Share

Kabanata 87| Nag-aalala si Reyko?

Author: Mysaria
last update Petsa ng paglalathala: 2025-04-29 14:17:43

Siguro’y nalaman ni Reyko ang lahat nangyari sa assistant nito. Kung hindi dahil kay Rhob, baka isa na siyang bangkay ngayon o kaya naman ay na-rape na siya ng lalaking iyon.

"Pinahanap ko na ang lalaking iyon kay Marco. Huwag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat para makulong ang lalaking iyon sa bilangguan."

Malamig na tumingin si Hiraya sa asawa at napangiti ng mapait, "Patay na siya, ano pa bang gusto mong gawin, Mr. Takahashi? Baka naman gusto mong pahirapan din ang pamilya niya gaya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cora Mae P. Igot
ka sad ng life ni Hiraya..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 124| Ayaw makipaghiwalay ni Reyko

    Bumalik si Alena sa kwarto ni Hiraya pagkatapos ng usapan nila ni Reyko. Matagal siyang nakipag kwentuhan sa kaibigan para pagaangin ang loob nito, tapos ay nagtanong-tanong din kay Rhob at sa doktor tungkol sa lagay ng baby ni Hiraya. Nang makasigurado, nagpaalam na si Alena dahil babalik pa ito ng ospital.Hinatid sila ni Rhob sa labas at mabilis na bumalik sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam ni Rhob habang nakatayo sa gilid ni Hiraya. "Hiraya, kinausap ko na yung kanina sinabi nila sa akin na medyo maselan ang lagay mo ngayon. May tama ang puso mo dati, 'di ba? Habang lumalaki yung baby mo, mas lalong bibigat ang pressure sa puso mo. Kaya nire-recommend ng doktor na yung baby sana…”Hindi na pinatapos ni Hiraya ang sasabihin, alam na kasi niya ang sasabihin ni Rhob. "Alam ko. Matagal ng sinabi iyan sa'kin ng doktor. Kapag nagbuntis daw ako, mas mahihirapan ako at mas magiging delikado kumpara sa normal na pagbubuntis."Kumunot ang noo ni Rhob. Tinitigan nito ng malalim ang dala

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 123| Hiwalayan mo na si Hiraya

    Pagkapasok ni Rhob dala ang lugaw, nakita niyang gising na si Hiraya.Nakaupo ang dalaga sa kama habang blangkong nakatitig sa sikat ng araw mula sa bintana. Sobrang putla na ng mukha nito, kitang-kita na nga ang mga asul na ugat sa pisngi nito.Dahil sa nipis ng pinto, siguradong narinig ni Hiraya ang komprontasyon sa labas."Hiraya..." malambot na tawag ni Rhob sabay lapit at upo sa gilid ng kama. Dahan-dahang hinawakan ni Rhob ang kamay nito at pinisil. Nakita naman ni Hiraya na kasama ni Rhob ang ama nito. Nginitian lang ito ng matanda ng pilit saka nagsalita."Ikaw talagang bata ka, palagi mo na lang kaming pinag-aalala. Tuwing tatawag kami, palagi mong sinasabing okay ka lang, tapos malalaman na lang namin na nasa ospital ka na pala! Alam mo bang halos atakihin na kami ng nanay mo dahil sa kaba? Gustong-gusto nun sumama sa akin pero hindi pwede. Kailan ka ulit bibisita sa kanya, hija?""Sorry po, Tito kung pinag-alala ko po kayo," mahinang sagot ni Hiraya sabay ngiti ng tipid."

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 122| May pag-uusapan sina Reyko at Alena

    Kumunot ang noo ni Hiraya, isang mapait na tawa ang kumawala sa bibig niya. "Bakit, doktor ba ako? May super powers ba ako na makakapagpatigil ng dugo mo? Hindi ba’t ikaw ang doktor sa ating dalawa? Huwag mong ibahin ang usapan natin, Reyko."Natameme si Reyko, matagal bago ito nakapagsalita, "Hiraya, hindi ka naman ganito dati ah."Tumingala si Hiraya at sinalubong ang mga mata nito. Naupo si Reyko sa gilid ng kama. "Alam kong galit na galit ka sa akin dahil sa nangyari kay Mayumi. Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, inaamin ko, nagkamali ako.""Nagkamali?!" Sarkastikong tumawa si Hiraya. "Magkano ba yang pagkakamali mo?! Nung nagmakaawa ako sa'yo na wag kang makialam, nangako ka na susundin mo ako! Kung hindi dahil sa'yo, hindi aabot sa ganito yung kaibigan ko! Reyko, tatlong beses nasira ang spine ni Mayumi, TATLONG BESES! Habambuhay na siyang hindi makakalakad dahil sa ginawa mo! Alam mo ba yun? Kung pwede lang na ako ang nasaktan, okay pa. Pero ang kaibigan ko na tanging meron

