LOGINSa kabilang dako, luhaang bumagsak si Nimfa sa kama dahil sa sinaad ni Marcus sa kaniya. May ibang babae na ito, ngunit bakit tila ayaw pa siya nitong pakawalan?
Ano'ng gagawin niya sa pamamahay na ito? Habang-buhay magbulag-bulagan habang nakikita kung gaano kasaya ang asawa niya sa ibang babae? Parang mawawala na si Nimfa sa sarili nang mga oras na iyon. Kahit luhaan, ipinikit na lamang niya ang mga mata hanggang sa lamunin siya ng kadiliman. Nang sumapit ang kinaumagahan, agad siyang bumaba sa kusina nang maramdaman niyang kumukulo ang tiyan niya. Kahapon pa siya walang kain kaya naman halos magwala ang mga bulate niya sa tiyan. Ngunit malayo pa lang sa kusina, nakaamoy agad siya ng mabango na lalong nagpagutom sa kaniya. Amoy bacon, na isa sa mga paborito niyang umagahan. Dali-dali niyang dinako ang kusina subalit mabilis na naglaho ang saya niya nang makita si Claire na nagluluto. Pakanta-kanta at pasayaw-sayaw pa ito habang suot ang nightgown nito, waring kakagising lang. Lumunok siya ng laway bago sunod-sunod na napailing. Napagpasyahan na lang niyang bumalik sa silid at tiisin ang gutom kaysa makita ang bruhang kinaiinisan niya. Ngunit saktong pagtalikod ni Nimfa, napasinghap na lang siya nang tawagin ni Claire ang pangalan niya. “Nimfa, gising ka na?” Napakunot-noo siya nang marinig ang tinig nito. Masaya ito, parang walang itinatagong galit sa kaniya. Hindi katulad kahapon na sa galit, nasaktan na siya nito. Muli siyang lumunok bago humarap dito. At hindi na siya nagulat nang makitang nakangiti ito habang nakatingin sa direksyon niya. “K-Kakagising ko lang…” walang emosyon niyang tugon kay Claire. Mas lalong lumapad ang ngiti nito. “Tamang-tama, tapos na ‘ko rito sa pagluluto. Wala na kasi si Dona kaya napagpasyahan kong maghanda ng almusal ni Marcus, I mean, almusal natin. Pero wait lang, ha, tatawagin ko—” “Ako na, ako na ang tatawag sa kanila,” putol niya sa babae. Naninibago tuloy siya dahil hindi ito ang Claire na nakaharap niya kahapon. Ibang-iba ito ngayon, mabait ito. Pero malakas ang kutob niya na nagpapanggap lang ito. “Sigurado ka?” paninigurado pa nito sa kaniya. “Oo, babalik din naman ako sa taas kaya ako na ang tatawag kina Marcus at Harry.” “Sige, kung gusto mo, wala na ‘kong magagawa.” Tinanguan lang ni Nimfa si Claire bago tumalikod dito. Hindi niya alam kung ano ang nakain ng babaeng iyon para bumait talaga ito. Gayunpaman, mabigat ang nararamdaman niya rito—hindi bukal sa loob ng bruha ang pagiging mabait nito. Halatang pilit lang. Nang pumanhik siya sa ikalawang palapag, dinako niya ang opisina ng asawa, ngunit agad siyang nagtaka nang hindi ito makita sa loob. Umiling siya, inisip na lang niya na ginagawa nito ang araw-araw nitong routine—ang pagjo-jogging bago pumasok sa trabaho. Tinungo na lang niya ang isa pang silid na nagsisilbing kuwarto nang mag-inang Claire at Harry. Napansin niya agad na nakaawang ang pinto. Nang lumapit siya roon, nakarinig siya nang mahinang pag-uusap. “Totoo po ba ‘yong sinabi sa ‘kin ni mommy, Tito Marcus? Na ikaw na raw po ang magiging daddy ko?” Si Harry. “Harry, ayokong puwersahin ka, okay? Kung ano'ng gusto mong itawag sa ‘kin, it's fine. Pero alam mo, wala na si Kuya Harrison—ang daddy mo. Wala ka ng daddy, right? Sino na lang ang magiging daddy mo? Sino ang sasama sa ‘yo kapag may school program ka? Sino ang poprotekta sa mga nambu-bully sa ‘yo?” Si Marcus naman. Nanumbalik na naman sa puso ni Nimfa ang sakit nang marinig ang masinsinang pag-uusap ng magtiyuhin. Pakiramdam niya'y unti-unti siyang nagkakapira-piraso nang sandaling iyon. “Wala, Tito Marcus.” “See? Kaya yeah, totoo ‘yong sinabi ng mommy mo. From now on, ako na ang magiging daddy mo. I will protect you no matter what. Mas hihigitan ko pa ang pagmamahal na ibinigay sa ‘yo ni Kuya Harrison.” “Yehey! Thank you, daddy…” At mula sa maliit na siwang sa may pinto, nakita ni Nimfa ang mahigpit na pagyakap ni Harry sa kaniyang asawa. Tahimik lang siyang napaiyak nang mga oras na iyon habang kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya. Kaya niyang bigyan ng sariling anak si Marcus—anak na matatawag nitong sariling dugo at laman—hindi anak na galing sa kabit nito. Ngunit paano mangyayari iyon kung ayaw man lang siya nitong hawakan? Akala niya iyong nangyari kagabi ang muling magdudugtong sa kanilang dalawa, subalit nagkamali siya. Nagalit lang si Marcus sa kaniya dahil sa ginawa niya. “Nimfa, hindi ka mahina. Bakit ka ba nagkakagan’yan?” Naestatwa bigla si Nimfa nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan niya itong hinarap at nagulantang siya nang makita niya ang ama niya, prenteng nakatayo sa harap niya. “‘Tay? I-Ikaw ba ‘yan? Buhay ka? ‘Tay?” “Anak, kung nabubuhay lang ang nanay mo, hindi niya magugustuhan ang nangyayari sa buhay mo. Katulad ka niya, palaban, pero bakit mo hinahayaang gamitin ng mga taong nakakasama mo ang kahinaan mo?” “Mahina ako, ‘tay. H-Hindi ako palaban katulad ni nanay. Ayoko na, ‘tay, isama mo na ‘ko. Ayoko nang mabuhay pa. Simula nang mawala ka, simula nang piliin ko ang landas na ‘to, naging impyerno na ang buhay ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, ‘tay…” “Nimfa, may panahon para maghiganti. Ibigay mo ang nararapat para sa kanila dahil hindi habang-buhay ay maaari ka nilang gamitin.” “Maghiganti? Ano'ng mag—” Hindi na natapos ni Nimfa ang ibang sasabihin nang biglang may kumalabog. Sa gulat, napatalon siya. Tumuon agad ang atensyon niya sa harap ng pinto, kung saan nakita niyang bukas na iyon habang nakatayo roon si Marcus, kasama si Harry na inaayos ang nahulog nitong laruan sa lapag. “Sino'ng kausap mo, Nimfa?” naguguluhang tanong ni Marcus sa kaniya. “Si—” Nagulantang na lang siya nang pagharap niya, hindi na niya nakita ang ama niya. “Si tatay, nandito siya kanina. Kausap ko siya, Marcus. Oo, si tatay—” “Hey, he's dead, remember?” At lumapit ito sa kaniya. Doon lang tuluyang nagising si Nimfa sa reyalidad. Agad na namalisbis ang luha sa mga mata niya nang mapagtanto niya ang sinabi ng asawa. Nang makita siya ni Marcus na nasa ganoong estado, bigla na lang siya nitong niyakap nang mahigpit. Tinanggap niya iyon at tahimik na umiyak sa dibdib ng asawa. “You're seeing things, Nimfa. I think mas mabuti kung magpahinga ka muna. But first, kailangan mo munang kumain. Claire prepared us breakfast. Let's go…” Wala sa sarili siyang napatango. Nang humiwalay si Marcus sa kaniya, inakbayan siya nito bago siya inaya pababa sa kusina. Naninibago talaga siya, hindi ganitong Marcus at Claire ang inaasahan niyang makikita niya ngayong umaga.“Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo
Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas
“Zachary! Nasaan ka na? Hubby?” patuloy sa paghiyaw ni Nimfa.Pero hindi pa rin ito lumulutang kaya humahagulgol siyang bumalik sa loob ng bahay. At saktong nakita niyang masayang nakikipag-usap si Benjie sa nanay-nanayan niya.“Benjie, tulungan mo si Zachary!” sigaw niya rito.“Bakit, Ma'am Nimfa? Ano'ng—”“Nasa ilalim siya ng tubig,” tugon niya habang nanginginig ang boses.Dali-dali namang tumalima si Benjie. Sumunod siya rito, at nakita niyang tumalon na ito sa swimming pool. Hindi na niya alam ang gagawin nang sandaling, malakas ang pagkabog ng puso niya, pakiramdam niya'y kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.“Oh my God, Nimfa. What happened?” mayamaya pa'y tanong ng nanay-nanayan niya.Kinagat niya ang ibabang labi bago umiling. “K-Kasalanan ko po ang nangyari, ‘nay. Inutusan ko po siyang tumalon, h-hindi ko naman po inaasahan na susundin niya ako,” sagot niya.“He'll be alright, I know it.” At sinapo nito ang magkabila niyang balikat.Hindi na siya umimik, patuloy pa rin siya s
Nang makabalik si Marcus, agad ibinalik ni Nimfa ang anak nito. Pero hindi pa man ito nahahawakan ng dating asawa, muli na namang umiyak ang bata. “He liked you,” natatawang sambit ni Marcus.“Mukha nga,” tugon niya bago inayos ang pagkakahawaak sa anak nito. “Akin na ‘yang gatas niya, ako na magpapadėde sa kaniya.”Tumango naman ang lalaki. Nang iabot nito sa kaniya ang bote, isinubo niya agad iyon sa bata. Tinanggap nito iyon kaya wala sa sariling siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.“Okay lang ba ‘yan sa iyo, Nimfa? If you're uncomfortable, just tell me. Hayaan mong ako na lang ang mag-alaga kay Marco.”Bumuntong-hininga siya bago ito binalingan na kasalukuyang nang nakaupo sa tabi niya.“Sa tingin mo ba lalapit ako sa iyo kung hindi kumportable sa akin? Bata ang pinag-uusapan natin dito, Marcus. Pareho nating alam na may nakaraan tayo, pero ‘wag mo na ‘yong isipin. Si Marco ang dahilan kaya lumapit ako, h-hindi i—”“I know. I know he's the reason because you're also a mothe
“Kaya ko naman to, eh, wifey. Hindi ka na sana sumama sa akin. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay,” sambit ni Zachary nang huminto sila sa harap ng ospital kung saan nila ipapa-check up si Zacharias sa pediatrician nito.“Ayokong manatili sa bahay na hindi nakikita si Zacharias. Kung nag-aalala ka pa rin sa akin, ‘wag na, hubby. Okay na okay ako, oh,” saad ni Nimfa sa asawa bago inalis ang seatbelt sa katawan.Walang gawa ang asawa kundi umiling bago bumuntong-hininga. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan, habang si Zachary naman ay kinuha ang anak nila sa backseat. Pagkatapos, naglakad na sila patungo sa ospital habang bitbit ng asawa ang anak nilang nasa carrier. Subalit nakakailang hakbang pa lang sila, bigla na lang huminto si Zachary.“Oh, ano'ng nangyari, hubby?” naguguluhan niyang tanong sa asawa.“Tāngina,” mura nito habang nakatingin sa isang direksyon.Sinundan niya iyon, at bahagya siyang nagulat nang makita ang dating asawa, si Marcus, habang bitbit din nito ang anak papa
“Appointment? Ano'ng sinasabi mo, Marcus?” naguguluhang tanong ni Claire nang ipaalam niya rito na magkakaroon ito ng appointment bukas kay Dr. Devanadera, ang kilalang psychiatrist ni Bryes.Bumuntong-hininga si Marcus bago umupo sa kama kahit nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Mataman niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago mariing lumunok.“Dr. Devanadera is a psychiatrist. She will help you, baby,” kalmado niyang sambit upang hindi ito mabigla.Pero nanlaki agad ang mga nito, tila hindi makapaniwala sa sinaad niya. Inalis nito ang suot na headphones bago tumitig sa kaniya.“Psychiatrist? Ano'ng tingin mo sa akin, baliw? Marcus naman, bakit sa daming klase ng doktor sa mundo, bakit sa doktor pa ng utak? Hindi ako baliw, Marcus! Hindi ako ba—”“I'm not saying you're crazy, baby. Iniisip lang kita, lalo na si Marco. You almost kīlled him, remember? Kung hindi ako dumating, b-baka pinaglalamayan na natin siya. You need Dr. Devanadera, baby. Please, baby, para rin naman sa ka







