Share

CHAPTER 89: Camera

Author: novelYsta
last update Last Updated: 2025-04-16 03:51:34

Punong-puno ang buong mesa ng mga pagkain.

Lahat ay mga paborito ni Rana.

Busog na busog siya.

Nakaupo sa harap ng mesa habang hinihimas ang tiyan at tulala.

Nang makita siya ng matandang tagapamahala sa gano’ng ayos ay natuwa ito.

Nilapitan niya ang dalaga habang nagpupunas pa ng mga kamay.

“Ang sobrang kabusugan ay mabigat din sa katawan. Kukuha ako ng gamot pampatunaw para sa iyo, hija.”

Nangingiting humarap si Rana sa kanya.

“Lolo butler, iininom ko lang ang mga iyon noong bata pa po ako.”

Ngunit masaya pa rin ang matanda. “Bata ka pa rin naman ngayon.”

Napanguso si Rana.

Sa isip niya ay hindi na siya bata.

Nakapag-asawa at nakipaghiwalay na nga siya.

Hindi na siya ang batang Rana noon.

Pero sa paningin ng mga nakatatanda ay baka habambuhay siyang bata.

Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag may nag-aalaga.

Hindi na siya nagreklamo at ngumiti nalang nang matamis.

“Lolo butler, ang bait-bait mo talaga. Sana hindi ka pa kunin ni Lord.”

Kumurap-kurap pa ang dalaga habang nakatingala sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
salamat po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 90: Preparations

    Dalawang araw na lang at kaarawan na ni Rana.Abala na ang mga tagapamahala ng bahay.Ang mayordoma ay hinati na sa kanya-kanyang toka ang mga kasambahay.“Ang iba ay sa dishwashing. Masyado nang marami ang maghahatid ng mga pagkain sa mga guests.”“Pwede po ba akong tumulong sa pag we-waiter?” taas kamay na sabi ng isang dalagita.Tumaas ang kilay ng mayordoma.“Ano ba ang sinabi ko? Hindi ba marami na kako ang maghahatid ng mga pagkain?”Kinagat ng bata ang labi at nanahimik.“Ito ay mahalagang selebrasyon, Marta. Hindi ko kailangan ng pag-aalembong mo sa mga guest.”Napamaang ang dalaga habang kinukurot siya ng ibang kasambahay.“Ay grabe naman eh, manang. Sadyang gusto ko lang hong makita ang magiging disenyo sa labas.”“Osige. Papayagan kitang lumabas. Pero gagawin kitang pigurin doon. Kapag gumalaw ka, ikaw lang ang maglalaba next week.”Nagtawanan ang lahat.Sa bungad ng malawak na entrada ng mansyon ay ang mga tauhan na nagbubuhat ng mga dumating na package.Araw-araw may mga

    Last Updated : 2025-04-16
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 91: Investigator

    Ranayah Ranqell Esquivel.One name but it has two different fates in it.Si Ranqell ay lumaking parang prinsesa.Habang si Rana naman ay wala ni isang kamag-anak na handang ipagtanggol siya.Si Ranqell ay may kayamanang hindi mabilang.Tinitingala at iniidolo ng lahat.Samantalang si Rana ay isang pinabayaan ng asawa at ng pamilya nitong mayaman.Tanging pagkikipag-lapit sa mga lalaki ang natitirang paraan para siya'y mabuhay.Ngunit kahit ganoon na kahirap ang buhay ni Rana ay hindi pa rin siya matigilan ni Pey.Ramdam na ramdam ni Pey ang banta ni Rana sa kanya.Kung sakaling magkatuluyan sina Rana at Vern, tiyak niyang babalik ito sa pamilya niya upang makipag-agawan sa mana.At kung hindi man sila magkatuluyan, mananatili pa rin ang impluwensiya ni Rana kay Bryson.Isang bagay na tiyak na makakasama kay Pey.Hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon.Kaya bago pa man makabawi si Rana ay balak na siyang tuluyang itulak ni Pey sa lusak.Putulin sa ugat at hindi bigyan ng kahit anon

    Last Updated : 2025-04-16
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 92: Flowers

    Pagkarinig sa sinabi ng kanyang pribadong imbestigador, isang bakas ng kasakiman ang sumilay sa mga mata ni Pey.Kung maaari lang ay gusto rin niyang magkaroon ng koneksyon sa mga Esquivel.Isang mas makapangyarihan at lehitimong pamilya kaysa sa mga Deogracia.Ayon sa balita, kahit ang mga katulong ng mga Esquivel ay mas matalino kaysa sa karaniwan.At ang kanilang mga bodyguard ay mga dating sundalo o hindi kaya ay well-trained na mga mixed martial arts.Nagngingitngit ang damdamin ni Pey.Ang isang tulad ni Vern na itinakwil ng kanilang pamilya ay paanong nagkaroon siya ng ganoong swerte?Isa lang naman siyang oportunistang magaling magsalita.Siguradong niloko lang niya ang mga tao sa mansyon ng mga Esquivel.Gamit ang matatamis niyang pananalita.“Bantayan mo rin si Vernon.” utos niya. “Bilang pangalawang anak ng mga Santiago, palagi siyang nagtatrabaho para sa mga Esquivel pero parang wala naman siyang kwenta. Hahanap ako ng paraan para tanggalin siya sa posisyon niya. Kailangan

    Last Updated : 2025-04-16
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 93: Red

    Nagsalita na naman si Vern ng isang bungkos ng matatamis na salita.Kaya’t doon lang bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Ruan sa kanya.Lumingon siya kay Vern at nagtanong.“Dahil kilalang-kilala mo ang Pey na iyon. Ano sa tingin mo ang pinakamagandang paraan para gantihan siya?”May bahagyang panunuya sa mga mata ni Vern habang sumasagot.“Para sa mga katulad niyang tuso ay hindi natin kailangang gawing komplikado ang lahat. Hindi natin kailangan mag-isip ng mga teknik para sa isang talunang katulad niya.” tumitig siya kay Ruan. “Why not use her own method against her.”“Ang ibig mong sabihin ay…”“Sumabay tayo sa agos. Sa tamang panahon, hayaan nating si Rana mismo ang sumupalpal kay Pey. Wakwakin natin ang kaunting dignidad na meron siya. Hanggang sa hindi na siya makagalaw sa loob ng lipunang kanyang sobrang pinahahalagahan. Tignan natin kung may magagawa pa siya sa iniingatan niyang imahe.”Ang pinakamatinding parusa sa katulad ni Pey na labis na nagpapahalaga sa pagkatao at reput

    Last Updated : 2025-04-16
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 94: Ex

    “You really know how to flatter someone.”Ngumiti si Rana kay Vern at saka tuluyang umikot upang puntahan ang kanyang mga bisita.And just like that, Vern followed her like a fool.Nasa likuran lamang siya ng babae na tila ba bodyguard habang nakikipagkamustahan ito sa mga dating kaibigan.Ngumisi ang isang babae sa kanya pagkatapos ay mayroong ibinulong kay Rana.Nilingon siya ni Rana.Nanlaki ang mga mata nito.“Kanina ka pa dyan?”Nagtawanan ang grupong iyon.Muli ay parang mga bubuyog silang nag-usap.Malalim na huminga si Vern.Nahihiya sa kanyang ginagawa.Kinamot niya ang batok saka lumapit ng kaunti kay Rana.Nasa tabi na siya nito.Natigil si Rana sa pakikipagtawanan sa mga kausap.“Go ahead. Talk. Gusto ko din makarinig ng tsismis.” nakangiting iminuwestra ni Vern ang kanyang kamay na huwag siyang intindihin.Rana mischievously smiled. “Tsismoso.”Pakiramdam ni Vern ay hindi siya ang sarili niya ngayong araw.Sinasabi ng lahat na siya’y isang babaerong bihasa sa larangan ng

    Last Updated : 2025-04-17
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 95: First Meet

    Naiiling si Ruan na lumapit sa dalawang babae.Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad na napatingin si Andy sa kanya.Dahil nakatalikod si Rana sa lalaki ay si Andy ang unang nakapansin sa kanya.Who wouldn’t?Sa suot nitong itim na chinese collar short sleeve ay talagang mapapatingin ang kahit na sino.Napakakisig nito gayong nakabukas pa ang unang dalawang butones nito.Hulmang-hulma ang mga muscles nito sa suot.Nakapasok ang isang kamay nito sa kanyang bulsa at kunot ang noo.Nagkatinginan ang dalawa.Ruan has this snobbish look, his nose is red because of the hot shower, while Andy is very spirited and bright.Nakangiti pa ito mula sa usapan nila ni Rana.Sa totoo lang, hindi naman masasabing magandang-maganda si Andy sa tradisyonal na kahulugan.At hindi rin siya maihahambing sa ganda ni Rana.Pero may kakaiba siyang dating.Malinis, maaliwalas, at may kaaya-ayang karisma.Hindi maipaliwanag, pero talagang komportableng tignan.Kahit pa ito ang una nilang pagkikita ay hindi naman

    Last Updated : 2025-04-17
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 96: Gift

    Hindi katulad ng iba na gustong makipag-ugnayan sa mga Esquivel, si Andy ay isang taong ipinapakita sa kanyang mga mata kung ano talaga ang nasa puso niya.Wala siyang masyadong pagkukunwari at ang paglapit niya kay Rana ay walang halong anumang layunin.Dahil dito ay pinahahalagahan na siya agad ni Ruan.Nagsimula na siyang magkaroon ng paggalang kay Andy.Dahil hindi ito nag-dalawang isip tulungan ang kapatid noong nangangailangan ito.At hindi rin ito tumingin sa estado ng buhay upang magpakita ng kagandahang asal.Doon ay napukaw ang interes ni Ruan.Hindi pa man malalim ngunit alam nyang ginagalang niya ang babae.Matapos makipagpalitan ng ilang magagalang na salita kay Andy, naalala ni Ruan ang mahalagang bagay.Lumingon siya sa kapatid.“Handa ka na ba? May mga bisita pa sa loob. Kailangan mo silang kitain para batiin sila o kahit man lang para magpakita.”Pagkarinig niyon ni Rana ay napahiyaw siya.“Ayoko nga!”Bagaman punong-puno siya ng lakas ng loob kanina ay nasanay na siy

