LOGINNANUYO ANG LALAMUNAN ni Gail sa kanyang narinig. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa sinabi ng anak. Kaarawan niya sa araw na iyon at hindi man lang siya nito naalala? At ibang tao pala ang iniisip ng anak habang ginagawa.
“Daddy also ordered gifts for Tita Nica, tomorrow—” “Anak, natatandaan mo ba kung kailan ang birthday ng Mommy?” putol ni Gail habang hirap ng huminga, gusto niyang malaman ang sagot ni Jax kahit naguguni niya na parang mali ang isasagot ng anak. “Ha? Birthday mo, Mommy?” “Yes, birthday ng Mommy, alam mo ba kung kailan?” Tiningnan ni Jax ang mukha ng ina at nakita niyang malungkot ito. Hindi na siya umiling, baka lalong malungkot ang ina kapag sinabi niyang hindi alam. Muling bumaba ang mga mata ng bata sa papel na nilalagyan ng kulay. Ilang beses niyang inisip ang birthday ng ina. Saglit na may gumuhit ng pagtataka sa musmos niyang mukha, na agad din namang nawala nang magsimula siya ulit na magkulay doon. “Jax? Hindi mo sinagot ang tanong ko.” “Mommy, mamaya na tayo mag-usap. Ibang color na ang nailagay ko. Ayan, pangit na! Hindi na matutuwa ang pagbibigyan ko nito. Baka di na niya tanggapin.” Akmang yayakapin siyang muli ni Gail upang supilin ang mga luha buhat sa umiinit niyang mga mata, ngunit hindi na lang niya tinuloy iyon dahil baka magalit ang anak. Masusi pa niyang hinagod ng paningin ang kabuohan ni Jax. Malaki na ang nagbago sa bata makalipas ang dalawang buwan. Lagi man silang magka-video call, hindi niya mapigilang punahin ang mga naging pagbabago sa features ng anak. Hindi na siya muling nilingon ni Jax. Habang nakatingin sa anak ay parang pinipiga na ang puso ni Gail dala ng marami niyang what if’s. Pakiramdam niya sa loob ng dalawang buwang lumipas, biglang naging echapwera siya sa buhay ng kanilang anak na hindi niya alam paano nangyari. Dahan-dahan na siyang humakbang palabas ng silid. Hindi pa rin siya nilingon ni Jax na parang hangin lang na dumaan sa harap nito kanina. Mabigat ang kanyang pakiramdam at ayaw niyang ipakita sa anak kung gaano nasasaktan dahil sa hindi pagpansin. Nagdesisyon siyang lumabas ng silid at lubayan muna ito. Baka bukas biglang magbago na ang trato sa kanya. Baka sadyang busy lang talaga siya ngayon. Hindi pa rin siya nito nilingon ni Jax na parang hangin. Pilit ng kinalamay ni Gail ang kanyang sarili. “Madam, tumawag po si Sir Leon at ang sabi po niya ay may kailangan siyang asikasuhin ngayong gabi. Hindi raw po siya makakauwi kung kaya naman ay huwag niyo na raw po siyang hintayin. Mauna na raw po kayong magpahinga dahil pagod kayo sa biyahe.” “Sige, salamat…” payak na ngiti sa maid na lumapit. Biglang naalala ni Gail ang sinabi ng anak, kinuha niya ang cellphone at tinawagan na ang asawa. Gusto niyang may kumpirmahin. Alam niyang masasaktan siya, ngunit gusto niyang alamin. Sinagot naman agad iyon ni Leon na halatang hindi inaasahan iyon. “Hindi ba sinabi ng maid sa’yo na busy ako? Bukas na lang tayo mag-usap—” “Ano bang pinagkakaabalahan mo?” hindi mataas ang tono, hindi galit at wala rin iyong bakas ng paghihinala na may ginagawa itong kahunghangan. “Sobrang importante ba niyan para mas unahin mo?” “Bakit kailangan mo akong taasan ng boses?!” “Hindi kita tinataasan, Leon—” Bago pa man matapos si Gail ay biglang may nagsalita na sa background kung nasaan nito si Leon. “Sino ba iyang kausap mo? Halika na. Kain na tayo.” narinig ni Gail sa background na boses iyon ni Nica. Si Nica na stepsister niya. Sa pagkakaalam niya ay matanda ito sa kanya ng ilang taon. Ka-edad ng asawa niyang si Leon. Ngunit kahit stepsister niya ang gaga, mas mahal ito ng kanyang ama. Minsan nga iniisip niya parang siya ang outsider sa pamilya. “Ay sorry, important person ba iyang kausap mo?” Humigpit ang hawak ni Gail sa kanyang cellphone. Sumisikdo na ang kanyang sikmura sa labis na inis. Ganun pa man ay wala pa rin siyang magawa. Normal na sa kanila ang tagpong ganun. Minsan, hindi mapigilan ni Gail na uminit ang