Share

Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back
Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back
Author: Vienna Cross

CHAPTER 1

Author: Vienna Cross
last update publish date: 2026-06-22 21:52:05

Mag-isang nakaupo si Destiny Mercado sa isang mamahaling restaurant sa BGC. Katapat niya ang bakanteng upuan at ang basong tubig na para sana sa asawa niyang si Rafael Buenavista.

Kanina pa siya naghihintay.

Ilang beses na niyang sinulyapan ang pinto. Ilang beses na rin niyang kinumbinsi ang sarili na baka parating na ito. 

Hanggang sa biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napalingon agad si Destiny sa screen dahil akala niya, si Rafael na.

Ngunit sa halip na pangalan ng asawa niya, isang notification mula sa social media ang bumungad sa kanya.

Isang trending post mula sa isang kilalang entertainment page.

Bahagyang kumunot ang noo ni Destiny. Pero nang mabasa niya ang pangalan ni Rafael, tuluyan siyang natigilan.

Nanginginig ang daliri niyang pinindot ito.

At doon niya nakita ang larawan ni Rafael sa NAIA. Naka-black suit ito, malamig ang mukha, ngunit maingat na inaalalayan ang isang babaeng kakalabas lang ng arrival area.

At sa taas ng post, nakasulat ang headline:

#RealWifeOrMistress: Destiny Mercado, kabit nga ba ng CEO na si Rafael Buenavista?

Sumunod agad ang isa pang trending topic.

#AirportSweetheart: Binalikan na ni Rafael Buenavista ang totoong minahal niya?

Nakatitig lang si Destiny sa mga trending topic na bawat segundo ay pataas nang pataas ang bilang. Napatawa siya nang mahina, at parang may namuong luha sa mga mata niya.

Wedding anniversary sana nila ngayon ni Rafael.

Maaga pa lang ay nakapagpa-reserve na siya sa restaurant. Ilang beses pa niyang kinumpirma ang schedule ni Rafael.

Naghintay siya mula tanghali hanggang alas-tres ng hapon. At gaya ng inaasahan, hindi ito dumating.

Ang tanging tawag na natanggap niya ay mula sa assistant nito. Sabi, may pinakaimportanteng taong kailangan sunduin si Mr. Buenavista kaya hindi siya makakarating.

Sanay na si Destiny na umintindi. Kahit masakit, ngumiti pa rin siya at sinabing ayos lang, kaya niyang maghintay.

Pero ngayon niya lang naintindihan na ang importanteng tao pala ay ang childhood sweetheart ni Rafael. Ang babaeng matagal na niyang lihim na minahal.

Noong kinasal sila, wala silang maayos na wedding ceremony. Hindi siya kailanman dinala ni Rafael sa kompanya. Ni minsan, hindi rin siya ipinakilala sa social circle nito.

Matagal nang sanay si Destiny na manatiling invisible sa lahat. Pero hindi niya inasahan na balang-araw, siya pa ang tatawaging kabit.

Para sa isang artista, nakamamatay ang ganitong klaseng balita.

Tahimik niyang kinuha ang bag niya at tumayo mula sa mesa. Hindi na niya hinintay ang waiter. Hindi na rin niya kayang manatili pa sa restaurant na iyon, habang patuloy na umaakyat ang pangalan niya sa trending list.

Paglabas niya, malamig na hangin ng BGC ang sumalubong sa kanya.

Sa gilid ng kalsada, nakaparada ang van na ginagamit niya tuwing may shoot o event. Nang bumukas ang pinto, agad niyang nakita ang manager niyang si Celine sa loob, hawak ang phone at halatang hindi mapakali.

“Destiny,” salubong agad nito, “nakita mo na?”

Tahimik na pumasok si Destiny sa van at umupo. Hindi siya agad sumagot. Kaya mas lalong nag-alala si Celine.

“Kailangan mong tawagan si Mr. Buenavista ngayon din,” seryoso sabi ni Celine. “Tanungin mo kung ano ang nangyayari. Mas mabuti kung ang PR team ng Buenavista Global ang hahawak nito bago pa lumala.”

Natigilan si Destiny.

Kahit nahuhulaan na niya ang magiging sagot, tinawagan pa rin niya ang numero ng assistant ni Rafael. Dalawang ring pa lang, binaba na ang tawag.

“Hindi sinagot ni Mr. Buenavista?” tanong ni Celine.

Mahigpit na hinawakan ni Destiny ang cellphone bago dahan-dahang bumitaw. Kahit sa sariling manager niya, nahirapan siyang sabihin ang totoo.

“Hindi sinasagot ng assistant ni Rafael ang tawag ko,” malungkot na sagot ni Destiny.

“Ano? Bakit hindi ka dumiretso kay Rafael?” kunot noong taong ni Celine.

Matagal pa bago sumagot si Destiny. “Ang totoo niyan, hindi ako pinayagan ni Rafael na dumirekta sa kanya, lahat kailangan idaan sa assistant niya.”

Napahawak si Celine sa sentido niya. Halos mabaliw na siya rito.

Legal na asawa ni Rafael Buenavista si Destiny. Pero anong klaseng asawa si Rafael kung kailangan pang dumaan si Destiny sa assistant nito para lang makausap ang sarili niyang asawa?

At kahit assistant lang ni Rafael, hindi man lang siya sinagot?

Seryosong sabi ni Celine, “Destiny, kababalik mo lang ulit sa showbiz. Hindi maganda na ganitong balita agad ang lalabas tungkol sa’yo.”

Huminga nang malalim si Destiny. Pagkatapos, direkta niyang tinawagan ang personal number ni Rafael.

Makalipas ang ilang segundo, isang mababa at malamig na boses ang sumagot.

“Sino ’to?”

Mahigpit ang security system ni Rafael. Hindi lalagpas sa isang daan ang naka-save na number sa personal phone nito. At malinaw na hindi kasama roon si Destiny.

Bahagyang nanginig ang puso ni Destiny nang marinig ang boses ng asawa. Karaniwan, pangalan lang ang tawag niya kay Rafael. Pero ngayong alam niyang kasama nito ang ibang babae, bigla siyang nangulila at gusto niyang maramdaman ang pagiging Mrs. Buenavista.

Mahina niyang sabi, “H-Honey… ako ’to.”

Sandaling natahimik ang kabilang linya.

Pagkatapos, malamig nitong sinabi, “Sinabi ko na sa’yo dati. Huwag mo akong tawagin nang ganyan kapag nasa labas ako.”

Parang biglang naubos ang lakas ng loob ni Destiny. Napalunok na lang siya.

Kinagat niya ang labi bago nagsalita. “May kumuha ng litrato sa’yo sa airport. Kumakalat na online. Puwede bang pakiusap sa PR team ng Buenavista Global na—”

Hindi pa siya tapos magsalita nang may narinig siyang malambing na boses ng babae sa kabilang linya.

“Rafael, sino ’yan?”

Bahagyang kumirot ang dibdib ni Destiny. Pagkatapos ay narinig niya ang sagot ni Rafael.

“Nothing.”

Napatawa nang mahina ang babae. “May nagche-check ba sa’yo? Ang cute naman. Twenty-first century na, uso pa rin pala ’yan?”

May binulong si Rafael dito, tila pinapakalma ito. Pagkatapos, malamig niyang kinausap si Destiny.

“Kung may kailangan ka, pumunta ka sa kompanya.”

“Rafael, kasi tre—”

Pinatay na nito ang tawag.

Ilang sandaling nakatitig lang si Destiny sa cellphone niya. Pagkatapos, binuksan niya ulit ang trending topic.

Sa kumakalat na post, makikita si Rafael na nakaitim na suit habang maingat na pinoprotektahan ang ulo ng babae bago ito pumasok sa sasakyan.

Hindi kita ang mukha ng babae, pero halatang maliit, maputi, at mukhang mahinhin kaya madaling kaawaan. Noong napansin nitong may media, nagulat muna ito, pagkatapos ay ngumiti at kumaway.

Libo-libo na ang comments sa ilalim ng post na iyon.

[Grabe, likod pa lang ni Mr. Buenavista, ang lakas na ng dating.]

[Ang sweet ng first love niya! Bagay na bagay sila. Sila na ang couple of the year!]

[Pero nasaan na ba ang kabit? @DestinyMercado]

Binuksan ni Destiny ang pinto ng kotse.

Napatingin sa kanya si Celine. “Saan ka pupunta?”

Hindi agad sumagot si Destiny.

Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na nag-book ng Angkas ride. Tahimik ang mukha niya, pero mahigpit ang kapit niya sa phone.

“Mauna ka na,” mahinahon niyang sabi.

Napakunot ang noo ni Celine. “Pero, Destiny…”

“Hihintayin ko siya sa kompanya,” dagdag ni Destiny, bago tuluyang bumaba ng kotse.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 160

    “Dalhin mo sila sa labas. Magdagdag ka rin ng dalawang bodyguard sa room ni Ayessa. Huwag ninyong papasukin ang kahit sinong walang kinalaman.”Agad na nilapitan ng driver si Celeste para palabasin siya ng room. Ayaw namang sumama si Theo at mahigpit itong kumapit sa kamay ng kanyang ina.“Daddy, huwag mo kaming paalisin. Miss ka na ni Mommy. Gusto ko munang manatili rito.”Maingat na niyakap ni Celeste si Theo.“Rafael, bata pa si Theo. Nakikita niya akong palaging nakatingin sa mga pictures mo, kaya gusto niyang pumunta rito.”Hinaplos niya ang balikat ng anak.“Tara na, Theo. Huwag na

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 159

    “Destiny, puwede mong itanggi ang nangyari sa atin. Puwede mong sabihin na ayaw mo nang balikan ang nakaraan. Pero walang kasalanan si Ayessa. Bakit kailangan mo siyang ilayo sa akin at itago sa akin ang totoo?”Huminga siya nang malalim.“Allergic siya sa peanuts, pero ayaw mo pa ring aminin na anak ko siya?”Mahirap nang pigilan ni Rafael ang emosyon niya.Tatlong taon niyang hinanap si Destiny at paulit-ulit ding nabigo. Sa tagal ng panahon, halos maubos na ang pasensya at lakas niya.“Ang sama mo talaga,” mahina niyang sabi.Saglit na natahimik si Destiny. Ngayon lang niya narinig si Rafael na nagsasalita nang ganito, na parang

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 158

    Wala pa namang paternity test si Rafael. Baka nagtatrabaho lang talaga rito ang totoong Daddy ni Ayessa.Pero hindi niya maiwasang pagdudahan iyon, lalo na nang maalala niyang tinawag ni Ayessa na Daddy si Marco. Baka niloloko lang ako ni Destiny.“Boss, ipapaakyat ko na po ba siya?”Halos hindi makapagsalita si Rafael.“Dalhin mo... sa office ko.”Maya-maya, nakita ni Secretary Aldrin si Ayessa sa conference room sa tenth floor. Hinawakan niya ang maliit nitong kamay at dinala siya kay Rafael.Ngayon lang niya ito nakita nang malapitan. Kung tutuusin, may mga pagkakahawig nga ito kay Rafael.

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 157

    Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang magsimula siyang makatrabaho ang luxury brand nito matapos niyang manalo ng acting award.Simple pero eleganteng tingnan si Destiny sa suot niya. Nakababa lang ang buhok niya sa isang low ponytail, bagay sa mas mature at confident niyang aura.Nang makarating siya sa venue at bumaba ng sasakyan, sabay-sabay na nag-flash ang mga camera sa paligid ng red carpet.“Ms. Destiny, dito po!”“Destiny, puwede bang magbigay ka ng short message?”“Ano ang mga plano mo sa mga susunod mong projects?”Halos hindi makahinga ang mga reporter sa dami ng mga taong nagsisiksikan para makakuha ng larawan niya.

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 156

    Samantala, hindi pa rin agad umalis ang dalawang nanay. Masarap kasi ang dessert na inihanda ni Destiny.“Nakakatuwa talaga. Salamat sa dessert, Mommy ni Ayessa.”Napatingin sina Rafael at Theo sa mesa. Nang makita ni Theo ang candied fruits, agad itong napalunok.Naalala naman ni Rafael kung paano siya dating pinagluluto ni Destiny. Saglit siyang natahimik nang maalala ang mga panahong iyon.Hindi niya inakalang pupunta siya sa kindergarten para lang makasama si Theo sa isang activity na hindi naman niya gusto. Ang totoo, gusto lang niyang makita ulit si Destiny.Pero hindi niya inasahan na kasama pala ni Destiny si Marco.Habang naglalakad sila, napansi

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 155

    Dumating na rin ang araw ng kindergarten open day. Bago sila umalis papuntang school, tinawagan ni Celeste si Theo para kausapin.“Makinig ka kay Daddy ngayon, okay?”“May French teacher din na kinuha si Daddy. Ipakita mo sa kanya na magaling ka.”Umiling si Theo.“Mommy, ayoko ng French. Hindi ko naman maintindihan.”“Hindi puwedeng ayaw mo!”Napataas ang boses ni Celeste. Pero nang makita niyang namumula na ang mata ni Theo, pinilit niyang kumalma.“Theo, kapag hindi ka naging mabait, baka may ibang kumuha kay Daddy.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status