Share

KABANATA 2

Author: Yoonchae
Nagulantang si Dani sa narinig. Hindi niya naisip na ang mahiyaing si Luna ay makakapagsabi ng mga salitang bulgar.

At mas ikinagulat pa niya ang nalaman tungkol kay Ralph. Napakawalang hiya naman pala ng lalaking ‘to! Nakakadisgusto!

Mahina siyang napamura, “Ako na mismo ang magdadala riyan at babalik na lang ako rito para mag-overtime.”

Pagkababa ng tawag, hindi akalain ni Luna na lalabas sa bibig niya nang ganoon kasimple at kadiretso ang mga bastos na salitang nabitiwan.

Siguro ay dahil matagal na niya iyong dinadala sa dibdib niya. Nakakasakal na ito at hindi na niya matiis.

Tulad ng inamin ni Ralph noong gabing iyon sa club sa mga kaibigan nito, ni minsan ay hindi man lang siya nito ginalaw.

Sino ang maniniwala na tatlong taon na silang kasal pero virgin pa rin siya?

Noong una, inisip niya pa kung may diperensya ba si Ralph… Pero ilang ulit na niyang nahuli itong nagma-masturbate sa kanyang study gamit ang isang photo album.

Ang mga ungol nito’y parang sampal sa kanyang mukha.

Minsan, nang mahuli siya nito, niyakap siya ni Ralph. Ibinaon ang mukha nito sa kanyang leeg at nagpaliwanag, “Luna, I’m sorry. Sa tuwing naiisip kong masasaktan kita kung magsisiping tayo, hindi ko talaga magawang gawin. Kaya picture mo na lang ang ginagamit ko…”

Nakakatawa.

At naniwala pa siya noon! Namula pa nga ang pisngi niya.

Pero nung gabing bumalik siya sa Maynila mula sa Cebu na may lagnat, pinilit niyang uminom ng gamot at nilikom ang natitira niyang lakas para pasukin ang study ng asawa. Binuksan niya ang naka-lock nitong cabinet.

Doon ay nakita niya ang photo album.

Puno iyon ng mga magagandang larawan ni Aubrey.

Bawat ngiti at bawat simangot nito… lahat ‘yon ay para bang kayamanan kung ituring ni Ralph.

Pakiramdam ni Luna ay isa siyang malaking tanga.

Naalala niya ang mga panahong parang buntot siyang laging sumusunod kay Ralph.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga siya sumusunod dito.

Sinusundan lang niya ang kapatid niya na laging kasama nito.

Hanggang sa maisip niya na maganda siguro kung mapapangasawa niya ang lalaki. Si Ralph ay laging kalmado, matiisin, at maganda ang ugali. Hindi nito nalilimutang magdala ng regalo para sa kapatid niya.

Sa lahat ng kaibigan ng kapatid niya, ito ang pinakamabait.

Sa sobrang bait na lalaki nito ay mas pipiliin nitong magsarili habang hawak-hawak ang larawan ng sister-in-law niya kaysa sipingan ang sariling asawa!

Hindi inaasahan ni Luna na mabilis na darating si Dani.

Kakabangon pa lang niya’t kakaligo. Hindi pa man nakakababa, tumunog na ang doorbell. Para bang nagmamadali ito na isama siya at si Ralph sa hukuman para maproseso na ang annulment nila.

Nakuha niya ang kasulatan at nakahinga ng kaunti, pero may biglang kalabog na umalingawngaw mula sa itaas.

Bago pa siya makagalaw, bumaba si Manang Celia, balisa ang mukha.

“Ma’am…”

“Ano iyong ingay na ‘yon, Manang?”

“Ang family photo sa kuwarto mo… nabasag po ni Dustin.”

Akala niya ay basag lang ang frame, pero iniabot sa kanya ni Manang Celia ang ilang piraso ng napunit na larawan.

Namutla ang mukha niya.

Limang taong gulang pa lang siya nang mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente, at tanging ang litratong iyon lang ang naiwan sa kanya. Iyon ang pinakamahalagang bagay sa kanya…

Kinuha niya ang punit na larawan at mabilis siyang umakyat ng hagdan. Sakto namang lumabas si Aubrey mula sa kuwarto niya, hawak-hawak ang anak.

Malamig niyang tiningnan ang mag-ina, “Ate, pumasok kayo sa kwarto ko?”

“Sabi ni Uncle Ralph, dito na kami titira sa house,” sigaw ni Dustin. “Sabi rin ni Uncle, aalagaan niya kami ni Mommy na parang katulad ni Daddy!”

At dahil hindi man lang pinigilan ni Aubrey ang anak nito, mapait na natawa si Luna.

Humarap siya sa bata. “Alam mo ba kung anong gagawin ni Santa Claus sa’yo ngayong Pasko?”

Nagtaas-noo ang bata. “Bibigyan niya ako ng maraming candy!”

“Hindi.” Umiling siya at ngumiti ng malamig. “Puputulin niya ang mga kamay mong pinunit ang larawan sa frame, lulutuin sa oven at saka ipapakain sa mga monsters!”

“Uwaaaaah…”

Bata pa rin naman si Dustin, kaya sa huli ay takot na takot itong yumakap sa nanay nito, humahagulhol.

Napasimangot si Aubrey at dismayado siyang tiningnan.

“Bata lang siya, Luna. Kailangan mo pa ba siyang takutin nang ganyan?”

“Ni hindi mo kayang pangaralan ang anak mo, Ate? Bukod sa extreme sports, ano pa ba ang kaya mong gawin?”

Pagkasabi noon, iniwan niya ang mga ito at pumasok muli sa kuwarto.

Kinagabihan, isang itim na Maybach ang dahan-dahang pumasok sa bakuran. Sa bintana, pinanood ni Luna si Ralph na bumaba ng sasakyan, at sinalubong ni Dustin na hila-hila ang inang si Aubrey.

Napakasaya nila… na para bang totoong pamilya ang tatlo.

Maya-maya, bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

Pumasok si Ralph, suot ang puting polo at malamig ang tono ng boses, “Tinakot mo ba si Dustin?”

“Oo.”

Itinuro niya ang nasa bedside table. “Pinunit niya ang family photo ko.”

Napatigil si Ralph sa nalaman. Doon lang niya naisip na hindi niya alam ang buong pangyayari.

Inabot niya ang kamay para haplusin ang ulo ng asawa, pero umiwas ito. Akala niya nagtatampo pa rin ito, kaya pinalambot niya ang kanyang boses.

“I was wrong, Luna. I’m sorry on behalf of Dustin. Ano’ng gusto mo? Babawi ako sa ‘yo.”

Ngumiti si Luna. “Kahit ano?”

“Siyempre,” sinserong ani ni Ralph.

“Dalawang bagay lang naman ang gusto ko.”

Iniabot ni Luna ang mga papeles na matagal na niyang inihanda.

Kinuha iyon ni Ralph at bahagyang sinilip. Nakita niya ang real estate contract, at agad itong pinirmahan, pati na rin ang kopya nito sa likod.

Pagdating sa pera, palagi siyang mapagbigay.

Pagkatapos pirmahan ang dokumento ay huminga siya nang maluwag at pinulupot ang braso sa bewang ni Luna.

“I’m still curious how your brother managed to raise you to be so well-behaved and sensible…”

Hindi naman komportable si Luna at muntil nang itulak palayo ang asawa nang biglang may kumatok sa bahagyang bukas na pinto.

Nang makita kung sino, halos kusa siyang itinulak ni Ralph palayo.

Sandaling natigilan si Luna, pero agad din niyang naintindihan kung bakit. Para maipakita ang loyalty ni Ralph sa babae niya, tatlong taon siya nitong hindi sinipingan. Siya… na sariling asawa nito!

Ngayon na magkasama sila sa iisang bubong ng babae niya, siyempre kailangan nitong magpakabait.

Kita sa mukha ni Aubrey na medyo nahihirapan ito. “Ralph, ano… gusto kasi ni Dustin na ikaw ang katabi niya.”

