Share

Chapter 176

Author: Athengstersxx
last update Huling Na-update: 2025-03-27 12:07:26

"Benjamin? Bakit ka nandito?"

Nagulat si Benjamin nang makita niyang si Wendell ang naroon. Sa isip-isip niya, baka kaya kasama ni Celestine ang kanyang pamilya ay dahil namamabhikan na si Eduard sa kanila.

Tiningnan ni Wendell si Benjamin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, lumingon siya kay Celestine at nagtanong, "Ikaw ba ang nag-invite sa kanya na pumunta rito?”

"Hindi niya po ako ininvite. Ako po mismo ang pumunta," sagot ni Benjamin habang nilampasan si Wendell papunta sa loob ng kwarto.

Nagulat si Wendell dahil tila wala sa lugar ang kilos ni Benjamin. Kahit hindi gusto ni Benjamin si Celestine, lagi naman siyang maayos ang asal tuwing nakikita niya ito at si Nancy nitong mga nakaraang taon.

Pero ngayon, halatang hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at walang paki sa mag-asawa.

Pagpasok ni Benjamin sa kwarto, napansin niyang dalawa lang ang naroon, si Wendell at si Nancy.

Nang makita siya ng dalawa, bahagyang lumitaw ang pagkalito sa kanilang mga mata, at tumayo silang pare
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mylene Lanoria Teodoro
sana maging maganda naman story hnd puro pasakit nlng ky celestine
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 428

    Tumingin si Benjamin pataas sa bahay ng pamilya Yllana at mahigpit na hinawakan ang cellphone.Matagal siyang nakatingin bago umalis at hindi niya sinagot ang text ng designer.Kinabukasan, bumaba si Celestine at narinig si Nancy na nagsabi, “Nakita ko si Benjamin kagabi pag-uwi ko, dyan sa tapat ng bahay natin. Hindi ko alam kung bakit siya naroon.”Kalmadong kumakain ng almusal si Celestine at tinanong, “Gaano mo siya katagal nakita?”“Hmm, mabilis lang din. Akala ko nga bababa pa,” Kakauwi lang ni Nancy mula sa trabaho nang umalis si Benjamin sa harap ng bahay nila.Nagtaka siya kung bakit dumaan si Benjamin doon kaya nagpunta siya sa monitoring room at nakita niyang halos kalahating oras nakaparada sa tapat ng bahay ang sasakyan ni Benjamin sa harap ng bahay nila.Tumango lang si Celestine at walang sinabi.“May balita sa labas na ikakasal na raw siya kay Miss Valdez.” Uminom ng kape si Nancy at tiningnan si Celestine.Hindi nagpakita ng interes si Celestine. Patuloy lang siyang k

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 427

    "Mr. Peters, kailan mo ibibigay sa akin ang batch ng aking mga share na ilalagay sa kumpanya mo? Hindi mo pa rin ba ko papayagan ngayon?" Mariing pinagdikit ni Benedict ang kanyang mga labi, ang kanyang mga matang malalim ay puno din ng panganib.Tinitigan siya ni Benjamin sa kanyang kilay, na para bang gusto niyang arukin kung ano ang nasa isipan ni Benedict."Ang mga share ni Louis ay ipinagbabawal na ipasok sa kumpanya ko. Malinaw na regulasyon iyan. Kung ipipilit mo pa rin na ipasok ang mga share ni Louis, huwag mo na akong sisihin kung hindi kita bibigyan ng konsiderasyon na makapasok," malamig na sabi ni Benjamin, na may taglay na maharlika at may awtoridad sa kanyang boses.Napakunot ang noo ni Benedict, mapanukso ang kanyang tingin. "Mr. Peters, iyon na ba ang lahat ng kaya mong sabihin sakin?""Sapat na 'yan para harapin kita," sagot ni Benjamin habang bahagyang nakangisi, puno ng panunuya ang kanyang mga mata.Agad lumapit si Benedict sa kanya, bahagyang nag-iba ang ekspresy

