Share

Kabanata 2

Penulis: Georgina Lee
last update Tanggal publikasi: 2026-02-22 22:05:24

Sumandal si Celine sa balikat ni Luke habang tinatanaw nila ang pag-alis ni Barbara sa mansion. Huminga siya ng malalim bago tumingala kay Luke.

"Ayos lang ba talaga na paalisin natin si Barbara dito, Luke?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.

Bumaba ang tingin ni Luke sa kanyang mukha at masuyong ngumiti. "Oo naman. Ang importante ay kayong dalawa ng baby natin."

Sa pagkakataong iyon ay napangiti narin si Celine. "Thank you, Luke. Akala ko hindi mo kami pipiliing dalawa."

Huminga ng malalim si Luke bago humarap sa kanya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at marahan na hinaplos. "Pwede ba naman yun? Ikaw ang mahal ko, Celine. Hindi si Barbara."

Napangiti si Celine pero hindi parin nawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Pero paano kung balikan niya tayo? Paano kung magbago ang isip niya at bawiin ang Oceana na ibinigay na niya sayo?"

Alam niya kung gaano katalino si Barbara. Too bad she's also full of empathy and that made her weak.

"Wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para hindi na makabangon pa si Barbara. Gagamitin ko ang koneksyon ko nang sa ganun, mananatili siya sa baba at hindi mangyari ang kinakatakutan mo," may diing bigkas ni Luke.

Masyadong matalino si Barbara. At naiinis siya sa bagay na iyon. Sa loob ng dalawang taon na pamamahala sa Oceana, nakay Barbara parin ang respeto ng lahat kahit na siya ang namumuno sa kumpanya. Kaya naman ngayon, papatunayan niyang kaya niyang pamahalaan ang Oceana na wala ang tulong ng bida-bidang iyon!

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Celine kay Luke habang ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa labas. At last, nanalo narin siya! Nakuha na niya ang lahat kay Barbara!

Isang simpleng apartment lang ang nirentahan ni Barbara pansamantala. Pagod siyang napasandal sa sofa habang inaalala ang sitwasyon niya ngayon. Luke and his family didn't just get the company from her, lahat ng ari-arian niya ay nakapangalan na kay Luke kaya wala ng natira sa kanya kundi ang bank account nalang na ginawa ng Mommy niya para sa kanya.

"Ano ng gagawin mo ngayon, Barbara? Don't tell me hahayaan mo nalang talaga silang angkinin ang lahat ng pag-aari mo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Rhea, ang matalik na kaibigan ni Barbara.

Hindi niya alam kung talagang nabulag na ang kaibigan niya sa pagmamahal nito kay Luke o sadyang napurol lang ang utak nito magmula ng makilala nito ang lalaki.

Humugot ng hangin si Barbara bago umiling. Tiningnan niya ang kopya ng papeles na ibinigay ni Madam Sofia sa kanya. Hindi talaga siya naniniwala na magagawa ito ng Mommy niya. Kaya kailangan niyang malaman kung ano talaga ang totoo.

"Gagawa ako ng paraan para malinis ang pangalan ng Mommy ko, Rhea," purisgido niyang wika.

Nagawa niyang patakbuhin ang Oceana noon kahit eighteen years old palang siya at kulang pa sa karanasan kaya naniniwala siyang makakabangon siya mula sa pagkakalugmok niya ngayon.

"Pero paano mo gagawin ang bagay na iyon kung hawak na nila ang resources na magagamit mo?"

Muli siyang napatingin sa mga dokumento. Kung magmamatigas siya, sigurado siyang lalabas agad ang embezzlement ng Mommy niya. Kahit na mayaman siya, hindi rin biro ang impluwensya na meron ang pamilya ng asawa niya.

The surname Stavros itself screams immense wealth and power kahit paman hindi ang pamilya ni Luke ang nasa sentro ng Stavros Group of Companies. One wrong move, Oceana and her mother's reputation will come to an end.

"Pwede akong maghanap ng trabaho, Rhea," tipid niyang sagot.

Napatango-tango naman so Rhea. Knowing Barbara's skills, pagkakaguluhan ito ng iba't-ibang kumpanya oras na malaman ng mga ito na naghahanap ito ng trabaho.

Nang gabing iyon ay nagpahinga si Barbara kahit paman halos hindi siya dalawin ng antok. Laman parin ng isip niya ang pagtataksil ni Luke at Celine sa kanya na nagdulot ng malalim na sugat sa puso niya.

Sa mga sumunod na araw at linggo, naging abala siya sa paghahanap ng trabaho sa mga malalaking kumpanya na alam niya subalit walang isang tumanggap sa kanya.

Napatingin siya sa email na nakarating sa kanya. Kagagaling lang niya sa labas para maghanap ng pwede niyang mapasukang trabaho nang dumating ang isang balita. Her divorce with Luke has been finalized after two months. Maybe Luke had used all his connection para mapabilis ang proseso.