“I’ll be right there.” Tumango si Ralph, tapos humarap kay Luna. “Hindi ka na galit?”

“Hindi.”

Pagkalabas ng lalaki, inilabas ni Luna ang ikalawang dokumento. Ang annulment papers.

Oo, masunurin siya. Mabait…

Sa sobrang bait, hinanda niya ang annulment papers at siya na rin mismo ang nag-abot dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 80

    Tiningnan siya ng nurse nang may halong alinlangan ngunit sumang-ayon pa rin.“Aubrey, bakit hindi mo muna hayaang gamutin ni Doc Luna ang bata—” “Maglalakas-loob pa ba ako?!” Nag-aalab ang galit sa mga mata ni Aubrey. “Sinaktan na niya ang anak ko! Malay ko ba kung ano pa ang kaya niyang gawin!”“Tumawag kayo ng ambulansya,” malamig na sabi ni Luna.Wala na siyang sinabi pa. Kinuha niya ang bag mula sa opisina at nang madaanan ang nurse station, umabot sa kanyang pandinig ang mga bulungan doon.“Si Doc Luna ba talaga ang nanakit sa bata?”“Sino ba ang nakakaalam? Nakakakilabot. Kung siya nga, parang ayoko nang makatrabaho siya…”“At huwag niyong kalimutan ha, noong isang araw sa restaurant, magkasama sila ni Ralph. Ito pa, yung bintang ng bata sa kanya kaninang umaga… Malamang kabit nga si Doc Luna.”“Imposible!”Si Elisa, na pinakamalapit kay Luna, ang unang napuno. “Hindi gano’n si Doc. Pwede ba tigilan niyo na ang tsismis sa likod niya? Kung talagang may duda kayo, bakit hindi niy

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 79

    Walang pakialam si Luna, nakatitig lamang sa set ng silver needles na nasa kamay ni Dustin. “Ibalik mo sa akin ‘yan,” malamig niyang sabi.Ang set na ‘yon ay niregalo sa kanya ng professor niya nang maging estudyante siya nito. Trese anyos pa lang siya noon nang siya’y hirangin siya ng kanyang Prof Eric bilang side kick nito. Maging si Nathan ay hindi pa kailanman nakakita ng ganoong uri ng karayom. Ang set na iyon, regalong iniwan ng kanyang professor noong nagsasanay pa siya ng acupuncture. Bagay na napakahalaga para sa kanya.“Hindi ko isasauli sa iyo iro! Iinisin kita hanggang mamatay ka!” sigaw ni Dustin, galit na galit. Isa-isang nitong binunot ang mga karayom, inihagis sa sahig ang mga iyon at tinadyakan.Hinablot ni Luna ang kwelyo ng bata, nagdidilim ang kanyang mga mata. Hinila niya ito palabas ng clinic at saka kinurot ang pisngi nitong bilugan. “Kapag pumasok ka pa ulit sa opisina ko, itutusok ko lahat ng karayom na ’yan sa ulo mo. Gagawin kitang isang matabang maliit na

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 78

    “Luna, sorry! Nagkamali ako!”Dahil medyo nahihilo pa, nagpasya na lamang si Luna na sakyan ang kaibigan. “Sige, igawan mo ako ng honey water para patawarin na kita.”“Sige!”Si Dani na tuluyan namang naging masunurin ay inilapag ang bag ni Luna sa lamesa, saka dali-daling naghanda ng honey water. Bumalik siya kaagad, inilapag ang baso sa harap ni Luna na may nanunuyong ngiti.“Talaga bang pinatawad mo na ako?”“Pinatawad na kita.” Bahagyang ngumiti si Luna at tumango.Hindi pa niya naiisip kung hanggang kailan niya maitago ang lihim sa kaibigan.Kanina, sa loob ng sasakyan, labis ang kahihiyan niya nang ma-expose ang sekreto niya. Pero ngayon may kakaibang ginhawa sa dibdib niya.Pwede siyang insultuhin ni Hunter kung gugustuhin nito, pwede rin itong magmayabang kung nanaisin nito. Wala siyang pakialam.Humiga siyang muli.Nang makita ni Dani na tila kalmado na siya, maingat nitong sinamantala ang pagkakataon para magtanong, “So… sasabihin mo na ba kung bakit si Hunter ang sumagot sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 77

