Share

CHAPTER 5.2: BIRTHDAY PARTY

Auteur: aqescritora
last update Date de publication: 2026-03-01 20:28:10

Muling napaatras si Yasmine nang maglakad palapit sa kanya ang sampung bodyguard. Lihim siyang napamura sa isip niya bago sinulyapan ang direksyong pinanggalingan niya kanina.

"Nasaan na ba sila?" bulong niya sa sarili, tinutukoy niya ang mga bodyguard na binayaran niya para magbantay at tumulong sa kanya ngayong gabi.

Maayos ang naging pakikipag-usap niya sa mga 'yon ngunit hindi niya alam kung bakit wala pa ang mga ito ngayon gayong Kailangan niya ang mga ito.

Masyado siyang abala sa pag-i
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 6.1: LUHOD PARA SA KAPATAWARAN

    Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghawak sa kwelyo ng kapatid niya."Yasmine, it's me, Chelsea. I'm sorry, Yasmine. I really do. Hindi ko alam na sinaktan ka ng kapatid ko, kung alam ko lang, ako sana mismo ang gumawa ng paraan para maparusahan siya. I'm so sorry, Yasmine. Pero, ngayon, ikaw na mismo ang naglagay ng batas sa kamay mo, sinaktan mo siya at pinarusahan. Yasmine, kung ipagpapatuloy mo ito, hindi mo lang siya masasaktan, posible mo pa siyang mapatay...""Mapatay?" malamig ang boses na ulit ni Yasmine sa sinabi niya bago siya nito dahan-dahang nilingon."Kung gano'n, ano ba ang halaga ng buhay niya, huh? Limang milyon? Sampung milyon? Magkano, hmm? Name it, Chelsea," nang uuyam nitong saad.Napayuko siya at napalunok,

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 5.2: BIRTHDAY PARTY

    Muling napaatras si Yasmine nang maglakad palapit sa kanya ang sampung bodyguard. Lihim siyang napamura sa isip niya bago sinulyapan ang direksyong pinanggalingan niya kanina. "Nasaan na ba sila?" bulong niya sa sarili, tinutukoy niya ang mga bodyguard na binayaran niya para magbantay at tumulong sa kanya ngayong gabi. Maayos ang naging pakikipag-usap niya sa mga 'yon ngunit hindi niya alam kung bakit wala pa ang mga ito ngayon gayong Kailangan niya ang mga ito. Masyado siyang abala sa pag-iisip tungkol sa mga bodyguard na binayaran niya at sinamantala 'yon ni Chase dahil mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya kung paano nito sinenyasan ang isa sa mga bodyguard na sugurin siya. Nabigla siya roon kaya hindi siya agad nakalaban nang sugurin nga siya ng bodyguard. Dinamba siya nito at dinaganan nang mapahiga sila saka nito mariing hinawakan ang mga kamay niya para hindi siya makagalaw at makalaban. Nakita at narinig niya ang malademonyong pagtawa ni Chase nang makita ang sitw

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 5.1: ANG KASALANAN NI CHASE ENRIQUEZ

    Sa kabilang banda, abala sa pakikipag sayahan si Chase at pakikipagpalitan ng halik sa mga babaeng nakalingkis sa kanya nang may tumapik sa balikat niya.Napahingo siya dahil do'n bago inis na hinarap ang tumapik sa kanya ngunit kasabay ng pagpihit niya upang harapin ito ay isang paghampas ng bote ang sumalubong sa kanya. "What the hell?!" galit at gulat na bulalas niya.Nagsigawan din ang mga nakakita ng nangyari at agad na huminto ang malakas na tugtog sa buong lugar.Malutong at mariin na nagmura si Chase lalo na nang maramdaman niya ang pag-agos ng dugo mula sa noo niya. Masyadong malakas ang pag-agos no'n kaya ang iba ay pumapatak na sa kinatatayuan niya."Sino ang may gawa no'n?!" galit niyang sigaw bago mabilis na dinampot ang bote ng wine na nakita niya at ihahampas na sana sa nanghampas sa kanya.Ngunit, bago niya pa magawa 'yon ay muli niyang naramdaman ang paghampas ng bote sa ulo niya."Sino ang may gawa? Bakit hindi mo hulaan?" saad ng malamig na boses.Hinarap niya ang

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 4.2: LIREAN CLUB

    Bumuntong hininga si Yasmine nang makitang si Freya Lim ang nakatayo sa gilid niya. "Hmm, well, kung nabugbog din naman ako kagaya mo, malamang ay hindi ko rin kakayaning magsaya at makakain ng payapa," saad nito bago sumandal sa cubicle na para sa kanya. May bitbit pa itong kape na binili sa isang sikat na coffeeshop at ang mahabang buhok nito ay marahan nitong sinusuklay habang nang-uuyam na nakatingin sa kanya.Hindi sila magkasundo ng babae mula pa noon. Ito ang lagi niyang nakakalaban pagdating sa pag sungkit ng mga promotion dahil gaya niya ay talagang mahusay din ito sa trabaho. Hindi niya sinagot ang sinabi nito, bagkus ay kinuha niya ang kapeng hawak nito na wala pang bawas bago marahang sumimsim doon."Hmm, grabe, Freya, maraming salamat dito ha? Favorite ko talaga itong spanish latte e, for sure alam mo 'yon. Matagal mo na kaya akong minamata, 'di ba?" painosenteng tanong niya at matamis ngunit nang-aasar pa itong nginitian.Kumuyom ang kamao ng babae saka siya masamang

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 4.1: CHEKE

    Hindi agad siya nakagalaw sa sinabi ni Jack ngunit nang makabawi ay masama niya itong tiningnan saka niya pilit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya.Nasaktan siya sa sinabi ni Jack dahil kahit naman alam ng buong pamilya ni Alfred na mag-asawa sila, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na kailanman ay hindi siya itinuturing na asawa ng lalaki."Asawa man ang turing sa akin ni Alfred o hindi, hindi pa rin mababago no'n ang katotohanan na sister-in-law mo ako at hindi mo dapat ako hinahawakan at kinakausap ng ganito! Remember this, Jack, isang beses pa na gawin mo ulit itong ginawa mo ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipapulis ka!" galit niyang saad bago mabilis na sumakay sa binook niyang sasakyan nang makitang dumating na ito. Nang makasakay ay marahan niyang hinilot ang hita niyang masakit pa rin hanggang ngayon bago nag-angat ng tingin sa driver nang magsalita ito."Saan po kayo, Ma'am?" Naisip niya agad na pumunta sa TV station kung saan siya nagtatrabah

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 3.2: KARL..

    Sandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita."Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya."Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kang pakialam sa ibang bagay dahil ang mahalaga lang sa'yo ay ang maikasal ka sa'kin. Tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganyan?" Hinawakan nito ang baba niya saka ito ngumisi. "Tell me, Yasmine, anong gusto mong mangyari, hmm?"Iniwas niya ang mukha para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba niya saka siya bahagyang umatras.Hindi niya kinakaya ang lamig at talim ng tingin nito. Napansin ni Alfred ang pag-atras niya kaya mabilis siya nitong hinapit sa bewang saka seryosong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mata, sa ilong, at pababa sa labi.Nakita niyang nagtagal ang pagtitig nito sa labi niya na siyang kanyang ikinalunok. Alam niyang namumula pa 'yon dahil sa paghalik nito sa kanya.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status