Ito ang unang beses na pumayag si Zsa Zsa sa desisyon ng dalawa, kaya parehong nagulat sina Benjamin at Diana.Tiningnan ni Zsa Zsa si Diana at napabuntong-hininga, “Handa siyang mamatay para lang makasal sayo. Kailangan mong pakasalan ang babaeng ito.”Sa isip-isip niya..‘Pakakasalan mo siya, tapos araw-araw na lang siyang tatalon mula sa kung saan-saang building, guguluhin ka at papatayin ka sa stress araw-araw! Gusto mo iyon, hindi ba?”Gusto niya talaga si Celestine para kay Benjamin pero kinailangan niyang inisin si Diana para matigil na ito sa kanyang mga pag-iinarte.Tinitigan ni Zsa Zsa si Benjamin at habang iniisip niya ito, lalo siyang naiinis sa kanyang anak!Ang anak niyang ito, talagang walang kwenta! Hindi nag-iisip! Talagang pakakasalan pa niya si Diana?“Tita, totoo po bang pumapayag na kayong pakasalan ako ni Benj? Hindi na po ba kayo galit sa akin?” Lumuluha sa tuwa si Diana sa tuwa nang marinig iyon.Tumango si Zsa Zsa at nagsalita, “Oo, pumapayag na ako sa kung an
Kinabukasan, kumalat ang balita sa lahat ng dako na ikakasal na sina Benjamin at Diana. Napahawak sa ulo si Wendell habang binabasa ang mga ulat, “Hayop talaga ang lalaking ’yan! Kahit kailan ay hindi na tayo binigyan ng kahihiyan!” “Bakit ka ba nagagalit? Ako nga, hindi man lang naiinis noong marinig ko iyan.” Nakaupo si Celestine sa sofa, chill lang habang kumakain ng potato chips. “Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo!” Tinapik ni Wendell ang ulo ni Celestine. “Ilang araw na lang ba bago ang tapos ng divorce period mo?” Binuksan ni Celestine ang kanyang cellphone para tingnan. “Isang araw bago ang cruise party sa Villamar City.” “Sakto! Makakagala ka sa araw ng cruise party! Makakahanap ka ng ibang lalaki na babagay para sa’yo,” Natutuwa pang tinapik ni Wendell ang kanyang hita. Ngumiti lang si Celestine at walang sinabi, pero hindi niya nakalimutang i-check ang mensahe ni Vernard sa kanya. “Yung cypress flower grass na hinahanap ko para kay grandpa, ilang araw na pero hindi
Tahimik na pinanood ni Celestine ang nangyayari at narinig niyang mahina lang na nagsabi si Benjamin ng, "Hmm."Napakahina. Parang kahit anong mahinang ihip ng hangin, pwede siyang tangayin nito at bigla na lang mawala."Diana, bumaba ka na at mag-usap tayo, ganyan ka ba talaga? Parang lagi mo na lang binabasag ang puso ko bilang ina mo!" umiiyak na sabi ni Mary sa kanyang anak, nanginginig ang katawan.Nawawala pa rin si Freesia, hindi niya pa rin ito mahanap, at ngayon pati si Diana, mawawala rin ba dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay?Paano pa siya mabubuhay? Kung ang dalawang anak niya ay mawawala na lang?Itinakda na ba siyang mabuhay sa dalamhati habang-buhay para sa kanyang mga anak?"Ma, sorry. Hindi ko naman gustong gawin 'to, pero sobrang lungkot ko na talaga at hindi na ko makapag-isip ng tama." Umiling si Diana habang umiiyak, "Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos, kahit ipikit ko lang ang mga mata ko, hindi ako masaya sa mga nangyayari sa buhay ko. Ayaw ko
Habang nagpapagaling si Diana sa bahay, bigla siyang nakatanggap ng message sa kanyang cellphone.Si Jerome, ang lalaking inuutusan niyang pumatay kay Celestine ay tinawagan siya.“Miss Valdez, napag-alamanan ko na iniimbestigahan ka pa rin ni Mr. Peters hanggang ngayon.”Mahigpit na kinapitan ni Diana ang kanyang cellphone, ramdam ang pagkainis sa paghawak niyang iyon.Hindi pa rin siya pinagkakatiwalaan ni Benjamin hanggang ngayon kahit na ilang beses na niyang sinabi rito na siya talaga ang nagligtas sa kanya!Galit siyang tumayo at tumingin sa labas ng kanyang bahay, nakakunot ang noo niya.Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang fruit knife sa coffee table. Napakuyom siya ng kamao at mabilis na nilapitan iyon.Di nagtagal, may sumigaw mula sa loob ng bahay ng pamilya Valdez.“Naku! Naglaslas ng pulso si Diana! Tulungan niyo ko! Kailangan natin siyang madala sa ospital sa madaling panahon!”“Sir! Madam! Nagpakamatay si Miss Diana at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!”Kuma
Nagliwanag ang pagkagulat sa mga mata ni Veronica noong mga oras na iyon ngunit agad niya itong itinago matapos marinig kay Celestine ang mga salita.Totoo nga."Miss Yllana, napansin ko lang, maganda pala ang butterfly tattoo sa likod mo. Bakit ngayon ko lang nakita na may tattoo ka pala? Ang tagal ko nang nagtatrabaho kay Mr Peters pero ngayon ko lang napansin iyan."Napahawak si Celestine sa kanyang likod, napabuntong-hininga nang hindi sinasadya pagkatapos ay binuksan ang pinto ng ward, at sinabing, "Wala akong tattoo noon kaya wala ka talagang makikita.”"Ito ang ward ni Reynaldo Reyes," turo ni Celestine sa loob.Nalinis na ng nurse ang kwarto kaya’t wala nang laman ngayon sa loob.Tiningin-tingin si Veronica sa paligid, maingat na hinawakan ang bawat sulok pero wala siyang nakita."Naghahanap ka ba ng kung ano?" tanong ni Celestine kay Veronica.Suminghot si Veronica at nagtanong, "Noong nilinis ba ng nurse ang banyo, may nakitang bagay na naiwan ni Reynaldo? Kahit ano?""Sa pa
Nag-aalaga ng kanyang balat si Celestine sa bahay nang bigla niyang marinig ang malakas na sigaw ni Wendell sa ibaba.“Sobrang kapal ng mukha ng Benjamin Peters na ‘yan! Pinakialaman ang mga kargamento ni Benedict Salvador sa kalagitnaan ng gabi! Ano bang pumapasok sa utak niya at nangingialam?”Binuksan ni Celestine ang pinto at pumwesto sa railing sa second floor, pinagmamasdan si Wendell na galit na galit sa sala ng kanilang bahay.“Anong kinalaman ng mga kargamento ni Benedict Salvador kay Papa?” tanong ni Celestine sa kanyang sarili mula sa taas.Napatingala si Wendell, saka nag-isip. “Wala pa naman ngayon, pero malapit na tayong makipag-cooperate kay Benedict Salvador. Kung may mangyari sa kumpanya nila, madadamay din ang kumpanya natin!”Galit pa rin ang tono niya nang sabihin iyon.“Ano bang pinaggagagawa ni Benjamin? Anong gusto niya? Hindi naman ‘yan nakikialam sa customs noon! Bakit ngayon pa siya nangialam?!”Napakagat-labi si Celestine habang nakahawak sa railing, malali