Share

Chapter 02

Penulis: ROSENAV91
last update Tanggal publikasi: 2026-08-12 03:09:30

"I'm happy for you, anak."

"Thanks dad." Si daddy nang makalapit sa amin. Nakita ko kung gaano siya masaya na kasal na ako. Akala niya kasi dati na, hindi seryoso si Kent sa akin at wala siyang balak na pakasalan niya ako.

"Lilipat na ba agad kayo ng bahay?" tanong nito at nakatingin siya kay Kent. Si mommy naman ay busy sa kausap niya ngayon na business woman at kakilala niya na invited sa kasal, kasama niya si daddy at magkatabi lang sila. Lumingon si Kent sa akin, magkahawak kamay pa rin kami at parang ayaw na naming bitawan ang isa't-isa.

"Kung ano po ang gusto ng asawa ko dad, iyon po ang masusunod." aniya na siya namang kinabalingan ni daddy sa akin.

"Hmm, baka sa Sunday na po kami lilipat ng bahay, bago kami pumunta ng ibang bansa para sa honeymoon namin daddy." tumango si daddy na parang alam niya na ang mangyayari after this reception. Kasal na kami ni Kent kaya wala naman sigurong masama kung ito ang pag-uusapan namin, hindi na hadlang kay daddy ang pagmamahalan naming dalawa kasi nakita niya gaano kasipag si Kent sa company namin at paano niya ako alagaan kaya until now umabot kami ng limang taon bilang magkarelasyon.

"No problem with that, just let me know, para kung kailangan niyo ng tulong sa pagbubuhat ng mga gamit sa paglilipat ay magpapautos ako para madali na lang sa inyo at hindi kayo mahirapan bago kayo umalis." Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi ni daddy.

Nilapitan ko siya at niyakap. Kahit wala na ang totoo kong mommy at nahahati ang attention niya sa iba ay hindi naman niya ako pinabayaan lalo na sa nangyari sa akin dati. "Thank you so much daddy. Pero, kaya na po namin ni Kent ang lahat, wala na po kayong dapat na alalahanin, ang ibang mga gamit na galing sa condo at mga binili bago ang kasal ay nasa bagong bahay na lilipatan namin. Kaya ayos na po, all you have to do is... pumunta na lang kayo ni mommy doon to visit me at kumain na rin," sabi ko at tumango naman siya.

"Of course, we will do that."

"Hi daddy, hi mommy. "

"Christina, ngayon ka lang nagpapakita, kanina ka pa namin hinahanap." tanong ni mommy sa step sister ko. She's wearing a red dress na hapit na hapit sa kanyang katawan na halos lumabas na ang kanyang dibdib. Kitang-kita ko rin ang magulo nitong buhok. Matagal ang titig ko sa kanya bago ko nilipat ang mga mata kay Kent. Gusto kong makita kung may epekto ba sa kanya ang presensya ng kapatid ko. Inamin sa akin ni Christina na crush niya si Kent, simula pa noong unang beses niya itong nakita na pumunta sa bahay dahil meron kaming date ng araw na iyon. Una ay binalewala ko lamang ang mga sinabi n'ya, hindi ko rin matukoy kung ang pagpapasexy niya ng damit ay para ba sa bagong looks niya or para maakit ang asawa ko sa kanya.

Malaki rin ang tiwala ko kay Kent na hindi siya magkakagusto sa kapatid ko, ito ang sinabi niya sa akin noong minsan na tinanong ko siya kung attracted ba siya sa step sister ko. Pero wala raw, pero ngayon....hindi ko alam.

"Sorry, may ginagawa lang ako bago ako nagpakita sa inyo dito, oh hi... Kent I mean, kuya Kent, congratulations sa inyo ng kapatid ko. Mahal na mahal ka ng kapatid ko kaya alagaan mo iyan." aniya, hindi ko mapigilan na matuwa sa sinabi ng kapatid ko.

Nagkatinginan kami ni Kent, hinapit niya ang bewang ko para makalapit sa kanya at nakangiting nakatingin sa akin.

"Oo naman, alagaan ko ang kapatid mo, pangako ko iyan sa kanya." Pagkatapos niyang sabihin sa akin ay sila naman ng kapatid ko ang nagkatinginan, hindi ko alam pero may nakita akong kakaiba the way they stares each other or baka binibigyan ko lang ng ibang kahulugan ang lahat.

