Share

Kabanata 20| Fainted

Author: Mysaria
last update publish date: 2025-02-04 19:35:32

Kitang-kita ni Hiraya ang pag-aalala at takot sa mukha ni Reyko nang makita ang kapatid niyang punong-puno ng dugo habang tinitingnan ng doktor.

Parang may gustong sabihin ang lalaki ngunit hirap itong magsalita. Napaawang ang mapupulang labi nito upang handa na sanang magtanong ngunit naunahan ito ng doktor. “Pasensya na Mister. Nakunan na ang misis mo’t hindi na namin naligtas ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan ng maraspa ang loob nito sa lalong madaling panahon baka ika-lason pa ng asa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Benidicto Fabreag
super ganda talaga ms.a kaya marami ang nag aabang
goodnovel comment avatar
Mary D Jerin
miss author plss more updates waiting po
goodnovel comment avatar
Bravo Ambrocio Nyl
update po author nakaka gigil yang reyko n yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 124| Ayaw makipaghiwalay ni Reyko

    Bumalik si Alena sa kwarto ni Hiraya pagkatapos ng usapan nila ni Reyko. Matagal siyang nakipag kwentuhan sa kaibigan para pagaangin ang loob nito, tapos ay nagtanong-tanong din kay Rhob at sa doktor tungkol sa lagay ng baby ni Hiraya. Nang makasigurado, nagpaalam na si Alena dahil babalik pa ito ng ospital.Hinatid sila ni Rhob sa labas at mabilis na bumalik sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam ni Rhob habang nakatayo sa gilid ni Hiraya. "Hiraya, kinausap ko na yung kanina sinabi nila sa akin na medyo maselan ang lagay mo ngayon. May tama ang puso mo dati, 'di ba? Habang lumalaki yung baby mo, mas lalong bibigat ang pressure sa puso mo. Kaya nire-recommend ng doktor na yung baby sana…”Hindi na pinatapos ni Hiraya ang sasabihin, alam na kasi niya ang sasabihin ni Rhob. "Alam ko. Matagal ng sinabi iyan sa'kin ng doktor. Kapag nagbuntis daw ako, mas mahihirapan ako at mas magiging delikado kumpara sa normal na pagbubuntis."Kumunot ang noo ni Rhob. Tinitigan nito ng malalim ang dala

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 123| Hiwalayan mo na si Hiraya

    Pagkapasok ni Rhob dala ang lugaw, nakita niyang gising na si Hiraya.Nakaupo ang dalaga sa kama habang blangkong nakatitig sa sikat ng araw mula sa bintana. Sobrang putla na ng mukha nito, kitang-kita na nga ang mga asul na ugat sa pisngi nito.Dahil sa nipis ng pinto, siguradong narinig ni Hiraya ang komprontasyon sa labas."Hiraya..." malambot na tawag ni Rhob sabay lapit at upo sa gilid ng kama. Dahan-dahang hinawakan ni Rhob ang kamay nito at pinisil. Nakita naman ni Hiraya na kasama ni Rhob ang ama nito. Nginitian lang ito ng matanda ng pilit saka nagsalita."Ikaw talagang bata ka, palagi mo na lang kaming pinag-aalala. Tuwing tatawag kami, palagi mong sinasabing okay ka lang, tapos malalaman na lang namin na nasa ospital ka na pala! Alam mo bang halos atakihin na kami ng nanay mo dahil sa kaba? Gustong-gusto nun sumama sa akin pero hindi pwede. Kailan ka ulit bibisita sa kanya, hija?""Sorry po, Tito kung pinag-alala ko po kayo," mahinang sagot ni Hiraya sabay ngiti ng tipid."