"Alam mo, ang mabuti pa, mag-unwind ka muna kahit saglit lang. Ipagcelebrate natin na nakawala ka na doon sa cheater mong ex-husband! Wag kang mag-alala, makakahanap karin ng lalaking nararapat para sayo," ani Rhea habang hinahagod ang kanyang likuran.

"Saan naman tayo pupunta?" Buntong hininga niyang tanong.

Hindi siya sigurado kung dapat ba niyang ipagsaya ang nangyari o magluluksa siya.

"Ako na ang bahala sa iyo," anito at hinila na siya sa kung saan.

Ilang sandali pa'y nakarating na sila sa loob ng isang high end club. Hindi siya mahilig pumasok sa ganitong klaseng lugar pero nang makita niyang tila walang problema ang mga taong naroon, parang nais niya ring gayahin ang mga ito at kalimutan ang mga bumabagabag sa isipan niya.

Nanuot sa kanyang lalamunan ang matapang na alak pero hindi nun kayang pawiin ang sakit at problemang kinakaharap niya ngayon. Sana kahit ngayong gabi lang, makalimot siya at makatulog ng maayos.

"Care to have some company?"

Napalingon si Barbara sa kanyang kanan. Dahil dim light ang ilaw sa club, hindi niya masyadong maaninag kung ano ang hitsura ng lalaki. All he could say is that, even her silhouette screams manliness and his deep baritone voice makes her imagine how handsome he is.

Oh gosh! Lasing na yata siya.

Subalit hindi lalaki ang hanap niya ngayon. She just want to drink and get wasted. "I'm sorry. I'm not interested in you," aniya at muling ibinalik ang kanyang atensyon sa alak na nasa harapan niya.

"Do you have a big problem? You can share it with me.. I won't mind," anito sa baritono subalit nakakaakit na boses.

Pero pinanindigan niya parin ang nauna niyang salita. She's not interested in him. "Look, Mister, kung gusto mo ng babae, maghanap ka ng iba!"

Subalit imbes na layuan siya, naramdaman niya ang marahan na paggapang ng mga daliri nito sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa na nagdulot ng tila libo-libong boltahe ng kuryente sa kanyang sistema. Bagay na hindi pa niya nararamdaman kahit kanino.

"But I want you... And I can make you forget everything that you have been thinking right now…”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Emy Manila
yes interesting
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Special Chapter 4

    "How was the case going?" Tanong ni Nate habang kaharap ang kanyang laptop sa loob ng kanyang opisina. Tumikhim si Ryan bago nagsalita. "Ah, ayon po sa huling hatol, mabibigyan ng halos eighteen years na sintensya si Madam Esmeralda, Master Nate." Natigil siya sa pagtitipa at napatingin sa kawalan. "Eighteen years?" "Yes po." Marahan siyang napatango-tango. Eighteen years is already a very long period of time. And that's exactly what he needs nang sa ganun hindi na makapanggulo pa sa kanila si Esmeralda. "Even after the verdict, I still wanted someone to look after her activities," malamig niyang turan. Prison doesn't stop the evil from committing another crime. Mas maigi ng makasiguro siya nang sa ganun, hindi maglalagay sa alanganin ang buhay ng kanyang mag-ina. "What about Luke?" Pag-iiba niyang ng usapan. "Si Luke po ay nabigyan ng halos sampung taon, Master Nate," sagot ni Ryan. Ten years. He's just hoping those ten years would be enough for him to repent on his mistakes

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Special Chapter 3

    Humarap siya kay Barbara, hawak ang isang singsing. Kinuha niya ang kamay ng babae at dahan-dahan iyong isinuot sa kamay ng babae. "Barbara... The first time I stood in front of you as your husband, I really intended to not end our marriage," pagtatapat niya. "But I don't know how to do it. We had a contract. We had our own reasons for being together. And neither of us knew what would happen when everything was over." Marahan niyang hinaplos ang singsing sa daliri nito kasabay ng pagsilay ng isang munting ngiti sa kanyang labi. "But somewhere between all the arguments, the misunderstandings, and the battles we fought together, you became more than my wife." "You became the person I look for when I wake up. The person I want beside me when something good happens. And the person I want to hold when everything feels like it's falling apart." Huminga siya ng malalim bago masuyong hinalikan ang likuran ng kamay nito. "Today, I don't want a contract between us. I don't want conditions.

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Special Chapter 2

    Mabilis na pinahid ni Barbara ang kanyang mga luha bago muling ngumiti. "Thank you, Mommy Constancia."Marahan siyang binitawan ng ginang at inayos ang ilang hibla ng kanyang buhok. "Stop crying. Nate knew that I went here to talk to you. Baka isipin niya na pinaiyak kita."Mahina siyang natawa. "I'm sorry po."Marahan na umiling ang ginang at inayos pa ang kanyang make-up bago naunang tumayo. Naglahad ng kamay ang ina ni Nate na dahan-dahan naman niyang tinanggap."Come on. Your husband is probably losing his mind while waiting for you at the church."Sa sinabi ni Mommy Constancia ay napangiti siya. Knowing Nate, she can already picture out his reaction as of the moment.Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at sumilip si Rhea. "Barbs, ready ka na?"Tumango siya.Before leaving, Barbara took one last look at herself in the mirror. The woman staring back at her was no longer the same Barbara who had once surrendered Oceana just to protect her mother's name.Hindi na rin siya ang babaeng na

