Share

Kabanata 2

Author: Cathy
last update Last Updated: 2026-02-05 16:22:02

Ang lalaking dumating ay tila isang demonyong sumulpot mula sa impiyerno.

Napangiwi sa sakit ang lalaking naka-kapote, pilit na kinagat ang ngipin habang pilay na tumayo. Hawak ang ulo, nagtatakbo ito na para bang hinahabol ito ni kamatayan.

Basang-basa si Hiraya, hindi niya na din namalayan na nakasalampak na din siya sa basang semento ng kalsada habang nanginginig sa takot.

Lumuhod si Miguel Villamor sa harapan niya at marahang inalog ang kanyang balikat.

“Hiraya..Hiraya..”

Si Hiraya naman ay nasa istado pa ng matinding takot at pagkagulat sa mga nangyari sa kanya ngayung gabi. Bigla siyang napapitlag kasabay ng malakas na pagpiglas.

“No!”

“Hiraya…don’t worry! Safe ka na…hindi ko hahayaan na may manakit ulit sa iyo. Look at me..ako ito, si Miguel.”

Sa mamasa-masang hangin, dala nito ang banayad at familiar na amoy ng sandalwood, pilit na nilalabanan ni Hiraya nag matinding takot. Lalo na nang marinig niya ang familiar na boses na iyun.

Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang paningin at kahit na malakas pa rin ang ulan, hindi iyun naging balakid para makilala niya ang lalaking nasa harapan niya ngayun.

“Uncle----” mahina pero nanginginig ang boses na bigkas ng dalaga. Hindi niya alam kong narinig iyun na lalaking nasa harapan niya dahil bigla na lang din namang dumating ang isa pang lalaki. May dalang payong habang bitbit na din nito ang nalaglag na bag at cellphone niya kanina.

Napakagwapo ni Uncle Miguel—parang inukit na estatwang Griyego, may matatalim na bughaw na matang kasing-lalim ng karagatan.

Basang-basa na din ito kagaya niya, ngunit hindi nito nabawasan ang marangal at makapangyarihang nitong presensya.

Ito ang tiyuhin ng kanyang fiancé—si Miguel Villamor, at siya rin ang matalik na kaibigan ng kanyang kuya na si Rommel.

Hindi maalis-alis ang paningin ni Hiraya kay Miguel na noon ay bigla ding nag-angat ng paningin. Nagtagpo ang kanilang mga titig at hindi niya mapigilan ang maluha. Sa wakas, ligtas na siya.

“Uncle.…”mahina niyang bigkas. Hindi na siya nakatiis pa at kusa niya nang isinubsob ang sarili niya sa mga bisig ni Uncle Miguel. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa matinding takot.

Naramdaman niya ang marahang pagtapik ni Uncle Miguel ang kanyang likod.

“Ayos na. Huwag kang matakot. Ihahatid kita pauwi.” may halong lambing ang tono ng boses na bigkas nito kasabay ng pag-angat niya sa iri.

Buhat-buhat siya ni Uncle Miguel ngayun at mabilis na naglakad patungo sa sasakyan at bawat hakbang nito ay tiyak at puno ng kumpiyansa.

Wala sa sariling napakapit naman siya sa leeg nito.

Pagdating sa saaskyan, maingat niya siyang pinaupo sa loob, walang pakialam kung mabahiran ng tubig at putik ang mga leather na upuan at cashmere na floor mats.

Dahil man sa lamig o sa matinding pagkabigla, wala sa sariling napayakap si Hiraya sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang lamig mula sa aircon ng sasakyan.

“I-off ang aircon at buksan ang heater!,” utos ni Miguel sa diver/assistant na si Jun saka binalot si Hiraya ng kumot at sinimulang patuyuin ang basa nitong buhok.

***

**

Basang-basa rin si Miguel, ngunit binalewala niya iyon. Ang buong atensyon niya ay nakatuon kay Hiraya, sinisigurong hindi ito giniginaw.

Si Hiraya naman, hindi mapigilan ang makaramdam ng pagkailang. Sa sobrang lapit nila ni Uncle Miguel, tuluyang binalot ng amoy ng sandalwood ang buong kamalayan niya. Ang init sa pagitan nila ay nagpa-init sa kanyang pisngi.

Si Miguel Villamor ang tagapligtas niya—ang pinuno ng Pamilyang Villamor sa Maynila.

Ang mga Villamor ang nasa rurok ng elitista ng Maynila, isang dinastiyang may mahigit isang daang taong kasaysayan.

Si Miguel ay isang henyo sa negosyo na minsan lamang isilang sa isang siglo. Mula nang siya ang humawak ng kumpanya ng pamilya, dinala niya ang Pamilyang Villamor sa mga rurok na hindi pa nararating noon.

Pinalawak niya ito sa ibang bansa, tinahak ang mabagsik at walang-awang pandaigdigang merkado.

Malamig at mailap ang kanyang personalidad, tulad ng buwan na nakabitin sa mataas na langit—malayo, hindi maabot, likas na nagbibigay ng distansya.

Ngunit, napaka-gwapo nito, sapat upang akitin ang di-mabilang na mga tagapagmana at sosyalita.

Gayunman, hindi siya kailanman nagpakita ng espesyal na pagtrato kaninuman. Ang isang lalaking kasing-taas ng kanyang dangal at kasing-layo ng kanyang loob ay tila isinilang upang manatili sa ibabaw ng karaniwang mundo.

Ang huling alaala ni Hiraya sa kanya ay tatlong taon na ang nakalipas-----

Sa paglipas ng panahong iyon, mas lalo lamang tumindi ang kanyang presensya—mas mabigat, mas nakakatakot. Ang kanyang maiitim na mga mata ay palaging seryoso.

Magkaedad sina Miguel at Rommel, at lumaki silang magkasamang matalik na magkaibigan.

Mula pagkabata, sinasamahan na ni Miguel si Rommel sa bahay nila.

Noon pa man, malalim ang paghanga at takot ang nararamdaman niya para rito.

Palagi kasi itong malamig at tahimik at sa tuwing nagpapansin siya dito, para lang siyang isang hangin na dumaan sa harapan ito. Kumbaga, snob na tao itong si Uncle Miguel at never silang naging closed noon.

Tatlong taon na ang nakalipas, matapos ayusin ang engagement nilang dalawa ni Alfred, nabalitaan niya na lang na umalis na banasa si Miguel hangang sa tuluyan siyang nawalan ng balita dito.

Sa loob ng tatlong taong iyon, abala daw ito sa pagpapalawak ng mga overseas market at hindi na kailanman umuwi----

***

**

Humikbi si Hiraya, tuyo at makati ang kanyang lalamunan.

Bigla siyang umubo, at bahagyang namula ang karaniwan niyang maputlang mukha.

Marahang tinapik ni Miguel ang kanyang likod.

“Kaunting tiis na lang. Malapit na tayo sa bahay.”

Dumikit sa kanyang katawan ang basang damit, malagkit at hindi komportable.

Inayos ni Miguel ang kumot na nakabalot sa kanya, nakakunot ang noo habang sinusuri ang maputla niyang mukha.

Ipinatong niya ang mainit na kamay sa malamig niyang noo, at isang kuryenteng kilabot ang dumaloy sa buong katawan ni Hiraya.

Lumundag ang kanyang puso. Nanigas siya, hindi nangahas gumalaw.

Lalong dumikit sa kanya si Miguel. Ang matipuno nitong pangangatawan ay tila bumaba sa kanya, may dalang awtoridad.

Umiikot ang banayad na amoy ng sandalwood sa kanyang ilong, at ang presensya nito ay matalim at nangingibabaw.

Hindi sanay si Hiraya sa ganitong kalapitan sa isang lalaki . kahit na si Alfred na fiancé niya, hindi niya hinahayaan na makalapit sa kanya ng ganito. Katwiran niya kasi, kasal muna bago ang lahat.

Pero itong si Miguel, kakaiba ang nararamdaman niya dito. Kumportable siya sa init ng katawan na dumidikit sa katawan nya. Hindi din siya naiilang sa tuwing nagdidikit ang kanilang mga balat.

“Hindi ko alam kung bakit nasa kalsada ka pa ng ganitong oras. Alam mo bang sobrang dlikado ng ginagawa mo? Paano kung hindi ako dumating? Ano na lang nag mangyayari sa iyo?” seryosong wika ni Miguel sa kanya. Hindi naman siya nakaimik.

“Sinaktan ka ba ng lalaking iyun?” muli nitong tanong. Dahan-dahan naman siyang umiling.

