"Tatlong taon akong kasal sa iyo. Binuhos ko ang lahat ng pagod ko para sa pamilya mo! Pero ni minsan ay hindi ako nagreklamo. Sa iyo, naging mabuti ako sa kahit anong paraan, alam mo 'yan. Ngayon, pinirmahan ko na ang divorce papers, hindi ako humingi ni isang sentimo mula sa iyo. Hindi ko inaasahan ang pasasalamat mo. Gusto ko lang na tapusin natin ito ng maayos. Pero ni hindi mo man lang ako matantanan? Sa tingin mo ba, kaya mo pa rin akong apihin ng ganito?"Sunod-sunod ang mabibigat na salita ni Rana sa lalaki, dahilan upang magdilim ang mukha ni Bryson."Ano ang ibig mong sabihin? Gusto ko lang ibigay sa iyo ang nararapat na kabayaran, hindi naman kita ginugulo o inaapi katulad ng sinasabi mo.""Ha! Sa isang banda, nagpapakalat ka ng balita na hinihingan kita ng malaking halaga sa divorce natin? Tapos ngayon, nagpapanggap kang mabuting tao? Ganito ba talaga kayong pamilya? Mga ubod ng mapagkunwari at traydor?""Ano ang sinasabi mo?" lalong lumalim ang kunot sa noo nito."Nagkala
Kinabukasan, hinanap ni Bryson si Pey at nalaman niyang nasa isang convention ito. Tinawagan niya ito upang magkita sila sa isang coffee shop.Ilang minuto lamang ay natanaw na niya ito sa bungad ng pintuan.She was all smiles when they had eye contact. Nanatiling walang ekspresyon ang lalaki."I'm sorry. Kanina ka pa ba?"Hihilahin palang nito ang upuan nang ibinato ni Bryson sa harapan nito ang mga naka-print na usapan nila sa social media at iba pang ebidensyang nakuha niya mula sa sekretarya."Ipaliwanag mo 'to."Nalusaw ang ngiti ng babae.Dahan-dahan itong umupo sa harap ni Bryson na hindi manlang kumukurap.Binuksan niya ito at nakita ang kahapon niya pang problema.Mga patunay ito na nag-uugnay sa kanya sa pagbili ng trending topics sa mga marketing accounts, mga screenshot ng usapan na hindi niya maikakaila.Nilunok niya ang bigik sa lalamunan.“Bry, hindi ito katulad ng iniisip mo, ako…”Pumikit siya sandali.Nag-uunahan ang mga salita sa kanyang isip at hindi alam kung paan
Laglag pangang tinignan ni Pey si Bryson.Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Sa buong buhay niya, hindi niya akalaing maririnig mula mismo kay Bryson ang pagtatanggol nito kay Rana, isang bagay na hindi kapani-paniwala.Napatayo si Pey sa inuupuan nito."Bry? Anong nangyari sa’yo? Dati naman, hindi mo rin gusto si Rana 'diba. Pero ngayon... Sigurado akong nakita mo rin ang post niya sa X? Wala siyang pakialam sa’yo o sa pamilya mo! Ang lahat ng ginawa niya noon ay puro pakitang-tao lang. Kung hindi, bakit niya gagawin ito ngayon? Gusto lang niya kayong sirain at pabagsakin!"Nang marinig ni Bryson ang sinabi ni Pey, lalong nanuot ang irita ng lalaki.Mabilis niya muling nilingon ang babae.Simula nang sabihin ni Rana ang divorce sa ospital, parang nawala sa kanyang kontrol ang lahat ng bagay. Ayaw ni Bryson sa pakiramdam ng kawalan ng kontrol.He's not used being the one obeying the rules. He is not comfortable being told what to do.Siguro nga, tama si Pey.Marahil, hindi
"May boyfriend na siya?!" halos pasinghal na sabi ni Pey."Kaya pala atat kang makipaghiwalay kay Bry!" nanlalaki nitong tinignan si Bryson."Look, Bry! Mukhang napakamahal ng sports car na ‘to, hindi kayang bilhin ni Rana ‘yan ng mag-isa, di ba?"Eskandalong-eskandalo si Pey sa nakita.Sabay nilang nakita ni Bryson ang pagbaba ng isang lalaki at ang pagbukas nito sa isang pintuan. Iniluwa noon si Rana.Hindi nila masyadong kita ang mukha ng lalaki dahil bukod sa naka shades ito ay mabilis silang tumalikod upang dumiretso na sa opisina ng judge.Nang maramdaman niyang masyadong tahimik si Bryson habang pinapanuod ang paglalakad ng dalawa ay ngumiti si Pey nang may kasiyahan.Hindi niya inakalang may ibang lalaki nga sa buhay ni Rana.Ngayong may ebidensya na siya, hindi lang ito basta haka-haka at tsismis.May basehan na dahil siya mismo ang nakakita.Kapag nakita ni Bryson ang totoong kulay ni Rana, hindi na ito magkakaroon ng kapal ng mukha na ilaban pa ang kanilang kasal ni Bryson.
"The audacity of this fake bitch!"Ito ang umuugong sa isip ni Pey nang marinig ang pahayag na iyon ni Rana patungkol sa kanya at kanyang ina."Grabe ka naman makapagsalita, Rana? Hindi mo kami kilala para sabihin mo iyan." nangingilid ang luhang sabi niya."Ouchie? Sheket? Ano sumbong nanay ka na ba?" tawa nito. "Wala pa rin 'yan kumpara sa pambabastos mo sa buhay naming mag-asawa! Hindi ako katulad mo na hindi manlang inisip ang mararamdaman ko habang panay ang lingkis mo sa asawa ko.""Bry!" iyak naman ni Pey kay Bryson na walang imik sa gilid.Pinalungkot ni Rana ang kanyang mukha. "Bry! Bry! Help me, Bry!" tumawa ito."Dinaig mo pa ang baldado kung makakapit ka sa asawa ko. Pa’no kung tuluyan kitang lumpuhin, Pey?"Sa paulit-ulit na pang-aasar ni Rana, nanikip ang dibdib ni Pey sa galit.Hindi niya pwedeng ipakita ang totoong iniisip niya.Hindi pwede kung kailan ma-didivorce na si Bryson sa babae. Kailangang sa kanya mapunta ang simpatya ni Bryson."Kaya siguro sinisiksik mo ang
Hindi mawari ni Bryson kung paano pa i-hahandle si Rana.Sumasakit ng sobra ang utak niya sa bawat singhal nito.He knew that she has a sarcastic tongue but he didn't know to this extent. Bilang isang taong ipinanganak na may mataas na katayuan. Bihira kung makarinig siya ng ganitong klaseng pananalita. Kadalasan pa ay mga naririnig niya lang sa balita.He was never with someone na ganito ang pagkatalas ng mga salita.Pero alam niyang bawat salitang sinabi ni Rana ay may katuturan. Kaya wala siyang mahanap na isasagot.Basang-basa sa kanyang mukha ang labis na pagkairita sa babae ngunit mas umiigting ang kanyang panga para sa lalaking kasama nito.He's not the violent type of man, kaso nang makitang bumaba ito kasama ang asawa sa isang sasakyan ay gusto na niya itong sugurin.Hindi niya na-imagine na magkakatotoo ang kanyang iniisip.Dahil hindi naman niya nakitang gumala o sumama sa iba si Rana.Taong-bahay ito at madalang kung makipag-usap sa phone.Sa huli, napilitan siyang tahimi
"Ikaw at ang nanay mo ay hindi inosente! Kayo mismo ang puno’t dulo ng lahat ng ito!"Hindi na napigilan pa ni Rana ang kanyang emosyon.Her madness is driving her crazy.Ramdam na ramdam niya ang bawat himaymay ng hinanakit. Pakiramdam niya ay siya ang nanay ni Vern at ang nanay ni Pey ay mismong si Pey. aiba lang ang kanilang mga pagkatao ngunit pareho ang pinagdaanan at sitwasyon.Noong araw, ginamit ng nanay ni Pey ang dahilan ng "tunay na pag-ibig" para pilitin ang ama ni Vern na mangaliwa.Ngayon naman, ginamit ni Pey ang parehong taktika upang agawin si Bryson.At katulad ng ama ni Vern, nagpadala si Bryson sa pang-aakit nito."What a piece of trash!"May part din dito ang kanyang dating asawa.If he didn't let her in to their lives, walang gulo.Walang divorce.Isang matinding galit ang dumaan sa mata ni Pey.Paulit-ulit na siyang pinapahiya ni Rana ngayong araw. Parang hindi na niya kakayaning magpigil ng totoong nararamdaman.Gusto na niyang sugurin si Rana at gantihan ito.
Marahang inangat ng mga staff sa munispyo si Pey. May wheelchair na dala ang mga ito.Nasaktuhan sila ng isang maintenance at tumawag ng iba pang tulong para sa kalagayan ni Pey.Pawis na pawis na ito at basang-basa na ang mukha sa pinaghalong luha, pawis at sipon.Hindi niya mapunasan ang sarili dahil mukhang nabalian din siya ng kamay dahil sa pagkakatukod upang hindi siya dumiretso sa mas ibabang parte pa ng hagdan."May bimpo ba kayo dyan o kahit anong pamunas?" tanong niya sa mga tumutulong sa kanya.Hiyang-hiya na siya sa kanyang itsura.Paniguradong sabog sabog na rin ang make-up niya.Nagtinginan ang mga staff."Wala po ma'am eh.""Bakit wala? Diba dapat meron kayo?" medyo napataas ang kanyang boses.Lumapit ang utility man na nakakita sa kanila."Ito mam. Pamunas." sabay lahad nito sa nanggigitata na kulay dilaw na bimpo.Nangingitim na ito at medyo basa pa."Tonto! Eh kung sa mukha mo 'yan ipunas ko?" angil niya sa binata.Nagkamot sa batok ang lalaki."Hindi niyo naman ho s
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma
Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa
Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk