Compartilhar

KABANATA 226

Autor: Yoonchae
Hindi alam ni Luna kung saan nakuha ng matanda ang impormasyon na ‘yon. Paano nito nalaman ang tungkol sa annulment nang ganoon kabilis?

Pero kahit tinanong nito, hindi siya nagmadaling umamin. Niyuko niya lamang ang kanyang tingin.

“Ano po bang gusto ninyong sabihin?”

Nang makita ang kanyang reaksyon, alam na ng matandang Montenegro ang sagot. Agad itong napangiti.

“Well, that’s perfect.”

“Po?”

Sinulyapan ng matanda ang driver bilang senyas na paandarin na ang sasakyan, saka nagpatuloy haban
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (6)
goodnovel comment avatar
Aries Heart
haisst gumawa n sana ng paraan c Hunter para sila ung makasal..bt hinawang mga 8080 ang mga lead star dito puro paapi kakaumay skipped ng skipped n nga lng sayang p dn mg aksya ng ads
goodnovel comment avatar
Jocelyn Armario
naku sunduin mo Ralph si Luna para maniwala ang matandang Nancy na Hindi pa kayo annulled ni Luna
goodnovel comment avatar
Lyzzel Baribo Borromeo
Ang Haba nang story, maganda Sana kaso ilang chapter na pero ang bida wlang pag babago. At c Ralph nga na mayaman pero hangang ngyon pinag lalaruan lang.
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 657

    Matiyagang naghintay si Enzo sa labas ng ward nang matagal.Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ng tawag si Ethan at kinailangan niyang bumalik agad sa kumpanya, kaya naiwan si Enzo mag-isa.Nang umalis na ang mga kamag-anak at kaibigan na dumalaw, mahinahong pumasok si Enzo sa ward.Nakaupo sa gilid si Eve habang nagbabalat ng mansanas. Nakahiga naman ang lolo nila sa hospital bed. Maputla at hindi maganda ang itsura nito. Nang makita niyang pumasok ang paborito niyang apo, wala man lang saya sa mukha niya.Sumulyap si Enzo kay Eve, pero hindi siya pinansin nito. Kalmado nitong hawak ang fruit knife habang patuloy na nagbabalat ng mansanas.Isa-isang nahuhulog sa basurahan ang mga balat ng mansanas, may makapal at may manipis, depende sa pagkakahiwa nito. Halata na hindi rin maganda ang mood ni Eve.Lumapit si Enzo sa tabi ng kama at ngumisi sa matanda. "Ano'ng nangyari? Sino ba ang naging pabaya at in-offend ka, Lo?"Biglang nanlamig ang ekspresyon ng matanda. "Sino ang nang-offend

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 656

    Alam ni Luna na talagang mabuti sa kaniya si Tita Pia. Pero asawa pa rin nito si Raul. At higit sa lahat, ito rin ang Daddy ni Eve.Hindi naisip ni Luna ang lahat ng magiging epekto nito. Anak din mismo ni Don Richard Padilla ang lalaki. Hindi niya talaga expected ang ginawa ng mga Padilla para lang sa kanya.Sapat na sana para kay Luna na tanggalan nila ng kapangyarihan ang isang Raul Padilla. Hindi niya kahit kailan naisip na ipapadala pa nila ito sa ibang bansa para lang protektahan siya. At hindi lang iyon simpleng pagpapatapon. Isa rin itong malinaw na mensahe sa lahat ng makapangyarihang pamilyang konektado sa mga Padilla.Malaking pagkakamali ang ginawa ni Raul, at hindi na siguradong siya pa rin ang magiging susunod na pinuno o Don ng mga Padilla. Kaya kahit makabalik ito ng bansa, hindi na ito basta makakagamit ng connection ng pamilya para humingi ng pabor sa iba.Bago siya tulungan ng kahit sino, iisipin muna nila kung ano ang magiging reaksyon ni Don Richard o ni Eve. In sh

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 655

    Ang balitang ipinadala pala si Raul sa Singapore noong nakaraang gabi para pamahalaan ang project ng mga Padilla ay nakarating kay Hunter kinaumagahan.Ang mismong nagbalita pa nito ay ang sariling anak ni Raul.Nagulat naman si Hunter. "When will the project be finished?" "The year after next." Walang alinlangan na sagot ni Enzo. Hindi man lang siya tunog na nanghihinayang na nalayp siya sa kanyang ama. Sa totoo lang, mukha pa siyang natutuwa habang nagpapatuloy sa pagkukwento sa bestfriend niya."Nabalitaan ko na agad ‘yan wala pang isang oras nung makabalik si Lolo sa villa kagabi. Sinakay na pala agad si Dad sa isang private jet."Nagbigay si Hunter ng isang makahulugang ngiti. "Your grandfather really knows how to put family aside for the greater good.""It's not about putting family aside for the greater good,” deretsahang pagtatama ni Enzo sa kanya. "Nag-aalala lang talaga siya sa apo niya. Kagabi, pagkadating na pagkadating ni Lolo sa villa, may sinabi si Kuya Ethan na kinagal

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 654

    Kinuha ni Janus ang phone ng babae at tinignan ang text. Saka niya 'yun inis na itinapon pabalik sa mesa. May malamig at masamang kilap sa kanyang mga mata."Are you two idiots, or am I?" Tiningnan niya si Era nang may matinding paghahamak. "Kahit pumayag si Luna na pumunta, sa tingin mo ba tanga sina Hunter at ang mga Padilla? Are they just going to let her go there alone?"Alam ni Janus na pumunta si Luna sa Alphaland noong araw na 'yun. Pero sobrang higpit ng security ni Hunter, kaya hindi siya makakita ng pagkakataon para gumawa ng kahit anong galaw. Malinaw na mananatiling kaledad ang seguridad ng mga Montenegro sa mahabang panahon. Ibig sabihin, walang kwenta ang plano nina Era at Aubrey.Naramdaman naman ni Era ang matinding kaba."Eh anong gagawin ko?"Hindi naman siya pwedeng pumasok nang patago sa mansyon ng isang Hunter Montenegro, lasunin si Luna, at ilabas ang katawan nito! Parang pagpapakamatay na rin ‘yon!"Basta, bukas ang huling araw mo." Ngumisi si Janus at kalmadon

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 653

    Narinig ni Luna ang pagtayo nito at ang paglakad papunta sa kanya. Sa pagkakataong 'to, hindi na siya nagkunwaring tulog. Iminulat niya ang mga mata at tiningnan si Hunter."Paano mo laging nalalaman?"Hindi agad sumagot si Hunter. Ipinatong niya ang isang kamay sa likod ng ulo nito at ginamit ang isa para itaas ang unan. Nang nakasandal na ito sa headboard, dahan-dahan niyang pinisil ang pisngi nito."Siyempre. Nothing about you can escape my sharp eyes."Nang marinig 'yun, hindi napigilan ni Luna ang matawa. Noong araw, kailan ba siya naglakas-loob na makarinig ng ganitong mga salita mula sa lalaking 'to? Bawat pangungusap nito noon ay napakatigas at napakaseryoso.Pero ngayon, nakakapagsalita na ito ng mga matatamis na salita nang napakanatural, na parang humihinga lang. Itaas niya ang kamay at hinawakan ang mainit nitong kamay. Saka siya nagpout."Kanina habang pauwi kami, tinawagan ako ni Aubrey."Bahagyang kumunot ang noo ni Hunter. "Anong kailangan niya?"Saka may naisip

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 652

    Sa litrato, may isang maliit na batang babae, mga isa o dalawang taong gulang lang, na nakayakap sa isang plush toy. Abot-tainga ang ngiti nito. Mukha siyang masaya, buhay na buhay, at makulay ang buhay. Sobrang layo sa maingat at tahimik na Luna na kinagisnan niya sa paglipas ng mga taon.Sa unang tingin pa lang sa litrato, nakilala na niya agad ang sarili niya.Siya ang batang 'to.Ito siya noong bago pa siya ampunin ng mga naging adoptive parents niya. Biglang nanginginig ang buong katawan niya sa kaba.[Anong nalalaman mo?]Misteryo pa rin sa kanya ang sarili niyang pinagmulan.Kaya paano nalaman ni Aubrey ang lahat?Sa tabi niya, hindi nakikita ni Enzo ang screen ng phone niya, pero ramdam na ramdam nito ang biglang pagbabago ng emosyon niya. Pero sa pagkakataong 'to, hindi na nagtanong si Enzo.Mabilis na nagpatuloy sa pagtakbo ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa mansyon ni Hunter. Pagkahinto ng kotse, may nagbukas ng pinto mula sa labas.Tumingin si Luna sa itaa

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status