LOGINViolet and Rafael had history. They had a sweet relationship since we were in college. Violet was my husband’s first love, and apparently, his only love.
Hindi lamang natuloy ang kanilang kasal noon dahil mas pinili niyang tanggapin ang alok ni Chairman Constantine—na para sana sa akin—na mag-aral sa Paris. Limang taon. Limang taon akong naghintay at nagtiis para lamang makuha ang puso ni Rafael. Ibinigay ko ang lahat para sa kanya. Tiniis ko ang hirap ng IVF process para bigyan siya ng anak, sa pag-aakalang matututunan niya rin akong mahalin. Pero hindi. Mas lalo lamang niyang minahal si Violet, at sa akin naman ay mas lalo siyang lumayo, itinuring akong isang hamak na babaeng ipinalit lamang pansamantala sa first love niyang hindi siya sinipot sa mismong kasal nila. Napatayo si Violet, ang mukha niya ay lumambot habang nilalapitan ako upang kausapin sa mahinahon na paraan. “My dear sister, kung iniisip mo na nagkabalikan kami ni Rafael, nagkakamali ka. Stop making up stories in your head. Alam mo naman na may fiancé ako at bukas na ang kasal namin ni Alistair. Hindi ko magagawang makipagrelasyon sa lalaking kasal na sa sarili kong kapatid. Rafael is just helping me, unlike you who only knows how to complain,” may lambing na lintanya ni Violet sa akin. Sa malambing niyang pagkakasabi, na sinamahan pa ng kanyang maamong mukha, kung ibang tao ang makakarinig ay agad na maniniwala sa kanya. Pero alam ko na ang lahat ay isang hamak na akto lamang upang manipulahin ako. Matagal ko nang alam na palihim silang nagkikita ng asawa ko. Na sa tuwing sinasabi ni Rafael na nasa business meeting siya, nasa bisig siya ni Violet, ninanamnam ang tamis ng kanilang bawal na ugnayan. “Totoo ang sinasabi ng kapatid mo. Kaya tumigil ka na sa mga pinagsasabi mo at sa pagiging paranoid mo. Let’s not talk about this nonsense anymore, lalo na ang divorce na sinasabi mo. It’s embarrassing. Pagod ako sa trabaho at gusto kong magpahinga, tapos sisimulan mo ang gabi ko ng walang kwentang usapin. You are such a burden to this family, Evorie,” asik ni Rafael, nananatiling matalim ang bawat salitang ibinabato sa akin habang inaayos ang kwelyo ng kanyang white long-sleeved shirt. Sinungaling. Pareho silang mga sinungaling na nararapat lamang sa isa’t isa. Matagal na akong nagbulag-bulagan, pero ngayon... hindi ko na kaya ang ganitong siklo ng pang-aabuso nila sa akin. Noong isang linggo ay nakatanggap ako ng mga litrato na magkasama silang dalawa sa isang high-end beach resort sa Amanpulo. May mga litratong masaya silang magkaholding hands. May mga litratong magkayakap sila, at mayroon pang naghahalikan silang dalawa habang nakasuot ng bathrobe at nakatanaw sa sunset. At noong nakaraang isang araw, I received a video that completely shattered me, not just into pieces, but something beyond repair. Halos magdamag akong umiyak sa napanood kong explicit video nilang dalawa. At ayaw ko na. Hindi ko na mapapalampas pa ang lahat ng kataksilan nila sa akin. Tapos na ang panahon ng aking pananahimik at pagiging martir. Kung gusto nila ng gulo, ibibigay ko sa kanila ang isang impyernong hinding-hindi nila malilimutan. I will take everything from them... slowly, painfully, and completely. “Maghanda ka na lang para sa wedding anniversary date natin bukas. Alam kong excited ka naman doon. Iyon na lang ang pagtuunan mo ng pansin kaysa magsalita ng mga walang kwentang bagay,” malamig na