FAZER LOGINStay tuned. Kung nagustuhan po ninyo ang story, pwede kayong mag-iwan ng mga komento, gem votes, at i-rate po ang mismong libro. Salamat!
Kabanata 204Maingat na sinusubuan ni Marian si Arturo ng pagkain habang nakaupo sa tabi ng kama nito sa pribadong silid ng ospital.Ilang araw na ang lumipas mula nang magising si Arturo, ngunit ayaw pa rin nitong paalisin si Marian sa tabi niya. Kahit ang mga nurse ay napapailing na lamang dahil halos lahat ng kailangan nito ay kay Marian hinihingi."Open your mouth."Agad namang sumunod si Arturo.Parang isang masunuring bata itong isinubo ang pagkain.Ngunit pagkatapos noon ay muli na naman itong napatitig sa mukha ng asawa niya. Hindi niya maalis ang mga mata rito. Parang natatakot siyang mawala ulit si Marian kapag hindi niya ito tiningnan.Napansin iyon ni Marian."Stop staring."Nakataas ang kilay niya habang hinihipan ang kutsarang hawak."Kumain ka nang maayos. Ilang araw kang tulog. Kailangan mong bumawi ng lakas."Napangiti si Arturo.Napailing si Marian.Hindi niya alam kung bakit parang biglang naging clingy at mas makulit ang lalaki matapos ang aksidente."Why are you s
Kabanata 203Tahimik ang ICU room. Tanging tunog lamang ng monitor at mahinang paghinga ni Arturo ang maririnig sa loob.Nakaupo si Marian sa tabi ng kama nito habang hawak-hawak ang kamay ng lalaki. Halos hindi na siya umaalis sa ospital. Kahit pilitin siya nina Yuri at Secretary Max na magpahinga, hindi niya magawa.Natatakot siya.Natatakot siyang muling mawalan ng mahal sa buhay.Kaya nang pumasok si Secretary Max kasama ang abogado ni Arturo, agad siyang napalingon."Madam," magalang na tawag ni Max.May dala itong makapal na brown envelope."May gusto pong ipaabot si Sir sa inyo bago nangyari ang lahat."Nakunot ang noo ni Marian."Ano 'yan?"Lumapit ang abogado at iniabot ang mga dokumento."Pakibasa na lang po."Naguguluhan man ay kinuha niya ang mga papeles. Unti-unti niyang binuklat ang mga iyon. Ngunit habang nagbabasa siya, mas lalo siyang natigilan.Nanlaki ang mga mata niya.Hindi siya makapaniwala.Sunod-sunod niyang binalikan ang mga pahina para siguraduhing tama ang n
Kabanata 202 Nanginginig ang buong katawan ni Marian habang nakatayo sa operating room. Pakiramdam niya ay huminto ang mundo nang makita niya ang duguang katawan ni Arturo na nakahiga sa operating table. Halos hindi niya makilala ang lalaki. May dugo sa buhok nito. May malalim na sugat sa ulo. Puno ng pasa at galos ang katawan nito. Ang dating lalaking palaging matatag at imposibleng matinag ay ngayon nakahandusay na parang isang taong anumang oras ay maaaring mawala sa mundo. Biglang nanikip ang dibdib ni Marian. "Arturo..." Mahina niyang nabigkas ang pangalan nito. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. Mabilis siyang lumapit sa operating table habang sinusuri ng mga doktor ang kondisyon ng pasyente. "Blood pressure is dropping." "We need more blood." "Possible cranial bleeding." Sunod-sunod ang mga ulat ng medical team. Mas lalo lamang namutla si Marian. Hindi siya si Dr. Castro sa mga sandaling iyon. Hindi siya ang kilalang medical genius ng NovaL
Kabanata 201 Sina Yuri at Max na abala sa pag-uusap sa labas ng opisina ni Marian ay kapwa napahinto nang makita nilang bumukas ang pinto. Lumabas si Arturo. Parang may namatay sa loob niya. Napatingin si Max sa boss niya at agad siyang sumunod. “Sir—” Ngunit bago pa siya makalapit, itinaas ni Arturo ang isang kamay bilang senyas na tumigil siya. “Give me the car keys.” Nagulat si Max. “Sir, ako na po ang magda-drive.” “Max.” Malamig ang boses nito. Dahan-dahang iniabot ni Max ang susi. “Sir, please... huwag po kayong magmaneho kung hindi kayo okay.” Hindi siya sinagot ni Arturo. Kinuha lamang nito ang susi at diretsong naglakad patungo sa elevator. Habang pinagmamasdan siyang lumalayo, biglang nakaramdam ng kaba si Max. Parang may masamang mangyayari. Sa kabilang banda, nanatiling nakatayo si Marian sa loob ng opisina. Naririnig pa rin niya ang huling sinabi ni Arturo. "In every lifetime I get... I'll still choose you." Mariin siyang napapikit. Bakit ngayon? Baki