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 122| May pag-uusapan sina Reyko at Alena

    Kumunot ang noo ni Hiraya, isang mapait na tawa ang kumawala sa bibig niya. "Bakit, doktor ba ako? May super powers ba ako na makakapagpatigil ng dugo mo? Hindi ba’t ikaw ang doktor sa ating dalawa? Huwag mong ibahin ang usapan natin, Reyko."Natameme si Reyko, matagal bago ito nakapagsalita, "Hiraya, hindi ka naman ganito dati ah."Tumingala si Hiraya at sinalubong ang mga mata nito. Naupo si Reyko sa gilid ng kama. "Alam kong galit na galit ka sa akin dahil sa nangyari kay Mayumi. Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, inaamin ko, nagkamali ako.""Nagkamali?!" Sarkastikong tumawa si Hiraya. "Magkano ba yang pagkakamali mo?! Nung nagmakaawa ako sa'yo na wag kang makialam, nangako ka na susundin mo ako! Kung hindi dahil sa'yo, hindi aabot sa ganito yung kaibigan ko! Reyko, tatlong beses nasira ang spine ni Mayumi, TATLONG BESES! Habambuhay na siyang hindi makakalakad dahil sa ginawa mo! Alam mo ba yun? Kung pwede lang na ako ang nasaktan, okay pa. Pero ang kaibigan ko na tanging meron

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 121

    Habang nakatingin si Rhob kay Minna, nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya. Paglingon ni Rhob, nakita niya ang isang lalaking nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Suot nito ang isang asul na hospital gown, pero hindi naitago ng manipis na tela ang nakakatakot nitong aura.Sa isang iglap, ang kaninang malambot at nag-aalalang mukha ni Rhob ay napalitan ng kalamigan.Si Reyko ang nasa harapan niya. Ang lalaking hawak-hawak ang nag-iisang babaeng matagal na niyang pinapangarap. Ang babaeng handa niyang ibigay ang buong mundo pero pilit lang sinasayang at dinudurog ng lalaking nasa harap niya.Isang malamig at matalim na tingin ang ipinukol ni Reyko sa kanya. Pero hindi natinag si Rhob, sinalubong niya ang nag-aapoy na mga mata nito.Matagal silang nagkatinginan, nagpapakiramdaman sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng pasilyo. Maya-maya, humakbang si Reyko palapit sa pinto ng kwarto. Akmang pipihitin na sana nito ang doorknob nang mabilis niyang hinarangan ang lalaki. "Kakakain

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 120

    Nang magising si Hiraya, gabing-gabi na.Madilim na sa labas ng bintana at tanging ang maliliit na bituin lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.Nakasanayan na niyang iangat ang kamay niya paggising pero dahil masyadong malakas ang galaw niya, biglang bumalik ang dugo sa swero ng dextrose niya. Napangiwi siya sa sobrang sakit. At dahil sa sakit na 'yon, tuluyan na siyang nagising.Pamilyar na puting kisame ang bumungad sa kanya. “Ospital na naman.” Iyan ang nasa isip niya.Hindi niya alam kung may membership card na ba siya rito dahil parati na lang siyang nandito. Suking-suki na nga siya ata ng ospital na ito. Naalala niya tuloy yung joke ni Alena sa kanya na dapat daw mag-apply na siya ng VIP card para may discount siya sa mga bills niya.Mayamaya pa’y bumukas ang pinto, pumasok si Rhob na may bitbit na isang lunch box. Nang makitang gising na siya, nagliwanag ang mukah nito. "Hiraya! Ipinagluto ka ni Papa ng lugaw tsaka nung paborito mong scrambled egg na may kamatis. Kumain

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 118| Bitawan mo siya

    Kung may natitira man na emosyon kay Hiraya ngayon, malamang ay awa na lang yun para kay Linda. Nakakaawa naman ang ginang. Ang sarili nitong anak, puro lang sarili ang iniisip at hindi man lang inaalala ang kaligtasan ng nanay nito bagkus nagtago pa ito sa pantalong ng magiging asawa. Ang magiging manugang nito ay nakuha pang mang-asar kanina. At ang isa namang anak-anakan, puro iyak at pa-victim lang alam.Si Reyko naman ay madilim na mapatingin sa kanya. Mahigpit na nakatikom ang mga labi nito ngunit mayamaya pa’y tuluyang nagsalita."Hiraya, bibigyan kita ng huling pagkakataon. Bitawan mo na siya," puno ng pagbabantang sabi ng lalaki. Parang may pumigang kung ano sa dibdib ni Hiraya. Sobrang sakit na halos hindi siya makahinga. Siguro nga, kailangan muna niyang mawasak nang tuluyan sa mismong harap ng asawa niya para lang maka-move on at makapag simula ulit.Tiningnan niya ang lalaking pinakamamahal niya noon at isang mapait pero mapanuyang ngiti ang pinakawalan niya. "At paano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status