“Hindi naman na kailangang lumipat pa tayo ng restaurant. Okay lang naman sa akin na makita silang dalawa.” Umiling si Celestine kay Eduard.“Celestine, huwag nang maging matigas ang ulo mo. Tara na, umalis na tayo rito,” mahinang sabi ni Eduard.Ngumiti si Celestine kay Eduard, “Huwag ding maging matigas ang ulo mo. Ano ka ba? Sabi ko, okay lang sa akin na makita silang dalawa.”Totoo naman ang sinasabi ni Celestine, ang simpleng pagkain sa restaurant na iyon at ang pagkikita nila ng dating mabuting kaibigan na ngayon ay magpapakasal na sa kanyang dating asawa ay isang napakagandang pagkakataon sa buhay niya.Unti-unting natapos ang VCR.Si Diana ay naiyak at natawa dahil sa nilalaman ng video, pero si Benjamin ay nakakunot-noo at nanatiling walang emosyon ang mukha pagkatapos ng kanyang napanuod.Pagharap ni Benjamin sa lahat ay bitbit na ni Diana ang bulaklak at singsing. Gulat na gulat si Benjamin noon.Saka lamang naintindihan ni Benjamin kung bakit nagpumilit si Diana na umalis
Iniabot ni Eduard ang menu kay Celestine at nagsimulang makipagkuwentuhan sa waiter, “Ang romantic naman, at marunong talaga siyang pumili ng lugar ah, may taste siya. Siguradong sasagutin siya ng babae.”“Oo nga po, pero alam niyo po ba? Babae ang magpo-propose sa lalaki! Hmm, kakaiba nga po, e!” seryosong ibinunyag ng waiter kay Eduard.Nagulat si Eduard sa sinabi ng waiter, “Babae ang magpo-propose? Ang tapang naman! Tama ka, kakaiba nga iyon, ah!”Nang marinig ito ni Celestine, tumingin din siya sa waiter. Parang gusto niya ring makipagchikahan dahil sa narinig.Babae ang nag-propose.Kakaiba nga. Pero wala namang dapat ikagulat sa totoo lang. Iba na ang panahon ngayon, marami na ang babaeng matapang na mag-propose. Siguro nga ay mahal na mahal talaga nila ang lalaki kaya ganoon.Tanggap na rin naman ito ng lahat. Mas mabuting ganoon na ang mangyari pero kung hindi man, ayos lang din. Huwag na lang sana nilang sayangin ang oras, wala namang saysay kung gagawin nila iyon.Umorder s
Matagal nang hindi nanonood ng sine si Celestine. Ang huli niyang pinanood ay noong gumanap ng cameo role ang kaibigan niyang so Shiela sa isang pelikula. Ang pelikula ngayon ay medyo romantic at karamihan ng mga nanood ay mga batang magkasintahan, lahat sila ay sobrang sweet sa isa't isa. May nag ho-holding hands, naghahalikan at kung anu-ano pa. Naupo sina Celestine at Eduard sa bandang likuran. Katabi nila ang isang magkasintahan na halatang in love na in love sa isa’t isa. Hindi alam ni Celestine kung matatawa o maiinis siya sa kanyang nakikita. “May alam akong isang rooftop restaurant na may masarap na pagkain at good ambiance. Gusto mo bang pumunta tayo doon mamaya?” nakayukong tanong ni Eduard kay Celestine. Tumango si Celestine pagkatapos at ngumiti, “Sige ba. I-try natin doon.” Ngumiti si Eduard kay Celestine, “Okay sige. Good to know na payag ka.” Hindi napigilan ni Celestine na titigan si Eduard noong mga oras na iyon. Mabait talaga si Eduard sa kanya. Pero hindi ta
Narinig ni Diana ang sinabi ni Mary at agad na umiling. “Ayoko, Mommy. Ang gusto ko lang pakasalan ay si Benjamin. Wala nang iba pa. Naiintindihan mo ba ako?” Sa buhay niya, hindi siya magpapakasal kahit kanino man maliban kay Benjamin Peters. Kailangan niyang mapasaya si Benjamin at sa gayun ay pakasalan siya nito. Kahit anong paraan pa ang gamitin niya! Gagawin niya iyon mangyari lang ang gusto niya! “Bahala ka kung anong gusto mo. Ang akin lang naman ay hindi lang si Benjamin ang lalaki sa mundo. At syempre, gusto kong sumaya ka rin.” Singhal ni Mary sa kanyang anak, sabay kuha ng kanyang bag. “May gagawin pa ako ngayon, aalis na ako.” “Sabihin mo na lang sa Tita Deth mo kung ano ang gusto mong kainin. Para ipapahanda ko at ipapadala rito.” Pagkasabi niyon, umalis na si Mary. Nakita ni Diana ang papalayong pigura ni Mary at bumigat ang kanyang dibdib. Kahit mabuti ang trato ng pamilya Valdez sa kanya, madalas ay hindi niya maramdaman ang tunay na pagmamahal mula s
Ngumiti lang si Wendell sa kanya at nagsabing, “Kapag naintindihan mo na and lahat, kunin no na ang ari-arian ko. Gusto ko na magbakasyon. Gusto ko nang mag retire, anak.”Hindi ulit nakapagsalita so Celestine noong mga oras na iyon.Hindi ba’t inaalam na nga niya ngayon ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay?Sa isip-isip niya..‘Hay, itong pamilyang ‘to, hindi ba pwedeng pagkatiwalaan lang ako kahit sandali?! Madali lang naman iyon, bakit hindi nila magawa?’Napabuntong-hininga si Celestine, naghanda na ng kanyang sarili at pumasok na sa trabaho.On the way to work, nakatanggap siya ng tawag mula kay Eduard, “May magandang pelikula na palabas ngayon. Gusto mo bang manood tayo mamayang gabi? Don't worry, it's my treat. Matagal na rin tayong hindi nakakapag bonding, e.”Tumaas ang kilay ni Celestine at bahagyang nag-isip. “Sige. Ayos lang sa akin. Wala naman akong gagawin mamaya.”Medyo nagulat si Eduard na pumayag agad si Celestine sa request niya. “Sige, susunduin kita mamaya pagkatap
Dalawang kotse ang nagmamadaling tumatakbo sa amber road. Palitan sila ng pangunguna, tila nasa contest na walang makalamang.Galit si Celestine nang dumating siya ngayon, kaya’t todo ang pagmamaneho niya. Pero kumpara ng maraming taon na ang nakalipas, tila bumaba na ang kanyang galing pagdating sa car racing.Ang asul na kotse ay nagbigay ng kakaibang kasabikan kay Celestine. Mas kapanapanabik ito kaysa sa karera niya laban kay David Arcelli. Sa wakas, parang may totoong kalaban na siya at hindi tatanga-tanga.Muling nagsabay ang asul na kotse at ang kotse ni Celestine sa track. Ipinakita ng navigation system na malapit na ang finish line, lampas lang sa kanto. Malapit na so Celestine.Pinagdikit ni Celestineang kanyang mga labi, hinawakan nang mahigpit ang manibela gamit ang dalawang kamay at tiningnan nang malalim ang kabilang kotse.Sakto namang tumingin din ang tao sa asul na kotse sa kanyang direksyon. Nakita ni Celestine ang isang pares ng malalalim na mata ng lalaki.Sa sumun