MasukNANG MALAMAN NA kasalukuyang ongoing na ang pagdi-distribute ng tickets ay walang inaksayang sandali si Gail na tumawag na. Agad namang sinagot iyon ng organizer ng magiging events doon.
“Please reserve a ticket for me at the partnership announcements and medical conferences next month.” Biglang nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya. “Are you sure? Upon checking your name, dalawang beses na po kayong nagpapareserved ng ticket pero hindi naman po kayo pumupunta. So many people dream of getting those tickets, and you just wasted them.” Bayad naman iyon kaya walang karapatan siyang sermonan kahit hindi niya puntahan, marahil ay nanghihinayang lang ang kanyang kausap kung kaya nakakapagsalita ito ng ganun. Mahirap makapag-reserved ng ticket dito. Their company also secured several slots at top employee lang ang nagkakaroon ng chance na makipag-participate din doon. For them, every spot is extremely valuable. Naiintindihan naman iyon ni Gail at desidido siya ngayon. “Let’s have a deal. If I don’t attend this time either, I will never speak to you again.” Walang naging sagot sa kabilang linya na ang ibig sabihin, malamang pinag-iisipan iyon. “Deal.” Napangiti na si Gail. Kaya niya gustong umattend doon ay upang magkaroon ng bagong opportunity. Isa siyang Chemist Researches at gusto niyang bumalik sa dating laboratory na pinagplanuhan nilang buohin at umpisahan. Noong magpakasal siya, pinili niyang bumuo ng pamilya kung kaya naman nag-backed out. Kung hindi niya iyon ginawa, baka malayo na ang narating niya. Halos kakasimula pa lang ng company na iyon at isa siya sa mga pioneer. Stepping back to focus on her family dream, na-disrupted noon ang development ng kanilang company kung saan ay napakaraming opportunities ang kanyang pinalampas. Nagalit sa kanya ang mga kasamahan na sa paglipas ng mga taon ay nawalan sila ng contact. “Babalik ako. Makakabalik ako. Kailangan ko lang maghintay ng tamang pagkakataon.” Matagal ng panahon na hindi niya nagagamit ang kanyang husay, kung kaya naman kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili. Malamang napag-iiwanan na siya ng mga kasama dahil sa naging experience nila sa nakalipas na ilang taon at siya, secretary lang siya. Pharmaceutical company pa rin naman ang pinasok, ngunit hindi ito ang pinag-aralan niya. Sa mga sumunod na araw ay nag-focused si Gail sa kanyang trabaho habang hinihintay ang approval ng resignation, hindi siya pwedeng magmadali na on the spot iyon agad. Hinahanapan pa siya ni Zion ng magiging kapalit at naiintindihan niya rin ang bagay na ito. Kasamay noon ay pinag-aralan niya ang trabahong kanyang pina-planong balikan. Hindi niya tinawagan ang anak, at maging ang asawa. Hindi rin sila nag-contact sa kanya. Hindi na nagulat doon si Gailyn. Sanay naman siya na ganun ang trato sa kanya ng mag-ama niya eh. “Nakaka-miss pero, kailangan kong pangatawanan ang desisyon ko sa buhay.” Samantala, tutal hindi na tumatawag ang ina kay Jax mas nabaling pa ang atensyon ng bata kay Nica. Nagbigay pa ito ng daan na mas maging malapit sila ng stepsister ng kanyang ina. “Anong nangyari sa’yo, Jax? Umiyak ka?” “Dad, sabi ni Tita Nica pupunta na siya ng Laguna at doon na magtra-trabaho.” Natigilan si Leon nang makita ang pangingilid na naman ng luha ng kanyang anak. “Alam mo ba iyon, Dad? Ibig sabihin ay hindi ko na siya makakasama?” “Jax—” “Alam mo ba iyon, Dad?” Huminga nang malalim si Leon. Una siyang nakaalam doon pero hindi binanggit kay Jax. “Oo, alam ko.” “Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” garalgal na ang tinig ng kanyang anak, umiiyak. “Noong nakaraang araw pa.” “You are so mean, Daddy! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ayokong umalis si Tita Nica. Dapat kung nasaan tayo ay naroon din siya. Kung wala na dito si Tita Nica, ayoko na mag-aral. Sumama tayo sa kanya pabalik ng Laguna, Daddy. Sama tayo kay Tita Nica, please, Daddy…” Pagak ng tumawa si Leon. “Sino bang may sabi na hindi niya tayo kasama? Lalaki ka. Hindi ka dapat iyakin.” Marahas na pinalis ni Leon ang luha ng anak sa mata matapos na dumukwang palapit. “Ano ang ibig mong sabihin, Daddy?” “Ang ibig kong sabihin ay babalik na rin tayo ng Laguna, next week. May inaayos lang ako.” Napaawang na ang bibig ni Jax na biglang napatayo sa kanyang upuan. “Talaga, Daddy? Makakasama pa rin natin si Tita Nica?” “Oo, kaya matuto kang magtanong muna bago umiyak. Bakla ka ba? Daig pa ang babae eh.” Muling naupo sa kanyang bangko si Jax upang ituloy ang pagkain niya. “Pero kasi ang sabi ni Tita Nica baka once a year na lang kami magkita.” Tumikwas na ang gilid ng labi ni Leon. “Sa tingin mo papayag ang Daddy na mangyari iyon?” Hinagod na ni Leon ang ulo ng anak na nabasa na ng pawis at kanyang mga luha. “Of course not, Jax.” “Then, Dad, huwag natin sabihin kay Tita Nica na uuwi na rin tayo. Let’s surprise her!” Sinang-ayunan iyon ni Leon. “Dad…” “Hmm?” “Si Mommy, hindi pa rin ako tinatawagan. Should I give her a call?” Tumagal ang titig ni Leon sa mukha ni Jax. Medyo nag-aalala na kasi ang bata. “Kahapon, hindi ba siya tumawag?” “No, mula noong pumunta siya dito. Hindi na siya tumawag sa akin.” Natahimik si Leon, nararamdaman niyang may mali sa asawa ngunit anong pakialam niya? “Bakit hindi mo siya tawagan ngayon?” “Should I?” Tumango si Leon. Anuman ang mangyari ina pa rin ito ng kanyang anak at nami-miss. “Yes, kung nag-aalala ka sa kanya at tawagan mo siya.” Nasa byahe noon si Gail at naka-silent ang kanyang cellphone. Nakita lang niya ang tawag ng anak pagdating niya sa kanyang table. Umabante ang kanyang pagkakaroon ng pusong ina. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng galak. Iyon ang unang pagkakataon na tumawag ang anak. Hindi nga lang niya nasagot. Bagamat sinukuan na niya ang custody sa bata, anak niya pa rin ito. She still bears a certain responsibility towards him as her son. Nagkukumahog na tinawagan niya ang anak. Nag-aalala siya baka may nangyari na sa bata. “Bakit ayaw mong sagutin?” si Leon na nakailang sulyap na sa cellphone ng anak.GAILYN COULDN’T BREAK free, and she didn't want to cause a commotion or attract attention. Kinalamay na lang ni Gail ang kanyang sarili. Inisip na lang niya na baka naman may nais sabihin ang asawa kung kaya nakipagpalit ng partner sa kanya. Hindi siya dapat sumabog.“Ano ang gusto mong sabihin sa akin?” Nagsimula na silang umindak. Tila walang pakialam sa mga taong kasama sa dance floor. Bahagyang inilapit ni Leon ang mukha sa tainga ni Gail upang muli lang itong bumulong. “Kailan mo planong sagutin ang tawag ng anak natin?” Mariing napapikit ang mga mata ni Gail nang maramdaman ang mainit na hinga ng asawa. “Busy ako—” “Alam kong busy ka, pero hindi mo siya pwedeng e-deadma na lang palagi. May time ka ngang umattend sa ganitong event, pero ang sagutin ang tawag ay wala? Ganyan ang busy?” Hindi sumagot si Gail. Bakit siya ang inaaway? Kung busy siya hindi ba dapat at ito ang pumuno ng pagkukulang niya?“Magbigay ka kung ilang araw mo pa siyang hindi sasagutin nang hindi siya um
PARANG BABAENG NAPAISMID si Rico. Natigilan naman sa pagsasayaw si Caden na halos mabali na ang leeg kakalingon sa kanilang banda. Samantalang si Leon ay hindi na napigilan na biglang umigting ang panga.“Mr. Serrano?” untag ng kanyang partner kay Caden. Biglang natauhan si Caden na tinuloy na ang kanilang pagsasayaw. Tumaas naman ang kilay ni Nica na naagaw na rin ang pansin ni Gail. Maiintindihan niya pa kung si Leon o Caden ang gumawa noon, pero ang pipitsuging si Gailyn pa talaga ang nauna? Parang nakakaasar lang. “Sino ang kasayaw ni Gailyn?” “Zachary Doherty.” sagot ni Leon na halos magngalit ang ngipin pagsambit ng pangalan.Unang beses na na-meet ni Nica ang lalaki. Binati siya ni Rico kanina pero hindi ito kasama. She was unaware of his identity. However, judging from Rico and Ted’'s attitudes towards him, she knew that his status and position were definitely no less than Rico. Hindi siya isasama ng lalaki sa grupo nila kung wala siyang sinasabi sa lipunan gaya ng mga kasa