dugo dala na ng selos. Sabi ng marami na kababata ni Leon si Nica, kung kaya close sila. Hindi iyon binigyan ni Gail ng ibang kulay. Hinayaan na lang niyang mangyari iyon. “Wala, hindi importante.” Pagkasabi noon ni Leon ay pinatay na niya agad ang tawag. The couple hadn’t seen each other for two or three months. Minadali pa ni Gail na pumunta dito nang sa ganun ay makasama niya ang mag-ama niya lalo na sa kanyang kaarawan, subalit wala man lang itong katiting na pasensya na pakinggan ang mga sasabihin niya. Pagkaraan ng ilang taon ng kanilang kasal, laging ganito ang trato ni Leon sa kanya. Malamig, malayo ang distansya at napakaikli ng kanyang pasensya. Asawa siya nito na parang hindi. Sa totoo lang ay sanay na sanay na doon si Gail. Kung dati-rati iyon, muli niyang tatawagan ang asawa at kukulitin ito kung nasaan at umuwi na. Kahit alam na niya ang sagot doon ay nagbubulag-bulagan siya. Marahil ay sobrang pagod niya ngayon kung kaya naman pati ang katawang lupa niya ay nagkusa ng sumuko. Bago pumunta doon galing Laguna ay makailang beses na tinawagan ni Gail si Leon, ngunit hindi iyon sinasagot ng asawa. Ito ang nag-trigger sa kanya na magdesisyon na umuwi. Birthday niya rin iyon, kumbaga ay regalo niya sa kanyang sarili ang makasama ang mag-ama. Matapos na huminga nang malalim, ay nagpasya si Gail na magtungo sa kanilang silid. Naghalf-bath at nagpalit ng damit. Muli siyang lumabas ng silid upang silipin sana muli ang anak, ngunit natigilan siya nang marinig ang boses nito. “Jax, anong meron at nakabusangot ka? Hindi ba ang sabi ko ay lagi kang ngingiti para lumaki kang gwapo? Anong problema ng alaga ko? Ha? Ano?” “Nangako si Daddy sa akin na pupunta kami ng camp site bukas kasama si Tita Nica, pero biglang umuwi naman si Mommy. Paano kung sumama siya sa amin bukas? Hindi na ‘yun matutuloy at hindi na rin kami magiging masaya dahil kay Mommy. Sana hindi na lang siya dumating, Yaya.”MULI PANG MALAKAS na nagtawanan ang mga kaibigan ni Leon. Biglang naalala ni Gail na nakita niya nga pala si Nica sa company ni Leon kanina, malamang ay doon iyon nabigay ng kanyang asawa kung anuman ang regalong tinutukoy.“Ano pang ginagawa natin dito? Tara na sa itaas. Hindi pa ba kayo gutom?” si Nica na may kakaibang ngiti na sa labi.Unti-unting naglaho ang kanilang mga yabag na patungo na sa elevator. Nasa third floor ang restaurant na pupuntahan nila. Na-blangko ang isipan ni Gail ng ilang sandali nang marinig na nawala na sila. Napahinga na siya dito nang malalim. Wala na sila pero dama pa rin niya ang pananakit ng puso hindi dahil sa asawa kung hindi dahil sa gawi ng kanyang anak. Medyo natagalan siya bago bumalik sa katinuan at magpasyang tumayo na para puntahan ang kanyang kaibigan.“Oh? Gailyn!” bulalas ng kaibigan pagpasok niya ng pinto at makita siya nito. “Long time no see!” “Ano bang problema mo at nagpasobra ka ng inom ha?” pagalit na tanong niya pero hindi naman mak
SA ARAW NA iyon ay hindi na pinag-ukulan pa ng pansin ni Gailyn sina Leon at Nica. Kung iisipin niya lang ang tungkol sa kanila ay mauurat lang siya at masisira ang araw niya, wala rin namang magbabago kahit umapela pa siya sa relasyon nila. She worked overtime until almost nine o’ clock that day. Nang inaayos na niya ang kanyang mga gamit upang isilid sa kanyang bag at inihanda na ang kanyang sarili na umuwi, tumunog ang kanyang cellphone. Si Zilpa iyon, ang bff niya.“Oh? Napatawag ka?” “Gail, lasing ako. Hindi ko kayang umuwi mag-isa. Puntahan mo ako dito para ihatid sa amin.” ungot ng kaibigan.Napakamot na sa ulo si Gail. Tumaas ang isa niyang kilay. Lagi niya itong karamay kaya hindi kayang tanggihan.“Nasaan ka?” Sinabi ng kaibigan ang address kung nasaan siya. Isa iyong restaurant na ang located ay sa mamahaling hotel.“Sige, hintayin mo ako diyan. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko.”“Salamat, Gailyn, kaya mahal na mahal kita eh.” hagikhik pa ng kaibigan sa kabilang linya.N
WALANG EMOSYON PA rin ang mukhang nilingon ni Gail ang dalawang ka-trabaho na nagpapalitan ng kanilang mga kuro-kuro. Agad siyang napansin ng mga ito kung kaya naman hinarap na upang kunin ang kanyang opinyon sa topic.“Ikaw Gailyn, nakita mo ba?” Ipinilig ni Gail ang kanyang ulo. Hindi sa pagiging bitter kaya ayaw niyang magbigay ng information patungkol kay Nica pero syempre, bilang lihim na asawa ni Leon may kaunti pa ‘ring kirot sa kanyang puso habang pinapakinggan ang daloy ng usapan nila. Aminin niya man iyon o hindi ay may kurot pa iyon ng katiting na pighati dahil naging asawa nga siya nito ngunit hindi nagawang ipakilala. Hindi na niya iyon hinahangad, pero marami pa rin na mga what ifs sa puso niya.“Trabaho muna tayo, baka kapag narinig tayo ni boss mawalan pa tayo ng trabaho. Gusto niyo iyon?”“Ay oo nga pala, bababa pa tayo para sa meeting. Mamaya na natin ituloy ang chismis.” Tahimik nilang tinungo ang elevator upang magtungo na sa conference room. Paglabas doon ay nak
TULOY-TULOY SIYANG BUMALIK Tuloy-tuloy siyang bumalik sa kanyang workstation. Sinundan naman siya ng tingin ni Leon, nagtataka pa rin.“Anong problema niya? Nagrerebelde ba siya nang dahil hindi ko siya hinarap ng nakaraan?”Matapos ang kalahating oras ay tinawag siya ni Zion upang utusan lang na gumawa ng kape para sa kanyang asawa. Wala naman dapat angal doon si Gail dahil mula noon pa man ay gawain na niya ang bagay na iyon. Isa iyon sa paraan niya upang mas mabilis siyang mahalin ni Leon. Malalang effort ang inilaan niya upang maging masarap lang ang kape.“Make it two cups.” hirit pa ni Zion na bahagyang ngumiti sa kanya. Tumango lang naman si Gail. Nagbunga ang effort niya noon dahil mula ng matikman ni Leon ang gawa niyang kape, palaging kape na niya ang hinahanap ng asawa mapa-opisina man iyon o sa bahay nila. Bagay na palaging nagpapa-excite kay Gail dahil naniniwala siya na iyon na ang simula ng success niya na makuha ang loob ng asawa niya.“May bisita siya?” hindi niya na
KAUNTING TULAK NA lang at papayag na si Gailyn. Passion niya iyon. Kumbaga ay kagustuhan niya. “Your ability and talent are incomparable to ordinary people. Matalino ka. As long as you have the will to walk this path, it’s not too late to start over now. Huwag kang mahiya. Mabilis kang makakabalik. Trust me.”Mahinang natawa si Gail sa labis na paniniwala ng dating kasamahan sa kanya.“Balik na…” “Oo, babalik ako…” “Kailan ka babalik?” “Huwag kang masyadong excited. May trabaho pa ako na kailangang ihabilin ng ayos sa sasalo, it will probably take some time.” Hanggang sa mga sandaling ito, wala pa siyang nakukuhang balita kay Zion na may kapalit na.“It’s alright, there’s no rush.” Ilang sandali pang nag-usap ang dalawa. “Siya nga pala, ini-introduced ako ng isa sa mga subordinates ko sa isang genius na CEO. Kakabalik niya lang dito sa Laguna galing ng probinsya dahil doon siya naglagi. Kikitain namin siya soon. Since we’ve run into each other, bakit hindi mo ako samahang i-mee
SUMAMA NA ANG hilatsa ng mukha ni Jax. Nagawa pa nitong tumingin sa labas ng kotse at huwag ng pansinin ang ama. Kumibot-kibot na ang bibig niya.“Hindi niya sinagot ang tawag ko kanina. Ilang beses ko siyang tinawagan, Daddy. Kaya bakit ako sasagot?” “Jax, may trabaho ang Mommy at malamang ay hindi niya napansin iyon. Hindi ba at tanghali siya madalas na tumatawag sa’yo? Tinawagan mo siya ng umaga. Hindi ito naka-schedule kaya malamang di nasagot.” “Kahit na, Daddy…” Hindi malaman ni Leon kung bakit siya nagpapaliwanag sa anak. “Are you siding with Mom?” “Hindi. Ini-explain lang ng Daddy kung ano ang maaaring nangyari kanina.” Patungo na sila ng school noon. Ihahatid siya ni Leon bago pumasok ito ng trabaho. Ilang beses pang tumawag si Gail at nang wala pa rin sagot ay ang landline na ang tinawagan niya. “Si Jax, Manang?” “Ayos naman po Madam, pumasok po ng school.” Doon pa lang nakahinga nang maluwag si Gail. Akala niya ay ano na ang nangyari sa anak. “Sigurado ka?” “Opo,