anunsiyo ni Rafael bago niya ako tuluyang talikuran at lapitan si Ginger, saka inaya ang bata na umakyat na. Agad namang kumapit ang bata sa kanyang daddy, at tuluyan siyang kinarga ni Rafael patungo sa ikalawang palapag ng mansiyon. Ilang beses niya na ba akong sinabihan na mag-focus na lamang sa paghahanda para sa aming wedding anniversary? He makes it sound like a reward for my silence, pero sa huli, hindi naman siya sumisipot. Sa lahat ng mahahalagang event ng buhay ko, hindi siya dumadalo. Mag-isa akong nagce-celebrate ng aming anibersaryo at ng aking kaarawan habang siya ay nagpapakasasa sa saya sa piling ni Violet. Nang tuluyang kami na lamang ang naiwan sa sala ni Violet, ang maamong niyang mukha ay biglang naglaho. Napalitan iyon ng isang ekspresyon ng purong pagkasuklam. Napahalukipkip siya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, na para bang isa akong hamak na dumi na nakadikit sa kanyang mamahaling sapatos. “The audacity of you to announce a divorce, Evorie. Tell me... ano bang mapapala mo kapag naghiwalay kayo ni Rafael? You’ll end up with nothing but your bruised ego and a name that carries no weight,” taas-kilay na panimula niya, ang bawat salita ay tila lason na dahan-dahang dumadaloy sa aking sistema habang siya ay humahakbang palapit sa akin. Hinarap niya ako nang walang bahid ng takot sa kanyang mga mata. Sa halip, isang mapanuyang ngiti ang ipinakita niya, isang ngiting nagsasabing siya ang tunay na reyna sa pamamahay na ito. “You are so desperate, it’s actually sickening. Do you really think Rafael will look at you just because you’re acting out? Wake up, Evorie. Hindi ka niya kailanman mamahalin dahil sa paningin niya, you’re just a warm body filling a space that belongs to me,” aniya sa isang mapang-uyam na tono, sabay duro sa aking dibdib gamit ang kanyang mahahabang kuko. “Kaawa-awa ka. Kung inaakala mong matatakot mo si Rafael sa salitang diborsyo, gumising ka sa iyong kahibangan dahil he won’t care if you leave or stay. He only needs you to keep the appearances clean. At magpasalamat ka naman sa akin, kung hindi ako umalis sa araw ng kasal namin noon, you’d still be that invisible girl crying in the corner.” “You owe me your lifestyle, your house, and even that ring on your finger. Kaya kung gusto mong manatili sa mansiyong ito, play your role as the blind wife and keep your mouth shut,” may bigat na sabi niya bago niya ako itinulak nang malakas, dahilan upang mapaatras ako. “Maghugas ka na lang ng pinggan para naman mabawasan ang mga ilusyon mo at nang maging kapaki-pakinabang ka naman dito sa bahay,” dagdag pa niya sa isang maarteng tinig bago ako tuluyang iniwan sa gitna ng sala. Muling napahigpit ang pagkakatikom ng aking kamao hanggang sa mabaon ang aking mga kuko sa aking palad. Hindi ko na titiisin pa ang sakit na ito. For five years of being a doormat is more than enough. I’m done being the shadow of the woman he truly wants. Inilabas ko ang cellphone ko. Bukas na ang lihim na kasal nina Violet at Alistair Vanderbilt, at hindi ako papayag na matuloy ang kanilang pag-iisang dibdib. ‘Kung magdudusa man ako sa lusak, sinisiguro kong kasama ko silang babagsak.’ “Hello, Brittany. Can you send me all of Rafael and Violet’s intimate videos? I need them ASAP. May panggagamitan lang ako,” ani ko sa kaibigan ko sa kabilang linya. “Okay. I will send all of them. Good luck to them,” may paghalikhik na sagot niya sa kabilang linya.Kung nagustuhan ninyo ang story na ito, maraming salamat. Kung hindi niyo nagustuhan, maraming salamat pa rin. First and foremost, ito ang una kong story sa GoodNovel. At kahit baguhan pa lang ako, proud pa rin akong sabihin sa inyo na buong puso ko itong pinaghirapan mula sa unang chapter hanggang sa huling pahina. Hindi ko man naabot ang expectations ninyo, sana ay nag-iwan pa rin ng kahit kaunting kurot sa puso ninyo ang kuwento nina Evorie at Alistair matapos ninyo itong basahin. Once again, maraming-maraming salamat sa inyong suporta, oras, at pagbabasa. P.S. Sana mabigyan n'yo rin ng pagkakataon ang story nina Jane at Aviv. Baka magustuhan n'yo rin ang kuwento nila. ❤️
YDRAEL ALISTAIRDalawang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang emosyonal na pagkikita nina Piper at Yshmael. Unti-unti nang bumabalik ang sigla at ngiti sa mga labi ng asawa ko. Kahit naroon pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing naaalala ang nawala naming anak, nakikita ko ang pagsisikap niyang magpatuloy at maging matatag para sa aming pamilya.At ngayong araw, napakaespesyal ng okasyon dahil kaarawan niya.“Alistair, sigurado ka bang kailangan pa nating umalis ng mansiyon para i-celebrate ang birthday ko?” tanong niya habang inaayos ko ang strap ng suot niyang eleganteng evening gown sa harap ng salamin. “Kahit simpleng dinner lang dito sa mansiyon kasama ang mga bata at mga malalapit nating kaibigan, sapat na sa 'kin 'yon.”Ngumiti ako at marahang hinalikan ang balikat niya mula sa likod.“Para naman maiba ang lokasyon ng celebration. Palagi na lang tayong nagse-celebrate ng birthday mo rito sa mansiyon, kaya naisip kong subukan naman natin sa ibang lugar,” pabulong
YDRAEL ALISTAIRTahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungo sa piitan kung saan nakadetene si Yshmael. Nakatitig si Piper sa labas ng bintana, habang ang mga daliri niya ay walang tigil sa pagpisil sa sarili niyang palad.Bakas ang matinding kaba sa mukha niya.“Mabilis lang 'to, Piper,” mahinang wika ko habang mabilis na sumulyap sa kaniya sa rearview mirror. “Kung pakiramdam mo ay hindi mo pa kaya, pwede tayong bumalik.”Umiling siya at dahan-dahang humarap sa akin.“Hindi po, Daddy Ydrael... I mean, U-Uncle,” pilit siyang ngumiti kahit halatang nanginginig ang boses niya. “Gusto ko po siyang makita. Masyado na po akong naging matigas sa kaniya nitong mga nakaraang taon. Ayaw ko na pong magdalawang-isip pa.”“You can still call me Daddy, Piper,” ani ko. “Ayaw mo ba, na dalawa ang tatawagin mong daddy?”Isang maliit na ngiti lang ang isinukli niya.Bahagya rin akong napangiti. Kahit dalagita na si Piper at may sarili nang pag-iisip, unti-unti ko nang nakikit
Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatitig sa asawa ko.Tatlong linggo na ang lumipas mula noong araw na iyon, ang araw na muntik na silang kunin ng kamatayan at ang gabing nawala ang anak naming hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong ito.Umuusad na rin ang mga kasong isinampa ko laban kay Hannah, kabilang ang attempted murder laban sa asawa ko at kay Paula, at ang pagpatay sa anak namin. Sisiguraduhin kong sa kulungan na siya mabubulok.Marahan kong inilapag ang baso ng warm milk sa ibabaw ng coffee table sa harap ni Evorie. Nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana sa aming silid, nakatanaw sa malayo at tulala na naman.“Wifey...” mahina kong tawag bago ako naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. “Kinausap ko ang investigator at ang mga pulis kanina. Nalaman ko na ang buong detalye kung paano nabitag ni Hannah si Paula.”Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Evorie, pero nanatili siyang nakati
YDRAEL ALISTAIR“I'm sorry, Mr. Vanderbilt. The baby didn't survive,” paumanhing saad ni Dra. Salazar pagkalabas niya ng kuwarto kung saan naroon ang asawa ko. “Masyadong matindi ang naging epekto ng pagkahulog niya sa hagdan at ng matinding stress na naranasan ng katawan niya. Pero stable na ang lagay ni Mrs. Vanderbilt.” Sandali siyang tumigil. “Maiwan ko muna kayo. May mga pasyente pa akong aasikasuhin.”Nanghihina akong napaupo sa bench sa labas ng kuwarto. Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang kamay bago napahilot sa sentido. Pakiramdam ko'y pinupunit ang dibdib ko sa sobrang sakit.Kung hindi ko sana siya hinayaang magpunta roon sa subdivision nang mag-isa, ligtas sana ang anak namin.“Kuya Alistair!”Naidako ko ang tingin sa dulo ng hallway. Nagmamadaling lumapit sina Ness at Lindsey, bakas ang matinding kaba sa mga mukha nila.“Kumusta? Anong nangyari kay Ate Evorie?” bungad ni Ness, halos hingal sa pagmamadali.
Bago pa man tuluyang bumaon ang patalim sa dibdib ko, mabilis kong nasalo ang magkabilang pulso ni Hannah. Napasigaw ako sa tindi ng pwersang ibinibigay niya habang pilit kong itinutulak paitaas ang mga kamay niya.“Mamatay ka na, Evorie!” sigaw niya, nanlilisik ang mga mata. Buong bigat ng katawan niya ang ipinang-iipit sa akin sa makitid na hallway.“H-Hannah, itigil mo na 'to!” sigaw ko habang pilit iniiwas ang mukha ko sa patalim na ilang pulgada na lang ang layo.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Paula. Nakatulala lang siya sa tabi, nanginginig at hindi alam kung paano kami aawatin.“Paula! Help me!” sigaw ko habang buong lakas na pilit itinutulak palayo ang mga kamay ni Hannah. Pero mas malakas siya.Bago pa man makagalaw si Paula, malakas akong naitulak ni Hannah sa hagdan. Doon ako nawalan ng balanse.Hindi ko napigilan ang paggulong sa hagdan. Naririnig ko ang lagutok ng katawan ko sa bawat pagbagsak hanggang sa mala
“Here are the papers,” ani Rafael sabay abot ng folder sa akin. Pagkatanggap ko, agad kong sinilip ang laman. May pirma na iyon kaya bahagya akong napangiti bago napatingin sa kanya.Kung ako ay magaan ang pakiramdam dahil sa wakas ay pumirma na siya, kabaliktaran naman ang emosyon sa mukha niya. H
“Pwede ba tayong dumaan sa drive-thru?” baling ko kay Rafael. “Oo naman,” agarang sagot niya. Kaagad niyang iminaniobra ang kotse patungo sa pinakamalapit na fast food chain. “Ayaw kong umuwi sa mansiyon na walang pasalubong kay Ginger. Ganoon pa rin naman siguro ang paborito niya, sweet spaghetti
Evorie Eve“I… I d-did nothing,” utal na wika ni Rafael, ang kanyang tinig ay nanginginig habang ang takot ay malinaw na mababasa sa kanyang mga mata. Marahan akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Alistair, pilit na itinatago ang tensyon na namamayani sa aking dibdib.“Nagsasabi ba siya ng totoo, m
Evorie Eve Napatayo ako mula sa bleachers nang matanaw ko sa unahan si Alistair kasama ang kanyang mga tauhan. Naghintay ako rito sa lobby nang fifteen minutes kasama sina Clara, Janna, at ang mga bodyguards na pinasama sa amin ni Alistair. “Ma’am Evorie... wala na po kaming babalikang trabaho buk