"Good...by the way, hindi na rin ako magtatagal, mommy...dad. I need to go, mauna na ako sa inyo."

"Akala ko sabay na tayong uuwi? Malapit na matapos ang event?" si daddy.

"Nahh....I'm tired and sleepy kaya gusto ko ng umuwi. Wala rin naman akong bagong kakilala rito bukod sa inyo, sa kapatid ko at kay Kent." aniya pero hindi ko nagustuhan, the way he stares at Kent. Ayaw kong makagawa ng gulo o away kaya binalewala ko na lang ang lahat, baka pagod lang ako kaya lahat na nakikita ko ay may ibang kahulugan.

Pero...ang nangyari kanina sa isang kwarto, iyon ang bagay na hindi ko makalimutan. Sa daming venue na gagawin ang kalibogan ay kung saan pa ang venue ng reception namin. Tapos narinig ko pa. Pero pilit kong inaalis sa isip ko ang narinig ko na ungol. Wala na ring makapagbago ng isip ko

Wala munang honeymoon after this wedding reception.

Nagpatuloy ang celebration namin ng kasal at

sa daming nangyari ay natapos din kami kalaunan.

"Thank you so much Dyv, paano? Uuwi na ako, thank you ulit sa pa-sharon mo sa akin ha, hindi na ako magluluto buong araw bukas dahil iinitin ko na lang itong mga ulam na tinake-out ko." Hindi ko mapigilan matawa sa sinabi ni Cazzie. Nakatira kasi siya sa isang apartment and mostly, ang ginagawa niya ay umorder na lang ng pagkain sa labas. Marami pa rin ang natira na pagkain, yong iba ay pinamigay na namin sa mga catering para walang pagkain na matira at hindi mapanis.

"Love kita kaya go lang-"

"Hindi naman nakakahiya di ba magsharon nito?" Nahihiya niya pang sabi, ang ibang bisita kasi, ayaw naman magtake-out.

"Sos, 'wag ka na mahiya at dalhin mo na iyan, di naman makikita dahil nakasupot ng maayos." saad ko at ngumiti naman siya at saka nagpaalam na dahil nasa labas na nang venue ang sasakyan na binook niya.

Nauna na raw na umuwi si Laureen dahil sa kalasingan. Ito ang sinabi sa akin ni Cazzie dahil di ko na rin siya halos nakikita kanina. Kaya sa sobrang lasing ay hindi na siya nakapagpaalam. Ayaw kasi makinig na magdahan-dahan sa alak na iniinom. Ano-anong flavor pa naman ang tinungga niya.

"Are you tired?" Ngumiti ako sa asawa ko. Nasa condo na kami ngayon, pagkarating namin ay agad akong naligo dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na sa mga kaganapan kanina sa kasal namin.

Si Kent naman ay kakatapos lang maligo at naghahanda na kaming matulog. Ang mga gift na natanggap namin sa kasal ay nasa sala at sobrang dami. Naisip ko na sa bagong lilipatan na namin iyon bubuksan.

"Sobra–" sabi ko at humiga na sa kama at agad napapikit. Ramdam ko na talaga ang pagod at antok. Naramdaman ko na rin ang paggalaw ng kama na hudyat na umakyat na rin ang asawa ko. Hinarap ko siya at nakita ko kung paano lumambot ang expression ng mukha niya na makita ang kalagayan ko na inaantok.

Hinaplos niya ang buhok ko.

"Sige, magpahinga na tayo, at sa susunod na linggo na lang natin gagawin ang mga ginagawa ng bagong kasal." Narinig ko na sabi niya. Kahit nakapikit ang mga mata ay nagsalita ako na may ngiti ang mga labi. Asawa ko na siya at kasal na kami, wala namang sigurong masama kung ibibigay ko sa kanya ang una ko. Napag-usapan na rin namin ito bago ang kasal, pwedeng may mangyari sa amin pero ang sabi niya baka ayaw niya muna akong bigyan ng anak dahil ang reason niya, mag-iipon na muna siya ng madami para sa future ng baby namin.

Alam ko na maganda ang performance ng trabaho niya sa company ng dad ko kaya alam ko na kayang-kaya niya kaming buhayin ng magiging anak namin. Nirerespito ko ang sinabi niya dahil na realized ko rin na kailangan ko ring magtrabaho at mag-ipon. Having a baby ay hindi lamang ito, isang beses ang responsibility mo, kaya dapat may sarili rin akong kita para matulungan ko rin ang asawa ko para sa pagpapalaki ng anak namin kung handa na kami pareho na magkapamilya.

