Share

Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day
Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day
Author: PILOSOPOTASYO

Chapter 1

Author: PILOSOPOTASYO
last update publish date: 2026-04-22 23:34:28

“I never touched my wife—never in our three years of marriage.”

Umalingawngaw agad sa magkabilang tainga ni Nimfa ang narinig mula sa loob ng VIP room. Pamilyar ang boses, malalim iyon—walang iba kundi ang asawa niyang si Marcus.

Mabilis niyang ibinaba ang kamay na sana'y gagamitin niya upang buksan ang pinto, ngunit hindi na niya naituloy dahil sa narinig.

“What? Dude, tatlong taon na kayong kasal, yet you never touched her? Come on, ni hindi ka man lang ba tinîgásan habang nakikita si Nimfa?” Halakhak ng kasama nito.

“Hindi!” mariing sagot ni Marcus.

“Dude, hindi naman sa nangingialam ako, pero hindi ko lang mapigilan na mapansin na every wedding anniversary niyo ni Nimfa, nagtatago ka. Nandito rin tayo last year, right? Same spot, but different drink. Niloloko mo lang ang asawa mo…” sambit ng isa pa.

Sa mga tinig nila, nakilala na ni Nimfa kung sino ang mga iyon—sina Lance at Bryes—mga kaibigan ni Marcus.

“Sa tingin niyo ba gusto ko ‘to?!” bulalas ng asawa niya. “Hindi ko na mahal si Nimfa. Nananatili lang ako sa relasyon namin kasi naaawa ako sa kaniya. For three years, naging mabuti siya sa ‘kin. Ginawa niya ang responsibilidad niya bilang asawa ko—she takes care of me, she prepares my food every morning, and she irons my suit.”

“Yet hindi mo pa rin siya mahal?” Si Lance.

“Hindi!” may diing tugon ni Marcus na ikinakagat-labi na lang ni Nimfa. “Ayoko siyang saktan, mahal ko siya, at pinaninindigan ko ang pangako ko sa kaniya na kahit ano pang ipakita ni Nimfa sa ‘kin, hindi ako mahuhulog.”

“Siya? Sinong siya?” taka ni Bryes.

“It’s… Claire, my brother's wife…” sagot ni Marcus na ikinabagsak agad ng panga ni Nimfa.

Hindi niya alam ang gagawin nang sandaling iyon, pero dahil sa narinig, unti-unting namalisbis sa mga mata niya ang mainit na likido habang nanginginig ang kaniyang mga labi.

Tatlong taon… ganiyan na pala siya katagal naging manhid at ignorante sa tunay na relasyon nila ni Marcus. Ang masaklap, ngayong araw ay ang ikatlong anibersayo ng kasal nila.

Niloloko lang pala siya nito. Wasak na ang puso niya, pero mas lalo pa iyong nawasak nang malaman niya na ang kabit nito ay si Claire, ang asawa ng nakakatandang kapatid nito na si Harrison.

Gustong umatungal ni Nimfa, pero mas pinili niyang maging tahimik kahit halos bumaha na ng luha. Naghanda pa naman siya ng surpresa para kay Marcus, pero ito ang madadatnan niya—isang masakit at nakakadurog-pusong katotohanan.

At dahil hindi na niya makaya ang mga naririnig, napagpasyahan na lang niyang lumisan ng club na madalas puntahan ni Marcus kasama ang mga kaibigan. Nang may nakita siyang basurahan, itinapon niya roon ang bulaklak na ibibigay niya sana kay Marcus bago sumakay ng sasakyan habang walang humpay pa rin ang pagtagas ng luha sa mga mata niya.

Lumipas ang ilang araw, nagpatay-malisya si Nimfa. Nagpatuloy siya sa pagiging responsable niyang asawa kay Marcus dahil mahal pa rin niya ito sa kabila ng masakit niyang nalaman.

“Harrison is dead!”

Nang matanggap nila ang balitang iyon, sumugod agad sila ni Marcus sa ospital. Nandoon na ang buong angkan ng mga Delacroix—hindi makapaniwala sa nangyari.

Ang balita: pinilit ni Claire si Harrison na mag-racing kahit malakas ang buhos ng ulan. Dahil madulas ang racetrack, nawalan ng kontrol ang sasakyan at dumiretso ito sa harang sa gilid ng kalsada. Tumilapon ang kotse sa lakas ng impact, at sa isang iglap, doon na binawian ng buhay ang asawa.

