"Bry."Sinalubong na ni Froilan ang dalawa sa entrance palang ng building.Mabilis ang lakad ni Bryson paakyat sa opisina nito kaya agad na sumabay si Froilan.Habang halos lakad-takbo ang ginawa ni Moss upang makahabol sa dalawa.Nang makita ni Froilan ang seryosong mukha ni Bryson hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.Hindi ito nagsasalita at mukhang magbubuga ito ng apoy pagdating nila sa opisina.Tahimik silang tatlo habang nakasakay sa elevator. Si Moss lang ang gumagalaw.Sina Froilan at Bryson ay tila mga robot na nakatingin lang sa pinto ng elevator.Pagkarating nila sa tamang floor ay agad na binuksan ni Bryson ang kanyang opisina.Tinanggal niya ang coat na suot. Inihagis niya iyon sa sofa at niluwagan ang necktie.Humarap siya kay Froilan na nakatayo lang sa may pintuan.Marahang lumakad si Moss papunta sa sofa. Inayos ang coat ni Bryson na nakakalat doon. Umupo siya doon at idinipa ang dalawang braso sa backrest ng sofa."Alam mo ba ang Star Moon Legend?"Mabilis namang
Narinig ni Bryson ang sinabi ni Moss kaya't agad siyang lumingon dito.Inakala pa ni Moss na nainis ang kaibigan sa kanyang sinabi kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya.Ngunit iniabot lang ni Bryson ang kamay nito sa kanya.โCellphone mo.โโBakit?โ tanong ni Moss habang iniaabot ang kanyang cellphone.Tinapat ni Bryson ang cellphone sa mukha ni Moss at agad itong na-unlock.Gamit ang account ni Moss ay pinuntahan ni Bryson ang story ni Bryenne sa instagram.Hindi pa man naiintindihan ni Moss kung anong ginagawa ni Bryson ay narinig na nilang nagtanong si Froilan na nakakunot-noo.โAnong story? Bakit hindi ko โyan nakita kailanman?โBilang assistant ni Bryson ay natural lang na kaibigan din ni Froilan sina Bryenne at Pey sa mga social media accounts nito.Dahil paminsan-minsan ay nagmemensahe ang mga ito para magtanong ng balita tungkol kay Bryson.Pero sigurado si Froilan na hinding-hindi pa niya nakita ang mga stories na iyon.Kung nakita niya man, agad niya itong ipinaalam kay B
Ipinadala ni Moss kay Bryson ang lahat ng screenshot.Tumunog ang telepono ni Bryson ng halos limang minuto bago tuluyang maipadala lahat ng larawan.Nanatiling tahimik ang lalaki ng limang minuto.He sighed and coldly stare at his phone."Hahanapan ko ng oras para tanungin si Bryenne nang maayos."Hindi lang ito tungkol sa pag-aari ng mga regalong iyon.Marami pa siyang gustong linawin.Gustuhin man niyang magalit sa ngayon ay wala namang magagawa ang galit niya.Kaya susubukan muna niyang kausapin ito sa maayos na paraan.Alam nina Froilan at Moss na masama ang timpla ni Bryson sa mga oras na iyon.Kaya hindi na sila nagsalita pa. Wala silang balak na masali sa init ng ulo nito.โThank you, Froi. You can go back to your office.โ kontrol ang boses ni Bryson.Yumuko lang ng bahagya si Froilan saka lumabas ng office ni Bryson.Tumingin ito kay Moss. โYou too.โNgumuso si Moss at tumayo. Tinapik nito ang balikat ni Bryson.โKung mag-oovertime ka ay sabihan mo ako. Sasabay ako.โ saka tul
Mabilis na nakabawi si Rana."Bryson?" tanong niya.Tumango si Andy at isinalaysay ang lahat ng sinabi ni Bryson noong araw na kinausap siya.Biglang napangisi si Rana."Sa sampung porsyento lang ng bahagi, inaasahan niyang magbabago ang isip ko? Masyado naman niyang minamaliit si Rana Esquivel."Nang marinig ni Andy ang tono ng babae ay alam niyang sarado na ang pinto para sa usapan.Kahit medyo nakahinga siya ng maluwag, may kaunting pag-aalala pa rin."Talagang desidido kang huwag nang makipagtulungan sa kanila? Though you didnโt breach any contract with them, parang tama nga naman ang sinabi niyang pwedeng maaapektuhan ang career mo? At unprofessional kung hindi mo na sila kakausapin manlang?"Pakiramdam ni Rana ay parang isang nanay na masyadong nag-aalala si Andy.Napatawa siya habang iniisip ito."Walang problema, ate. Hindi ito malaking dagok para sa akin. At sa pagiging unprofessional, I donโt think so. I emailed them ahead of time. Sila lang ang hindi makatanggap ng desisyon