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 426

    Hindi nagwala si Diana sa mga sumunod na araw. Nakipagtulungan siya sa gamutan niya sa ospital araw-araw at araw-araw din siyang sinamahan ni Benjamin para roon.Si Celestine naman ay sumunod sa nakasanayang routine niya.Tuwing uuwi siya ng bahay, palagi niyang naririnig ang reklamo ng kanyang ama tungkol sa batch ng mga produkto ni Benedict Salvador.Kumalat sa kanilang paligid ang balita na tinatakot at sinisiraan daw ni Benjamin si Benedict.Wala talagang magawa si Benedict sa ganitong klase ng galaw ni Benjamin, kaya't napilitan siyang labanan ito hanggang sa huli.Isang gabi sa isang dinner party, dumating si Celestine para sunduin ang lasing na ama na si Wendell. Pagpasok niya sa loob ng kwarto, agad niyang nakita ang ilang pamilyar na mukha.“Nandito na si Celestine,” bati ng isang nakatatanda habang kumakaway kay Celestine.Tumango si Celestine at tiningnan ang mga tao sa loob.Naroon sina Benjamin at Sean, pati na rin si Benedict na kasalukuyang pinag-uusapan sa buong Nueva

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 425

    Ito ang unang beses na pumayag si Zsa Zsa sa desisyon ng dalawa, kaya parehong nagulat sina Benjamin at Diana.Tiningnan ni Zsa Zsa si Diana at napabuntong-hininga, “Handa siyang mamatay para lang makasal sayo. Kailangan mong pakasalan ang babaeng ito.”Sa isip-isip niya..‘Pakakasalan mo siya, tapos araw-araw na lang siyang tatalon mula sa kung saan-saang building, guguluhin ka at papatayin ka sa stress araw-araw! Gusto mo iyon, hindi ba?”Gusto niya talaga si Celestine para kay Benjamin pero kinailangan niyang inisin si Diana para matigil na ito sa kanyang mga pag-iinarte.Tinitigan ni Zsa Zsa si Benjamin at habang iniisip niya ito, lalo siyang naiinis sa kanyang anak!Ang anak niyang ito, talagang walang kwenta! Hindi nag-iisip! Talagang pakakasalan pa niya si Diana?“Tita, totoo po bang pumapayag na kayong pakasalan ako ni Benj? Hindi na po ba kayo galit sa akin?” Lumuluha sa tuwa si Diana sa tuwa nang marinig iyon.Tumango si Zsa Zsa at nagsalita, “Oo, pumapayag na ako sa kung an

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 424

    Kinabukasan, kumalat ang balita sa lahat ng dako na ikakasal na sina Benjamin at Diana. Napahawak sa ulo si Wendell habang binabasa ang mga ulat, “Hayop talaga ang lalaking ’yan! Kahit kailan ay hindi na tayo binigyan ng kahihiyan!” “Bakit ka ba nagagalit? Ako nga, hindi man lang naiinis noong marinig ko iyan.” Nakaupo si Celestine sa sofa, chill lang habang kumakain ng potato chips. “Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo!” Tinapik ni Wendell ang ulo ni Celestine. “Ilang araw na lang ba bago ang tapos ng divorce period mo?” Binuksan ni Celestine ang kanyang cellphone para tingnan. “Isang araw bago ang cruise party sa Villamar City.” “Sakto! Makakagala ka sa araw ng cruise party! Makakahanap ka ng ibang lalaki na babagay para sa’yo,” Natutuwa pang tinapik ni Wendell ang kanyang hita. Ngumiti lang si Celestine at walang sinabi, pero hindi niya nakalimutang i-check ang mensahe ni Vernard sa kanya. “Yung cypress flower grass na hinahanap ko para kay grandpa, ilang araw na pero hindi

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 423

    Tahimik na pinanood ni Celestine ang nangyayari at narinig niyang mahina lang na nagsabi si Benjamin ng, "Hmm."Napakahina. Parang kahit anong mahinang ihip ng hangin, pwede siyang tangayin nito at bigla na lang mawala."Diana, bumaba ka na at mag-usap tayo, ganyan ka ba talaga? Parang lagi mo na lang binabasag ang puso ko bilang ina mo!" umiiyak na sabi ni Mary sa kanyang anak, nanginginig ang katawan.Nawawala pa rin si Freesia, hindi niya pa rin ito mahanap, at ngayon pati si Diana, mawawala rin ba dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay?Paano pa siya mabubuhay? Kung ang dalawang anak niya ay mawawala na lang?Itinakda na ba siyang mabuhay sa dalamhati habang-buhay para sa kanyang mga anak?"Ma, sorry. Hindi ko naman gustong gawin 'to, pero sobrang lungkot ko na talaga at hindi na ko makapag-isip ng tama." Umiling si Diana habang umiiyak, "Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos, kahit ipikit ko lang ang mga mata ko, hindi ako masaya sa mga nangyayari sa buhay ko. Ayaw ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status