تسجيل الدخولChapter 110 💜❤ => Nagsisimula pa lang ang tunay na laban
Napatitig ako sa singsing na tinutukoy niya.“Not just the blue diamond ring, also the other expensive rings you are wearing,” dagdag niya habang humahakbang nang mas malapit sa akin, sapat para maamoy ko ang mamahalin niyang pabango. “Kahit balutin mo pa ang buong katawan mo ng ginto at dyamante, Evorie, hinding-hindi niyan mababago ang katotohanang galing ka sa putik. You look cheap wearing them.”Pilit naman akong napangiti sa kaniya sa kabila ng panggigigil ng puso ko. Talagang hindi niya ako tatantanan sa pang-aalipusta sa akin.Lahat sila—sina Yvette, Rita, at Shiela—kung kailan matatanda na ay saka pa sila nagmamaldita sa isang tulad ko. Pare-pareho lang silang tatlo na matapobre, mapang-api, at walang ibang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ko dahil lang sa pinagmulan ko.“Kung ito po ang ikakatahimik ng umaga ninyo, wala pong problema sa'kin,” mahinahon ngunit may paninindigan kong saad.Walang alinlangan kong hinubad ang singsi
EVORIE EVE“Kanina pa kita gustong tanungin kung anong nangyari sa ’yo, pero kahit laway ko ay hindi ko malunok-lunok kanina sa hapag dahil sa kakaibang titig sa akin ng pamilya mo,” wika ko sa asawa ko habang marahan kong dinadampian ng cold compress ang pasa niya sa tagiliran.Nasa loob na kami ng dati niyang kwarto rito sa mansiyon pagkatapos naming mag-almusal. Nagawa ko nang masuri nang maayos ang kaniyang mukha at katawan kaya naman lubos na nag-alala ang puso ko. May ilang maliliit pang gasgas sa braso niya at may bahagyang pamumula rin sa gilid ng leeg niya na tila nasakal.“Anong nangyari sa ’yo, Ali? Bakit may mga pasa at kalmot ka?” tanong kong muli.“Nabusog ka ba?” sagot niya naman, taliwas sa tanong ko.Naibaba ko ang hawak kong cold compress at seryoso siyang pinagmasdan. Nag-iwas siya ng tingin kaya naman mas lalo akong nagduda.“Anong nangyari sa ’yo, Alistair? May gusto bang... pumatay sa ’yo habang naririto ka sa mansiyon?” may pag-aalangang tanong ko. Gusto kong m
EVORIE EVE“Ma’am, pinapadiretso ka po ni Sir Ydrael sa dining area. Nag-aalmusal po ngayon silang lahat,” ani ng katulong sa akin. Napatingin naman ako sa bitbit kong supot na naglalaman ng niluto kong pagkain para sana sa asawa ko.Kung naroroon silang lahat, isang panibagong bigat na naman ng presensiya nila ang dadagan sa akin.“Tara na po, Ma’am,” muling aya niya sa akin. “Hindi po kumakain si Sir Ydrael kapag hindi pa dumarating ang hinihintay niya sa mesa. Kaya sigurado po akong kahit kubyertos ay hindi niya ginagalaw. Kaya sumama na po kayo sa akin,” tuloy niya kaya napilitan akong sumunod sa kaniya.Habang papalapit kami sa dining area, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang kakaibang tensyon na sasalubong sa akin.“You’re wife is here,” ani Shiela nang makita ako.Natigilan ako at naituon ang mga mata sa kanilang lahat. Napahinto sila sa pagkain at sabay-sabay akong tiningnan pagkapas
“Ang saya niyo yatang lahat. Anong mayroon?” may kalamigan kong saad sa kanila bago nagpatuloy sa paglalakad.Inalalayan ako nang bahagya ni Reagan habang si Fed naman ay nakasunod sa likod ko. Nang nakalapit na ako sa mesa, nakita ko sa gilid ng nanlalabo kong paningin kung paano biglang napatayo ang aking ina nang mapansin ang aking itsura.“Y-Ydrael, anong nangyari sa mukha mo?” may gulat na tanong niya at bakas ang pag-aalala sa kaniyang tinig.“Someone tried to kill me last night,” anunsiyo ko sa lahat gamit ang kalmadong tinig.Muling namutawi ang nakakabinging katahimikan sa loob ng dining area. Nanatiling tahimik ang lahat, inaantay ang susunod kong sasabihin habang pilit nilang binabasa ang blanko kong ekspresyon.“Someone who is in the Vanderbilt Clan,” tuloy ko bago naisipan na maupo sa pwesto ko.“At sino naman?” agad na pang-uusisa ni Yvette, bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha.“Hindi ko alam. Pero lalaki
YDRAEL ALISTAIRMabilis akong umiwas sa kanan kaya sa hangin lamang tumama ang kaniyang sāksak. Sinalo ko ang kaniyang brasong may hawak ng kutsilyo at agad ko iyong pinilipit habang diniinan ng aking siko.Narinig ko ang paglagutok ng kaniyang kasukasuan kaya nabitawan niya ang patalim na lumikha ng mahinang kalampag sa sahig.Nagbuno kami sa sahig, nagpapalitan ng mga suntok at siko. Pilit niyang inaabot ang leeg ko habang ako naman ay nakatutok sa pagpapatumba sa kaniya. Sa gitna ng aming pagbubuno, mas lalong naging pamilyar sa akin ang kaniyang tindig at ang paraan ng kaniyang pagkilos.Sinipa ko ang kaniyang tuhod kaya napaluhod siya nang bahagya, at bago pa siya makatayo ay hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat at malakas na isinalubong ang aking tuhod sa kaniyang sikmura.“Ugh!” muli siyang napaungol sa sakit at tuluyang napasandal sa gilid ng cabinet.Mabilis akong lumapit at dinala ang kaniyang dalawang kamay sa
YDRAEL ALISTAIR“Fūck!” mura ko pagkatapos kong sumalampak sa matigas na sahig ng silid.Malakas ang pagkakatama ng tuhod at palad ko sa sahig kaya agad akong napangiwi. Mabilis akong napaupo pero agad rin akong napadaing dahil sa kamay kong siyang natukod sa sahig.Agad namang lumapit si Reagan sa akin at tinulungan akong makatayo. Muntik pa akong muling matumba dahil pilit kong pinananatili ang pagiging bulag ko. Mabuti na lamang at mabilis niya akong nasalo at inalalayan nang maayos.“Sir!” nag-aalalang sambit ni Reagan habang hinahawakan ako sa braso.“Shit. Fuck these eyes!” asik ko habang inis na napahawak sa kamay kong labis na nasaktan sa pagkakatukod.Pansin ko naman sa gilid ng aking mga mata na nagkatinginan ang tatlo sa isa’t isa, tila ba nabawasan ang duda nila dahil sa nangyari sa akin.“Lumabas na kayo,” malamig kong saad. “Labas na!” hiyaw ko na siyang dumagundong sa loob ng buong kuwarto.“Oo na