"Sorry at pagod lang ako ngayon pero babawi ako promise." sabi kong nakangiti pa rin at halos hindi ko na rin masyadong maibuka ang bibig ko kaya halos pabulong na lang ito at hindi ako sure kung narinig niya ba ang sinasabi ko.

Narinig ko siyang nagsasalita pero halos hindi ko na naintindihan ang lahat na sinasabi ni Kent.

Pero bago pa ako makatulog ng mahimbing ay naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama na marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 02

    "I'm happy for you, anak." "Thanks dad." Si daddy nang makalapit sa amin. Nakita ko kung gaano siya masaya na kasal na ako. Akala niya kasi dati na, hindi seryoso si Kent sa akin at wala siyang balak na pakasalan niya ako. "Lilipat na ba agad kayo ng bahay?" tanong nito at nakatingin siya kay Kent. Si mommy naman ay busy sa kausap niya ngayon na business woman at kakilala niya na invited sa kasal, kasama niya si daddy at magkatabi lang sila. Lumingon si Kent sa akin, magkahawak kamay pa rin kami at parang ayaw na naming bitawan ang isa't-isa. "Kung ano po ang gusto ng asawa ko dad, iyon po ang masusunod." aniya na siya namang kinabalingan ni daddy sa akin. "Hmm, baka sa Sunday na po kami lilipat ng bahay, bago kami pumunta ng ibang bansa para sa honeymoon namin daddy." tumango si daddy na parang alam niya na ang mangyayari after this reception. Kasal na kami ni Kent kaya wala naman sigurong masama kung ito ang pag-uusapan namin, hindi na hadlang kay daddy ang pagmamahalan naming

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 01

    "Congratulations Mr and Misis Jimenez." Masayang bati ng mga bisita sa aming dalawa nang asawa ko. Sa wakas sa ilang taon na paghihintay ay ikinasal na kaming dalawa at ngayon isa na kaming ganap bilang mag-asawa. Isa na ako ngayong Misis Jimenez. Napapangiti ako dahil pangarap ko ito na ikasal kami, akala ko hindi na matutuloy pero ang saya no'ng araw na nagpropose sa akin si Kent. Nakita ko pa lang ang singsing at lumuhod siya at kahit hindi niya pa sinabi ang buong tanong niya ay nag-yes agad ako. Wala ng paligoy-ligoy at baka bawiin niya pa. Akala ko dati, wala ng tatanggap sa akin. Nagkaroon kasi ng peklat itong kalahating katawan ko especially ang mukha ko dahil sa isang trahedya na nangyari sa akin. At sa limang taon naming magkasama bilang boyfriend at girlfriend ay sa altar din ang bagsak naming dalawa. Tanggap n'ya ako, hindi siya nandidiri sa akin. "Thank you... Thank you so much." walang paglagyan ang saya ko. "Thank you - are you tired mahal?" tanong ni Kent s

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Prologue

    “Miss Esmerald, nakahanda na po ang kotse.” Lumingon ako sa nagsasalita na tauhan ko. O matatawag ko na bodyguard at driver. "Thank you.” iyan lamang ang nasabi ko at kinuha sa kanya ang susi at tuluyan ng sumakay ng kotse. Dahil gusto kong mapag-isa kaya ako na muna ang magda-drive ng aking sasakyan. I went to London for vacation, to unwind, to heal and to forget what happened. I'm already healed and I guess handa na ako para kalabanin ang mga taong sumira sa pagkatao at sa pamilya ko. Pero uunahin ko muna ang mismong target ko at unti-unti kong ipaparanas sa kanila ang salitang paghihiganti. Umuwi ako ng Pilipinas para hanapin ang totoong salarin, ang totoong suspect dahil sila ang dahilan ng paghihirap ko ng ilang taon, sinira nila ang buhay ko. Ibabalik ko rin sa kanila ang lahat-lahat at itatama ko ang mali.Sa mga taong ito. Ang animo’y mabait, maraming lihim palang tinatago na mabaho. Habang nakahinto ang sasakyan ko pagkarating sa stop light. Bumaling ako sa kab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status