Share

Kabanata 17

AIRISH

NASA kalagitnaan ako ng tulog nang maalimpungatan naman ako. Narinig ko ang malakas na pagkulog at kidlat. Nakakatakot dahil gabi parin.

Iniwan ko muna si lola at tumayo ako para sana lumabas at pumunta sa kusina nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang kulog at kidlat.

Bubuksan ko palang ang pinto kwarto nang may dumaan na ilaw roon. Napatingin ako sa likod. Nakita ko ang bintana na may nagre-reflect na ilaw mula sa labas. Sumilip ako ng kaunti at tiningnan ang mga nagbabantay.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita na sunod-sunod silang napapahandusay sa sahig. Wala naman ni isang sasakyan ang nasa labas.

Nakita ko ang mga nagbabantay na nakapuwesto at may mga hawak na iba't ibang uri ng baril habang hinahanap kung sino ang mga umaatake na 'yon. Hindi ko gaanong marinig dahil sa lakas ng ulan at kulog.

Napalingon nalang akong bigla nang bumukas ang ilaw nitong kwarto.

"Airish..." sabi ni Eljoe at kaagad na lumapit sa 'kin.

"Anong nangyayari sa labas, Elj
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status