Share

Chapter 48

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-08-08 23:49:43

NAPAATRAS si Jewel habang si Archie naman ay naglalakad ng pasulong kaya muli silang napunta sa loob ng elevator.

“A-Anong ginagawa–” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil muli na naman nitong inangkin ang kanyang labi. Hindi nagtagal ay unti-unti na siyang tumutugon.

Niyakap na niya ito sa batok habang may mumunting ung*l na kumakawala. Doon naman biglang tumigil si Archie, walang salitang lumabas sa elevator at iniwan ang asawa na tulala. Bakas ang kalituhan sa mga mata.

Pakiwari ni Jewel ay nananaginip lang siya ng gising, na walang nangyaring halik sa pagitan nila. Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa condo kung saan ay naabutan niya pang papasara ang pinto.

“Welcome back, Ma’am,” pagbati ni Claire na hindi na sumama sa kanila at medyo masama ang pakiramdam.

Tipid na pagngiti lang ang iginawad ni Jewel. “Magpapahinga na ako ng maaga, Ate,” iyon lang ang sinabi niya saka naglakad patungo sa kwarto.

Pagbukas ng pinto ay natigilan pa siya matapos maabutan si Archie na inaali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 50

    NAPALINGON si Jian matapos marinig ang kapatid na bumubulong. “May sinasabi ka ba?” Sabay silip sa tinitingnan nito.Mabilis naman itinago ni Jewel ang phone bago pa ito may makita. “W-Wala, may nakita lang akong nakakatawang post.”Napakunot-noo si Jian dahil hindi naman ito natatawa. Ngunit sa halip na punahin pa ang ekspresyon ng kapatid ay nagpatuloy na lang siya sa pagkain.Binilisan naman ni Jewel ang pagkain saka siya nagpaalam na babalik sa kwarto. Nang nasa hagdan na siya ay natigilan at mahigpit na hinawakan ang railings. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at hindi maalis sa isip ang imahe sa post.Nakakatampo na hindi man lang pinaalam ni Archie na may nagaganap na celebration sa kumpanya, wala siyang kaalam-alam.“Siguro kasi… hindi naman ako gano’n kahalaga para ipaalam niya lahat ng nangyayari sa buhay niya?” kausap niya pa sa sarili.Saka niya napagtanto na kahit nag-uusap sila ni Archie, napagkukwentuhan ay marami pa rin itong hindi nasasabi sa kanya.“Miss, okay lan

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 49

    SA HALIP ay tumango na lamang si Jewel. “O-Oo, ‘Mmy,” tipid niyang sagot.Sakto naman na may kumatok sa pinto at pumasok ang katulong, dala ang pinahanda niyang prutas.“Miss, ito na ‘yung inutos niyo.”“Pakilapag na lang sa table,” ani Jewel. “Gusto mo ba nito, ‘Mmy?”Tumango ito saka bumangon sa kama. Kumain ito ng ilang pirasong mansanas na hinati sa maliliit. “Malaki ata ‘yang dala mong bag, dito ka ba magsi-stay ngayong gabi?” Na tinanguan ng anak. “Ayos lang ba sa asawa mo?”“Wala naman problema kay Archie, ‘Mmy.”Matapos ay saglit silang natahimik bago ito muling magsalita, “May maganda na bang balita?”Kumain ng isang pirasong mansanas si Jewel bago sumagot, “Hmm? Anong ibig niyong sabihin?”“Gusto ko lang malaman kung buntis ka na ba?”Naubo matapos ay nabilaukan si Jewel. Maging ang Ina ay nabigla sa reaksyon. “Ayos ka lang ba?” Habang hinahaplos-haplos ang likod ng anak.Tumango-tango naman si Jewel. “M-Masiyado pang maaga para mabuntis ako, ‘Mmy.”“Ilang buwan na rin kayon