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 121| Nagpapaawa si Reyko

    Habang nakatingin si Rhob kay Minna, nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya. Paglingon ni Rhob, nakita niya ang isang lalaking nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Suot nito ang isang asul na hospital gown, pero hindi naitago ng manipis na tela ang nakakatakot nitong aura.Sa isang iglap, ang kaninang malambot at nag-aalalang mukha ni Rhob ay napalitan ng kalamigan.Si Reyko ang nasa harapan niya. Ang lalaking hawak-hawak ang nag-iisang babaeng matagal na niyang pinapangarap. Ang babaeng handa niyang ibigay ang buong mundo pero pilit lang sinasayang at dinudurog ng lalaking nasa harap niya.Isang malamig at matalim na tingin ang ipinukol ni Reyko sa kanya. Pero hindi natinag si Rhob, sinalubong niya ang nag-aapoy na mga mata nito.Matagal silang nagkatinginan, nagpapakiramdaman sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng pasilyo. Maya-maya, humakbang si Reyko palapit sa pinto ng kwarto. Akmang pipihitin na sana nito ang doorknob nang mabilis niyang hinarangan ang lalaki. "Kakakain l

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 120

    Nang magising si Hiraya, gabing-gabi na.Madilim na sa labas ng bintana at tanging ang maliliit na bituin lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.Nakasanayan na niyang iangat ang kamay niya paggising pero dahil masyadong malakas ang galaw niya, biglang bumalik ang dugo sa swero ng dextrose niya. Napangiwi siya sa sobrang sakit. At dahil sa sakit na 'yon, tuluyan na siyang nagising.Pamilyar na puting kisame ang bumungad sa kanya. “Ospital na naman.” Iyan ang nasa isip niya.Hindi niya alam kung may membership card na ba siya rito dahil parati na lang siyang nandito. Suking-suki na nga siya ata ng ospital na ito. Naalala niya tuloy yung joke ni Alena sa kanya na dapat daw mag-apply na siya ng VIP card para may discount siya sa mga bills niya.Mayamaya pa’y bumukas ang pinto, pumasok si Rhob na may bitbit na isang lunch box. Nang makitang gising na siya, nagliwanag ang mukah nito. "Hiraya! Ipinagluto ka ni Papa ng lugaw tsaka nung paborito mong scrambled egg na may kamatis. Kumain k

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 119| Nahanap na si Mayumi

    Nakakabingi ang tensyon sa loob ng kwarto. Walang gustong gumalaw dahil sa sobrang takot na baka makagawa ng masama si Hiraya.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rhob. Basang-basa ito ng pawis at halatang nagmamadali. Tiningnan niya si Hiraya sa gitna ng kwarto at nag-aalangang nagsalita, "Hiraya, ibaba mo na 'yan. Nakuha na namin si Mayumi. Ligtas na siya. Akin na ang kutsilyo mo…""Talaga?!" Biglang nagliwanag ang mga mata ni Hiraya. Pero nang maalala niya kung anong ginawa ng mga taong nasa harapan niya kay Mayumi, bumalik ang takot at panginginig ng boses niya. "Rhob, t-totoo ba? May sugat ba siya? Sinaktan ba nila siya?"Umiwas ng tingin si Rhob sa kanya saka utal na nagsalita. "W-Wala, Hiraya. W-Wala…"Kilalang-kilala ni Hiraya si Rhob. Sa reaksyon pa lang nito, alam na niyang may mali. "May nangyari sa kanya, ano? Kilala kita, Rhob. Simula pagkabata alam ko na ang ugali at reaksyon mo kapag nagsisinungaling ka. Ano?! Sabihin mo sa akin ang totoo, anong nangyari

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 109| Just trust me

    Dumilim ang mukha niya at bumaba upang kunin ang sparekey ng kwarto ni Hiraya. Habang papaakyat ng hagdan ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag habang paakyat, “Kalyx Lee? Anong problema mo? Bakit ka pa tumatawag sa akin?"Kahit na kaibigan ito ni Andrea, hindi rin talaga niya g

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanat 108| Nagkulong si Hiraya sa kwarto

    Yumuko si Hiraya at tiningnan ang kanyang cellphone. Ang kalmadong mukha niya ay unti-unting nandilim at nag-aapoy pa ang kanyang mga mata. Ang lahat ng galit na nararamdaman niya kanina ay umabot na sa sukdulan sa sandaling iyon.Nangako sa kanya si Reyko ilang araw pa lang ang nakalipas na hindi

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 107| May kinalaman si Reyko

    Paglabas ni Hiraya sa ospital, gabing-gabi na rin iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat sa nakitang napakaraming missed calls doon. Galing iyon kay Reyko, Marco at ang kapatid ni Mayumi. Ang huling tumawag ay si Attorney Reyes na mas ikinagulat niya. May nangyari kayang masama? Sa isip

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 106| The truth behind the incident

    Parang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status