Share

Kabanata 14: Resulta

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-03-15 21:21:35

Kinabukasan, nagluto ng sopas si Scarlett para magkalaman ang kumukulo niyang sikmura. Gutom na gutom siya lalo pa't tinanghali na siya ng gising. Nang matapos niya ang kanyang pagkain, saka palang siya nakaramdam ng kaginhawaan.

Pagkatapos niyang kumain at maglinis ng kusina, muli siyang humiga sa kanyang kama. Pinakiramdaman niya ang sugat na natamo niya. Hindi naman iyon ganun kagrabe pero mas mabuti narin na makapagpahinga siya.

Hindi namalayan ni Scarlett na nakatulog na pala siya sa kaisipang iyon. Nagising nalang siya dahil sa maingay na ringtone ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang tumawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Mang Ben iyon. Gayunpaman, pinili parin niyang sagutin ang tawag ng lalaki.

"Hello po, Mang Ben…"

"Naaksidente ka raw kahapon, Scarlett. Kumusta ka na? Maayos lang ba ang kalagayan mo? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" Tanong nito sa nag-aalalang boses.

"Ayos lang po ako, Mang Ben. Hindi naman ganun
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 18: Kwento

    "Ang tagal na ng mga panahong iyon. Bakit mo naisipan na itanong?"G—gusto ko lang po talagang malaman kung bakit doon sa Romero Hospital mo ako ipinanganak."Ibinigay ni Dahlia ang feeding bottle sa kanyang apo at hinayaan itong hawakan iyon at inumin bago dinampot ang kanyang cellphone. "Hindi ba't naikwento ko na ito sayo?" Nakangiting niyang sambit bago nagpatuloy."Mahigit tatlumpung taon na ang nakalilipas, nagtrabaho kami ng tatay mo sa isang construction site diyan sa Makati para kumita ng mas malaking pera. Hindi ako bumalik agad sa probinsya kahit na kabuwanan ko na dahil akala ko, may isang linggo pa naman ako. Kahit na buntis ako, naisip ko na makakagawa parin naman ako ng magaan na trabaho. Pero sino ba namang mag-aakala na kahit may ilang araw pa ako bago manganak pero lumabas na ka. Mabilis akong dinala ng isa sa mga contractor sa Romero Hospital at doon kita ipinanganak. Gumastos pa nga ako ng malaki. Kung sa bahay lang sana ako nanganak, makakatipid pa sana ako."Tahi

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 17: Lungkot

    Sandali pang napasulyap si Kairo sa mag-asawang Van Buren bago lumingon kay Scarlett. "Ihahatid na kita.Tipid namang ngumiti si Scarlett bago umiling. "Wag na. Salamat nalang. Sasakay nalang ako ng taxi pabalik."Lumapit si Scarlett sa mag-asawa na ngayon ay tahimik parin. Kung siya nga ang nawawalang anak ng mag-asawa, sigurado siyang dismayado ang mga ito. Lihim siyang napabuntong hininga bago nagsalita."Mauuna na po ako," mahina niyang paalam.Hindi sumagot ang dalawa. Mapait siyang napangiti bago tuluyan ng nilisan ang lugar.Mataman namang pinagmasdan ni Kairo ang bulto ni Scarlett habang patawid ito ng kalsada. Nang makasakay na ng taxi si Scarlett, saka lang siya lumingon sa mag-asawa. Nakasandal na si Tita Emily sa balikat ni Tito Leo habang umiiyak. Mahigpit naman itong niyakap ng huli habang inaalo.Nabasa na nina Emily ang impormasyon tungkol kay Scarlett—kung gaano kahirap ang buhay nito, ang pang-aapi ng head nito sa trabaho, pagtataksil ng asawa nitong si Liam, ang mis

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 17: Pagkikita

    Unti-unting bumagal ang lakad ni Scarlett nang makita niya ang mag-asawa sa unahan. Nakasuot ang lalaki ng isang makintab at mamahaling suit habang ang ginang namang kasama nito ay suot din ang isang puting silk dress. Parehong elegante at kagalang-galang ang dalawa.Biglang nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili si Scarlett. Kitang-kita naman na malayo ang agwat ng estado nito sa kanya. Ang mabagal niyang lakad ay kusang huminto habang nanatili siyang nakatitig sa mag-asawa na papalapit na sa gawi nilang dalawa ni Kairo.Humakbang si Kairo at binati ang mag-asawa. Uncle Leo, Auntie Emily, this Scarlett Dorothy Lopez," pakilala ni Kairo sa kanya.Nag-alinlangan Scarlett kung lalapit ba siya para bumati sa mga ito pero dahil hindi naman sila magkakilala, napagdesisyunan niyang panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Tumayo siya sa likod ni Attorney Kairo at nagsalita."Magandang araw po."Maingat na pinagmasdan nina Leo at Emily si Scarlett. Kahit nakita na nila ang impormasyon n

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 16: Kaba

    Dahan-dahang umusad ang sasakyan paalis sa tinutuluyan ni Scarlett. Nilibang nalang niya ang sarili sa panonood sa nakikita niyang mga building sa labas. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Hindi niya masasabi kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon, kung naghihintay ba siya sa katotohanang malapit nang mabunyag, o natatakot na harapin ang hindi mahuhulaan na hinaharap. Sobrang kumplikado naman ng lahat."Dito ka ba talaga nakatira, Miss Lopez?" Basag ni Kairo sa katahimikan sa pagitan nila."Oo, bagong lipat lang ako dito," patangong sagot ni Scarlett.Nakatira siya sa isang iskwater sa pagitan ng lungsod at mga kanayunan. Kung ikukumpara sa ibang mga lugar, medyo marumi at magulo nga ito at medyo malayo pa sa bus station. Gayunpaman, ang renta at ang mga presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan dito ay mas mababa kaysa sa lungsod kung saan swak sa budget niya.Ngunit para sa mga taong nasanay sa maginhawang buhay na tulad ni Kairo na karaniwang luma

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 15: Awa

    Natigil si Scarlett sa plano niyang pagbubukas ng pinto kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Hindi kaya nagkakamali lang kayo, Attorney Vasquez?"Kinagat ni Kairo ang pang-ibaba niyang labi bago sumagot. "Kung totoo man ang nakasulat sa resulta then ikaw nga ang batang naipalit na anak ng mga magulang mo sa client ko ng taong iyon."Umawang ang labi ni Scarlett sa narinig mula sa abogado. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at tila ba parang tumigil ang mundo niya sa pag-ikot. Wala sa sarili siyang pumasok sa loob ng tinutuluyan niya at napaupo sa sofa. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling tulala bago siya nahimasmasan."N—nandyan pa po ba kayo Attorney?" Tanong ni Scarlett sa nanginginig na boses."I'm still here.""Ano ang dapat kong gawin ngayon?" Naguguluhang tanong ni Scarlett. Hindi niya alam kung haharapin ba niya ang biglaang katotohanang pasabog o pipiliin niyang balewalain ang nalaman niya?"Are you free today? Gusto ng client ko na magsagawa pa ng karagd

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 14: Resulta

    Kinabukasan, nagluto ng sopas si Scarlett para magkalaman ang kumukulo niyang sikmura. Gutom na gutom siya lalo pa't tinanghali na siya ng gising. Nang matapos niya ang kanyang pagkain, saka palang siya nakaramdam ng kaginhawaan.Pagkatapos niyang kumain at maglinis ng kusina, muli siyang humiga sa kanyang kama. Pinakiramdaman niya ang sugat na natamo niya. Hindi naman iyon ganun kagrabe pero mas mabuti narin na makapagpahinga siya.Hindi namalayan ni Scarlett na nakatulog na pala siya sa kaisipang iyon. Nagising nalang siya dahil sa maingay na ringtone ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang tumawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Mang Ben iyon. Gayunpaman, pinili parin niyang sagutin ang tawag ng lalaki."Hello po, Mang Ben…""Naaksidente ka raw kahapon, Scarlett. Kumusta ka na? Maayos lang ba ang kalagayan mo? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" Tanong nito sa nag-aalalang boses."Ayos lang po ako, Mang Ben. Hindi naman ganun

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 13: Pag-aalaga

    Sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya, nauntog ang ulo niya sa steering wheel ng kotse. Ramdam niya ang pag-agos ng mainit at malagkit na likido mula sa kanyang sugat sa bandang noo. At hindi lang iyon, pati ang dalawa niyang ilong ay dumudugo narin.Dahil nakaramdam ng pagkahilo si Scarlett, nanatili siyang nakasubsob sa steering wheel hanggang sa unti-unti na siyang bumalik sa huwisyo.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang matapang na amoy ng gasolina. Mabilis siyang kumuha ng tissue at pinahiran ang dugo sa kanyang ilong saka bahagyang diniinan ang kanyang sugat para tumigil ang pagdurugo.Pilit niyang binuksan ang pintuan ng koste. Mabuti nalang at hindi siya masyadong nahirapan. Gumapang siya palabas ng sasakyan at nagpunta sa ligtas na lugar.Mabilis namang siniyasat ng driver na nakabanggaan ni Scarlett ang sitwasyon ng babae. Agad itong tumawag ng ambulansya. Hindi rin naman sila naghintay ng matagal at agad na dumating ang rescue. Isinakay si Scarlett sa stretcher at dinala

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 12: Aksidente

    Inalala ni Kairo ang mukha ni Scarlett. Kahit na mukhang haggard ang babae, mahahalata mo parin ang matangos nitong ilong at nagniningning na mga mata. Bilugan ang hugis ng mukha nito at kapag tinititigan mo ay parang kay sarap na pisilin. Kung mag-aayos lang ito kagaya ng mga babae sa alta sosyedad, mas maganda pa ito sa babaeng ipinalit ng dati nitong asawa…Kinabukasan, habang naglilinis sa kanyang mesa si Scarlett ay dumaan si Chief Darwin habang bakas sa mukha nito ang disgusto sa kanya. Sigurado siyang nagsumbong na si Liam at nakarating na sa tenga nito ang nangyari sa pagitan nila noong nakaraang araw. Malamang sa malamang, pagdidiskitahan na naman siya nito.Lihim siyang napabuntong hininga kasabay ng paglukob ng lungkot sa puso niya. Kailangang makapasa siya sa civil service exam sa susunod na taon para makakuha siya ng mas maayos pang trabaho malayo sa mga taong nang-aapi sa kanya.Hindi man siya kinausap ni Chief Darwin, tinambakan naman siya ng lalaki ng napakaraming file

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 11: Panonood

    "How dare you!" Nanggagalaiting sigaw ni Daphne. "You'll pay for this bítch!" Dagdag pa nito at akmang susugurin ang kaibigan ni Scarlett.Maagap namang pinigilan ni Liam si Daphne. Pareho na silang basa ang mga damit. Nahihiya narin siya sa klase ng titig ng mga taong nakapaligid sa kanila."Let's go, Daphne," aniya at sapilitang hinila ang babae palabas ng mall.Kahit anong pagpupumiglas ni Daphne ay wala siyang nagawa sa lakas ni Liam. Wala pa naman siyang balak na atrasan ang dalawa. She's planning to call the police so those two will pay for what they have done, but Liam ruined her chance para mas lalo pang ipahiya si Scarlett at pagmukhaing desperada.Hindi naman nilubayan ng tingin ni Scarlett ang dalawa hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin niya. Nang humupa na ang galit niya ay saka lang niya napagtanto ang kalat na nagawa nila ni Celeste. At para humingi ng tawad sa panggugulo nila sa loob ng mall, silang dalawa ni Celeste ang nagpresinta na maglinis ng kalat nila.Haba

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status