ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.
Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niya.“Napadalaw ka,” saad ni Chris mula sa telepono.Kinausap ito ni Zia nang matagal at hindi na inalala ang limitadong oras.Nang kanailangan nang umalis ni Chris ay may ni-request pa ito, “Hanapin mo si Mia Torres, pwede ka niyang matulungan sa kaso ko.”Tumango si Zia at hindi na nagtanong kung sino ang tinutukoy ng kapatid. “Oo, Kuya. Hahanapin ko siya para sa’yo.”Kahit nasa hamba na ng pinto ay tila gustong bumalik ni Chris para samahan ang kapatid. Gusto niya itong damayan sa lungkot na nararamdaman lalo pa at nabasa niya sa diyaryo ang tungkol kay Louie at Bea. Nalulungkot si Chris na ang dating prinsesa ng pamilya ay pasan-pasan na ang responsibilidad na siya dapat ang gumagawa.“Mag-iingat ka palagi,” ito na lamang ang nasabi ni Chris.Biglang nanghina si Zia at mabigat ang loob na umalis sa booth habang iniisip ang inutos ng kapatid. Kailangan niyang mahanap si Mia Torres.Sa paglabas ng kulungan ay isang malungkot na balita ang natanggap niya mula sa kompanyang pagtatrabahuhan.Hindi na matutuloy ang offer sa kanya at mag-apply na lamang daw sa iba.Biglaan at talagang nakakapanghinayang.Hindi niya lubos maisip kung sa paanong paraan nagbago ang desisiyon ng kompanya hanggang sa bigla niyang maisip si Louie. Marahil ay ito ang may kagagawan. Upang hindi siya tuluyang makawala sa kamay nito.Gusto niyang sumigaw sa inis. “Bakit ayaw mo ‘kong tigilan, Louie?!”Hindi talaga maintindihan ni Zia kung bakit ayaw siyang tantanan ni Louie, gayong wala naman itong nararamdaman sa kanya.Hanggang sa muling makatanggap ng tawag mula sa unknown caller. Sinagot ni Zia para lang magsisi bandang-huli.“Nasa’n ka, kailangan nating mag-usap,” ani Louie.Ayaw itong harapin ni Zia ngunit alam niyang hindi siya titigilan hangga’t hindi nasusunod ang gusto nito. Kaya nagtungo siya sa kompanya.Inabangan pa nga siya ni Alice para maihatid sa opisina. May mangilan-ngilan ding empleyado ang nagbigay-galang na nginingitian ni Zia.Nang makarating sa opisina at naabutan niyang abala sa binabasang dokumento si Louie.“Nandito na po si Ma’am Zia, Sir,” pagbibigay alam pa ni Alice bago umalis.Nag-angat naman ng tingin si Louie. Matagal niyang hindi nakita si Zia ngunit ganoon pa rin ito, maganda kahit simple lang ang suot.Tumayo si Louie at lumapit. “Akala ko’y ‘di ka na magpapakita… Ba’t hindi ka muna maupo at marami tayong pag-uusapan.”“Hindi ako naparito para makipagkuwentuhan, Louie. Anong ginawa mo?”“Anong ibig mong sabihin, Zia? Wala naman akong ginagawa maliban na lang sa gusto kong bumalik ka,” maang-maangan pa ni Louie. Matapos ay naglabas ng sigarilyo at inipit sa labi.Nainis si Zia at inagaw ang sigarilyo sabay bali. “Maninigarilyo ka na naman sa harap ko?”Hindi naman naapektuhan si Louie sa ginawa nito at kinuha pa ang dokumentong pinagkakaabalahan kanina. “Tingnan mo nga ito. I already calculated the expenses sa ospital, sa case ni Chris at pati sa wedding ring na isinangla mo. Upon checking ay hindi bababa sa four-hundred thousand ang kakailanganin mo buwan-buwan.”“Ano namang kinalaman mo sa problema ng pamilya ko?”“Zia… asawa mo pa rin ako. Problema mo’y kailangan ko ring problemahin.”“Puwes ay tinatanggalan na kita ng karapatan kung gano’n,” ani Zia.Pagak na natawa si Louie. “Sa maikling panahong hindi tayo nagkita ay ganito ka na katapang na parang hindi tayo nag-s*x no’ng nakaraan, a?”“Ano pa bang kailangan mo, Louie? Kusa na nga akong umalis para maging malaya na kayo ni Bea… Siya ang mahal mo kaya ba’t ginagawa mo pang kumplikado ang lahat?”“Umamin ka nga, Zia. Ba’t atat na atat kang makipaghiwalay sa'kin, may iba na ba?”