ANMELDENIsabelle POV Alas-nuwebe pa lang ng umaga pero ramdam na ang init sa loob ng ginagawang Community Center. Walang masyadong hangin ngayon, kaya naman halos lahat ng mga trabahador ay nakatupi na ang mga manggas ng t-shirt. Kahit hindi pa sementado ang buong sahig, tuyo na ang foundation kung saan ipapatong ang mga mabibigat na kagamitan. "Dito po natin ilalagay ang unang hanay, Nanay Elena," turo ko sa bakanteng bahagi ng pader na gawa sa pinagsamang semento at eco-bricks. May hawak akong chalk at sinusukat ang distansya ng bawat rack mula sa pinto. "Para kapag pumasok ang mga guests, ang unang-una nilang makikita ay 'yung mga makukulay na sinulid." Lumapit si Nanay Elena, hila-hila ang isang lumang kahoy na rack na may gulong sa ilalim. Kasunod niya ang dalawa pang babae mula sa kooperatiba na may bitbit na mga basket ng mga habing tela. "Architect, kasya ba rito ang tatlong ganito kalaking habihan?" tanong ni Nanay Elena habang pinupunasan ang kanyang noo ng bimpo. "Medyo mal
Isabelle POV Alas-siyete na ng gabi pero maliwanag pa rin ang paligid ng Phase 4 dahil sa mga bagong kabit na floodlights. Ito ang unang gabi na sinubukan namin ang full layout ng outdoor lighting para sa Community Center habang sumasabay ang gabi-gabi nang second shift ng mga trabahador. Hawak ko ang aking clipboard habang nakatayo sa may gilid ng scaffolding, pinapanood ang bawat anggulo ng liwanag. “Architect, okay na po ba ‘yung bagsak ng spotlight sa may entrance ng gallery? Hindi ba masyadong nakakasilaw?” tanong ni Leo habang pababa mula sa isang stepladder. May hawak siyang screwdriver at medyo may dumi ng grasa ang pisngi. “Medyo i-paling mo pa nang limang degrees pakanan, Leo. Gusto ko kasi, ang tatamaan lang ay ‘yung magiging signage ng kooperatiba nina Nanay Elena, hindi ‘yung mismong daanan ng mga tao,” sagot ko habang sinesenyasan siya gamit ang kaliwang kamay. “Sige po, Architect. Ayusin ko muna sandali,” sabi ni Leo sabay akyat uli. Habang abala kami, narinig ko a
Isabelle POV Alas-singko na ng hapon pero nananatili pa rin ang init sa gilid ng Phase 4 construction site. Katatapos lang namin mag-inspect ni Leo sa mga bagong deliver na kawayan na gagamitin para sa ceiling framework ng Community Center. Mas mabilis ang naging takbo ng trabaho dahil sa second shift, pero mas dumoble rin ang kailangan kong i-monitor. "Architect, tumawag po ang front desk kanina," ulat ni Claire habang lumalapit sa akin, bitbit ang isang tray ng malamig na tubig. "Si Mrs. Alcantara raw po, nag-request na naman na i-extend ang stay niya sa Cabin 1 hanggang Sunday." Inabot ko ang isang baso ng tubig at uminom. "Pangatlong beses na niyang nag-extend, 'di ba? May booking ba tayo na susunod sa unit niya?" "Dapat po meron bukas, pero buti na lang sa kabilang beachfront villa na-re-route ni Sir Rajah. Gustong-gusto talaga ni Mrs. Alcantara doon, Architect. Sabi niya sa front desk, mas nakakatulog daw siya kapag naririnig niya 'yung hampas ng hangin sa mga puno sa paligi
Rajah POV "Rajah, we need to understand the financial implication of this delay. Ang ganda na ng momentum natin dahil sa magazine cover," boses ni Mr. Alcantara mula sa speaker ng laptop ko. Ang mukha niya sa Zoom ay mukhang seryoso, naka-kunot ang noo habang tinitignan ang financial slides na ipinadala ko. "I understand your concern, Tito," sagot ko, pilit na pinapanatiling kalmado at propesyonal ang tono ko. "Pero hindi ito delay. We are maintaining the original timeline for the cabins to ensure top-notch quality, habang ipapauna natin ang pagtapos sa Phase 4 Community Center. In terms of marketing, mas may story kung unahin natin ang livelihood project nina Nanay Elena. It builds a better brand image." Sa gilid ng opisina ko, nakita kong napatigil sa pag-type si Isabelle. Tumingin siya sa akin, hawak ang kanyang mechanical pencil, naghihintay kung kakailanganin niyang sumalo sa usapan. "But what about the target reservations for October?" tanong naman ng isa pang board member,