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Special Chapter 1

    Tahimik na nakatayo si Barbara sa harap ng malaking salamin habang inaayos ng makeup artist ang ilang hibla ng kanyang buhok.She stared at her reflection.White wedding dress.Simple veil.A small bouquet resting on her hands.And beneath the elegant fabric was the tiny life growing inside her.Ten weeks pregnant.Hindi pa gaanong kapansin-pansin ang kanyang tiyan, pero sapat na iyon para palagi siyang paalalahanan ni Nate na mag-ingat.She smiled faintly.One month ago, she had stood beside her mother's grave and accepted Nate's proposal. Today, she was going to marry him again.Not because of a contract.Not because of revenge.Not because they needed something from each other.But because she loved him. And he loves her.Ang plano sana nila ay sa Greece sila magpakasal but the doctor didn't gave her a permission to travel due to pregnancy safety kaya pinili nilang sa Maynila nalang muna.Well, kahit na hindi pa nga nangyayari ang kasal nila, Nate was already planning another grand

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Kabanata 415

    Ilang segundo lamang na nakatitig si Nate sa kanya. Wala ring salitang namutawi mula sa labi ng lalaki. Para bang kailangan pa nitong siguraduhin na tama ang narinig niya. "Say that again." Napangiti siya sa kabila ng namumuong luha sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at marahan na hinaplos. "I love you." "Again." "I love you, Nathaniel Stavros." This time, tuluyan nang pumatak ang luha sa gilid ng mga mata ng lalaki. Agaran naman niya iyong pinunasan gamit ang kanyang mga daliri. "Why are you crying?" Natatawa niyang tanong. "I just can't help it," naiiling nitong bigkas. Masuyo siyang ngumiti at bahagya pang tumingkayad para halikan si Nate. Sandali pa itong natigilan subalit agad din nitong ipinulupot ang dalawang braso sa kanyang bewang at mas nilaliman pa ang halik. "Nabawasan ba ang nararamdaman mo sa'kin ngayong umiiyak ako?" Maya-maya pa'y tanong nito. Mahina siyang natawa bago umiling. "Nope. Hinding-hindi mababawasan ang pagmamahal ko say

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Kabanata 414

    "Anong nginiti-ngiti mo diyan?" Masungit na tanong ni Barbara habang naglalakad sila palabas ng ospital.Dinala ni Nate sa labi nito ang kamay niya na hawak ng lalaki at hinalikan. Ni hindi man lang nito alintana na may nakakita sa kanila habang ginagawa iyon ng lalaki."I'm just happy," nakangiti nitong sagot.Napaingos naman siya. "The doctor may have said yes but it will still depend on me if I want to do it or not!"Unti-unting napalis ang ngiti sa labi ni Nate nang marinig ang sinabi niya. "You're not really going to give in to me?" Malungkot nitong tanong.Sa pagkakataong iyon ay siya ang napangisi. "Bakit? Hindi mo ba kaya?" Sandali siya nitong pinagmasdan bago taas noong sumagot. "Sinong nagsabing hindi? I can endure it until you will say yes. Pero naisip ko lang kasi..."Agad siyang napalingon kay Nate at hinintay ang susunod nitong sasabihin. "What?""...naisip ko lang na deserve ko naman siguro ng kahit konting consideration, right? I have been a good husband these past f

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Kabanata 3

    Halos hindi na matandaan ni Barbara ang mga pangyayari. Maybe she was too drunk to notice or she was just lonely and she wants someone who could fill the void in her heart.Natagpuan nalang niya ang kanyang sarili sa ilalim ng halik ng estranghero na nakita niya sa club. His kisses were very differ

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Kabanata 1

    "Sign this!"​Namilog ang mga mata ni Barbara at naramdaman ang panlalamig ng kanyang mga kamay nang makita ang nilalaman ng papel na inihain sa kanya ng asawa niyang si Luke Stavros.​"D—divorce papers?" Hindi niya makapaniwalang tanong, ang boses niya’y halos isang bulong na lang.​"Yes," walang

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Kabanata 141

    Bago paman makausad sina Barbara at Nate, agad na silang hinarang ng mga reporters na nais makakuha ng scoop kung bakit magkasama ang dalawa."Magandang gabi, Master Nate, siya po ba ang date ninyo ngayong gabi?""Kaano-ano niyo po si Barbara Ferrer?""Are you two together?"Nagdadate ba kayo?" Hal

  • Dumped by her Husband, She Married his Uncle   Kabanata 7

    "Fall inlove?" Gulat niyang bigkas.Hindi niya inaasahan na marinig ang ganung klaseng mga salita mula kay Nate gayong wala naman iyon sa isipan niya."Yes. Why does it seemed like I said something wrong?" Tanong ni Nate habang nakatitig sa kanyang reaksyon.Tumikhim siya bago napailing. "Hindi nam

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status