LOGINHawak ang DNA result na kakarating lamang kanina, napadungaw ako sa ibaba mula sa itaas ng aming grand staircase. Naidako ko ang aking tingin kay Violet na kasalukuyang iginagabay ang malusog at magandang batang si Ginger.
Tinutulungan niya itong magkulay sa isang Faber-Castell coloring book na binili niya para sa bata, habang sa tabi nila ay naroon si Rafael, masayang pinagmamasdan ang dalawa habang sumisimsim ng kanyang paboritong alak. Napansin ko ang palihim na palitan ng makahulugang tingin nina Rafael at Violet, mga tinginang puno ng pagnanasa at pagmamahal na siyang muling nagpakirot sa aking dibdib. Ang mga tinginang iyon ay tila isang silent confirmation na sa mundong ito, silang dalawa ang tunay na nagmamahalan, at ako ay isang balakid lamang. Muli akong napatitig sa kapirasong papel na hawak ko at halos malukot ko na iyon sa tindi ng aking pagkakahawak. Nanginginig ang aking mga kamay habang ang bawat hibla ng aking kalamnan ay sumisigaw sa sakit. Rafael and Violet, together with Ginger, looked like a picture-perfect, happy family. Samantalang ako… ako ang lumalabas na asungot, ang panggulo, at ang estranghero sa sarili kong pamilya. After reading the DNA results earlier, I completely fell apart. My world shattered into pieces as I silently cried within the cold, empty walls of our master bedroom. After that, I forced myself to compose and put on my mask of detachment. Kailangan kong pilitin ang sarili ko na maging matatag kahit nadudurog na ang aking kaluluwa sa bawat katotohanang isinasampal sa akin ng tadhana. The DNA results were undeniable and cold. Hindi ko tunay na anak si Ginger. She doesn’t match my genetic profile. Instead, she is the biological child of Rafael and Violet. Which means ang sample na itinurok sa akin sa Herald Medical Center during my in vitro fertilization procedure ay galing sa kanilang dalawa. Ginamit lamang nila ako para isilang ang kanilang anak. After knowing the ultimate truth, I finally made a firm and cold decision. I want a divorce, and I want it to happen as soon as possible. Tuluyan na akong bumaba ng hagdan, diretso ang aking lakad patungo sa kinaroroonan nila sa sala. Pinanatili kong kalmado, matigas, at blangko ang aking mukha nang hinarap ko silang tatlo. “I want a divorce, Rafael,” anunsiyo ko agad, walang pasubali at walang emosyon, gamit ang malamig na tinig na siyang ikinatigil ng dalawang taong nasa harapan ko. Samantalang ang four-year-old na bata naman ay nagpatuloy lamang sa pagkukulay sa kanyang coloring book, tila walang muwang sa pag-uusapan namin. Violet looked at me after my announcement. There was a flicker of surprise in her eyes, pero mabilis din iyong naglaho at napalitan ng kanyang karaniwang inosenteng maskara. Tuluyan naiangat ni Rafael ang tingin sa akin at bahagyang ibinaba ang hawak niyang cellphone. Ang kanyang mga mata ay katulad ng dati, malamig at tila walang pakialam sa mabigat kong sinabi. “Anong drama na naman ito, Evorie?” usal niya sa malamig na tono. “Are you doing this just to get my attention again? Don’t be an attention seeker. Stop being pathetic. It’s honestly repulsive and a major turn-off,” dugtong pa niya habang nakasandal sa sofa at iniikot ang kanyang Rolex sa pulso. “Hindi ito pagpapapansin lamang, Rafael. Nakapagdesisyon na ako na makipaghiwalay sa iyo para sumaya na kayong dalawa ni Violet. Para hindi niyo na kailangang itago ang lahat,” wika ko sa kalmadong tinig. Rafael slammed his hand onto the glass coffee table, halos mabasag ang salamin sa tindi ng pagkakalapag niya. Halata ang gulat sa mga mata ni Ginger dahil sa ginawa ng daddy niya, ganoon din si Violet na hindi inaasahan ang reaksyon nito. Napatitig sa akin ang munting bata, ngunit hindi ako kumibo. Inaasahan ko na ang ganitong reaksyon ni Rafael kapag nasasali sa usapan namin si Violet. “Si Violet na naman! Hindi ka pa ba tapos sa jealousy saga mo? Ilang taon na tayong mag-asawa pero hanggang ngayon nandiyan ka pa