NANLAKI NA ANG mga mata ni Gail at napuno ng katanungan nang makita niya ang paglapit nina Nica at Leon sa may kanilang banda. Aalisin na sana ng babae ang paningin sa asawa nang makita niyang tila ngumiti sa kanya si Leon. Ipinilig na niya ang kanyang ulo. Imposibleng ngumiti sa kanya ang asawa. Kinumbinsi na lang niya ang sariling optical illusion niya lang iyon o guni-guni. Ibinaling na ang buong atensyon sa partner na si Nicolas.“Nagseselos ka pa rin?” mahinang tanong ni Nicolas na dumukwang na palapit sa kanya. Umiling lang si Gail at nag-focus na makipagsayaw kay Nicolas. Hindi naman na giniit pa ng lalaki ang ilan sa mga katanungan niyang nais na sabihin nang mapansin ang mood ni Gail. “Curious lang ako, sa laki ng dance floor bakit kailangang malapit pa sa atin pumuwesto?” Ngumisi si Nicolas na nakuha na ang nais ipahiwatig ng kasayaw. “Ah, iyon lang ba ang problema mo?” Sa pag-alalay ni Nicolas, unti-unti silang napalayo sa pwesto nina Leon at Nica. Lihim naman na napa
MARIIN NANG INIILING ni Leon ang kanyang ulo. Baka mamaya hindi niya mapigilan ang sarili at sa paglapit nila ay haklitin ang asawa.“Hindi ako nagmamadali Caden, mauna ka na.” aniyang namulsa na ang dalawang kamay. “Okay…” Lumakad na si Caden palapit sa banda nina Nicolas. Hindi na niya pinilit si Leon na samahan siya.“Good evening, Miss Espinoza, Mr. Villalobos.” bati niya na bahagyang binigyan sila ng friendly na ngiti.Tumango lang naman ang dalawa bilang tugon sa pagbati. “Good evening din sa’yo, Mr. Serrano.” ganti ni Gail na nag-iwas na ng tingin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay lumapit na rin si Rico. Hindi kagaya ni Caden, si Nicolas lang ang kanyang binati. Naglaho ang ngiti sa labi ni Nicolas nang marinig iyon. Napilitan lang siyang harapin doon si Rico, nais niya sanang e-deadma lang ito.“Oh, ikaw pala Mr. Villamor. I'm sorry, I was too busy earlier and didn't see you.” Rico naturally noticed that Nicolas seemed to dislike him even more than when they last met. Hin
LUMIIT NA ANG mata ni Yohan sa kaibigan. Iba ang nase-sense niya sa ginagawa nitong pagtatanggol.“Huwag mong sabihin na pina-imbestigahan mo sila?” maya-maya ay medyo napalakas na bulong ni Yohan, mabuti na lang at maingay na ang hall kaya walang ibang nakarinig. “Hindi ka mag-aaksaya ng oras, panahon, laway at pera ‘di ba?” Tumawa lang si Caden at hindi na sinagot ang tanong ni Yohan. Hindi lang si Caden at Yohan ang nakapansin kay Gail, maging si Rico. Ngunit panandalian lang iyon at ibinaling na ang mga mata niya kay Nica na nasa hindi kalayuan lang.“I like her, ang simple lang ng ganda niya.” vocal na sambit ni Ted na ang grupo lang nila ang nakakarinig. “Ikaw, Rico?” “Hindi pa rin. Magaspang ang ugali niya kahit pa siya maganda.” Sa sinabing iyon ni Rico ay biglang naging interesado si Kari. “What do you mean?” naka-focus na kay Rico ang kanyang mga mata at tainga.Rico recounted in detail what had happened in Spark Mind a couple of days ago. Sa pagitan nila ni Nica at ng a
LINGID SA KAALAMAN ni Leon na papunta rin pala sa banquet na iyon ang asawa niya na si Gailyn kasama ni Nicolas at magkikita silang dalawa doon. Pasado alas-otso na iyon nang bumungad silang magkasama ni Nica sa entrance ng hall. Kapit-tuko ang kamay ng babae sa kanyang braso na animo kapag hindi ginawa iyon ay mayroong aagaw dito. Nica’s outfit today was still incredibly expensive, and she was just as stunningly beautiful as ever, making it hard to look away. Pagdating nila, halos lahat ng nasa banquet hall ay kanilang na-attract. Mapa-babae man iyon o lalaki. Hindi magawang tanggalin na ang atensyon sa kanila. Ilang saglit pa matapos ng kanilang pagdating, dumating na rin sina Yohan at Caden.“Nandiyan na sina Leon.” tapik ng balikat ni Yohan kay Caden upang ipaalam iyon sa kaibigan.“Oo nga, halika na at lapitan natin.” Maya-maya pa ay dumating na rin sina Rico at Kari. Parehong iginala ng dalawang binata ang kanilang mga mata. Nagtitingin-tingin sa kanilang mga kakilala na maaar







