Home / Romance / Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him / Kabanata 19| Iniwan sa gitna ng kalsada

Share

Kabanata 19| Iniwan sa gitna ng kalsada

Author: Mysaria
last update Last Updated: 2025-02-03 22:11:51

“Kailan ba magbabago ang lalaking iyon? Sobrang nakakainis na ang pagkabarumbado niya!” inis na sabi ng Don nang umalis si Reyko sa sala. Nakatingin lamang ang Don kay Hiraya, malamig at mabangis ang mga mata nito, alam ng Don kung gaano kalayo ang mag-asawa sa isa’t-isa. Alam iyon ng Don noo pa man.

Natawan ng mahina si Hiraya at napailing. Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng matanda at nakinig lamang ng tahimik.

“Ang nangyari noon ay matagal na rin naman. Anak niya ang dinadala mo kung kaya’t bakit ang hirap nitong tanggapin ka sa buhay niya? Isa pa, obligasyon niyang panagutan ka!” inis na sabi pa ng matanda.

Nang marinig ang sinabi ng matanda ay agad na nagsalita ang ina ni Reyko. “Papa, hindi mo naman mapipilit ang isang tao sa hindi niya mahal. Kaya ganyan ang apo niyo dahil hindi naman niya mahal si Hiraya at naanakan lang niya ito. Ano bang mahirap intindihin doon?”

“Huwag mong sabihin at mahiya ka naman sa harap talaga ni Hiraya? Kasalanan ba ni Hiraya ang lahat?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mary D Jerin
putol din Pala ha ha.nkktamad nmn magbasa pag ganito
goodnovel comment avatar
Bravo Ambrocio Nyl
pa update author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 106| The truth behind the incident

    Parang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” basag ang boses na sabi ni Mayumi. Nakaramdam ng kaba si Hiraya, sobrang nag-aalala siya sa mangyayari sa hinaharap. "Mayumi..."“Hiraya, hayaan mo ako. Huwag ka ring matakot sa asawa mo. Kahit anong pananakot niya sa'yo huwag na huwag mo siyang papansinin. Sino ba siya? Pareho lang naman tayong mga tao at ginawa ng Diyos. Kung gusto mong hiwalayan siya, hiwalayan mo. Huwag mo na kaming isipan pa,” naiiyak na sabi ni Mayumi habang hawak-hawak ang kamay niya. "Noong nalaman kong buntis ka at si Reyko ang ama ay sobrang natakot talaga ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon pero alam mo, nanalangin ako sa poong maykapal na sana tratuhin ka niya ng mabuti dahil

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 105| A call from Alena

    On the way na sana si Hiraya upang kitain si Marco nang may natanggap siyang tawag mula kay Alena. Sabi ng nasa kabilang linya ay nahulog daw si Mayumi sa hagdan ng kanilang mansyon at ngayon ay naka-admit sa ospital upang bigyang lunas ang mga sugat at bali sa katawan. Agad na sinabi niya sa kanyang driver na bumalik at pumunta sa address ng ospital. Nang makarating sila roon ay lakad-takbo ang ginawa ni Hiraya habang hawak-hawak ang kanyang maliit na umbok ng tiyan. Maingat siyang tumakbo papunta sa operating room kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Nakita niya roon si Alena na umiiyak kung kaya't nilapitan niya ito. “A-Ano ang nangyari?” tanong niya kay Alena nang makalapit siya sa dalaga. “Pupunta sana kami sa’yo at yayayain ko sana siyang magliwaliw dahil alam kong marami na siyang iniisip pero n-nang makarating ako sa loob ng kanilang bahay nakita ko na siyang duguan at nakahandusay sa ibaba ng hagdan.” Si Alena ay nanginginig ang katawan pati na ang labi nito habang nag

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 104|

    Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 103| Asawa mo ako!