“Hindi! Pero, masyadong traumatic ang nangyari sa akin kanina. Akala ko talaga..akala ko talaga hindi na ako----”

Dumilim ang mga mata ni Miguel, nag-itim sa galit sabay haplos nito sa pisngi niya. Pasimple naman siyang umiwas. Lalo na at muli niyang naramdaman ang kakaibang init mula sa palad nito.

“Sisiguraduhin kong makukuha mo ang hustisya sa mga nangyari sa iyo ngayung gabi. Hindi ako papayag na ganoon-ganoon na lang..”

“Salamat! Pero, hindi ko siya masyadong namukhaan. Mahahanap mo pa ba siya? Paano kung may mabiktima na naman siya?”

“Ayos lang, ako nag bahala. Pangako, simula ngayung gabi, hindi ko na papayagan ang kahit na sino na hawakan ang kahit dulo ng ng buhok mo,” kalmadong sabi ni Miguel, ngunit ang kanyang tinig ay may hindi matatawarang awtoridad.

Kahit naman papaano, nagawa nang mapangiti ni Hiraya. Feeling safe na siya ngayun habang nasa tabi siya ni Miguel eh.

Kaya lang ang ngiting iyun ay bigla din naglaho nang marinig niy ang pagtunog ng kanyang cellphone.

“Ding ding ding.”

Nagba-vibrate ang kanyang cellphone at kahit na nahulog ito sa baha kanina, mabuti na lang at hindi ito nasira. Gumagana pa rin pero mabagal na.

Binuksan niya ang W******p at napako sa kanyang kinauupuan nang makita ang mga mensahe sa group chat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 9

    “Kanina lang, ipinagyayabang ni Alfred ang tinatawag niyang ‘kaibigan,’. Pinagsabihan ko siya, pero sinabi niyang nag-ooverthink lang daw ako at friendly lang naman siyang tao” wika ni Abner habang pasulyap na tinitingnan si Miguel, tila sinusubukang pagaanin ang mga salitang binitiwan. Ang tinutukoy niya ay si Jona na kung makalingkis ngayung kay Afred ay parang ito ang tunay na fiancé. Wala sa sariling napayuko si Hiraya, ayaw niyang makita ng mga kaharap niya ang hiya at pagkadismaya na nararamdaman niya ngayun. Ganito pala ang ibig sabihin ni Alfred ng pagiging “busy sa trabaho” at kaya hindi siya nito nasundo kanina. Ipinapakilala ang kunwari malapit na kaibigan na si Jona sa mga panauhin, ipinagmamalaki na parang ito ang hostess ng gabi. Tunay na nakakatawang isipin. Tiningnan ni Abner si Hiraya na tahimik at nakayuko lamang, saka hinarap si Miguel. “Miguel, siguro dapat mong kausapin si Alfred. Paalalahanan mo siyang magtakda ng hangganan.” Magkakaedad sina Abner,

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 8

    “Uncle, sandali lang po. Bababa na ako ngayon.” Hindi maunawaan ni Hiraya kung bakit siya sinusundo ngayun ni Miguel Villamor. Habang isinuot niya ang kanyang high heels, muling dumaloy sa alaala niya ang naganap na aksidente ng nakaraan---- Hindi man niya personal na nasaksihan ang naturang aksidente, ngunit ang imahe ng duguang mga katawan ng kanyang mga magulang at ang kapatid niyang si Rommel ay malinaw pa rin sa kanyang balintataw, balot ng dugo, malubhang sugatan at walang malay. Tuwing naiisip niya iyon, parang hindi niya kinakaya ang sakit. Kaya nga simula noon, hindi niya na kayang magmaneho ng sasakyan. Sa sandaling maupo siya sa driver’s seat, naninigas ang buong katawan niya. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso, nanlalamig at naninigas ang kanyang mga kamay at paa, hirap siyang huminga, at parang nagyeyelo pati ang kanyang isipan. Hindi talaga niya kayang magmaneho. Kaya hindi niya ito ginagawa. Natatakot siya kaya nga simula noon, hindi niya na kayang humawak