rin. Paulit-ulit ka na lang at nakakairita ka na!” pahiyaw niyang sabi. Napalanghap ako ng hangin habang sa peripheral vision ko ay nakita ko ang palihim na ngisi sa labi ni Violet. She is enjoying watching Rafayel get mad at me. Palihim akong napatikom ng kamao. Pilit kong nilulunok ang pait at tindi ng sakit sa dibdib ko. “I don’t feel jealousy anymore, Rafayel,” nanatili ang kalmadong sagot ko. Natawa siya, isang pagak at mapanlait na tawa. “Ayos na sa akin na magsama kayong dalawa. Hindi ko na mapipigilan ang lahat, at alam kong hindi ko mababasag ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa. Kaya gusto ko na ng diborsiyo para bigyan kayo ng kalayaan na ipagsigawan sa mundo ang pagmamahalan ninyo,” ani ko, matatag ang tono ng boses ko. Mas lalo pang umiinit ang tingin sa akin ni Rafael. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon dahil gusto kong seryosohin niya ang usapang ito. At saglit lang, isang halakhak ang kumawala sa kanya. “Nakakaawa ka, Evorie,” he spat with a mocking laugh. “Lumakas nga ang loob mong alukin ako ng diborsyo, pero hindi mo pa rin maitatago ang totoo. Alam kong mahal mo ako, kaya ito ang paraan mo para takutin ako. Pwes, hindi mo ako matatakot sa isang hamak na diborsyo. Sa palagay mo ba kapag naglapag ka ng divorce papers sa harap ko ngayon... ay hindi ako pipirma?” tuloy niya bago humakbang palapit at masinsin akong tinitigan. “Pipirmahan ko iyon nang walang alinlangan dahil... una sa lahat, hindi naman kita minahal. Asawa lang kita sa papel, at naging kapalit ka lang ni Violet,” dagdag pa niya, may diin ang bawat salita. “Kahit magkaibigan na lamang kami ni Violet ngayon, hindi kita hahabulin. Hindi ako luluhod o magmamakaawa sa iyo dahil hindi ka naman talaga mahalaga sa akin. Kaya tumigil ka na sa kaartehan mong ito. Tumigil ka na sa pagiging paranoid, dahil nagmumukha ka lang isang boring na asawa that who can’t even give me a real reason to stay in this house!” hiyaw niya. Ang bawat salita niya ay tila libo-libong karayom na sabay-sabay na tumatarak sa aking dibdib. Pero kahit ganoon… nanatiling kalmado ang titig ko sa kanya bago ko iyon dahan-dahang ibinaling kay Violet na tahimik lamang kaming pinapanood.Napatitig ako sa singsing na tinutukoy niya.“Not just the blue diamond ring, also the other expensive rings you are wearing,” dagdag niya habang humahakbang nang mas malapit sa akin, sapat para maamoy ko ang mamahalin niyang pabango. “Kahit balutin mo pa ang buong katawan mo ng ginto at dyamante, Evorie, hinding-hindi niyan mababago ang katotohanang galing ka sa putik. You look cheap wearing them.”Pilit naman akong napangiti sa kaniya sa kabila ng panggigigil ng puso ko. Talagang hindi niya ako tatantanan sa pang-aalipusta sa akin.Lahat sila—sina Yvette, Rita, at Shiela—kung kailan matatanda na ay saka pa sila nagmamaldita sa isang tulad ko. Pare-pareho lang silang tatlo na matapobre, mapang-api, at walang ibang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ko dahil lang sa pinagmulan ko.“Kung ito po ang ikakatahimik ng umaga ninyo, wala pong problema sa'kin,” mahinahon ngunit may paninindigan kong saad.Walang alinlangan kong hinubad ang singsi
EVORIE EVE“Kanina pa kita gustong tanungin kung anong nangyari sa ’yo, pero kahit laway ko ay hindi ko malunok-lunok kanina sa hapag dahil sa kakaibang titig sa akin ng pamilya mo,” wika ko sa asawa ko habang marahan kong dinadampian ng cold compress ang pasa niya sa tagiliran.Nasa loob na kami ng dati niyang kwarto rito sa mansiyon pagkatapos naming mag-almusal. Nagawa ko nang masuri nang maayos ang kaniyang mukha at katawan kaya naman lubos na nag-alala ang puso ko. May ilang maliliit pang gasgas sa braso niya at may bahagyang pamumula rin sa gilid ng leeg niya na tila nasakal.“Anong nangyari sa ’yo, Ali? Bakit may mga pasa at kalmot ka?” tanong kong muli.“Nabusog ka ba?” sagot niya naman, taliwas sa tanong ko.Naibaba ko ang hawak kong cold compress at seryoso siyang pinagmasdan. Nag-iwas siya ng tingin kaya naman mas lalo akong nagduda.“Anong nangyari sa ’yo, Alistair? May gusto bang... pumatay sa ’yo habang naririto ka sa mansiyon?” may pag-aalangang tanong ko. Gusto kong m
