تسجيل الدخولUnang napansin ng receptionist ang mahabang binti ni Destiny, bago napunta ang tingin nito sa suot niya.
Nakapagpalit na si Destiny ng elegant dress para sana sa anniversary dinner nila ni Rafael. Manipis na pearl belt ang nakapalibot sa baywang niya kaya mas lalong lumitaw ang ganda ng katawan niya. Bagsak sa balikat ang kulot niyang buhok, simple pero ang ganda tingnan.
Namula ang receptionist. “Good afternoon, ma’am. Welcome to Buenavista Global Holdings. May appointment po ba kayo?”
Bilang paggalang, tinanggal ni Destiny ang sunglasses niya.
“I’m looking for Rafael Buenavista.”
Sa isang tingin lang, nakilala siya ng receptionist. Artista nga naman. Ibang klase ang dating kumpara sa isang ordinaryong tao.
Pero ilang segundo lang, napasinghap ito.
“Hala! Ito ’yong trending ngayon. Magkikita sa totoong buhay ang legal couple at ang kabit? Pupunta siya rito para manugod?” sabi ng receptionist sa isip.
“Pasensya na po, ma’am,” alanganing sabi ng receptionist. “Pero sinundo po ni sir sa airport ang girlfriend niya. Kung gusto n’yo po siyang makita, kailangan n’yo munang magpa-appointment sa visitor system.”
Napahinto si Destiny.
Tatlong taon silang kasal ni Rafael, pero sa sariling kompanya nito, parang hindi siya asawa.
Ngayon, dahil sa trending topic, alam na ng lahat ang tungkol sa babaeng sinasabi nilang totoong mahal ni Rafael.
Nang marinig ang nangyari, nagmadaling bumaba si Secretary Aldrin para salubungin si Destiny. Personal niya itong sinamahan papasok ng elevator. Nang magsara ang pinto, saka lang siya magalang na yumuko.
“Madam.”
Napangiti nang mapait si Destiny sa isip niya, ganoon ba siya kahiya-hiya bilang asawa ni Rafael?
Huminto ang elevator sa twentieth floor, sa tapat ng isang ordinaryong conference room.
Sa tabi lang nila naroon ang private elevator na direktang papunta sa office ng CEO. Walang pag-aalinlangang pinindot ni Destiny ang button.
Inayos ni Secretary Aldrin ang salamin niya. “Madam, mas mabuti po sigurong maghintay kayo sa ibaba. May importanteng bisita po si President Rafael ngayon.”
Tumunog ang elevator. Pagbukas ng pinto, nagkaharap sila.
Napakaguwapo ni Rafael Buenavista. Kahit saan siya tumayo, imposibleng hindi siya mapansin.
Sa tabi niya ay isang magandang babae—ang childhood sweetheart ng asawa niya. Napansin niyang mahigpit itong nakakapit sa braso ni Rafael.
Napatingin ang lahat kay Destiny. Halos iisa ang ekspresyon ng mga tao sa paligid: naghihintay sila ng eksena.
Tumingin si Destiny kay Rafael, umaasa siyang may sasabihin ito. Kahit isang salita lang para malinis ang pangalan niya. Dahil kahit anong gawin ng iba, sila pa rin ang legal na mag-asawa.
Bahagyang ikiniling ng babae ang ulo nito at inosenteng nagtanong, “Rafael, sino siya?”
Dahil doon, sabay-sabay na napatingin ang mga executive at empleyado sa kanilang tatlo. Palipat-lipat ang tingin ng mga ito, para bang nanonood ng teleserye sa mismong harap nila.
Punong-puno ng empleyado ang paligid.
Ngunit wala namang emosyon ang boses ni Rafael nang sumagot siya.
“Hindi siya importante.”
Natigilan si Destiny. Parang may mabigat na bagay na biglang bumagsak sa dibdib niya. Halos manghina ang mga tuhod niyang marinig iyon mula sa asawa niya.
Bahagyang nanginig ang boses ni Destiny. “Rafael, kailangan nating mag-usap.”
Ngumiti nang mahina ang babae. Lumapit siya nang kaunti at humarang sa harap ni Rafael, na para bang siya ang may karapatang magsalita para rito.
“Miss, busy po ang CEO namin. Kung gusto n’yo siyang makausap, magpa-appointment muna kayo.”
Pagkatapos, tumingala ito kay Rafael at ngumiti.
“Rafael, huwag mo siyang pagalitan. Hindi naman siguro niya sinasadya. Hindi lang niya alam ang rules dito.”
Tumingin si Rafael sa ibang executives. “Sa VIP conference room ang meeting. Ten minutes.”
Kumikislap ang mata ng babaeng kasama ni Rafael, “Eh paano ako?”
Malamig man ang mukha ni Rafael, bahagyang lumambot ang boses niya nang sumagot. “Kasama ka, siyempre.”
Pagkasabi niyon, tuluyan na silang umalis.Hindi gumalaw si Destiny sa kinatatayuan niya. Nakatingin lang siya habang papalayo sina Rafael at ang babae. Kitang-kita niya kung paano maingat na hinawakan ni Rafael ang likod nito. Isang simpleng hawak lang iyon ngunit para kay Destiny, sapat na iyon para tuluyan siyang matauhan.
Maya-maya, napansin niyang nakatingin sa kanya ang mga empleyado. May nagbubulungan. May halatang naghihintay kung ano ang gagawin niya.
Tahimik na huminga si Destiny. Wala na siyang sinabi.
Pumasok na lang siya sa elevator at pinindot ang button pababa sa first floor.Nang magsara ang pinto, saka lang unti-unting bumagsak ang lakas niya. Habang pababa ang elevator, mas lalo lang siyang nanghina.Hindi niya akalaing harap-harapan siyang tinanggihan ni Rafael.Parang bawat palapag na dinaanan ay may kinukuha sa kanya. Nawalan na siya nang pag-asang at dahilan para ipaglaban pa ang marriage na iyon.Paglabas niya ng elevator, ilang sandali na nanatiling nakatayo si Destiny roon. Pagkatapos, walang pag-aalinlangan niyang tinawagan si Celine.“Celine, hindi na tayo puwedeng maghintay sa PR. Ise-save ko lahat ng screenshots bilang ebidensya. Pakiusap, sabihan mo kay Attorney Valdez na magdedemanda ako.”
Huminto siya saglit.
Pagkatapos, mas malamig at mas malinaw niyang idinugtong,
“At pakisabi rin sa kanya… ihanda niya na ang annulment.”
Tahimik lang na tiningnan siya ni Destiny. Alam niyang sinadya iyon ni Celeste.Hindi naman ganoon kalayo ang edad nila ni Rafael. At mas lalong walang dahilan para tawagin siyang mukhang tita.Ngumiti nang matamis si Celeste.“Kasalanan din kasi ni Rafael. Hindi niya kayo pino-post sa social media. Tinatago niya kayo, kaya pasensya na kung hindi ko kayo nakilala agad.”Natapos ni Destiny ang pagsulat sa visitor log. Ibinalik niya ang ballpen at tumingin kay Celeste. Inilahad ni Celeste ang kamay niya. “Nice to meet you. I’m Celeste Villareal.”Tinanggap ni Destiny ang kamay nito, pero saglit lang. “Nakita na kita online, Miss Celeste. Kaya hindi ito first time.”Napatingin si Celeste sa simpleng sasakyan ni Destiny.“Sorry talaga, Ate Destiny. Hindi ko alam na ganito lang pala ang dala mong kotse. Dapat sinabi ko sa driver na ikaw na lang ang sunduin.”Nakalampas na sana si Destiny, pero huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan si Celeste mula ulo hanggang paa.“Napans
“Sige.”Malamig at mahinahon ang boses ni Destiny habang hawak ang phone.Sa kabilang linya, sandaling natahimik si Rafael. Para bang hindi niya maintindihan kung bakit hindi agad pumayag si Destiny sa gusto niya.“Ito ang gusto mong marinig mula sa akin, ano?” tanong ni Destiny.Tahimik pa rin si Rafael sa kabilang linya. Nakakunot ang noo niya, hindi niya maintindihan ang ibig nitong iparating.Huminga nang malalim si Destiny.“Aksidente man o sinadya ni Celeste ang pag-like sa comment na naninira sa akin, pareho naman nating alam ang totoo.”“Matagal na nag-aral sa abroad si Celeste,” sagot ni Rafael. “Hindi siya sanay sa social media dito, kaya humingi na siya ng tawad.”Gusto sanang matawa ni Destiny. Pero hindi na niya pinahaba pa ang usapan.“Hindi ko buburahin ang lawyer’s demand letter.”Sandaling natahimik si Rafael. Nang magsalita ulit siya, halatang pagod na ang boses nito.“Destiny, hindi ka naman ganyan kababaw para hindi ako sundin.”Napatawa nang mahina si Destiny. Tat
Noong unang tumira si Destiny sa bahay ni Rafael, malamig at walang buhay ang kuwarto, parang display lang sa showroom. Kaya unti-unti niya itong inayos para magmukhang totoong tahanan. Pinalitan niya ang mga unan, naglagay ng paintings sa dingding, nag-alaga ng halaman sa balcony, at bumili ng maliliit na gamit para maging mas komportable at mas may buhay ang lugar.Akala ni Destiny noon, habang tumatagal, magkakaroon din siya ng lugar sa puso ni Rafael. Pero ngayon, isa-isa na niyang nililigpit ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya ng kasal nila. Tinapon niya ang mga unan, ipinatanggal ang mga paintings, at ipinamigay sa kasambahay ang mga halaman. Habang tinitingnan niya ang unti-unting lumuluwag na kuwarto, tahimik siyang ngumiti. Kaya naman pala niyang bumitaw. Kailangan lang masanay siya. Nasa kanya pa rin ang supplementary credit card ni Rafael, pero kahit kailan ay hindi niya iyon ginamit. May sarili siyang pera dahil may naipon din siya bilang artista. Kaya inilagay
Pagkapasok pa lang ni Destiny sa van ay agad na nagsalita ang manager sa kanya.“Ano bang sinasabi mong gusto mo nang makipaghiwalay kay Rafael? Ikaw ba nagdesisyon iyon o siya? Nag-away ba kayo sa kompanya kanina?” sunod-sunod na tanong nito. Halatang hindi makapaniwala si Celine nang marinig iyon.Tahimik na nakaupo si Destiny sa loob ng van. Nakatingin siya sa labas ng bintana, pero wala talaga siyang nakikita. Pilit niyang pinipigilan ang hapdi sa mata niya.Ayaw niyang umiyak.Mahigpit siyang napakuyom ng kamay.“Hindi naman ganoon kalala,” mahina niyang sabi. “Mas mabuti nang kumilos kaysa magmukmok, hindi ba? Mas mabuti nang lumaban kaysa patuloy lang akong magpapakatanga.”Narinig ni Celine ang basag sa boses ni Destiny. Bigla siyang nakaramdam ng awa.“Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka kasi nakinig sa akin noon, na career muna ang unahin mo. Pero ikaw, pinili mong magmahal ng lalaking hindi ka man lang kayang ipaglaban. Tingnan mo ang nangyari sa’yo…”Hindi na sumagot si Desti
Sa public relations, mahalaga ang bawat segundo. Isang maliit na isyu lang, kailangan mong harapin ito agad. Kapag pinabayaan mo ito, mas lalaki ang problema at mas mabilis masisira ang reputasyon mo.Makalipas ang isang oras, huminto ang kotse sa harap ng headquarters ng Buenavista Global Holdings sa BGC.Unang napansin ng receptionist ang mahabang binti ni Destiny, bago napunta ang tingin nito sa suot niya.Nakapagpalit na si Destiny ng elegant dress para sana sa anniversary dinner nila ni Rafael. Manipis na pearl belt ang nakapalibot sa baywang niya kaya mas lalong lumitaw ang ganda ng katawan niya. Bagsak sa balikat ang kulot niyang buhok, simple pero ang ganda tingnan.Namula ang receptionist. “Good afternoon, ma’am. Welcome to Buenavista Global Holdings. May appointment po ba kayo?”Bilang paggalang, tinanggal ni Destiny ang sunglasses niya.“I’m looking for Rafael Buenavista.”Sa isang tingin lang, nakilala siya ng receptionist. Artista nga naman. Ibang klase ang dating kumpara
Mag-isang nakaupo si Destiny Mercado sa isang mamahaling restaurant sa BGC. Katapat niya ang bakanteng upuan at ang basong tubig na para sana sa asawa niyang si Rafael Buenavista.Kanina pa siya naghihintay.Ilang beses na niyang sinulyapan ang pinto. Ilang beses na rin niyang kinumbinsi ang sarili na baka parating na ito. Hanggang sa biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napalingon agad si Destiny sa screen dahil akala niya, si Rafael na.Ngunit sa halip na pangalan ng asawa niya, isang notification mula sa social media ang bumungad sa kanya.Isang trending post mula sa isang kilalang entertainment page.Bahagyang kumunot ang noo ni Destiny. Pero nang mabasa niya ang pangalan ni Rafael, tuluyan siyang natigilan.Nanginginig ang daliri niyang pinindot ito.At doon niya nakita ang larawan ni Rafael sa NAIA. Naka-black suit ito, malamig ang mukha, ngunit maingat na inaalalayan ang isang babaeng kakalabas lang ng arrival area.At sa taas ng post, nakasulat ang headline:#RealWifeOrMis