Kabanata 200 Isang linggo nang halos hindi makatulog nang maayos ang pamilya Navarro. Mula nang mabunyag ang totoong pagkatao ni Leon Marquez at ni Marian, tila tuluyan nang gumuho ang mundong matagal nilang itinayo. Isa-isang nawala ang lahat sa kanila. Ang mga negosyo nilang dating ipinagmamalaki ay nakasangla na. Ang ilang properties ay nasa proseso na ng foreclosure. Ang mga dating kaibigan at business partners na halos araw-araw nilang kasama sa mga social gatherings ay biglang naglaho na parang bula. Walang gustong tumulong sa kanila. Lalong walang gustong makiugnay sa pamilyang kilala na ngayon sa pagtalikod at pagmamaltrato sa sarili nilang anak. Sa loob ng ancestral house, mabigat ang katahimikan. Nakakulong sa kani-kanilang mga silid ang bawat miyembro ng pamilya. Parang may namatay. At sa isang banda, totoo naman. Namatay ang reputasyon nila. Namatay ang kayabangan nila. At higit sa lahat, namatay ang ilusyon nilang hindi nila kailanman kakailanganin si Marian.
Kabanata 199 Ilang oras na ang lumipas matapos ang kaguluhang yumanig sa buong ballroom. Unti-unti nang nagsiuwian ang mga bisita. Nagsialisan na rin ang mga reporters matapos makuha ang pinakamalaking balita ng gabi. Tahimik na ngayon ang venue. Malayo ito sa ingay at kaguluhang naroon kanina. Sa isang sulok ng ballroom, nakaupo si Marian habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Pagod na pagod na siya. Pagod ang katawan niya. Pagod din ang isip niya. Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, magaan ang pakiramdam niya. Hindi na niya kailangang magpanggap. Hindi na niya kailangang yumuko. Hindi na niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya sa mga taong matagal nang humusga sa kanya. Nakalantad na ang katotohanan. At sa wakas, nakita rin ng lahat kung sino talaga siya. Tahimik siyang nakatanaw sa malawak na ballroom nang maramdaman niya ang isang pamilyar na presensya. Hindi na niya kailangang lumingon. Alam na niya kung sino iyon. “Can I sit here?” Mababa
Kabanata 64 Sa loob ng maraming taon, iisa lang ang ginagawa ni Marian. Sinusubukan niyang hilahin ang sarili niya palabas ng madilim na nakaraan. Araw-araw niya iyong nilalabanan. Iyong takot. Iyong trauma. Iyong pakiramdam na wala siyang halaga at walang taong tunay na pipili sa kaniya. Hindi
Kabanata 61Hindi agad nakasagot si Dawen nang tanungin siya ni Arturo kung magkano ang gusto niya. Sa totoo lang, hindi niya inasahan na magiging ganoon kadali ang lahat.Kanina pa niya inoobserbahan si Arturo. Mula sa suot nitong relo hanggang sa paraan ng pagsasalita, halatang sanay ito sa pera.
Kabanata 60 Ngumiti si Dawen na parang simpleng tao lang talaga siya. “Mr. Mendoza, hello,” sabi niya habang bahagyang tumatawa. “Honestly, hindi ko talaga in-expect na makakapag-asawa nang ganito kaganda ang buhay ni Marian. Pero ngayong nakita ko kayo together, relieved na ako. Perfect match kay
Kabanata 59 Pagkababa pa lang ni Marian mula sa sasakyan, may kakaiba na agad siyang naramdaman. Tahimik ang buong lumang mansyon ng mga Mendoza, pero mabigat ang hangin, parang may hindi magandang naghihintay sa loob. Pagpasok niya sa living room, agad siyang natigilan. Nanigas ang buong katawan