EVORIE EVE“Ma’am, pinapadiretso ka po ni Sir Ydrael sa dining area. Nag-aalmusal po ngayon silang lahat,” ani ng katulong sa akin. Napatingin naman ako sa bitbit kong supot na naglalaman ng niluto kong pagkain para sana sa asawa ko.Kung naroroon silang lahat, isang panibagong bigat na naman ng presensiya nila ang dadagan sa akin.“Tara na po, Ma’am,” muling aya niya sa akin. “Hindi po kumakain si Sir Ydrael kapag hindi pa dumarating ang hinihintay niya sa mesa. Kaya sigurado po akong kahit kubyertos ay hindi niya ginagalaw. Kaya sumama na po kayo sa akin,” tuloy niya kaya napilitan akong sumunod sa kaniya.Habang papalapit kami sa dining area, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang kakaibang tensyon na sasalubong sa akin.“You’re wife is here,” ani Shiela nang makita ako.Natigilan ako at naituon ang mga mata sa kanilang lahat. Napahinto sila sa pagkain at sabay-sabay akong tiningnan pagkapas
“Ang saya niyo yatang lahat. Anong mayroon?” may kalamigan kong saad sa kanila bago nagpatuloy sa paglalakad.Inalalayan ako nang bahagya ni Reagan habang si Fed naman ay nakasunod sa likod ko. Nang nakalapit na ako sa mesa, nakita ko sa gilid ng nanlalabo kong paningin kung paano biglang napatayo ang aking ina nang mapansin ang aking itsura.“Y-Ydrael, anong nangyari sa mukha mo?” may gulat na tanong niya at bakas ang pag-aalala sa kaniyang tinig.“Someone tried to kill me last night,” anunsiyo ko sa lahat gamit ang kalmadong tinig.Muling namutawi ang nakakabinging katahimikan sa loob ng dining area. Nanatiling tahimik ang lahat, inaantay ang susunod kong sasabihin habang pilit nilang binabasa ang blanko kong ekspresyon.“Someone who is in the Vanderbilt Clan,” tuloy ko bago naisipan na maupo sa pwesto ko.“At sino naman?” agad na pang-uusisa ni Yvette, bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha.“Hindi ko alam. Pero lalaki
YDRAEL ALISTAIRMabilis akong umiwas sa kanan kaya sa hangin lamang tumama ang kaniyang sāksak. Sinalo ko ang kaniyang brasong may hawak ng kutsilyo at agad ko iyong pinilipit habang diniinan ng aking siko.Narinig ko ang paglagutok ng kaniyang kasukasuan kaya nabitawan niya ang patalim na lumikha ng mahinang kalampag sa sahig.Nagbuno kami sa sahig, nagpapalitan ng mga suntok at siko. Pilit niyang inaabot ang leeg ko habang ako naman ay nakatutok sa pagpapatumba sa kaniya. Sa gitna ng aming pagbubuno, mas lalong naging pamilyar sa akin ang kaniyang tindig at ang paraan ng kaniyang pagkilos.Sinipa ko ang kaniyang tuhod kaya napaluhod siya nang bahagya, at bago pa siya makatayo ay hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat at malakas na isinalubong ang aking tuhod sa kaniyang sikmura.“Ugh!” muli siyang napaungol sa sakit at tuluyang napasandal sa gilid ng cabinet.Mabilis akong lumapit at dinala ang kaniyang dalawang kamay sa
YDRAEL ALISTAIR“Fūck!” mura ko pagkatapos kong sumalampak sa matigas na sahig ng silid.Malakas ang pagkakatama ng tuhod at palad ko sa sahig kaya agad akong napangiwi. Mabilis akong napaupo pero agad rin akong napadaing dahil sa kamay kong siyang natukod sa sahig.Agad namang lumapit si Reagan sa akin at tinulungan akong makatayo. Muntik pa akong muling matumba dahil pilit kong pinananatili ang pagiging bulag ko. Mabuti na lamang at mabilis niya akong nasalo at inalalayan nang maayos.“Sir!” nag-aalalang sambit ni Reagan habang hinahawakan ako sa braso.“Shit. Fuck these eyes!” asik ko habang inis na napahawak sa kamay kong labis na nasaktan sa pagkakatukod.Pansin ko naman sa gilid ng aking mga mata na nagkatinginan ang tatlo sa isa’t isa, tila ba nabawasan ang duda nila dahil sa nangyari sa akin.“Lumabas na kayo,” malamig kong saad. “Labas na!” hiyaw ko na siyang dumagundong sa loob ng buong kuwarto.“Oo na