    Last Updated : 2025-04-17
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 97: Offer

    Biglang dumilim ang mukha ni Ruan sa narinig.“Wala akong pakialam sa mga regalo nila! Itapon ang lahat ng binigay nila. Walang ititira.”Galit na galit si Ruan.Hindi naman inalagaan ng maayos ni Bryson ang kanyang kapatid tapos ngayon na hiwalay na sila ay saka pa ito nagkukunwaring gusto bumawi?Nagpapasiklab kahit wala nang karapatan?“What a joke.” naiinis niyang tinuran.Walang-kwentang tao.Wala sa lugar at walang konsensya.Kahit ang tignan ito ay nakakasuka para kay Ruan.“Pero, ang sabi nila ay alay daw iyon bilang paghingi ng paumanhin. Yung insidente raw sa bar. Napagtanto nilang sila’y naging bastos. Kaya nagpadala ng regalo bilang pagsisisi.”Ruan scoffed.Inis na itong tumingin sa kung saan na para bang naroon lang sa paligid ang mga Deogracia.“Eh ano naman ho ngayon? Dahil lang humingi siya ng sorry, dapat tanggapin ko na agad? Kung alam niyo lang kung paanong bastusin ng kaibigan niya si Rana ay siguradong mag-ngingitngit rin kayo.”Hindi pa rin mapakali sa galit si

    Last Updated : 2025-04-18

Latest chapter

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 135: Yours

    "Padala mo kay Froilan ang mga larawang kuha sa auction. Ipa-imbestiga mo kung bakit sila nag-aagawan sa singsing na iyon.”Tuluyan nang nakalimutan ni Bryson ang inis para sa kaibigan.Hindi pa rin sila nakakapag-usap ng matino matapos ang insidenteng nangyari sa bahay ng mga Esquivel.Ganon pa rin ang desisyon ni Bryson.He wants him out of his company.After all this, ipapaalala niya ang resignation letter. "Sige." tanging nasabi ni Moss.At habang nasstuck sa traffic ay kusa na rin siyang nagtatanong-tanong sa kanyang mga koneksyon.Para na rin mas mapadali ang pag-iimbestiga sa singsing na iyon.Hindi nagtagal ay nalaman na rin niya ang pinagmulan ng jade na singsing.Nakakunot ang kanyang noo.Naguguluhan sa nalaman.“Ayon sa aking credible source, si Bryenne daw ang naglagay niyon sa auction.”Nagkatinginan silang dalawa ni Bryson.Nagpatuloy si Moss sa pagbabasa sa kanyang cellphone.“Sa kanya galing ang halos lahat ng ipina-auction sa mga alahas na kategorya.”Malalim ang is

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 134: U-Turn

    Kumikislap ang mga mata ni Pey at kunwari’y nagtatakang tumingin kay Bryenne.“So, you mean..”“Malamang nakilala ni Rana na kanya ang mga gamit na ito. Kaya gusto niyang bilhin lahat pabalik.” tumaas ang kilay ni Bryenne. “Kung ganoon, bakit hindi natin siya pahirapan sa presyo?”Tutal ay balak naman talaga nilang pataasin ang presyo.Ngayon ay tinutuloy lang nila ang plano.“Sigurado ka bang uubra ’yan?”“Bakit naman hindi? Tingnan mo na lang!”Punong-puno ng kumpiyansa si Bryenne.Pero nabigo siya.Hindi na muling nagtaas ng paddle si Rana.Kanina lang siya nag-bid para hindi si Andy ang gumastos. Sa totoo lang maliban sa jade na singsing ay wala siyang balak bilhin ang iba.Hindi lang si Rana ang di na nag-bid.Pati si Andy na katabi niya ay tahimik na rin.“Anong problema niya? Bakit hindi na siya bumibili? Hindi kaya hindi niya nakilala ang mga gamit?”Dismayadong-dismayado si Bryenne.Nakaayos na sana ang plano.Ngunit mukhang papalpak na naman yata dahil hindi naman kumakagat

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 133: Bid

    Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.“Sobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi ‘yang pagmumukha niyo.” ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.“Tara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.”Agad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!” iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 132: Auction

    Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And here’s his mother, calling him. “Nasaan ka, anak?”Halos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.“I have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?”“Ewan ko ba..” umubo ng ilang beses ang ginang. “Nahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.”“Naubusan ka?”“Yes, my dear.”Halos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.“Hold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.” he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.“Anong nangyari? May problema ba?”Tuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.“Hindi na tayo

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 131: Jade

    “Sigurado ka ba?” Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.“Sigurado ako. Hindi lang ‘yung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.”“Ganito karami?” Namangha si Andy. “Pero ‘di ba mga alahas mo ‘yan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?”Nang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.“Ako rin gustong malaman.”Rana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. “Eh anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Andy. “Gusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?”Bumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.“Lahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 130: Fair and square

    Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 129: Say sorry

    “Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 128: Nobody

    Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 127: Rejection

    “Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status