Napaisip si Rana saglit sa inosenteng na tanong na iyon ni Andy.Tapos ay bigla siyang humawak sa tiyan at humalakhak nang malakas.Nagulat si Andy sa kanyang tawa sa umpisa pero kalaunan ay napailing na lang.Puno ng pagkaaliw at pagkabighani.โPinagti-tripan mo na naman ako ha.โ nakalabing sabi niya kay Rana."Hay nako, Andy. Ang cute mo talaga." sabi ni Rana habang pinagmamasdan si Andy.Hinaplos ni Andy ang pisngi ni Rana nang may lambing at ngumiti. "Dati sinasabi ko masyado kang matured para sa edad mo. Pero ngayon habang tumatawa ka, na-realize kong ang bata mo pa pala talaga."Pinunasan ni Rana ang kanyang naluluhang mga mata.Unti-unti na siyang tumigil sa pagtawa.Pero namumula pa rin ang kanyang pisngi at namumungay pa ang mata sa luha.Kayaโt lalong naging kaakit-akit ang kanyang anyo.Hindi na napigilan ni Andy ang kanyang damdamin."Ayos lang 'yan, bata ka pa. Dapat madalas kang tumawa. Ang ganda mong tingnan kapag masaya ka." sabi ni Andy.Sobrang nasisiyahan siya sa b
Hindi nagtagal ang pag-uusap nina Rana at Andy.May trabaho pang kailangang tapusin si Andy at si Rana naman ay kailangang bumalik para asikasuhin ang mga preparasyon para sa bago niyang studio.Paglabas niya mula sa kompanya ni Andy ay naglakad si Rana papunta sa bago niyang sasakyan.Ang pink na porsche na sinasakyan niya ngayon ay regalo sa kanyang pagbabalik ng kanyang kuya at talagang hindi niya nahindian ito.Alam ng kuya niya kung paano siyang hindi makakatanggi sa inaalok nito.Pagkaakyat pa lang niya sa kotse ay napansin niyang may tila isang taong nakatitig sa kanya mula sa malayo.Napakunot ang noo ni Rana at tiningnan ng matalim ang direksyong iyon.Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ng pagmamasid, wala naman siyang nakita.Inakala niyang guni-guni lamang ito.Sumibat siya gamit ang kanyang mamahaling sasakyan.Lingid sa kanyang kaalaman ay totoo ang kanyang hinala.May isang anino ang lumabas mula sa likod ng poste matapos siyang umalis.Ipinadala ng taong iyon ang mga li
"Si Mr. Deogracia ay nasa meeting ngayon at hindi siya makakatanggap ng tawag." malamig at pormal ang tono ni Froilan.Wala sa loob niyang nasagot ang tawag.Kaya ngayon ay kailangan pa niyang pag-aksayahan ng oras si Pey.Nagulat si Pey.Pero mahinahon pa rin siyang sumagot."Ayos lang, hindi ko na muna siya istorbohin. Pagkatapos ng meeting niya, puwede mo ba siyang sabihang tawagan ako?""Hindi pa rin puwede."Hindi inakala ni Pey na tatanggihan siya ni Froilan nang ganoon kasimple.Dati-rati, magalang ito sa kanya.Kayaโt talagang ikinabigla niya ang biglang pagbabago ng ugali nito.May kutob siyang may mali.Pero nagkunwaring kalmado pa rin at ngumiti pa kahit hindi naman siya nito nakikita."Medyo abala nga pala sa opisina kaya naiintindihan ko. Siguro kapag tapos na ang trabaho ninyo ngayong araw, puwede mo na lang akong sabihan?""Ms. Feia" tamad na tamad ang boses nito.Naririnig din ni Pey sa kabilang linya ang sunod-sunod na tunog ng keyboard.Halatang nagtitipa ito ng kung
Tatlong beses na kumatok si Froilan sa opisina ni Bryson bago pinihit ang doorknob.โYes, Froi?โ tanong ni Bryson.Lumapit ito sa lamesa ng lalaki.Naroon rin si Moss.โMs. Feia Santiago called. At ayon sa utos mo ay tinanggihan ko ang kahit anong hilingin niya.โโHmm.โ pag sang-ayon ni Bryson.Hindi naman talaga sobrang abala ng lalaki.Nag-uusap lang sila ni Moss sa update ng kanilang launching team.Ngunit binilinan na niya si Froilan patungkol kay Pey.Ayaw niya munang makita o makausap ang babae.โThank you, Froi.โ tahimik na sabi nalang ni Bryson.Ngunit si Moss naman ay na-curious.โNagtanong ba siya kung bakit? Sinubukan ka bang suyuin o bilhin?โIkinuwento ni Froilan ang buong usapan nila ni Pey.Nang marinig iyon ni Moss ay napailing nalang ito at napapalatak.โLagi na lang siyang naghahanap ng mali sa ibang tao. Hindi ba niya naiisip na siya rin ang may kasalanan?โWalang sumagot sa puna ni Moss.Si Froilan dahil sa pagrespeto pa rin sa babae.Si Bryson naman ay dahil ayaw
