PASIMPLENG ngumiti si Joshua at sinabayan sa paglalakad si Louie. âHindi naman masiyado, nakuha ko lang ang impormasyon sa internet. Isa kayong kilalang personalidad kaya hindi mahirap makakuha ng kaunting impormasyon tungkol sa inyo,â pahayag niya pa.âLouie, wait!âNapalingon si Joshua nang marinig ang boses na tumatawag. Ayon sa nakausap na secretary ay may gustong ipakilala si Louie na musician. Ngunit hindi naman niya akalaing may disability pala ang tinutukoy nito.Hindi sa hinahamak niya ang katulad ni Bea pero sa suot nitong damit ay talagang nagtaas-kilay siya.Nang makahabol ang dalawang babae ay agad naglahad ng kamay si Bea. âNice to meet you po, teacher Samuel.â Sabay-sabay namang nawindang ang tatlo sa sinabi ni Bea. Kulang na nga lang ay tumawa si Alice.Sa paanong paraan nito inakala na ang lalakeng kaharap ay si Samuel?Napaghahalataan tuloy na hindi nito inaalam kung ano ang itsura ni Samuel para pagka
SAMANTALA, habang paalis na rin sila Louie ay biglang nagreklamo si Bea, âHindi mo na dapat binigyan ng pera ang Samuel na âyun. Halata namang hindi niya ako kukunin bilang estudyante.â âHindi pa nasisiguro kaya âwag kang mag-conclude agad,â pampalubag loob ni Louie habang tinitingnan ang oras sa suot na relo. Sa narinig ay nabuhayan naman si Bea. âT-Talaga?â aniyang tinanguan nito. Ilang sandali pa ay may humintong kotse na agad sinakyan ni Louie. Nagtaka si Bea at balak pa ngang sumunod ngunit piniligan ni Alice. âMay pupuntahan pa si Sir Louie.â Nadismaya si Bea na hindi na matutuloy ang planong maiuwi ni Louie sa sariling bahay. Nakasimangot niyang pinagmasdan itong nagmaneho paalis sa lugar na hindi siya kasama. âTara naât nang makauwi,â ani Alice at tinulak ang wheelchair para magtungo sa sasakyan. Ngunit may panibago na namang kotse ang huminto at pagb
BAGO pa makapagreklamo si Zia ay mabilis na siyang hinila sa braso dahilan kaya napaupo sa kandungan nito. At mapatili sa pag-aakalang naupuan na ang hitang kailangan gamutin. Mabuti na lang at iyong kabila pala. âB-Bitawan mo nga ako,â aniya at nagpumiglas. Ngunit yumakap si Louie sa bewang para lalong mapalapit ang katawan nila sa isaât isa dahilan kaya hindi na gumalaw si Zia. Mas lalo pa siyang natuwa nang nasisilip na niya ang loob ng maluwag na hospital dress nito. Biglang natuyot ang lalamunan niya habang nakatingin sa malulusog na dibdib ng asawa. ââWag kang malikot, lagyan mo lang ng gamot ang hita ko,â ani Louie sa namamaos na boses. Hindi na pumalag si Zia at kinuha ang medicine cream para pahiran ang hita nito. Dahan-dahan at maingat na kulang na lang ay huwag idampi ang daliri sa balat. âNakapagdesisyon ka na ba?â tanong ni Louie. Natigilan sa ginagawa si Zia pero hi
ISINUOT ni Louie ang wedding ring sa daliri ng asawa na nagtangka pang bawiin ang sariling kamay.Kaya nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. At mayamaya pa ay hinayaan siyang maisuot sa daliri nito ang singsing.Matapos ay napangiti si Louie ng sabihin ang, âWelcome back, Zia.âBumigat naman ang pakiramdam ni Zia sa narinig. Ngayong nagbalik na at ibinenta ang sariling kalayaan kay Louie ay sisiguruhin niyang mas magiging matatag. Kailangan niyang maging matapang kahit na anong mangyari. Hindi siya pwedeng maging mahina.Pagkatapos ay hindi rin nagtagal si Louie at nagpaalam na babalik na lamang kinabukasan.Ngunit hindi naman ito nagpakita at sa halip ay si Mia Torres ang bumisita sa ospital na may dalang dokumento.Nagpakilala muna bago sabihin ang pakay, âInutusan ako rito ni Mr. Rodriguez para sa lawsuits ni Mr. Cruz,â ani Mia. âThe other document ay para sa paglilipat ng shares.âTumango naman si Zia at inanyayaha
NATIGILAN si Zia sa ginawang pagyakap nito. Hindi sanay na tila malambing ito sa kanya kaya bahagyang lumayo. âOo, hinatid ko siya kanina sa labas ng ospital,â sagot niya at muling nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.Ngunit ayaw siyang tigilan ni Louie na unti-unti ng lumilikot ang kamay. Humahaplos ang kanyang tiyan pataas.Kaya pasimple siyang napabuntong-hininga. Nasanay na sa gawaing ito ni Louie na kung saan-saang parte ng katawan niya humahaplos kapag napag-iisa silang dalawa. Kaya hinayaan na lamang niya at mayamaya pa ay kusa rin itong tumigil.âAno namang pinag-usapan niyo?â tanong nito.âIyong paglilipat ng shares under my name saka âyung lawsuit ni Kuya,â tugon ni Zia.Tumango-tango naman si Louie pero hindi iyon ang gustong marinig. Ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Michael at kung ano pa ang pinag-usapan ng mga ito na hindi niya naabutan.Nagtagal nga ang titig niya sa asawa habang iniisip kung sinadya ba nit
KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, âLouie, ano ba!âPero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. âDonât shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba saâyo ang ganoân o baka gusto mo âyung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?ââTalaga bang saâkin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?â ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. âGusto mong malaman? Sasabihin ko saâyo mamaya,â aniya at saka lumabas ng sasakyan.
PABAGSAK na nahiga sa kama si Louie habang hinihingal at tagaktak ang pawis sa katawan. Nakangiti dahil ngayon na lamang muling napasabak. Ilang linggo siyang walang s*x kaya talagang sinulit niya ang oras at nakatatlo pang sunud-sunod na round.Sa kanyang tabi ay si Zia na hinihingal din at pinagpapawisan. Inabot niya ito at niyakap sa kabila ng pawisan at nanlalagkit nilang katawan.Ganoon sila ng ilang minuto hanggang sa naging normal ang kanilang paghinga. Mayamaya pa ay nagpasiya si Zia na lumayo at bumangon sa kama. Hindi na nag-abalang takpan ang sariling kahubdan.Ngunit hindi siya hinayaan ni Louie na makalayo at nakuha pang yakapin sa bewang. âWhatâs wrong?â anito.âKukunin ang pills,â sagot niya. Matapos ay sinuklay sa pamamagitan ng kamay ang magulo at mahabang buhok. âHindi ka gumamit ng cond*m kaya kailangan kong uminom ngayon.âBahagya namang natigilan si Louie. Oo, utos niya at laging pinapaalalahanan si Zia sa pag-inom ng
UMUWI si Louie na ipinagtaka pa ng mga katulong sa maaga nitong pagbabalik.âSi Zia nasaân, umalis?â aniya habang papaakyat ng hagdan.âNasa kwarto po, Sir pero nagsabi kaninang aalis. Nakahanda na nga po ang kotse sa labas,â tugon nito.Bahagya naman siyang natigilan saka muling nagpatuloy. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nag-aayos ng sarili si Zia suot ang light blue silk shirt at fishtail skirt.Pumasok siya habang hinuhubad ang suot na suit. Naupo sa sofa at mataman itong tinitigan. âMay lakad ka? âWag ka na lang tumuloy at mag-dinner tayo.âNapalingon si Zia saka umiling. Makikipagkita siya kay Samuel at Joshua kaya hindi pwedeng i-cancel ang lakad.Pero kung direkta siyang tatanggi ay paniguradong maiirita lang si Louie kaya maingat siyang nagsalita, âHindi ko alam na uuwi ka ng maaga. Next time, magsabi ka kaagad.âNapakunot-noo si Louie at mas lalong nainis. At dahil halos magkatabi lang naman ang sofa at vici
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang