Share

CHAPTER 5

Author: Vienna Cross
last update publish date: 2026-06-22 21:57:09

“Sige.”

Malamig at mahinahon ang boses ni Destiny habang hawak ang phone.

Sa kabilang linya, sandaling natahimik si Rafael. Para bang hindi niya maintindihan kung bakit hindi agad pumayag si Destiny sa gusto niya.

“Ito ang gusto mong marinig mula sa akin, ano?” tanong ni Destiny.

Tahimik pa rin si Rafael sa kabilang linya. Nakakunot ang noo niya, hindi niya maintindihan ang ibig nitong iparating.

Huminga nang malalim si Destiny.

“Aksidente man o sinadya ni Celeste ang pag-like sa comment na naninira sa akin, pareho naman nating alam ang totoo.”

“Matagal na nag-aral sa abroad si Celeste,” sagot ni Rafael. “Hindi siya sanay sa social media dito, kaya humingi na siya ng tawad.”

Gusto sanang matawa ni Destiny. Pero hindi na niya pinahaba pa ang usapan.

“Hindi ko buburahin ang lawyer’s demand letter.”

Sandaling natahimik si Rafael. Nang magsalita ulit siya, halatang pagod na ang boses nito.

“Destiny, hindi ka naman ganyan kababaw para hindi ako sundin.”

Napatawa nang mahina si Destiny. Tatlong taon siyang nagtiis na itago bilang asawa. Tahimik niyang tiniis na tawagin siyang kabit ng buong internet. Pero ngayong ayaw niyang patawarin ang babaeng nang-insulto sa kanya, siya pa ngayon ang mababaw?

“Magpapalipat ako ng property sa pangalan mo bukas,” sabi ni Rafael. “Kung gusto mo, pag-usapan din natin ang shares sa kompanya.”

Parang may kung anong bumara sa dibdib ni Destiny.

Sa paraan ng pagsasalita ni Rafael, para bang pamilya nito si Celeste, at siya ang outsider na kailangang bayaran para tumahimik.

“President Rafael,” mahinahon niyang sabi, “kung pera ang habol ko sa’yo, hindi sana ako pumirma ng prenuptial agreement. At hindi sana ako pumayag sa tatlong taon na parang tagong relasyon lang ang kasal natin.”

Napahinto si Rafael. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya nagustuhan ang tawag ni Destiny sa kanya.

Pinisil ni Rafael ang pagitan ng kilay niya at pinilit na palambutin ang boses.

“Destiny, huwag ka nang gumawa ng gulo, okay?”

Mas lalong kumirot ang dibdib ni Destiny.

“Hindi ako gumagawa ng gulo. Ang kasong isasampa ko sa mga nanira ng pangalan ko, hindi makakasira sa stock price ng Buenavista Global.”

“Hindi ngayon,” sagot ni Rafael. “Pero hindi ibig sabihin, hindi mangyayari iyon sa susunod. Nakita mo naman ang announcement, hindi ba? Bukas magsisimula na si Celeste sa Buenavista Global. Hindi puwedeng masira ang pangalan niya.”

Hindi agad nakapagsalita si Destiny. Kumirot ang dibdib niya nang maramdaman niyang mas mahalaga pa kay Rafael ang pangalan ni Celeste kaysa sa kanya. Si Celeste kailangang protektahan, pero siya, ang asawang tatlong taon nitong itinago, hinayaan lang nitong yurakan ng lahat. Nakakatawa.

“Alam mo ba kung gaano kasakit ang masira sa publiko?” mahinang tanong ni Destiny.

Nang masabi iyon ni Destiny, parang bumalik lahat ng sakit na matagal na niyang pinipigilan. Ang sama ng loob, pagod, at kirot ay sabay-sabay na dumagan sa dibdib niya. Siguro naramdaman ni Rafael na nasobrahan siya sa lamig, kaya biglang lumambot ang boses nito.

“Sundin mo muna ang sinasabi ko, Destiny. Kapag lumamig na ang issue, hahanap ako ng pagkakataon para ipakilala ang relasyon natin sa publiko.”

Kung ilang buwan lang ang nakalipas, baka natuwa pa si Destiny sa sinabi ni Rafael. Baka umasa pa siya at naniwalang may pag-asa pa sila.

Pero ngayon, pagod na siya. Pagod na siyang mahalin ang taong kahit anong init ang ibigay niya, nananatiling malamig ito sa kanya.

Ayaw na niyang makipag-agawan kay Celeste o sa kompanya ni Rafael. Bahala na sila sa buhay nila. Ang hinihintay na lang ni Destiny ngayon ay ang annulment agreement mula kay Attorney Valdez.

***

Ngayon ang araw na pupunta sila sa old mansion ng pamilya Buenavista, ipinadala na ni Attorney Valdez ang annulment agreement kay Destiny. Tahimik niya itong inilagay sa bag.

Bago siya umalis, tumawag ang assistant ni Rafael.

“Madam, tungkol po sa sasakyan na gagamitin n’yo ngayon…”

Napahinto si Destiny. “Ano iyon?”

“Pinapagamit muna po ni Sir Rafael kay Ma’am Celeste ang sasakyan. Kakarating lang po kasi niya sa bansa, at dahil trending siya ngayon, kailangan daw po siyang protektahan sa media.”

Saglit na tumahimik si Destiny. Siya ang binabash ngayon, siya ang tinatawag na kabit ng sa social media, at siya ang mas madaling habulin ng media dahil artista siya.

Pero sa lahat ng iyon, si Celeste pa rin ang mas pinili ni Rafael na protektahan.

“Sinabi rin po ni Sir Rafael na huwag kayong mag-alala sa security ng bahay. At puwede n’yo raw pong gamitin ang ibang sasakyan sa garage.”

Mahinang ngumiti si Destiny. Mukhang hindi pa alam ni Rafael na umalis na siya sa bahay.

Pero ayos lang, hindi niya na kailangang ipaliwanag pa.

Hindi ginamit ni Destiny ang kahit anong kotse ni Rafael. Sa halip, minaneho niya ang sarili niyang sasakyan papunta sa old mansion ng pamilya Buenavista.

Pagdating niya sa gate, nag-alangan pa ang guard dahil hindi nito kilala ang sasakyan. Pero nang makita siya nito, agad itong ngumiti.

“Ay, kayo pala, Madam. Ire-record ko lang po ang plate number.”

“Huwag na,” mahinahong sagot ni Destiny. “Salamat.”

Kung walang mangyayaring kakaiba, hindi na siya babalik dito. At kung bumalik man siya, ordinaryong bisita na lang siya.

Narinig niya ang tunog ng makina sa likod niya. Paglingon niya, nakita niya ang isang pamilyar na sasakyan. Iyon ang kotse na dapat sana ay gagamitin niya.

Huminto ito sa likod ng sasakyan niya.

Napatingin ang guard kay Destiny, pagkatapos ay sa bagong dating na kotse.

“Madam, hindi po ba ’yan ang sasakyang ibinigay sa inyo ni President Rafael?”

Bumukas ang pinto ng kotse at doon lumabas si Celeste Villareal.

Nakasuot ito ng white dress, malinis at mahinhin tingnan. Ang tipo ng itsura na madaling paniwalaang inosente.

Sa totoo lang, pakiramdam ni Destiny ay para siyang napilitang dumalo sa reunion.

“Madam?” masayang bati ni Celeste. “Kayo po pala ’yong nakita ko sa kompanya last time…”

Pagkatapos, parang bigla itong may naalala.

“Ay, sorry. Narinig ko kasing tinawag kayo ng guard na Madam. Akala ko po pinsan kayo ng tita ni Rafael. Medyo mature po kasi ang dating n’yo. Sorry po.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 258

    “Madam?” mahinang tawag ni Katrina. “May piano rin pong darating. Sabi ni President Rafael, puwede n’yo raw pong palitan ang kahit ano kung may hindi kayo magustuhan.”Huminga nang malalim si Destiny at pilit na ngumiti.“Hindi na kailangan. Ayos na ayos ang lahat. Salamat sa pag-aasikaso.”Nagtagal pa si Katrina sa villa. Habang hinihintay ang piano, inilagay niya sa refrigerator ang mga pagkaing binili niya.Dumating din si Rafael, bitbit ang isang malaking kahong nababalutan ng velvet.“Daddy!”Habang ngumunguya ng strawberry, sinalubong siya ni Ayessa at sumiksik sa tabi ng hita niya.

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 257

    “Ang tagal na nating hindi nagkikita, Uncle. Noong huli akong pumunta rito, nag-aaral pa ako sa junior high.”Napansin ni Destiny na tinawag ni Rafael na Uncle ang lalaki.Pagkapasok nila sa gate, hindi niya napigilang magtanong.“Dating empleyado ba siya ng Buenavista Global Holdings?”Umiling si Rafael.“Assistant siya ng tatay ko noon.”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.“Nag-away sila ng nanay ko noon. Natamaan siya ng mabigat na bagay kaya napilay.”Ilang salita lang ang sinabi niya at halatang ayaw na niyang pahabain p

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 256

    Pinagmasdan ni Rafael si Destiny habang pinipindot nito ang call button.“Mana ka talaga sa lolo mo,” natatawang sabi ni Lola Amalia. “Noong bagong silang ka, mukha kang sisiw. Halos hindi nga kita mapansin.”Pagkatapos, bumaling siya kay Destiny.“Destiny, ikaw na ang pakiusap sa kanya para sa akin.”Agad na sumingit si Rafael bago pa makasagot si Destiny.“Hindi ba sabi mo, wala nang makakapigil sa akin? Bakit mo pa idinadamay si Destiny?”Napatawa na rin sa wakas si Lola Amalia.“Talagang sumasagot ka na ngayon!”

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 255

    Naguluhan si Destiny sa sunod-sunod na balitang narinig niya.Marahang hinawakan ni Rafael ang kamay niya at idinikit ang hintuturo sa dulo ng daliri nito. Bahagya niya itong hinaplos, parang isang hayop na gustong lumapit sa taong gusto nito pero natatakot na baka itaboy.“Kalokohan ’yan,” nanginginig na sabi ni Destiny.“Hindi ako nagsisinungaling sa’yo.”Ngumiti si Rafael. “Papuntahin ko mamaya si Secretary Aldrin. Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa testamento.”Napaatras si Destiny. Hindi niya maintindihan kung bakit nagagawa pa ni Rafael na ngumiti sa ganitong sitwasyon.Binitiwan ni R

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 254

    Napatitig si Destiny sa dugong nakakalat sa sahig.Ayaw niyang malaman ni Ayessa ang nangyari, kaya tinawagan niya si Nadine at pinakiusapang samahan muna ang bata. Kinaumagahan na lang ito dadalhin sa mansyon para makasama si Lola Amalia.Kahit nasa ambulansiya na si Rafael, nanginginig pa rin ang mga kamay ni Destiny.Pagdating sa ospital, naghintay si Destiny sa waiting area. Nang makita si Dr. Dominic Salcedo, agad siyang lumapit dito.“Doc, si Rafael… kumusta na siya?”Sa tabi nila, binabanggit ng nurse ang blood pressure, heart rate, at oxygen level ni Rafael.Hindi nagtagal, nagmamadaling umalis ang doctor. Naiwan si Destiny sa waiting area, walang magawa kund

  • Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back   CHAPTER 253

    Palihim na kinokopya ni Destiny ang mga file tungkol sa pinakahuling deal ng kumpanya. Habang hinihintay niyang matapos ang pagkopya, biglang bumukas ang ilaw.Nakatayo si Rafael sa may pinto. Isang kamay niya ang nasa switch, habang mahigpit na nakakapit ang isa sa gilid ng pinto. Madilim ang kanyang mukha, at malamig ang tingin niya kay Destiny.“Ano’ng ginagawa mo?”Napatuwid si Destiny at marahang ipinatong ang kamay sa mesa.Nawala na ang gulat sa mukha niya. Hindi man lang niya inalis ang USB. Sa halip, kalmado niyang hinarap ang titig ni Rafael.“Nakita mo na ang lahat.”“Nagtatanong ako. Ano’ng ginagawa mo?” uli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status