ログイン
PAGOD NA NAPATINGALA ang mga mata ni Gail sa madilim na langit na walang habas ang patak ng ulan. Ilang beses na iginala niya ang mga mata sa paligid ng port kung saan ay kakadaong lang ng barkong sinakyan niya. Umuulan kung kaya naman ibang-iba ang pakiramdam niya kung ikukumpara iyon sa mga nakaraang pagpunta niya sa lugar. Buti na lang at hindi sila inabutan ng malakas na alon habang naglalayag patungo sa Isla ng Mindoro. Nakasaklob na sa ulo niya ang hood ng suot niyang jacket. Dinukot niya sa bulsa nito ang cellphone. Ilang segundo siyang napapikit nang magliwanag ang screen noon. Pasado alas-nuwebe na iyon ng gabi, malinaw sa digital clock sa screen ng cellphone niya.
“Gabi na, gising pa kaya sila?” Sunod-sunod ang naging pagtunog ng notification ng cellphone. Gumalaw ang mga mata ni Gail upang isa-isahin lang iyong basahin at kapag nabasa na niya ay agad niyang tinatanggal. Purong birthday greetings and wishes iyon mula sa mga kaibigan niya at kakilala sa social media. Wala siyang post about dito, pero marahil ay nag-notify pa rin iyon sa kanila. “Hindi na naman niya ako naalala.” malat ang boses na tila may bikig ang lalamunan ni Gail nang sabihin ang katagang iyon. “Well, ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Hindi pa ba ako sanay? Sa loob ng maraming taon, wala naman siyang improvement.” Tuloy-tuloy siyang lumulan sa naghihintay na taxi. Surprise visit ang ginawa niyang iyon sa kanyang mag-ama kung kaya naman hindi niya sila ini-inform na pupunta kaya wala silang kaalam-alam na nagbiyahe siya ng araw na iyon upang makasama sila. Dahil sa pagiging madulas ng daan at sa pag-iingat ng taxi driver na magmaneho ay lampas alas-diyes na ng gabi nang sapitin nila ang villa. Isang sulyap at pakiramdam agad ni Gail ay masyadong tahimik yata ang villa nila ng gabing ito. “Huwag niyo na po akong tulungan, pakibaba na lang ang nagahe ko at ako na po ang bahalang humila papasok sa loob ng aming villa.” Hindi pa rin nawawala ang surprise sa idea ni Gail sa pagpunta dito. Gulat na gulat si Aurin, ang personal na Yaya ng anak nilang si Jax nang makita siyang bumungad at walang imik na pumasok sa nakabukas pa noong pinto. Medyo namutla pa ang babae na napalingon na sa ilang maid na kasama niya na para bang may tinatago sa kanya. Basang-basa ni Gail ang mga titig na may kahulugan sa kanila. Naroon ang mga ito at pinasama niya upang siguraduhin lamang na maalagaan ang kanyang mag-ama habang narito. “M-Madam? Bakit po kayo narito?” Sensitive lang ba siya o hindi lang siya sanay na tanungin ng isang maid kung bakit naroon gayong bahay niya rin naman ito at bahagi pa rin ng pamilya? Hindi lang siya kasama ng mag-ama niya dahil sa trabahong maiiwan sa Laguna kung sasama siya rito. “Nasaan si Leon at Jax?” balik-tanong ni Gail sa halip na sagutin ang nakakabastos na tanong ng katulong. “Hindi pa po umuuwi si Sir, pero si Jax po ay nasa kanyang silid na. Kanina pa po siya doon umakyat.” Walang imik na binigay ni Gail ang handle ng dala niyang maleta sa maid at walang lingon na umakyat sa ikalawang palapag. Wala namang naging reklamo ang maid na sinundan lang siya ng tingin. Natagpuan niya sa silid ang anak na nakapangtulog na. Buong akala niya ay nakahiga na ito sa kama, ngunit hindi. Pasalampak itong nakaupo sa ibabaw noon at abalang-abala. Kalat-kalat ang lalagyan ng