Dahil sa nangyari, galit ang mga Delacroix kay Claire, lalo na ang ina ni Harrison. Sa tindi ng galit nito, akmang sasampalin na nito ang manugang, pero lahat ay nagulat nang saluhin ni Marcus ang palad ng sariling ina. Sa lakas, mabilis na namula ang pisngi nito.

Tahimik lang si Nimfa, walang emosyon ang mukha habang pinagmamasdan si Claire na takot na takot habang nagtatago sa likod ng asawa. Napangiwi siya, at dahil ayaw na niyang makisali sa away nila, lumayo na lang siya. Pero hindi pa man siya nagtatagal sa puwesto, isang tila galit na boses ang nagpahinto sa kaniya.

“What were you thinking, Nimfa?”

Hinarap niya ito, at hindi na siya nagulat nang makita si Marcus. Hanggang ngayon, pulang-pula pa rin pisngi ng asawa.

“A-Ano?”

“I said, what were you thinking? Umalis ka bigla. Ni hindi mo man lang ipinagtanggol ang asawa—”

“Galit ako, Marcus!”

Kumunot ang noo ng asawa. “Galit ka? For what?!”

“Prinotektahan mo si Claire sa harap ng angkan mo. Sinalo mo ang sampal na dapat sa kaniya lalapat. Parang mali yata, Marcus. Ako dapat ang magtanong sa ‘yo ng what were you thinking? Ako ang asawa mo, pero iba ang pinoprotektahan mo!”

“Just because I took a slap for Claire, mamasamain mo na? Hindi niya ginusto ang nangyari kay Kuya Harrison. Nagluluksa siya pagkawala ng asawa niya! She needs protection.”

“Protection? Bakit, sino ba ang naglagay sa kaniya sa sitwasyong ‘yon? Siya rin, ‘di ba? Kung hindi niya pinilit si Kuya Harrison na mag-racing kahit naulan, hindi sana—”

“Enough!” hiyaw ni Marcus na ikinaatras niya.

Hindi na siya nagulat sa reaksyon ng magaling niyang asawa. May relasyon ito kay Claire, sa sarili nitong hipag kaya protektado nito ito. Habang siya, parang wala lang, parang siya pa ang ginawa nitong masama at may kasalanan ng nangyari.

Umiling siya. “Kailangan ka nila, Marcus,” sambit niya sa asawa bago ito iniwan.

Napagpasyahan na lang niyang umuwi sa bahay nila. Babalik na lang siya kapag nakaburol na ang mga labi ni Harrison. Ngunit saktong palabas na siya ng ospital, isang boses ang biglang tumawag sa kaniya. Nang harapin iyon ni Nimfa, nakita niya si Harry—ang pitong taong gulang at chubby-ng anak nina Harrison at Claire. Ang nakakagulat, pinagigitnaan ng asawa niya at ni Claire ang bata.

Lumunok siya bago lumapit sa mga ito. “Hi, Harry…”

“Hello, Tita N,” bati sa kaniya ni Harry bago nakipagbeso pa sa kaniya.

“Nimfa, I have a favor,” pakiusap ni Marcus sa kaniya.

Humiwalay siya kay Harry bago humarap sa asawa. “Ano ‘yon?”

“Isama mo muna si Harry sa bahay natin. May mga kailangang asikasuhin dito. I can't leave, Claire needs—”

“Sure.”

Proteksyon. Hindi na niya kailangang marinig pa iyon. Alam niyang iyon ang sasabihin nito, kaya pinutol na niya.

Malapad naman na ngumiti si Claire bago walang pasabi siyang niyakap. Humiwalay rin naman ito agad sa kaniya.

“Salamat, Nimfa. I owe you.”

Ngumiti siya kahit ang totoo ay gusto niyang tirisin ang dalawa. “Wala ‘yon. Alam ko ang sitwasyon niyo kaya walang problema sa ‘kin. Let's go, Harry, say bye to your mommy and daddy—I mean Tito Marcus.”

“Bye, mommy, bye, tito…”

Nakangiting tumango ang dalawa kaya naman hinawakan na niya ang kamay ni Harry bago ito inaya palabas ng ospital.

Pero pagtalikod, napairap na lang siya. “Mga plastik!” inis niyang bulong bago tuluyang naglakad palayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mia Lorenzo
grabe rin tong su Marcus kay Nimfa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 124

    “Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 123

    Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 122

    “Zachary! Nasaan ka na? Hubby?” patuloy sa paghiyaw ni Nimfa.Pero hindi pa rin ito lumulutang kaya humahagulgol siyang bumalik sa loob ng bahay. At saktong nakita niyang masayang nakikipag-usap si Benjie sa nanay-nanayan niya.“Benjie, tulungan mo si Zachary!” sigaw niya rito.“Bakit, Ma'am Nimfa? Ano'ng—”“Nasa ilalim siya ng tubig,” tugon niya habang nanginginig ang boses.Dali-dali namang tumalima si Benjie. Sumunod siya rito, at nakita niyang tumalon na ito sa swimming pool. Hindi na niya alam ang gagawin nang sandaling, malakas ang pagkabog ng puso niya, pakiramdam niya'y kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.“Oh my God, Nimfa. What happened?” mayamaya pa'y tanong ng nanay-nanayan niya.Kinagat niya ang ibabang labi bago umiling. “K-Kasalanan ko po ang nangyari, ‘nay. Inutusan ko po siyang tumalon, h-hindi ko naman po inaasahan na susundin niya ako,” sagot niya.“He'll be alright, I know it.” At sinapo nito ang magkabila niyang balikat.Hindi na siya umimik, patuloy pa rin siya s

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 121

    Nang makabalik si Marcus, agad ibinalik ni Nimfa ang anak nito. Pero hindi pa man ito nahahawakan ng dating asawa, muli na namang umiyak ang bata. “He liked you,” natatawang sambit ni Marcus.“Mukha nga,” tugon niya bago inayos ang pagkakahawaak sa anak nito. “Akin na ‘yang gatas niya, ako na magpapadėde sa kaniya.”Tumango naman ang lalaki. Nang iabot nito sa kaniya ang bote, isinubo niya agad iyon sa bata. Tinanggap nito iyon kaya wala sa sariling siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.“Okay lang ba ‘yan sa iyo, Nimfa? If you're uncomfortable, just tell me. Hayaan mong ako na lang ang mag-alaga kay Marco.”Bumuntong-hininga siya bago ito binalingan na kasalukuyang nang nakaupo sa tabi niya.“Sa tingin mo ba lalapit ako sa iyo kung hindi kumportable sa akin? Bata ang pinag-uusapan natin dito, Marcus. Pareho nating alam na may nakaraan tayo, pero ‘wag mo na ‘yong isipin. Si Marco ang dahilan kaya lumapit ako, h-hindi i—”“I know. I know he's the reason because you're also a mothe

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 120

    “Kaya ko naman to, eh, wifey. Hindi ka na sana sumama sa akin. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay,” sambit ni Zachary nang huminto sila sa harap ng ospital kung saan nila ipapa-check up si Zacharias sa pediatrician nito.“Ayokong manatili sa bahay na hindi nakikita si Zacharias. Kung nag-aalala ka pa rin sa akin, ‘wag na, hubby. Okay na okay ako, oh,” saad ni Nimfa sa asawa bago inalis ang seatbelt sa katawan.Walang gawa ang asawa kundi umiling bago bumuntong-hininga. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan, habang si Zachary naman ay kinuha ang anak nila sa backseat. Pagkatapos, naglakad na sila patungo sa ospital habang bitbit ng asawa ang anak nilang nasa carrier. Subalit nakakailang hakbang pa lang sila, bigla na lang huminto si Zachary.“Oh, ano'ng nangyari, hubby?” naguguluhan niyang tanong sa asawa.“Tāngina,” mura nito habang nakatingin sa isang direksyon.Sinundan niya iyon, at bahagya siyang nagulat nang makita ang dating asawa, si Marcus, habang bitbit din nito ang anak papa

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 119

    “Appointment? Ano'ng sinasabi mo, Marcus?” naguguluhang tanong ni Claire nang ipaalam niya rito na magkakaroon ito ng appointment bukas kay Dr. Devanadera, ang kilalang psychiatrist ni Bryes.Bumuntong-hininga si Marcus bago umupo sa kama kahit nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Mataman niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago mariing lumunok.“Dr. Devanadera is a psychiatrist. She will help you, baby,” kalmado niyang sambit upang hindi ito mabigla.Pero nanlaki agad ang mga nito, tila hindi makapaniwala sa sinaad niya. Inalis nito ang suot na headphones bago tumitig sa kaniya.“Psychiatrist? Ano'ng tingin mo sa akin, baliw? Marcus naman, bakit sa daming klase ng doktor sa mundo, bakit sa doktor pa ng utak? Hindi ako baliw, Marcus! Hindi ako ba—”“I'm not saying you're crazy, baby. Iniisip lang kita, lalo na si Marco. You almost kīlled him, remember? Kung hindi ako dumating, b-baka pinaglalamayan na natin siya. You need Dr. Devanadera, baby. Please, baby, para rin naman sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status