"A—anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na sambit ni Scarlett Dorothy nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang kanyang asawa sa ibabaw ng kama, hubo't-hubad kasama ang isang babae.
Gulat na napatingin sa gawi niya si Liam Griffin Vergara—ang kanyang pinakamamahal na asawa.
"S—scarlett," tanging naibulalas nito.
Mabilis na bumangon sa kama si Liam at isinuot ang hinubad nitong boxer shorts samantalang ang babaeng kasama nito ay kaswal lang na nagtakip ng katawan para itago ang sarili habang siya ay halos hindi na makahinga dahil sa sakit na nararamdaman niya. Para bang pinipiga ang puso niya at mamatay yata siya sa sakit.
"P—paano mo nagawa sakin 'to Liam?" Hindi makapaniwala niyang hagulhol.
Naalala pa niya kung paano siya niligawan noon ng lalaki. Lumabas siya sa library bitbit ang kanyang libro sa English subject. Malungkot siyang nagtungo sa pinakamalapit na bench para umupo. Nag-aral naman siyang mabuti. Maaga nga siyang gumigising pero hindi parin siya pumasa. Mukhang mahina talaga ang utak niya.
Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng malamyos na tugtog ng isang gitara. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa isang binata na nakaupo sa malaking puno ng acacia ang siyang tumutugtog.
Naglakbay ang kanyang mga mata sa makapal nitong kilay at matangos na ilong pababa sa mamula-mula nitong labi. Isa yata ang lalaki sa pinakagwapong mukha na nasilayan niya. At sa unang pagkakataon, tumibok ang pihikan niyang puso para sa binata na walang iba kundi si Liam.
Subalit nalaman niyang may kasintahan ito kaya pinili niyang itago at ibaon sa limot ang nararamdaman niya. Isa pa ay masyadong matalino at gwapo si Liam para sa kanya.
Akala niya ay hindi na niya ito makikita pa nang magtapos sila pero nang dumating sila ng kolehiyo ay muling nagkrus ang kanilang landas. Naging malapit sila sa isa't-isa. Ginawa ni Liam ang lahat para mapasagot siya hanggang sa nagpakasal sila. Akala niya iyon na ang simula ng walang hanggang kasiyahan niya. Akala niya lang pala ang lahat. Nang makita niya ang mahigit sa sampung check-in records sa motel ni Liam, gumuho ang mundo niya.
Paano siya nito nagawang lokohin? Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin at pagsilbihan ang asawa niya. Ni halos hindi na nga niya maasikaso ang sarili niya dahil iginugol niya ang oras at atensyon sa pag-aalaga dito at pagtatrabaho para makatulong sa panggastos nila sa bahay.
"Napakalandi mo!" Puno ng gigil niyang asik at akmang susugurin ang babae ni Liam na nakatalikod sa kanya pero mabilis siyang napigilan ng lalaki at itinulak pa palayo.
Marahas siyang nag-angat ng tingin kay Liam. Hindi siya makapaniwala na itinulak siya nito para protektahan ang babae nito.
"Please, huwag mo siyang saktan Scarlett…"
Hindi siya makapaniwalang napatitig sa kanyang mahal na asawa. "Pinoprotektahan mo siya? Pinoprotektahan mo ang babaeng sumira sa pagsasama natin?"
Dahan-dahan namang lumingon ang babae sa kanya at ganun nalang ang pagkagimbal niya nang makita kung sino ang kasama ni Liam.
"D—daphne?"
Isang mapanuyang ngisi ang kumawala sa labi ni Daphne. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng panghihina nang makita kung sino ang kalaguyo ng asawa niya.
Daphne delos Reyes…
Ang babaeng unang minahal ni Liam bago siya. Hindi niya alam na nakabalik na pala ang babae sa bansa, at… at ito ang kabit ng asawa niya?!
Dahil sa labis na panibugho, sumulak ang galit sa kanyang dibdib at pinukol ng nakamamatay na tingin si Liam. "I hate you, Liam! Ipapakulong ko kayo ng babae mo!"
Mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas subalit hinabol siya ni Liam at agad na lumuhod sa harapan niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa nito pero nakaramdam ng munting saya ang puso niya sa ginawa ng kanyang asawa.
"Patawarin mo ako, Scarlett…" Humihikbi nitong sambit.
Umawang ang kanyang mga labi. Humihingi ng tawad sa kanya si Liam!
"...pero mahal ko parin si Daphne. At hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko kanya."
Pakiramdam niya mabibingi siya sa panibagong dagok ng sakit sa kanyang dibdib. Hindi pala para sa kanya ang pagluhod nito kundi para sa babae nito. Kung mahal parin nito si Daphne hanggang ngayon ay nasaan pala siya sa buhay nito sa mga nagdaang taon nilang pagsasama?
Naging mabilis ang lahat. Pinili ni Liam si Daphne at naiwan siyang mag-isa pero ang mas masakit pa ay ang pagkawala ng tanging buhay na kinakapitan niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan kasabay ng pagsigid ng hindi maipaliwanag na kirot. Ilang saglit pa'y umagos ang masaganang dugo pababa sa kanyang mga binti.
Hindi!
Ang anak niya!
Subalit bago paman siya makakilos ay nawalan na siya ng lakas at unti-unting kinain ng kadiliman.
Napapitlag si Scarlett nang tumunog ang heater. Wala na siya sa hotel kung saan nahuli niya ang kanyang asawa kundi nasa loob na siya ng opisina ng Finance Bureau ng Economic Development Zone ng Makati City kung saan siya nagtatrabaho.
Huminga siya ng malalim at hinugot iyon mula sa saksakan saka ibinuhos sa cup noodles na nasa kanyang harapan. Mahigit dalawang buwan na pala ang lumipas magmula ng mangyari ang bagay na iyon at hanggang ngayon ay masakit parin sa kanya.
Napatingin siya sa kanyang repleksyon mula sa dingding na salamin. Ang kanyang maputlang kutis ay mas lalo pang pumusyaw nang matamaan siya ng liwanag mula sa kisame. Wala sa sarili siyang napahawak sa manipis niyang tiyan kasabay ng kusang pagtulo ng kanyang masagang mga luha.
Pakiramdam niya tumigil na sa pag-ikot ang mundo niya. Pinagtaksilan siya ng kanyang asawa at mas pinili nito si Daphne kaysa sa kanya. At higit sa lahat nawala sa kanya ang kanyang anak na hindi man lang niya nasisilayan.
"A—anong nangyari?" Tanong niya nang magising siya.
"Nasa ospital po kayo Mrs.Vergara," ani ng isang nurse.
Napahawak siya sa kanyang tiyan. "A—ang anak ko?"
Napayuko ang nurse. "Ikinalulungkot ko subalit wala na ang iyong anak. Tinawagan narin namin ang emergency number na nasa ID ninyo pero hindi po interesado ang nagmamay-ari ng numero na malaman ang kalagayan ninyo."
Tila nabingi siya sa kanyang narinig. Wala siyang pakialam kung hindi na siya pupuntahan ni Liam pero ang malaman na wala na ang anak niya, hindi niya iyon matatanggap!
Ano nalang ang gagawin niya? Paano niya kakayanin ang sakit na nararamdaman niya? Napatingin siya sa bintana ng kanyang silid. Kung tatalon ba siya ay matatapos na itong paghihirap niya?
Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi at ibinaling ang mga mata sa napakaraming dokumento sa kanyang mesa. Noon ay ayaw niya sa trabahong meron siya pero ngayon, ang bagay na ito nalang ang naiisipan niyang pagtiyagaan para lang manatili siya sa kanyang katinuan.
Huminga siya ng malalim at dinampot ang cup noodles at dinala sa kanyang mesa. Pagod na pagod na siya. Ilang linggo na siyang nagtatrabaho bilang night-shift, kaharap ang napakaraming dokumento at pagsagot ng walang hanggang tawag sa telepono.
Ipinusod niya ang lampas sa balikat niyang buhok at hindi na alintana pa ang halos nagmamantika na niyang mukha. Suot ang kanyang makapal na salamin, muli niyang itinutok ang atensyon sa harap ng computer para tapusin ang naiwan pa niyang trabaho.
Ala-una y media na ng madaling araw ng matapos siya sa pagtitipa sa computer. Kumuha siya ng kumot at inayos ang mahabang upuan na nasa loob ng opisina at pagod na humiga. Siguro dahil sa pagod, mabilis lang siyang hinila ng antok at tuluyan ng nilamon ng kadiliman.
Kinabukasan ay maaga paring nagising si Scarlett para linisin ang opisina. Paglabas niya ay nakita niya si Secretary Mila. Napansin naman ng huli ang pamumutla ni Scarlett kaya naisipan nitong bigyan ng isang linggong bakasyon ang babae.
Nagpasalamat naman si Scarlett kay Secretary Mila. Agad niyang ipinasa sa kanilang Section Chief na si Darwin ang summarize form sa lalaki, nilisan na niya ang opisina at pumara ng taxi para pumunta sa bahay ni Liam at kunin ang natitira niyang mga gamit.
Pagdating niya sa bahay ay nakita niyang inilabas na ang lahat ng mga gamit at dekorasyon na napili niya sa dating pamamahay nila ni Liam. Binili niya ang mga iyon sa sarili niyang pera.
"Naku, ingatan mo iyang TV! Baka mabasag yan!"
"Hawakan ninyong mabuti iyang refrigerator. Napakamahal niyan!"
"Ilabas ninyo ang mga yan! Ayaw ni Daphne sa istilo ng bahay. Napakapangit at walang taste!" Boses ng ina ni Liam na si Amelia.
Humugot siya ng hangin para pakalmahin ang sarili niya bago nagtuloy sa loob. Ayaw niyang kainin siya ng emosyong niya lalo pa't bawat sulok ng lugar na iyon, si Liam at ang pagmamahalan nila sa loob ng walong taon ang naalala niya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Mataray na sita ni Amelia nang makita siya.
"Nandito ako para kunin ang mga gamit ko," walang buhay niyang tugon.
"Nasa bodega ang mga gamit mo!" Padabog nitong sagot.
Hindi na niya pinansin pa ang ginang at nilampasan na ito. Pagkabukas niya ng bodega ay ganun nalang ang pagsulak ng galit sa kanyang dibdib nang makitang parang basura lang itong itinapon sa kung saan at puro alikabok na.
Mariin siyang napapikit. Mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang pagtrato nito sa kanya. Napupuno na siya. Nang magmulat siya ng mga mata ay dumako ang kanyang tingin sa kahoy na nasa isang sulok. Wala sa sarili niyang iyong dinampot at lumabas ng bodega…
Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala
"Ang tagal na ng mga panahong iyon. Bakit mo naisipan na itanong?"G—gusto ko lang po talagang malaman kung bakit doon sa Romero Hospital mo ako ipinanganak."Ibinigay ni Dahlia ang feeding bottle sa kanyang apo at hinayaan itong hawakan iyon at inumin bago dinampot ang kanyang cellphone. "Hindi ba't naikwento ko na ito sayo?" Nakangiting niyang sambit bago nagpatuloy."Mahigit tatlumpung taon na ang nakalilipas, nagtrabaho kami ng tatay mo sa isang construction site diyan sa Makati para kumita ng mas malaking pera. Hindi ako bumalik agad sa probinsya kahit na kabuwanan ko na dahil akala ko, may isang linggo pa naman ako. Kahit na buntis ako, naisip ko na makakagawa parin naman ako ng magaan na trabaho. Pero sino ba namang mag-aakala na kahit may ilang araw pa ako bago manganak pero lumabas na ka. Mabilis akong dinala ng isa sa mga contractor sa Romero Hospital at doon kita ipinanganak. Gumastos pa nga ako ng malaki. Kung sa bahay lang sana ako nanganak, makakatipid pa sana ako."Tahim