“’Wag mong baliktarin ang sitwasyon, Louie. Kung ayaw mo pa ring makipag-divorce ay mapipilitan akong gawin ang mga bagay na hindi mo magugustuha—!”Sa isang iglap ay kinabig ito ni Louie sa batok. “At anong gagawin mong hindi ko magugustuhan, Zia? Kakapit ka sa patalim? Wala namang mapapakinabangan sa'yo bukod sa ganda at katawan mo.”Nakipagtapatan ito ng tingin na mas lalo ikinainis ni Louie. “May papatol ba sa’yo lalo pa’t alam ng lahat na asawa kita? Saka, ako na mismo ang magsasabi sa’yo ng katotohanan. Hindi mo kayang magpaligaya ng lalake… wala kang skills.”Nabastos si Zia. Alam niyang ni minsan ay hindi siya nirespeto ni Louie pero masakit palang marinig ang totoo.Tulad ng unang gabi bilang mag-asawa. Masiyadong marahas sa kama si Louie na halos hindi niya kayanin ang sakit. Naging bingi ito sa mga d***g niya masiyahan lang sa ginagawa.“Kaya kung ako sa’yo ay bumalik ka na, Zia. Pagkatapos ay kakalimutan ko ‘tong kahibangan mo.”Hindi tanga si Zia para maniwala kaya nagpumiglas siya. “Hindi mo ‘ko mauuto, Louie. Gusto mo lang akong bumalik dahil wala ka ng mapaglalaruan sa kama sa oras na tuluyan akong makawala sa’yo.”Nang magawang makawala ay agad siyang tumakbo patungo sa pinto nang yakapin ni Louie mula sa likod. Kinabahan si Zia lalo pa nang maramdaman niya ang hininga nito sa kanyang leeg.Nangilabot siya nang marahas na ipinasok ni Louie ang kamay sa suot niyang damit. Hindi pa ito nakuntento at minasahe ang isa niyang dibdib.“Gusto mong makawala sa’kin, Zia? Pero bakit iba naman ata ang sinasabi ng katawan mo?”Biglang natauhan si Zia at nagpumiglas dahilan kung bakit natanggal ang ilang butones sa damit. Matapos ay isang malutong na sampal ang pinadapo sa mukha nito.Tuluyang nagdilim ang paningin ni Louie at marahas na hinawakan sa braso si Zia. “Akala mo ba’y basta ko na lang palalampasin ang ginawa mo?! Tandaan mong ikaw ang may kagustuhang makasal sa’kin tapos ngayon ay bigla ka na lang aayaw at makikipaghiwalay? Kung hindi dahil sa pamilya mo’t sa aksidente ay hinding-hindi kita papakasalan, Zia… Ikaw ang nagdala ng sarili mong kamalasan.”Hindi makapaniwala si Zia sa narinig. May lihim pala talagang galit si Louie sa kanya at sa pamilya niya.“M-Minahal kita ng buong puso pero hindi ko alam na ganito ka pala kasama, Louie.”Sa nagbabadyang pagpatak ng luha ay nagawa pa ni Zia na ayusin ang sariling damit.TAHIMIK ang hapon sa bagong tahanan ng mag-asawa. Ilang linggo pa lamang mula nang makalipat ay naging komportable na agad sila, ramdam na ramdam ang init ng isang tahanang puno ng pangarap.Kahit abala sa trabaho ay sinisigurado ni Archie na makakapaglaan siya ng oras para sa nalalapit nilang kasal, ngunit sa hapon na iyon ay si Jewel lang ang kausap ng wedding planner.Sa table ay may iba’t ibang nakalatag na mga sample ng decoration, mula sa bulaklak, telang gagamitin, at kulay. Habang sinusuri ni Jewel ang tela ay napalingon siya matapos makarinig ng yabag ng sapatos.Ilang sandali pa ay nakita na niya ang asawa kaya agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap saka halik sa labi. Pagkatapos ay hinila niya ito at pinaupo sa kanyang tabi. “Ano sa tingin mo ang maganda?” aniya, pinapapili ito dahil nahihirapan siyang mag-decide.Pinagmasdan ni Archie ang mukha ng asawa, kahit halata sa mukha na pagod at puyat ito dahil sa pag-aalaga ng kanilang anak ay hindi niya maiwasang isipin n
SIMULA ng araw na iyon, pinatunayan ni Archie ang nararamdaman para sa asawa. Araw-araw, tuwing tanghali na nagigising si Jewel ay may nakahandang bulaklak sa side table, kasama ang isang maliit na note para sa kanya.Paraan ito ni Archie ng panliligaw na hindi nito nagawa noon dahil hindi naman sila dumaan sa isang normal na relasyon.Pero kapag naaabutan ni Jewel nasa kwarto pa ang asawa ay tinatawag niya ito madalas, “Archie…” mahina niyang bulong sa pangalan nito saka tumingin sa table, naroon na ang bulaklak na lagi niyang natatanggap.Bumangon siya at kinuha ang maliit na note saka binasa sa isip ang nakasulat, “Good morning, Hon. Maaga na ‘kong umalis kasi natutulog ka pa, as always. I love you.” Napangiti siya saka ito tiningnan na nakatalikod, nag-aayos ng kurbata. “Hon~” malambing niyang tawag na ikinalingon nito.Awtomatikong ngumiti si Archie saka lumapit upang yakapin ito na nakaabang na sa kanya. “Ang aga mo naman nagising, matulog ka pa.”Umiling-iling si Jewel, ayaw it
MATAPOS iyong marinig ay sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Jewel. Sobrang saya ng puso niya kulang na lang ay lumundag sa tuwa pero ibang-iba naman ang sinasabi ng isip.“You’re lying!” iyak niya, parang bata na ngumangawa.“Totoo, kaya ‘wag ka ng umiyak, okay?”“Hindi ako naniniwala!” na lalo pang lumakas ang pag-iyak.Gusto sana ni Archie na yakapin at aluhin ang asawa pero nasa gitna pa sila ng daan saka nagmamaneho siya. Kaya naghanap pa muna siya ng mahihintuan na lugar bago ito muling kausapin.Pagkahinto sa kotse ay inalis niya ang seatbelt upang makalapit nang husto sa asawa. “Tahan na, ‘wag ka ng umiyak. May mali ba sa sinabi ko?”Hindi matigil sa pagpupunas ng luha si Jewel, sa puntong naiinis na rin siya sa sarili dahil hindi naman siya iyakin. Kahit na nasasaktan ay madali niyang naitatago ang nararamdaman. Pero ngayon, hindi na niya kilala ang sarili na para bang ibang tao na siya.“Lahat, mali. Si Chantal ang mahal mo tapos sasabihin mo ngayon na ako na?”Kumu
NAPASINGHAP si Chantal sabay takip sa bibig. Tiningnan niya si Archie na natulala na habang nakatitig kay Jewel. “Hindi mo alam na buntis siya?” Nang hindi ito mag-react ay hinampas na niya sa braso. “Ano ba, ba’t ka tumutulala riyan! Sundan mo na ang asawa mo!”Napakurap-kurap si Archie, tila natauhan saka humakbang ngunit agad rin tumigil at nilingon ito. “Pa’no ka?”Natawa si Chantal. “Ba’t ako ang iniisip mo? Unahin mo ‘yung asawa mo ‘wag ako.” Saka ito tinulak-tulak pero hindi na umusad.“Babalikan ko na lang siya mamaya.”“Ano?!” react ni Chantal, hindi makapaniwala. “Asawa mo ‘yun, dapat siya–”“Pero mas komplikado ang pagbubuntis mo. Plus, tandaan mong ikaw lang ang mag-isa sa bahay kasama ng mga bata.”“May kasama naman akong katulong,” ani Chantal.Naglakad si Archie saka ito marahang iginigiya palayo sa lugar. “Parang hindi ko alam na pinapalipat kayo ni Mama sa bahay.”“Exactly! Lilipat kami mamaya kaya ayos lang ako. Hindi mo na ‘to kailangan gawin… baka, sumama pa ang lo
SUMAMA ang loob ni Jewel matapos ang gabing iyon. Nasaktan siya ng sobra sa puntong umiiwas na sa asawa. Ngunit si Archie, hindi man lang napapansin ang pagbabagong nangyayari.Hanggang isang gabi, habang nasa kama na sila at gusto niyang makipagtal*k ay umusog lang palayo si Jewel. Akala niya ay wala lang kaya hinawakan niya ito sa balikat sabay haplos pero inilayo nito ang sarili.“‘Wag ngayon, pagod ako.”“Ano bang ginawa mo ngayon sa school?” ani Archie.“Marami,” walang kabuhay-buhay nitong sabi.Kaya napabuga na lamang ng hangin si Archie, patihayang nahiga at tumitig ng ilang sandali sa kisame. Ilang sandali pa ay muli siyang gumalaw, umusog palapit sa asawa at niyakap ito mula sa likod.“Archie,” mahihimigan ang pagtutol sa boses ni Jewel saka nagpumiglas.Binitawan naman siya ni Archie sabay bangon sa kama. Sa isip-isip niya ay galit ito kaya lumingon siya ngunit hindi na nakita kung anong reaksyon ang nasa mukha nito hanggang sa makalabas ng kwarto.Naghintay siya ng ilang s
DAHAN-DAHAN pa ang pag-awang ng labi ni Jewel matapos ng sinabi ng Ginang. Makailang ulit siyang kumurap, naroon ang tuwa ngunit agad rin nagduda.“P-Pa’no niyo naman nasabi, Ale? Doctor ba kayo?”“Hindi, Hija pero dati akong kumadrona kaya alam ko kung buntis ba ang isang babae.”“Gano’n ho ba?” may pagdududa niyang komento. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang hindi naniwala. Magkaganoon man ay hindi niya inalis ang posibilidad na baka nga nagdadalang-tao siya. “Sige ho, magpapa-check up ako para makasigurado.”Hindi niya makukumpirma kung buntis nga ba siyang talaga sa pamamagitan ng menstruation period dahil irregular siya. May pagkakataon na inaabot ng ilang buwan bago siya magkaroon, minsan naman ay dalawang beses sa isang buwan.Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ang bus sa destinasyon, marami ang nagsibabaan kabilang na siya roon. Dahil malayo-layo pa ang condominuim building ay nilakad na lamang niya kaysa maghintay ng masasakyan.Madilim na ang langit at pagtingin