kanyang bago pang crayola. Makikita sa mga mata ng bata ang labis na focus sa hawak na papel na na may drawing na cake na nilalapatan niya ng iba’t-ibang kulay. Sa sobrang busy dito ng anak ay hindi nito namalayan ang pagpasok ng bulto ng katawan sa silid ng sarili niyang ina hanggang sa tuluyang makalapit. “Jax?” Napalingon ang bata nang marinig ang boses ni Gail. Mabilis siyang napatayo habang nanlalaki ang mga mata. Ilang segundo pang napatulala bago nagsalita. “Mommy?!” Saglit lang namayani ang mga ngiting iyon, sigla at excitement sa mukha ng batang lalaki. Tila pundidong ilaw na agad napawi iyon pagkaraan ng ilang minuto na hindi pinag-ukulan ng pansin ng ina. Buong akala pa naman ni Gail ay tatalon ang anak ng kama upang salubungin siya dala ng labis na pananabik, ngunit hindi iyon nangyari sa gaya ng inaasahan. Muli itong naupo at dinampot ang color pencil na binitawan niya kanina. Dala ng pananabik ay si Gail na mismo ang kusang lumapit sa anak. Musmos pa ito kung kaya hindi niya hinanapan. Walang paalam na niyakap niya ang bata at pinupog ng halik na puno ng labis na pananabik. Humalay ang nakikiliti nitong mga hagikhik sa loob ng apat na sulok ng silid. Saglit lang din iyon gaya sa excitement kanina dahil maya-maya lang ay marahas na siyang tinulak ng mga munting kamay ng bata upang palayuin. Sobrang masakit na iyon para kay Gail. “Mommy, tama na ang kiss…hindi mo ba nakikitang busy ako? Ayan, gusot na ang ginagawa ko. Kailangang maayos ang pagkakakulay ko sa cake eh.” Dalawang buwan halos na hindi nakasama ni Gail ang kanyang anak kung kaya naman ganun na lang ang pangungulila niya. Sa videocall lang sila madalas na nagkikita at hindi naman din iyon palaging nangyayari. Pakiramdam niya ay hiniwa ang kanyang puso nang makitang parang ang laki na ng distansya nito sa kanya kumpara noong huli nilang pagkikita. “S-Sobrang na-miss lang kita, Jax…” Gusto niya itong muling yakapin, hagkan at sabihin gaano siya na-miss, ngunit kada may pagtatangka si Gail na gawin iyon ay marahas na tinutulak na siya ng bata palayo sa katawan niya. Kahibangan man kung iisipin niya, ngunit parang na-brainwashed yata ang anak niya na ngayon ay parang ayaw na sa kanya. “Ano ba ‘yang ginagawa mo anak? Para kanino ang drawing na iyan na kinukulayan mo? Mukhang parang sa importanteng tao sa buhay mo yata ‘yan ah?” excited na silip ni Gail upang makita lang iyon. Nahigit na ng babae ang hininga nang parang birthday card ang nakita niya, naisip niya na baka para sa kanya iyon kasi birthday niya ng araw na iyon at isu-surpresa siya marahil ng handmade card nito. “Coloring this cake, Mommy. Ngayong Linggo na raw kasi ang birthday ni Tita Nica at ang sabi ni Daddy ay ito ang isa sa magiging gift namin sa kanya dahil maraming effort nag nilagay ko dito.”BUONG AKALA NG babae ay doon na natatapos ang kanilang usapan, ngunit may pahabol pa sa kanya si Leon.“Isa pa pala, hinihiling niya sa akin na umuwi ka na sa ating villa.” Doon parang tumigil sa pag-inog ang buhay ni Gail. Na-blangko na ang kanyang isipan kung ano ang isasagot sa kanya.“Hindi ba pwedeng ilang beses sa isang Linggo na umuwi ka? Alam kong busy ka, pero kung uuwi ka tiyak na magiging masaya si Jaxon kapag nalaman niya.” mahina lang ang pagkakasabi ni Leon doon na ayaw iparinig pa rin sa ibang tao. “Sige, susubukan ko—” “Huwag mong subukan, gawin mo. Iniyakan ako ni Jaxon at hindi pinansin noong nakaraan nang dahil lang dito.”May kumausap kay Leon kung kaya naman hindi na sumagot si Gail. Rico paid special attention to them. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang kaganapang iyon. Seeing Leon speak to Gail again, nakabuo na siya ng masamang hinala na agad din namang nawala nang ma-realized na Leon spoke openly and honestly to Gail in front of so many people, so per
GUMALAW ANG ADAMS apple ni Leon nang ilang beses na napalunok ng laway. Umayos na siya ng upo. Napatitig na ng ilang sandali pa sa mukha ng asawa. Kumibot-kibot ang kanyang bibig. Balak niya sanang tapikin ang braso nito upang kunin ang atensyon, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil baka mapahiya lang siyang muli at hindi pa rin nito pansinin.“Tinatanong niya sa akin kung kailan ka uuwi—”Naputol ang sasabihin ni Leon nang may lumapit sa kanila upang makipag-usap sa lalaki. Nag-angat naman ng tingin si Gail sa asawa sa narinig. May mga lumapit pang iba kay Leon kung kaya naman hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Gail na sagutin ang tanong at binalik ang tingin sa binabasa. Dumating din doon ang iginagalang sa industriya kagaya na lang ni Mr. Giovanni Bianchi kasama ang ilan pang mga businessman. Napatigil pa si Mr. Bianchi nang makita si Gailyn. Nirereto kasi niya ito sa kanyang pamangkin na si Kari. Binanggit ng kaibigan niyang si General Villamor na mayroon na pala itong asawa k
NAABUTAN NA NI Leon ang anak sa dining room at nagsisimula na itong kumain ng almusal. “Nag-message ako sa Mommy mo pero hindi siya nag-reply.” pahayag ni Leon habang inaayos ang suot na necktie.“I told you, she is busy Daddy…” Nabitin sa gagawin sanang pag-upo si Leon sa sinagot ng anak. “Kaya nga sabi ko dapat na siyang umuwi dito para kahit kakain lang magkakasama tayo…” giit pa rin ng bata na halatang walang balak sumuko sa pagma-match sa kanyang mga magulang upang muling magkabalikan. “You won’t listen to me.”Sumeryoso na ang mukha ni Leon at tuluyan nang naupo. Hindi na siya nagbigay pa ng opinyon sa iginigiit ng anak niya. Sinimulan na niyang kumain. Hindi na rin naman siya ginulo pa ni Jaxon matapos na magbigay ng kanyang opinyon.“Ang dami naman nila…” bulong ni Gail habang tinitingnan isa-isa ang resume ng mga nag-submit na tapos ng i-screen ng HR ng kanilang kumpanya, pinaparepaso iyon sa kanya ni Nicolas kung okay na base sa kanilang mga experience rin. “Anong ginagaw
NANATILING TAHIMIK SI Nica ng ilang minuto at ilang saglit pa ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at hindi na nagbigay pa ng kahit anong opinyon. Mas lalong kukulo ang dugo niya kung bibigyan ng atensyon ang mga sinabi ni Aya.“Jaxon, bad ang ginawa mo kanina. Hindi mo kailangang sabihin iyon sa harap ng Tita Nica o ng grupo.” sita ni Leon nang makauwi sila ng villa na mag-ama, “You hurt her feelings—”“But Dad, I am hurting too. I am hurting too for Mommy…” katwiran ni Jaxon na hindi tumitingin sa ama, busy siyang hubarin ang suot na medyas sa kanyang mga paa habang nakaupo ng sofa. Inangat na ng bata ang kanyang paningin sa ama matapos noon na nakatayo lang sa kanyang harapan at nakapameywang. “Can you send me now to Mommy?” Ilang minutong napakurap ang mata ni Leon. Pagod pa siya sa byahe at inuubos na agad ni Jaxon ang lakas niya.“Kakauwi mo pa lang, gusto mo na ulit sa kanya pumunta? Hindi ba at busy rin naman ang Mommy?” Napayuko na ang ulo ni Jaxon. Tiningnan na ng bat
NICA KNEW LEON would say that. He always fully supported whatever she wanted to do and never made things difficult for her. Thinking of this, she felt a sweet warmth in her heart. Alam niyang sa puso ni Leon ay siya pa rin ang mananalo dito.“Oh, maraming salamat Leon…” malambing na turan ni Nica na bahagyang humilig pa ang ulo sa isang balikat ni Leon. “Stop! Move!” turo ni Jaxon ng kutsara kay Nica na ikinagulantang na naman ng kanilang grupo na napatingin na sa batang salubong na ang mga kilay. “Huwag mong hahawakan ang Daddy ko. Si Mommy lang dapat ang gaganyan!” Ilang segundo na natameme ang mga naroroon. Kung nagulat sila kanina, mas nagulat sila ngayon. “Jaxon, ano bang nangyayari sa’yo? Gusto mo naman ako dati ah? Bakit ngayon ayaw mo na? Anong sinabi sa’yo—” “Nica…” saway ni Leon sa babae na akmang papatulan ang batang may masama ng tingin kay Nica ng sandaling iyon. Hinarap na ni Leon ang anak upang amuin ito. “Jaxon, hindi maganda na—”“Dad, how many times have I told
LEON SMILED AND glanced at Caiden. Kita niya ang pag-aalinlangan sa mata ng kaibigan. Napatitig pa siya nang ilang segundo dito. Hindi mapigilan ang sarili na mapatanong kung may inililihim ba ang lalaki sa kanilang grupo. Iniiwas na ni Leon dito ang tingin at bahagyang ngumiti. Itinaboy na ang laman ng kanyang isipan patungkol sa kaibigan niya.“Huwag niyo siyang e-pressure. Hayaan niyo siya kung kailan niya gustong dalhin ang babae na iyon upang ipakilala sa atin. Hindi maglalaon, Caiden will bring the person over for us to see. Let's not get involved. Unahin natin ang ating sariling problema sa buhay.”Natigagal si Yohan sa kanyang narinig.Who doesn't know this principle?Wasn't Leon just curious?Aya tugged at Nica’s sleeve. Doon pa lang naalala ni Nica na bukod sa grupo ni Leon ay may iba pa nga pala silang kasama.“Can you say something?”Dati pa ay sinabi na ni Yohan kay Aya na may gusto ng ibang babae si Caiden para pigilan ito na mas mahumaling. She didn't believe it at the
NANG AKMANG LALAPIT na si Gailyn para salubungin ang sinundong personalidad, nakita niya ang isang pamilyar na pigura na lumitaw sa likuran ng kanilang kasosyo sa negosyo ni Nicolas. Upon seeing her father, Gail’s expression remained unchanged. Hindi siya nakita ng kanyang ama, ngunit ang binatil
NGUMITI LANG SI Leon nang maliit na ibinigay na iyon sa maid na lumapit upang kunin at ipasok sa loob. Binati ng lalaki saglit ang matandang babae na di namalayan ni Gail na nakalapit na pala sa kanilang banda upang makiusyuso na.“Kumain na ba kayo?” tanong ng matandang babae na ang tingin ay nasa
HALF AN HOUR later, the car that Leon sent to pick up Jaxon arrived. Hindi pa alam iyon ng Lola ni Gail kung kaya naman nagulat ang matanda nang sabihin ng apong aalis na ang kanyang anak na si Jaxon at nang magpaalam na rin ang bata. Hindi pa siya nakapaghanda ng mga pagkaing iuuwi ng bata dahil a
SUBALIT SAGLIT LANG ang naging ngiti sa labi ni Nica nang biglang magsalita na ang ina. Ang tono ay pawang wala ng tiwala sa kanya.“Sigurado ka? Hindi ba at may partnership sila sa Spark Mind? Alam mo o hindi, Nica?”“Mom—”“Gusto ko lang ipaalam sa’yo na ayon sa source ko there are already signs







