LOGIN“Kanina lang, ipinagyayabang ni Alfred ang tinatawag niyang ‘kaibigan,’. Pinagsabihan ko siya, pero sinabi niyang nag-ooverthink lang daw ako at friendly lang naman siyang tao” wika ni Abner habang pasulyap na tinitingnan si Miguel, tila sinusubukang pagaanin ang mga salitang binitiwan. Ang tinutukoy niya ay si Jona na kung makalingkis ngayung kay Afred ay parang ito ang tunay na fiancé. Wala sa sariling napayuko si Hiraya, ayaw niyang makita ng mga kaharap niya ang hiya at pagkadismaya na nararamdaman niya ngayun. Ganito pala ang ibig sabihin ni Alfred ng pagiging “busy sa trabaho” at kaya hindi siya nito nasundo kanina. Ipinapakilala ang kunwari malapit na kaibigan na si Jona sa mga panauhin, ipinagmamalaki na parang ito ang hostess ng gabi. Tunay na nakakatawang isipin. Tiningnan ni Abner si Hiraya na tahimik at nakayuko lamang, saka hinarap si Miguel. “Miguel, siguro dapat mong kausapin si Alfred. Paalalahanan mo siyang magtakda ng hangganan.” Magkakaedad sina Abner,
“Uncle, sandali lang po. Bababa na ako ngayon.” Hindi maunawaan ni Hiraya kung bakit siya sinusundo ngayun ni Miguel Villamor. Habang isinuot niya ang kanyang high heels, muling dumaloy sa alaala niya ang naganap na aksidente ng nakaraan---- Hindi man niya personal na nasaksihan ang naturang aksidente, ngunit ang imahe ng duguang mga katawan ng kanyang mga magulang at ang kapatid niyang si Rommel ay malinaw pa rin sa kanyang balintataw, balot ng dugo, malubhang sugatan at walang malay. Tuwing naiisip niya iyon, parang hindi niya kinakaya ang sakit. Kaya nga simula noon, hindi niya na kayang magmaneho ng sasakyan. Sa sandaling maupo siya sa driver’s seat, naninigas ang buong katawan niya. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso, nanlalamig at naninigas ang kanyang mga kamay at paa, hirap siyang huminga, at parang nagyeyelo pati ang kanyang isipan. Hindi talaga niya kayang magmaneho. Kaya hindi niya ito ginagawa. Natatakot siya kaya nga simula noon, hindi niya na kayang humawak
Dumating na ang selebrasyon para sa kaarawan ni Lolo Villamor. Ang Pamilyang Villamor ay nasa pinakatuktok ng mataas na lipunan sa Maynila, at ang ikapitumpung kaarawan ng matandang patriyarka ay tunay na isang engrandeng okasyon. Nagningning ang mansyon ng mga Villamor sa liwanag, halos kasingliwanag ng araw. Walang patid ang pagpasok ng mga mamahaling sasakyan. Ang napakalawak na pangunahing bulwagan ay kumikislap na parang palasyo. Ang mga kristal na chandelier ay tila mga ilog ng bituin na bumababa mula sa kisame, ang malambot na liwanag ay sumasalamin sa mga desenyo sa dingding. Tinakpan ng mga hinabing Persian carpet ang sahig. Ang masinsing inukit na mga kagamitan sa mesa ay nakaayos nang perpekto. Ang mga sosyalita at mayayamang tagapagmana ay nakasuot ng nakasisilaw na mga gown, ang kanilang mga diyamante at hiyas ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw. Ang mga lalaki naman ay naka-tailored suit at walang kapintasan ang mga kurbata, ang mamahaling relo sa kanilang mga
Matapos makipag-usap sa kaibigang si Lina, agad bumalik si Hiraya sa pagguhit ng kanyang komiks. May likas na talento siya sa sining mula pagkabata, at nagsimulang maglathala ng mga komiks online sa edad na labing-walo. Mabilis na sumikat ang kanyang mga gawa, palaging nasa itaas ang rankings. Nakakontrata rin siya sa pinakamalaking domestic animation platform ang PixelGarden Studio. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipaalam ng kanyang editor na ang una niyang komiks, Oath of Love and Crown, ay isasalin bilang isang TV series—at siya mismo ang magiging screenwriter. Napili na ang gaganap bilang male lead, ngunit hindi pa napagdedesisyunan ang female lead. Medyo matatagalan pa bago magsimula ang filming. Masinsinang nagtrabaho si Hiraya, inaayos ang kuwento habang sinisikap panatilihin ang orihinal na diwa nito. *** ** Naputol ang kanyang konsentrasyon nang tumunog ang kanyang phone. Bahagya siyang nainis at sinilip ang caller ID. Nang makita ang pangalang “Alfred Vil
“Magkaibigan lang? Talaga lang ha? Gawain ba ng tunay na magkaibigan ang ginagawa ng dalawang ahas na ito?” malakas na sigaw ni Hiraya. Muling pumatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata habang tinitigan niya kung paano naghahalikan sila Alfred at Jona. Noong high school, magkatabi ang naging upuan nila Alfred at Jona at doon daw nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa. Two years ang agwat ng edad nilang dalawa ni Alfred at magkaiba ang kanilang mga social circle. Bukod pa roon, sinapit ng Pamilyang Natividad ang sunod-sunod na kamalasan na siyang naging dahilan kung bakit naging mailap siya sa ibang tao. Kaya nga hindi niya namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang fiancé niyang si Alfred kay Jona eh. Wala siyang alam. Hangang sa makita niya ang video na ito. Kung hindi dahil sa utang na loob, baka magdalawang isip din siyang pumayag sa engagement na ito eh. Lalo na at may iba pa siyang priority sa buhay. Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at ng malubhan
Pagkatapos maligo ni Hiraya, muli siyang lumabas ng silid kung saan nadatnan niya si Miguel na prenteng nakaupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone. Nakaligo at nakabihis na din ito at halatang hinihintay nito ang kanyang paglabas. “Uncle, salamat po.” Nakangiting wika niya sabay dikit ng mapula niyang labi sa pinsgi nito tanda ng taos pusong pasasalamat. “Walang anuman.” Parang na istatwa namang sagot ni Miguel sa kanya. Ilang minuto din na tulalang napatitig si Miguel sa dalaga bago siya nag-iwas ng tingin dito. “Uncle, kailan po pala kayo bumalik dito sa Pilipinas?” muling tanong ni Hiraya sa binata na sinabayan niya pa ng pagsinghot dahil feeling niya sisipunin siya. “Kaninang hapon,” sagot ni Miguel, bahagyang umangat ang kanyang kilay. “May gamot ka ba sa sipon dito?” “Meron.” Kinuha ni HIraya ang isang maliit na kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV stand. Inihanda iyon ng kanyang kuya para sa kanya. Kumuha si Miguel