Kumikislap ang mga mata ni Pey at kunwariโy nagtatakang tumingin kay Bryenne.โSo, you mean..โโMalamang nakilala ni Rana na kanya ang mga gamit na ito. Kaya gusto niyang bilhin lahat pabalik.โ tumaas ang kilay ni Bryenne. โKung ganoon, bakit hindi natin siya pahirapan sa presyo?โTutal ay balak naman talaga nilang pataasin ang presyo.Ngayon ay tinutuloy lang nila ang plano.โSigurado ka bang uubra โyan?โโBakit naman hindi? Tingnan mo na lang!โPunong-puno ng kumpiyansa si Bryenne.Pero nabigo siya.Hindi na muling nagtaas ng paddle si Rana.Kanina lang siya nag-bid para hindi si Andy ang gumastos. Sa totoo lang maliban sa jade na singsing ay wala siyang balak bilhin ang iba.Hindi lang si Rana ang di na nag-bid.Pati si Andy na katabi niya ay tahimik na rin.โAnong problema niya? Bakit hindi na siya bumibili? Hindi kaya hindi niya nakilala ang mga gamit?โDismayadong-dismayado si Bryenne.Nakaayos na sana ang plano.Ngunit mukhang papalpak na naman yata dahil hindi naman kumakagat
Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.โSobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi โyang pagmumukha niyo.โ ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.โTara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.โAgad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!โ iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina
Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And hereโs his mother, calling him. โNasaan ka, anak?โHalos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.โI have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?โโEwan ko ba..โ umubo ng ilang beses ang ginang. โNahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.โโNaubusan ka?โโYes, my dear.โHalos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.โHold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.โ he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.โAnong nangyari? May problema ba?โTuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.โHindi na tayo
โSigurado ka ba?โ Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.โSigurado ako. Hindi lang โyung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.โโGanito karami?โ Namangha si Andy. โPero โdi ba mga alahas mo โyan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?โNang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.โAko rin gustong malaman.โRana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. โEh anong gagawin natin ngayon?โ tanong ni Andy. โGusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?โBumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.โLahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kayaโt napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin
โHah!โNamumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.โSino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng โyan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!โโAlam mo Bryenne, sayang ka.โ sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.โApelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?โNi- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.โAll of it. Are trash.โโIkaw ang dapat ilagay sa basurahan!โSusugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.โAno ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.โ muli siyang tumingin sa paligid. โAng daming nakatingin!โMuli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.โThatโs right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
โSa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.โNi hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.โBilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.โWala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.โNaunawaan ko.โโMm, may iba ka pa bang sasabihin?โโAh, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.โDumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kayaโt hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papanoโy kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu