaawa si Ilana kay Tres ay biglang gumulong mula sa kung saan si Grant. Duguan ang mukha nito at may sugat sa kilay habang nakahiga sa harapan niya at sapo ang tiyan.“Grant!” Lumuhod si Ilana sa harapan ng lalaki.Umubo ito at dumura ng dugo. “I’m fine…”Mula sa pinaggalingan ni Grant at lumabas ang isang lalaking may malaking katawan. Hindi ito kilala ni Ilana pero tiyak niyang kasama ito ni Tres nang kunin ang anak niya.Pinagmasdan ni Ilana ang lalaki—malaki ang katawan at mukhang sanay makipagpatayan.Muling tiningnan ni Ilana si Tres. “Tres, please…ibalik mo na sa akin ang anak ko. Ako nalang ang parusahan mo. Ako nalang…”Tumawa ang lalaki. “Ibabalik ko naman siya sayo, Ilana. After ten years.”Nanginig ang mga labi ni Ilana. “W-What?”Maya-maya pa ay lumabas si Gray. Nagulat si Ilana nang makitang may tama ng ng baril ang tagilan nito pero pinipilit pa ring maglakad.Dumura ito ng dugo at tiningnan ng masama si Tres. “Ibalik mo ang anak ko, gago ka!”

  • Divorce Me If You Can   Chapter 90: Gun

    WALA nang magagawa ang pagsisisi at paninisi kaya imbes na magsalita pa ay nanahimik nalang si Ilana. Hanggang sa nasa loob na siya ng kotse ni Gray para puntahan ang mga ari-arian ng mga Fortunato ay hindi siya nagsasalita. Ramdam naman niya ang pagsulyap-sulyap ni Gray sa kaniya.“I’m sorry..” Basag ni Gray sa nakabibinging katahimikan. “I’m sorry kung…nadamay kayo sa gulo ng pamilya ko.”Ilana looked outside. “Tres holds a grudge against my father, Gray. Girlfriend niya ang namatay na kapatid ni Cloud.”Nawalan ng imik si Gray nang marealize ang gusto niyang iparating. Parehas na silang tahimik hanggang sa nakarating sila sa property na tinutukoy ng kausap ni Gray sa telepono.Isang lumang mansion. Neo-classical style. Luma na ang pintura pero malinis pa rin na tila alaga.“This is the place…” Ani Gray habang inaalis ang suot na seatbelt. “Ichecheck ko sa loob. Dito ka lang, Ilana.”Tumango si Ilana. Gusto niyang sumama sa loob pero ayaw niyang magsayang ng oras. Isa pa ay baka may

  • Divorce Me If You Can   Chapter 89: Whose Fault

    “ILANA, hindi ka pa pwedeng umalis.”Umiling si Ilana sa ina ni Gray. “Ma’am, kung kayo ang nasa kalagayan ko hindi rin kayo mapapanatag.”Bahagyang natigilan ang ginang. “Naroon na ako pero…”“Hindi po ako matatahimik. Kailangan kong makita ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saan pa ako makarating.”“Ilana…” Bago pa makababa ng hagdanan si Ilana ay tinawag siya ng senyora na kanina pa nakikinig.Humugot si Ilana ng malalim na hininga. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa pamilya ni Gray at hindi niya masisisi ang mga ito nang magalit ito at palayasin siya. Isa sa dahilan kung bakit nangingilag siya sa senyora. Nahihiya siya.Dahan-dahang humarap si Ilana. Walang kahit na anong galit o pagkamuhi na mababakas sa mukha ng matanda.“I’m sorry… For not fighting for you.”Bumigat ang dibdib ni Ilana. Napalunok siya at kumuyom ang kamao. “Sorry din ho sa mga…nagawa ko. Pero senyora, hindi ko kailangan ang awa niyo.”“Alam ko…” Tumango ang senyora. “At hindi ako naaawa sayo, Ilana. Gus

  • Divorce Me If You Can   Chapter 88: Accomplice

    “ANONG sinabi mo?” Pakiramdam ni Brian ay nabingi siya. Tumawa si Tres at naglakad sa harapan niya. “I said Cloud knows. Lahat-lahat. “Tangina, magkasabwat kayo? Niloko niyo si Ilana?” “I didn’t.” Umiling si Tres habang nakataas ang dalawang kamay. “Hindi ko siya niloko. Una palang sinabi ko na sa kaniya na ‘wag siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Ayan tuloy…” “Fck you, Tres! Pakawalan mo ako, hayop ka! Papatayin kita!” “See how karma works, Brian? It was cunning.” “Anong karma ang pinagsasabi mong hayop ka? Sadyang malaki lang ang diperensya mo kaya ginawa mo ito! Nasaan ang hayop na Cloudio na iyon? Dalhin mo siya dito. Tangina!” Bumukas ang pinto at natawa muli si Tres. “Well… I don’t really have to bring him here.” Pumasok si Cloudio—walang emosyon ang mga mata. Nagwala si Brian sa kinauupuan. “Hayop ka, Cloud! Pinagkatiwala ko siya sayo tapos traydor ka palang demonyo ka? Hayop ka, mamamat-y ka rin!” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Cloudio. “Brian—” “W

  • Divorce Me If You Can   Chapter 87: Traitor

    MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ng mga mata si Brian. Nakagapos ang mga kamay at binti niya sa kinauupuan. Bahagyang tumagilid ang ulo niya habang inaalala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Naabutan nila nina Tres at Cloudio ang dumukot kay baby Nayi pero may bigla nalang pumalo sa ulo niya at nawalan siya ng malay. “Fuck!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Brian habang sinusubukang pakawalan ang sarii. Tyempo namang bumukas ang pintuang nasa harapan niya at pumasok ang isang taong hindi niya inaasahang makita sa sitwasyon niya. “What the fck is this, Tres?” Kuyom ang mga nakagapos na kamay ni Brian habang tinitingnan ang kaibigan na naglalakad palapit sa kaniya. Magulo ang buhok nito pero kalmado ang hitsura. “Makakagulo ka lang, Brian.” Kumunot ang noo ni Brian. “You fcking did this?” Bumuntong-hininga si Tres, tila dismayado. “Wala ka naman kasi dapat sa binyag. Bakit ba pumunta ka pa? Talent mo bang saktan ang sarili mo?” Inuga ni Brian ang sarili sa k

  • Divorce Me If You Can   Chapter 86: Search

    “SUMAGOT ka, Gray!” Puno ng frustrasyon ang boses ni Ilana.Umiling si Gray. “Hindi ko gagawin iyon, Ilana. Hindi ko kukunin sayo ang anak natin!”“Then, why are you leaving?!” Halos magwala si Ilana habang nakaturo sa mga maleta. Nawalan ng imik si Gray at napatitig sa kaniya. Mas lalo namang tumindi ang paghihinala ni Ilana.Gulat ang pamilya ni Gray sa mga naririnig.“Anong nangyayari?”Hindi pinansin ni Ilana ang ina ni Gray, sa halip ay dumiretso siya sa hagdan para pumasok sa kwarto ni Gray. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kaniya.“Ilana—”Pabalyang binuksan ni Ilana ang pinto ng kwarto ni Gray. Dumiretso siya sa banyo, sa walk-in closet, saka muling lumabas at binuksan ang iba pang silid. Natigilan siya nang may isang kwarto na nakalock.Hinarap niya si Gray. “Buksan mo ito.”Bumalatay ang sakit at takot sa mga mata ni Gray. “Ilana, that’s Grant’s room. Ayaw niyang pabuksan—”“Bubuksan mo o sisirain ko?!”Walang nagawa si Gray. Kinuha niya ang susi sa sarili niyang kwarto bago

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status