Rajah POV Maaga pa lang ay nakatitig na ako sa phone ko habang nagkakape sa veranda ng suite ko. Katatawag lang ni Atty. Guevarra. Sinasabi niya na ang Board of Directors ay humihingi ng isang urgent meeting mamayang hapon. Medyo nagkakagulo sila dahil sa biglang pagdami ng inquiries mula sa mga regional travel agencies pagkatapos lumabas ng cover draft ni Maya Cruz. Gusto nilang i-fast-track ang completion ng Phase 3 at 4. "Sir Rajah, nandito na po si Architect Isabelle sa lobby ng office. Pinatatawag niyo po?" boses ni Claire mula sa intercom. "Yes, Claire. Sige, paki-sabi papasukin mo na siya rito. Salubungin mo na rin si Leo para kasama siya sa update," utos ko bago ibaba ang telepono. Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok na si Isabelle. Suot niya ang karaniwang white button-down shirt niya na nakatupi hanggang siko, denim pants, at ang boots na may bakas pa yata ng putik kagabi. Mukhang kulang siya sa tulog, pero may hawak siyang panibagong sketch pad. "Rajah, ano 'yung na
Isabelle POV Medyo malamig pa ang simoy ng hangin nang lumabas ako sa balcony ng villa ko. May bakas pa ng ambon sa mga dahon ng niyog sa paligid. Sabado ngayon, at kahit sinabihan ako ni Rajah na magpahinga muna dahil wala namang pasok ang karamihan sa mga trabahador, hindi ko pa rin mapigilang magising nang maaga. Nakasanayan na ng katawan ko ang schedule sa site. Bitbit ang kape ko, naupo ako sa outdoor chair at binuksan ang laptop. Isang notification mula sa Starry app ang lumabas—isang mensahe mula sa isa sa mga readers ko na nagtatanong kung kailan ang update ng sinusulat kong story. Napangiti ako. Minsan, nakakalimutan kong bukod sa pagiging Architect, isa rin pala akong manunulat sa mata ng ibang tao. “Ang aga naman ng trabaho niyan.” Napalingon ako sa gilid. Si Rajah, nakatayo sa pathway sa baba ng balcony ko. Naka-jogging pants siya at hoodie, mukhang kakatapos lang tumakbo. Pawis na pawis siya pero fresh pa rin tignan. “Hindi naman work ‘to. Chini-check ko lang ‘yung u
Isabelle POV Alas-otso pa lang ng umaga pero kanina ko pa tinitignan ang sarili ko sa full-length mirror ng villa ko. Hindi ako mapakali. Ngayon ang dating ni Maya Cruz, ang lifestyle editor na sinasabi ni Rajah. Kahit alam kong tapos na ang setup sa Cabin 1, hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang un
Isabelle POV Maaga kaming sinalubong ng tunog ng dambuhalang truck sa gate ng site. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ko habang tinitingnan ang dahan-dahang pagpasok ng mahabang flatbed. Ito na ang pinakahihintay naming delivery—ang mga solar glass components na gagamiti
Isabelle POV Medyo masikip ang suot kong blazer habang nakaupo sa loob ng conference room ng municipal hall. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sa init ng aircon na tila hindi makasabay sa dami ng tao sa loob. Sa tapat namin, nakaupo si Justin kasama ang kanyang abogado at dalawang lalak
Isabelle POVMatingkad ang sikat ng araw sa site habang nakatayo ako sa harap ng Villa 2 area. Pagkatapos ng gulo kahapon sa delivery ng steel frames, nakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas ay nakalatag na ang mga ito sa staging area. Amoy pintura, langis, at maalat na hangin ang paligid—ang