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 48

    NAPAATRAS si Jewel habang si Archie naman ay naglalakad ng pasulong kaya muli silang napunta sa loob ng elevator.“A-Anong ginagawa–” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil muli na naman nitong inangkin ang kanyang labi. Hindi nagtagal ay unti-unti na siyang tumutugon.Niyakap na niya ito sa batok habang may mumunting ung*l na kumakawala. Doon naman biglang tumigil si Archie, walang salitang lumabas sa elevator at iniwan ang asawa na tulala. Bakas ang kalituhan sa mga mata.Pakiwari ni Jewel ay nananaginip lang siya ng gising, na walang nangyaring halik sa pagitan nila. Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa condo kung saan ay naabutan niya pang papasara ang pinto.“Welcome back, Ma’am,” pagbati ni Claire na hindi na sumama sa kanila at medyo masama ang pakiramdam.Tipid na pagngiti lang ang iginawad ni Jewel. “Magpapahinga na ako ng maaga, Ate,” iyon lang ang sinabi niya saka naglakad patungo sa kwarto.Pagbukas ng pinto ay natigilan pa siya matapos maabutan si Archie na inaali

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 47

    PAPASOK pa lang sa gate ang kotse ay ramdam na ni Jewel ang tensyon. Lalo na nang tingnan niya ang nakakuyom na kamay ni Archie. Panaka-naka rin itong humihinga ng malalim, tuloy parang gusto niyang malaman kung anong nasa isip nito.O, huwag na lamang kaya dahil baka si Chantal lang din ang laman. Ilang sandali pa ay naiparada na ng driver ang sasakyan, katabi lang din ng kotse ni Felip.Ibig sabihin, ay nasa loob na ang mga ito.Unang lumabas si Archie at sumunod siya, hindi na naghintay na pagbuksan at mukhang hindi na iyon mangyayari dahil nasa iba ang isip nito. Ngunit nang lumingon ito ay agad siyang lumapit, matapos ay hinawakan ang kanyang kamay saka sila naglakad papasok.Dumiretso sila sa receiving area kung saan nila naririnig ang ingay ng mga nag-uusap.Ngunit sina Amber at Thea lang ang naroon.“Kuya!” matinis na tawag ng kapatid saka ito sumalubong ng yakap. “Hello, ate Jewel,” magalang na bati ni Amber matapos ang yakap.“Hello,” tipid niyang sagot.Si Thea naman ay nag

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 46

    MATAGAL bago nakasagot si Archie, “Aalamin ko muna kung may libre akong oras. Pakitawagan na lamang ang secretary ko. Sige, ibababa ko na ‘to.” Mabilis niyang tinapos ang tawag at hindi na ito binigyan ng pagkakataong na magsalita.Dahil nasisiguro niyang gagamitin nito ang pagiging biyenan upang makuha ang gusto. Kaya paglabas sa elevator kung saan ay nakita niyang naghihintay malapit sa entrance ng gusali ang secretary ay sinabihan niya ito sa dapat gawin sa oras na tumawag si Patricio.“Masusunod, Sir,” tugon nito.Pagkatapos ay sumakay na sila sa kotse. Habang nasa kahabaan ng kalsada ay biglang napaisip si Archie. “May iba ba akong schedule outside office?”Mabilis na tiningnan ng secretary ang schedule list sa hawak na tablet. “Hmm… wala, Sir.”Napabuga ng hangin si Archie. “Bagalan mo lang ang pagmamaneho,” utos niya sa driver dahil ayaw niyang makaharap, early in the morning ang biyenan.Tumango ang driver. “Ililiko ko na lang ang kotse sa longer route, Sir.”Kaya inabot ng ma

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 45

    PAGPASOK ni Archie sa kotse ay agad siyang napasandal, pagod na pagod. Hindi man physically pero mentally dahil sa dami ng inasikasong trabaho.Dahil sa pagod ay nakatulog siya sa kinauupuan at nagising lang nang tapikin ng driver.“Sir, nandito na tayo.”Kinusot-kusot niya ang mata saka nag-inat ng katawan. Kahit papaano ay nakapagpahinga saka lumabas ng sasakyan. Pumasok sa condominium building at sumakay sa elevator. Ilang sandali pa ay nasa unit na siya, hinahanap sa paligid ang asawa.“Welcome back, Sir,” pagbati pa ni Claire.Tumango si Archie. “Si Jewel, nakauwi na ba?”“Nasa kwarto, Sir.”Pumasok si Archie sa kwarto ngunit hindi niya makita ang asawa. Binuksan ang pinto ng banyo ngunit wala rin doon hanggang sa tingnan niya sa balcony at doon nakitang nakatanaw sa paligid.Binuksan niya ang sliding door saka lumabas saktong napalingon ito.“You’re back.”“Anong ginagawa mo rito?”Ngumiti si Jewel saka tumuro sa isang direksyon. “Pinagmasdan ko lang ang paglubog ng araw, ang ga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status