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 7

    Dumating na ang selebrasyon para sa kaarawan ni Lolo Villamor. Ang Pamilyang Villamor ay nasa pinakatuktok ng mataas na lipunan sa Maynila, at ang ikapitumpung kaarawan ng matandang patriyarka ay tunay na isang engrandeng okasyon. Nagningning ang mansyon ng mga Villamor sa liwanag, halos kasingliwanag ng araw. Walang patid ang pagpasok ng mga mamahaling sasakyan. Ang napakalawak na pangunahing bulwagan ay kumikislap na parang palasyo. Ang mga kristal na chandelier ay tila mga ilog ng bituin na bumababa mula sa kisame, ang malambot na liwanag ay sumasalamin sa mga desenyo sa dingding. Tinakpan ng mga hinabing Persian carpet ang sahig. Ang masinsing inukit na mga kagamitan sa mesa ay nakaayos nang perpekto. Ang mga sosyalita at mayayamang tagapagmana ay nakasuot ng nakasisilaw na mga gown, ang kanilang mga diyamante at hiyas ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw. Ang mga lalaki naman ay naka-tailored suit at walang kapintasan ang mga kurbata, ang mamahaling relo sa kanilang mga

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 6

    Matapos makipag-usap sa kaibigang si Lina, agad bumalik si Hiraya sa pagguhit ng kanyang komiks. May likas na talento siya sa sining mula pagkabata, at nagsimulang maglathala ng mga komiks online sa edad na labing-walo. Mabilis na sumikat ang kanyang mga gawa, palaging nasa itaas ang rankings. Nakakontrata rin siya sa pinakamalaking domestic animation platform ang PixelGarden Studio. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipaalam ng kanyang editor na ang una niyang komiks, Oath of Love and Crown, ay isasalin bilang isang TV series—at siya mismo ang magiging screenwriter. Napili na ang gaganap bilang male lead, ngunit hindi pa napagdedesisyunan ang female lead. Medyo matatagalan pa bago magsimula ang filming. Masinsinang nagtrabaho si Hiraya, inaayos ang kuwento habang sinisikap panatilihin ang orihinal na diwa nito. *** ** Naputol ang kanyang konsentrasyon nang tumunog ang kanyang phone. Bahagya siyang nainis at sinilip ang caller ID. Nang makita ang pangalang “Alfred Vil

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 5

    “Magkaibigan lang? Talaga lang ha? Gawain ba ng tunay na magkaibigan ang ginagawa ng dalawang ahas na ito?” malakas na sigaw ni Hiraya. Muling pumatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata habang tinitigan niya kung paano naghahalikan sila Alfred at Jona. Noong high school, magkatabi ang naging upuan nila Alfred at Jona at doon daw nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa. Two years ang agwat ng edad nilang dalawa ni Alfred at magkaiba ang kanilang mga social circle. Bukod pa roon, sinapit ng Pamilyang Natividad ang sunod-sunod na kamalasan na siyang naging dahilan kung bakit naging mailap siya sa ibang tao. Kaya nga hindi niya namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang fiancé niyang si Alfred kay Jona eh. Wala siyang alam. Hangang sa makita niya ang video na ito. Kung hindi dahil sa utang na loob, baka magdalawang isip din siyang pumayag sa engagement na ito eh. Lalo na at may iba pa siyang priority sa buhay. Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at ng malubhan

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Pagkatapos maligo ni Hiraya, muli siyang lumabas ng silid kung saan nadatnan niya si Miguel na prenteng nakaupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone. Nakaligo at nakabihis na din ito at halatang hinihintay nito ang kanyang paglabas. “Uncle, salamat po.” Nakangiting wika niya sabay dikit ng mapula niyang labi sa pinsgi nito tanda ng taos pusong pasasalamat. “Walang anuman.” Parang na istatwa namang sagot ni Miguel sa kanya. Ilang minuto din na tulalang napatitig si Miguel sa dalaga bago siya nag-iwas ng tingin dito. “Uncle, kailan po pala kayo bumalik dito sa Pilipinas?” muling tanong ni Hiraya sa binata na sinabayan niya pa ng pagsinghot dahil feeling niya sisipunin siya. “Kaninang hapon,” sagot ni Miguel, bahagyang umangat ang kanyang kilay. “May gamot ka ba sa sipon dito?” “Meron.” Kinuha ni HIraya ang isang maliit na kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV stand. Inihanda iyon ng kanyang kuya para sa kanya. Kumuha si Miguel

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status