Sandali pang napasulyap si Kairo sa mag-asawang Van Buren bago lumingon kay Scarlett. "Ihahatid na kita.Tipid namang ngumiti si Scarlett bago umiling. "Wag na. Salamat nalang. Sasakay nalang ako ng taxi pabalik."Lumapit si Scarlett sa mag-asawa na ngayon ay tahimik parin. Kung siya nga ang nawawalang anak ng mag-asawa, sigurado siyang dismayado ang mga ito. Lihim siyang napabuntong hininga bago nagsalita."Mauuna na po ako," mahina niyang paalam.Hindi sumagot ang dalawa. Mapait siyang napangiti bago tuluyan ng nilisan ang lugar.Mataman namang pinagmasdan ni Kairo ang bulto ni Scarlett habang patawid ito ng kalsada. Nang makasakay na ng taxi si Scarlett, saka lang siya lumingon sa mag-asawa. Nakasandal na si Tita Emily sa balikat ni Tito Leo habang umiiyak. Mahigpit naman itong niyakap ng huli habang inaalo.Nabasa na nina Emily ang impormasyon tungkol kay Scarlett—kung gaano kahirap ang buhay nito, ang pang-aapi ng head nito sa trabaho, pagtataksil ng asawa nitong si Liam, ang misc
Unti-unting bumagal ang lakad ni Scarlett nang makita niya ang mag-asawa sa unahan. Nakasuot ang lalaki ng isang makintab at mamahaling suit habang ang ginang namang kasama nito ay suot din ang isang puting silk dress. Parehong elegante at kagalang-galang ang dalawa.Biglang nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili si Scarlett. Kitang-kita naman na malayo ang agwat ng estado nito sa kanya. Ang mabagal niyang lakad ay kusang huminto habang nanatili siyang nakatitig sa mag-asawa na papalapit na sa gawi nilang dalawa ni Kairo.Humakbang si Kairo at binati ang mag-asawa. Uncle Leo, Auntie Emily, this Scarlett Dorothy Lopez," pakilala ni Kairo sa kanya.Nag-alinlangan Scarlett kung lalapit ba siya para bumati sa mga ito pero dahil hindi naman sila magkakilala, napagdesisyunan niyang panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Tumayo siya sa likod ni Attorney Kairo at nagsalita."Magandang araw po."Maingat na pinagmasdan nina Leo at Emily si Scarlett. Kahit nakita na nila ang impormasyon n
Dahan-dahang umusad ang sasakyan paalis sa tinutuluyan ni Scarlett. Nilibang nalang niya ang sarili sa panonood sa nakikita niyang mga building sa labas. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Hindi niya masasabi kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon, kung naghihintay ba siya sa katotohanang malapit nang mabunyag, o natatakot na harapin ang hindi mahuhulaan na hinaharap. Sobrang kumplikado naman ng lahat."Dito ka ba talaga nakatira, Miss Lopez?" Basag ni Kairo sa katahimikan sa pagitan nila."Oo, bagong lipat lang ako dito," patangong sagot ni Scarlett.Nakatira siya sa isang iskwater sa pagitan ng lungsod at mga kanayunan. Kung ikukumpara sa ibang mga lugar, medyo marumi at magulo nga ito at medyo malayo pa sa bus station. Gayunpaman, ang renta at ang mga presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan dito ay mas mababa kaysa sa lungsod kung saan swak sa budget niya.Ngunit para sa mga taong nasanay sa maginhawang buhay na tulad ni Kairo na karaniwang luma
Natigil si Scarlett sa plano niyang pagbubukas ng pinto kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Hindi kaya nagkakamali lang kayo, Attorney Vasquez?"Kinagat ni Kairo ang pang-ibaba niyang labi bago sumagot. "Kung totoo man ang nakasulat sa resulta then ikaw nga ang batang naipalit na anak ng mga magulang mo sa client ko ng taong iyon."Umawang ang labi ni Scarlett sa narinig mula sa abogado. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at tila ba parang tumigil ang mundo niya sa pag-ikot. Wala sa sarili siyang pumasok sa loob ng tinutuluyan niya at napaupo sa sofa. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling tulala bago siya nahimasmasan."N—nandyan pa po ba kayo Attorney?" Tanong ni Scarlett sa nanginginig na boses."I'm still here.""Ano ang dapat kong gawin ngayon?" Naguguluhang tanong ni Scarlett. Hindi niya alam kung haharapin ba niya ang biglaang katotohanang pasabog o pipiliin niyang balewalain ang nalaman niya?"Are you free today? Gusto ng client ko na magsagawa pa ng karagd