    Muli na namang nalantad sa harap ng lalaki ang nakakahiya at pribadong buhay ni Luna.Kahit ano pang isipin niya, tunog pang-iinsulto ang mga salita nito. “Sino bang nagsabi sa iyo na hiwalay na kami? Mr. Montenegro, single ka, kaya siyempre hindi mo maiintindihan. Minsan, ang pagbabago ng kapaligiran ay nakatutulong para tumatag ang pagsasama ng mag-asawa,” mabilis niyang sagot, matalim at puno ng depensa ang boses.“Really?”Naningkit ang mga mata ni Hunter sa kanyang pagsagot. Pinagdikit nito ang mga labi bago muling nagsalita.“At sinong mag-asawa ang isinasama ang mga best friend nila para patatagin ang marriage nila?”Malabo pa rin ang isip ni Luna dahil sa tama ng alak, kaya mabagal siyang naka-react. “Ano?”“Dani called just now.” Kalmado ang boses nito. “Tinanong niya kung bakit hindi ka pa umuuwi.”Bumaon ang mga kuko ni Luna sa kanyang palad, alam niyang wala nang saysay ang makipagtalo pa sa lalaki. Sa huli, umamin na siya.“Oo na, hiwalay na kami. Gaya ng sabi ng lahat,

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 76

    Nag-alinlangan si Nathan, halatang ang pag-aalala sa boses nang magsalita. “But Mr. Montenegro…”“Mr. Robles,” malamig at walang emosyon ang boses ni Hunter. “Nag-aalala ka bang baka kidnapin ko siya at ibenta sa mga sindikato?”Nabigla si Nathan sa narinig. May narinig na siyang ilang piraso ng kwento tungkol sa nakaraan nina Luna at Hunter mula sa kanilang Professor. Bago ang insidenteng iyon, nalaman niya na palaging si Hunter ang maaasahang lalaki sa buhay ng babae. Sa pag-alala nito, sa huli’y sumang-ayon na si Nathan.“Then I’ll trouble you, Mr. Montenegro.”Tumango si Hunter. Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Luna, at dinala ito sa kotse.Sa biglang paggalaw na iyon, bahagyang nagising si Luna. Nalilito, gumapang siya sa leather na upuan, malabo ang kanyang paningin. “Nate…” kusang lumabas sa kanyang bibig.Mabilis na umandar ang kotse sa kalsada. Ang mga poste ng ilaw ay gumagawa ng gumagalaw na anino sa loob ng sasakyan, binibigyang diin ang matigas na emosyon sa mukha

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 75

    Natahimik agad ang private room na parang maririnig mo ang lagaslas ng karayom kung mahulog ito sa sahig.Bihirang makaramdam si Luna ng pagkailang, pero iba ang mga oras na ‘yon. Trabaho iyon, at si Hunter ang pinakamalaking kliyente niya. Pinapaalala niya sa sarili na dapat magkaiba ang personal at professional niyang buhay.Pagkalipas ng ilang segundo, inayos niya ang sarili. “Mr. Montenegro, mapagbiro pala kayo.”Pumasok siya sa loob at marahang isinara ang pinto. Ilang hakbang pa lamang ay napansin niyang ang tanging bakanteng upuan ay katabi mismo ni Hunter. Tinanggal na ng waiter ang mga extrang silya.Nahihiya siyang nag-angat ng tingin at agad niyang nahuli ang tamad na titig ni Hunter sa kanya. Ang mga daliri nito ay marahang tumatama sa mesa.“I see malumanay nitong sabi. “You’re still afraid of me.”Pinaglabanan ni Luna ang tukso na tumalikod na lang at umalis sa lugar na ‘yon. Sa halip, naglakad siya papalapit. “Mr. Montenegro, mukhang hindi maganda ang reputasyon ninyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status