NAGMULAT ng mata si Jewel sabay unat. Sobrang gaan ng pakiramdam kaya nakangiti niyang nilingon ang kabilang bahagi ng kama pero wala sa tabi niya si Archie.Nagtaka siya sabay tingin sa bintana, nakatabing pa rin ang kurtina at bukas ang ilaw kaya hindi niya sigurado kung madilim pa rin ba o maliwanag na. Saka, ang naaalala niya ay buhat siya ng asawa at isinakay sa kotse, ngayon ay nasa kwarto na siya at natutulog.Kaya bumangon siya at tiningnan ang digital clock sa side-table. Pasado alas-singko na ng umaga kaya inakala niyang nasa condo pa ang asawa, nag-aalmusal.Matapos maghilamos at sipilyo ay lumabas siya ng kwarto ngunit maliban kay Claire ay wala na siyang ibang nakikita sa kitchen area.“Good morning, Ate.”Lumingon si Claire sabay ngiti. “Good morning din, Ma’am. Gusto niyo na bang kumain? Hindi pa ‘to tapos pero malapit na.”Lumapit si Jewel upang tiningnan kung anong niluluto nito.Sinangag, saka may nakaready na itlog at talong.“Magto-tortang talong kayo, Ate?”“Oo, s
KUMAKAWALA ang mahihinang ungol mula kay Jewel, tuluyan ng kinalimutan kung nasaan sila ni Archie. Ang halik nitong nasa kanyang leeg ay unti-unting bumababa.Ang isa nitong kamay ay tinatanggal na sa pagkakabutones ang suot niyang uniform. Matapos ay hinawakan at minasa-masahe ang isa niyang dibdib. Lalong bumigat ang paghinga at umiinit ang pakiramdam sa kabila ng malamig na temperatura sa loob ng opisina.Habang ang isa pang kamay ni Archie ay naglakbay sa likod ng asawa, nais alisin sa pagkaka-hook ang brassiere ng pigilan.“‘Wag… baka biglang may pumasok,” kinakapos ang hiningang bulong ni Jewel.“Hindi ‘yan… walang magtatangka,” mahina na may kaunting gigil na sabi ni Archie habang kinakagat-kagat ang balat ng asawa sa pagitan ng collar bone at itaas ng dibdib. Bumaba pa ang kamay niya patungo sa suot na pants, nagtatangka tanggalin sa pagkakabutones ng walang ano-ano ay naduwal ito.Mabilis na tinakpan ni Jewel ang bibig saka ito tinulak sa balikat. “W-Wait,” aniyang nahirapan
ANG MALAWAK na ngiti sa labi ni Pia ay unti-unting napalis habang nakatingin sa dalawa pababa sa magkahawak na kamay. Sa isang iglap ay bigla siyang natauhan saka mabilis na kinuha ang shoulder bag sa sofa. “S-Sorry,” iyon lang ang sinabi niya saka dali-daling lumabas.Pagsakay sa elevator ay saka lang siya nakahinga nang maluwag at pagkatapos ay tinawagan ang Manager, “Sinabi ko naman kasi sa’yong ayoko ‘tong gawin! Tingnan mong nangyari!”“Sandali lang, ba’t ka sumisigaw?”“It’s your fault!” Saka ito pinatayan ng tawag.Ang totoo ay intensyon ng Manager na umingay pa ang pangalan niya dahi kay Archie. Kahit tutol ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil…A bad publicity, still a publicity.Saka, confident pa masiyado ang Manager niya sa pagsabing pure business lang ang pagpapakasal ni Archie, na hindi nito mahal ang pinakasalan na babae.Ngayon ay wala na siyang mukhang maihaharap. “Matagal kong inalagaan ang pangalan ko rito sa industriya at hindi ko hahayaan masira ng gano’n
SIMULA nang araw na iyon, matapos nilang mag-usap ay nag-iba ang pakikitungo ni Archie. Lagi na siyang sinusundo pagkatapos ng klase at saka sila kakain ng dinner sa labas.Gaya na lang ng araw na iyon…Kinalabit siya ng co-worker sa balikat. Paglingon ay mapanuksong ngumiti.“Nandyan na ‘yung sundo mo.”Ibig sabihin ay nasa labas na si Archie, naghihintay. Pigil naman ang pagngiti ni Jewel at umakto pa ngang wala lang sa kanya. “Pa’no mo nalaman?”“Ayon, pinapasok na ng Guard at araw-araw na lang nag-aabang sa labas ng gate,” matapos ay pahirit na nagsalita. “Sana all, kainggit naman.”Natawa si Jewel saka binilisan ang pagliligpit. Ayaw niyang maghintay nang matagal ang asawa. “Sige, aalis na ‘ko. See you tomorrow.” Saka mabilis na naglakad palabas.May mga estudyante siyang nakakasabayan at nakakausap, “Ingat kayo sa pag-uwi,” aniya bago maghiwa-hiwalay ng daan.Malayo pa lang ay tanaw na niya si Archie na nakaupo sa blue na plastic stall, kausap ang Guard habang tumatawa.Biglang
TILA nagdadalawang-isip pa sa pagsagot ang driver kaya hindi na pinilit ni Jewel. Sumakay na lang siya saka ito sinabihan na magmaneho at nais na niyang umuwi.Habang nasa biyahe ay napapansin niyang panaka-naka ang tingin ng driver sa phone nitong nasa may dashboard. Hanggang sa mag-beep at bago pa man mabasa kung sino ang nag-message ay kinuha na agad nito.Bahagya pa nga siyang nilingon saka pasimpleng binasa ang message.“Ahm… Ma’am, nakauwi na si Sir.”Kumibot ang isang kilay ni Jewel. May mga katanungang gumugulo sa isip ngunit hindi na nagtanong. “Okay… gusto ko ng cake, pwede ba tayong dumaan muna sa pastries shop?”“Sige, Ma’am.”Huminga nang malalim si Jewel, sa isang iglap ay parang ayaw niya pang umuwi at makita si Archie.Tumagal pa ng kalahating oras ang biyahe bago makauwi. Pagpasok sa unit ay naabutan niyang naghuhugas ng plato si Claire, na agad siyang nilingon.“Ginabi ata kayo ngayon, Ma’am? Nauna ng kumain si Sir. Gusto niyo bang ipaghanda ko kayo ng makakain?” ani
NAPALINGON si Jian matapos marinig ang kapatid na bumubulong. “May sinasabi ka ba?” Sabay silip sa tinitingnan nito.Mabilis naman itinago ni Jewel ang phone bago pa ito may makita. “W-Wala, may nakita lang akong nakakatawang post.”Napakunot-noo si Jian dahil hindi naman ito natatawa. Ngunit sa halip na punahin pa ang ekspresyon ng kapatid ay nagpatuloy na lang siya sa pagkain.Binilisan naman ni Jewel ang pagkain saka siya nagpaalam na babalik sa kwarto. Nang nasa hagdan na siya ay natigilan at mahigpit na hinawakan ang railings. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at hindi maalis sa isip ang imahe sa post.Nakakatampo na hindi man lang pinaalam ni Archie na may nagaganap na celebration sa kumpanya, wala siyang kaalam-alam.“Siguro kasi… hindi naman ako gano’n kahalaga para ipaalam niya lahat ng nangyayari sa buhay niya?” kausap niya pa sa sarili.Saka niya napagtanto na kahit nag-uusap sila ni Archie, napagkukwentuhan ay marami pa rin itong hindi nasasabi sa kanya.“Miss, okay lan