    Hindi talaga makapaniwala si Andrea sa sinabi ni Hiraya, alam nito na gusto ni Hiraya si Reyko. At kasal ang dalawa, napailing si Andrea dahil sa nangyayari. “Tini-test mo ba ako, Hiraya? Alam mong hindi ako gusto ng matandang iyon. Kapag nalaman niyang dahil sa akin ay makikipag-divorce ka kay Reyko ay ipapatapon na naman niya ako sa ibang bansa! Hindi ba’t tama ako?” natatawang sabi ni Andrea. “Isa pa, hindi naman ako nauubusan ng lalaki kung kaya’t bakit pa ako papatol sa asawa mo? Hindi naman ako katulad mo pati ex na ng kaibigan ay pumatol pa rin.” Tumingin lamang ng seryoso si Hiraya sa kaibigan. Ilang taon na ang nakalipas ngunit sobrang ma-pride pa rin ito. “Kahit ano pa lang paliwanag ko ay hindi ka pa rin pala naniniwala. sabihin mo, useless lang pala ang pakikipag-usap ko sa’yo ngayon,” nakangiting sabi ni Hiraya kay Andrea. Napatayo na lamang siya at napailing. “Alam ko kung bakit ka nagpakita sa akin, dahil iyon kay Kalyx ‘di ba? Alam mong may ebidensya ako laban sa in

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 102| Kayo naman ang una 'di ba?

    Biglang naalala ni Marco ang nangyari kay Mayumi kung kaya’t agad niyang binalita ito kay Reyko, "Alam mo ba ang nangyari kay Mayumi?"Nagulat si Reyko nang marinig ang sinabi ni Marco, "Anong nangyari sa kanya?""Hindi pa ba sinabi sa 'yo ng asawa mo?” Ilang segundong natahimik si Marco at nagpatuloy, "Grabe naman, wala talagang tiwala sa’yo ang asawa mo, pati gantong kalaking bagay ay itinatago niya sa’yo. Sabagay, naiintindihan ko rin naman siya… May ginawang hindi maganda si Kalyx Lee kay Mayumi, mukhang natatakot siguro ang asawa mong makialam ka at mas lalong mapahamak ang kaibigan niya.""Hay! Mukhang hindi ka na talaga niya mahal.. Wala na rin siyang pakialam sa’yo, Reyko." Matapos na sabihin iyon ay ibinaba agad ni Marco ang telepono at napahigikhik.Si Reyko naman ay nanatiling nakatingin sa cellphone habang napapakunot ang noo. Kanina ay tinawagan niya ang babae, ngunit talagang nasa ospital nga ito. Sinabi niya pang nakikipaglandian ito kay Rhob kanina.‘Mukhang hindi ka n

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 101| Bumalik na si Andrea

    Natigilan si Hiraya nang marinig ang pamilyar na boses ng babaeng tumawag sa kanya. Matapos ang ilang segundo, dahan-dahan siyang lumingon at napatingin sa babaeng nakatayo sa ‘di kalayuan. Hindi pa siya nakakapagsalita, ngumiti na ang babae at mahinang tumawa sa kanya, "BFF! Ilang taon na tayong hindi nagkikita? Apat? Lima? Hindi ko na rin maalala, kumusta ka na?” Naka-Chanel na damit ang dalaga, medyo kulot ang hanggang baywang nitong buhok, napakatangos din ng ilong at sobrang kinis ng mukha. Subalit ang mga mata nito ay blangko sobrang hirap basahin kung ano talaga ang nararamdaman nito. Sobrang nagbago na ang kaibigan niya, mas gumanda pa ito lalo. Hindi na katulad ng dating simple lang.Nanlaki ang mga mata ni Hiraya at napakuyom ng kamao. Parang nanlalamig ang buong katawan niya.Si Andrea ang nasa harapan niya. Wala ng iba! Bumalik na nga ito! Hindi nga talaga siya namamaklikmata kanina. Ngunit hindi niya maintindihan— kung bumalik na ang dalaga, bakit pa ito nagtatago sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status