Compartir

Chapter 03

Autor: ROSENAV91
last update Fecha de publicación: 2026-08-28 17:19:53

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame, ang ganda ng panaginip ko kagabi kaya napapangiti ako, naalala ko na, kinasal kami kahapon ni Kent. Inangat ko ang kanang kamay ko at pinagmasdan sa palasingsingan ang singsing na hugis puso at napapaligiran ng mga diamond.

Bumaling ako sa kabilang kama para makita ang asawa ko ngunit nadismaya ako na makitang wala na akong katabi. Nagtaka ako dahil kagabi naramdaman ko talaga na umalis siya sa kwarto namin pero ang nasa isip ko ay baka lumabas lang ito sa baba at nagpunta sa kusina dahil nagugutom. No mali, narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone niya at pagsara ng p***o, after that , wala na akong maalala dahil sa antok. At ngayon, akala ko pa naman sabay kaming magigising at magkayakap pero wala na siya.

Nagmamadali akong bumangon sa kama ng makita ang oras sa phone ko. It's already nine o'clock and here I am, I just woke up.

Oh no...

"Dapat maaga akong nagising para ako ang magluluto ng agahan namin. Pero anong oras na? Sobrang late ko na?" Kausap ko sa sarili ko habang nakasabunot ng aking buhok. Nagmamadali na rin akong pumunta ng banyo to wash my face at mag toothbrush.

Masahil sa sobrang pagod at kulang sa tulog ng ilang araw dahil sa excitement ng kasal namin kaya bumabawi naman ako ng tulog kaya ngayon lang nagising.

Hindi pa rin pumunta sa kwarto si Kent para kumustahin ako. Or talagang hinintay niya akong magising at nakahanda na ang breakfast namin sa baba dahil siya ang nagluto pa ra sa amin.

Ngunit nadismaya ako na makitang walang tao sa sala, at pagdating ko sa kusina.

"Kent?" tawag ko sa pangalan niya. Nasa condo unit kami dumiretso at wala pa kami sa bagong bahay namin. May nakita akong nakadikit na sticky note sa ref kaya naglakad ako roon at binasa kung ano ito.

"To my beautiful wife, good morning, good afternoon whatever time you read this notes. I just let you know, I'm here at the office for breakfast meeting. You need to sleep more cause I know you are tired after our wedding yesterday. See you later, I love you."

Nasa opisina na ngayon si Kent at hindi n'ya na raw ako ginising dahil mahimbing ang tulog ko.

"Ang sipag naman ng asawa ko." bulong ko sa sarili ko. For our future family, kaya ito ang asawa ko, grabe magtrabaho. Ang sipag sipag kaya natutuwa si daddy sa kanya dahil magaling siya sa kanyang trabaho.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.

"Hi babe-" unang bungad niya sa akin kaya napapangiti ako.

"Hello hon, good morning. Tapos na ba ang meeting mo? Baka nakadisturbo ako sa iyo."

"Good morning wife, uhmm, don't worry, kakatapos lang ng meeting namin. How's your sleep? I'm sorry na hindi na kita ginising at naghintay man lang na magising ka bago ako umalis o ginising na muna kita para makapagpaalam pero the way I looked at you, I don't want to disturb your beautiful sleep, nagtatampo ka ba?"

"Ha?" hindi no? Bakit naman ako magtatampo? Masaya nga ako dahil ang sipag talaga ng asawa ko at ikaw po iyon. Ang aga mo sa opisina hindi ka ba inaantok?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi naman po." Narinig ko ang pagtitipa ng keyboard sa kanyang computer, talaga yatang busy ang asawa ko. "I'm sorry, I forget to left you food, you can order food and use my card. Naiwan ko lang diyan sa maliit na table sa kwarto natin." Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Nakakatouch naman ang asawa ko. Hindi ako nagkamali na pinakasalan ko siya.

Hanggang sa binaba ko na ang tawag para makafocus ang asawa ko sa ginagawa niya ngayon sa office at dahil diyan nakangiti pa rin akong naghanda ng aking breakfast.

Next week ang biyahe namin papunta sa ibang bansa para sa aming honeymoon. At pagbalik namin saka pa kami lilipat ng bagong bahay instead na Sunday, we told daddy about the schedule pero nagbago ang plan ni Kent, saka na raw ang paglilipat after our honeymoon and I'm okay with that.

Sa ngayon, pagbisita sa bagong bahay ang priority ko para kung may mga kailangan na materyales ay makakabili agad dahil naroon ako. At baka bukas, maghahanda na rin ako ng mga dadalhin ko para sa pag-alis namin ni Kent sa ibang bansa.

Hindi na muna ako umorder ng pagkain online at nagluto na lang ng fried egg at longganisa, pagkatapos nag-init ako ng dalawang sandwich, ito lang ang kakainin ko for breakfast.

Habang kumakain ay nanonood ako ng movie sa sala. Tumawag din ako sa mga kaibigan ko at tinutukso ba naman ako kung kumusta ang first night namin ni Kent at nang sinabi ko na tinulugan ko siya ay minura ako ni Cazzie at sinabi ba naman na ang hina kong nilalang, kahit sinabi ko sa kanila na sa ibang bansa naming gagawin ang first time ko ayaw maniwala kaya hinayaan ko na lang.

"Ang swerte mo sa asawa mo dahil marunong magpigil kung ibang lalaki pa 'yan, hindi pa kayo kinasal may nangyari na." Ito ang nasabi ni Cazzie sa akin. Ngumiti ako at proud sa asawa ko dahil totoo ang sinabi ng kaibigan ko.

Pero dapat na raw akong kabahan dahil baka nagpipigil lang ang asawa ko at pagdating na sa honeymoon namin ay hindi na siya mapipigilan pa.

Shit

Namula tuloy ang pisngi ko dahil sa mga naisip ko na pinag-usapan ng mga kaibigan ko na si Cazzie at Laureen tungkol sa akin.

Pagkatapos kong mananghalian sa bahay ay naghanda na ako para sa pagpunta ko sa site. I wear my pants and white t-shirt, simple lang dahil sisilipin ko lang naman ang pinagawa namin na bahay ng ilang oras at pagkatapos nito, baka diretso na ako sa office para puntahan si Kent at sabay na kaming umuwi mamaya sa condo.

"Traffic? Again? Kailan pa kaya luluwag ang kalsada na ito? Hindi ko alam kung mali lang ba ako ng routa o nasa maling bansa lang ako? O talagang ganito na talaga ang buhay? Well, kung isisipin ko ang mga bagay na nakakaproblema baka tatanda ako ng maaga.

Tulad ng ibang sasakyan na nakikita ko sa kalsada at naghihintay din na umuusad na ang daloy ay ganon na rin ang ginawa ko, makakarating din ako nito.

Kaya pagdating ko ng site, agad kong sinilip ang pinagawa naming bahay ni Kent. Almost done na at pwede ng lipatan. Napapangiti ako dahil sa sobrang excited na talaga. Imagine, nasa iisang bubong na kami ni Kent at magsisimula na ang buhay mag-asawa naming dalawa. Gigising ng maaga at paglulutuan ko siya bago umalis at dumating galing ng trabaho.

Nakausap ko na ang foreman, especially the architect at engineer na kinuha ng asawa ko.

I stayed almost 5 hours before I decided na pumunta sa company ni daddy kung saan naroon ang asawa ko.

Dahil maaga ang pag-alis ko kaya hindi pa ma traffic ngayong hapon. Hindi rin nagtagal at nakarating agad ako sa company.

Binati ako ng mga staff at ngumiti ako sa kanila. Dumiretso ako sa elevator para makarating agad sa 3rd floor kung saan andoon ang office ng asawa ko. Wala ngayon sa office si daddy dahil maaga raw umuwi ng bahay.

Hindi ko pa sana napapansin ang lalaki kung hindi lang bumukas muli ang elevator door bago tuluyang magsara. I was about to press the button when a man stepped inside.

Napatingin ako sa kanya.

He was wearing a crisp white doctor’s coat over dark blue scrubs, with a stethoscope casually hanging around his neck. His thick, dark hair was neatly styled but still looked naturally tousled, giving him an effortless appeal. Sharp brows framed his striking grayish eyes, while his straight, pointed nose and defined jawline made his features almost unfairly perfect.

May bahagyang stubble sa kanyang panga, making him look more mature and undeniably attractive. He stood silently beside me, his expression serious and composed.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging conscious ako sa sarili ko.

I quickly looked away. Bakit ko ba siya tinitingnan? Nakita ko tuloy siyang nakatingin din sa akin dahil sa reflection ng salamin sa loob ng elevator.

Lumabas siya pagkarating ng 2nd floor at hindi ko alam kung bakit doon ko palang nakuhang huminga ng malalim. Hindi naman ako takot sa isang doctor.

Doctor?

Bakit may doctor sa loob ng company ni daddy? Hindi naman ako nagkamali na doctor ang kasama ko sa elevator kanina, di ba? May nangyari ba sa staff?

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko and dial daddy's phone.

"Anak-"

"I saw a doctor a while ago dad here in your company, may nangyari ba sa staff mo?" Bungad ko sa kanya, gusto ko lang manigurado kung meron o wala to be sure.

"I'll check with my secretary. I call you later."

"Okay dad, nasa office kasi ako ngayon at pupuntahan ko si Kent para sabay na kaming umuwi."

"Okay, alright. Ingat kayo pag-uwi. By the way, ang sipag naman ng asawa mo, kasal niyo lang kahapon pero nasa trabaho na ngayon." Natawa ako sa sinabi ni daddy at the same time proud sa asawa ko.

"Kaya nga dad eh, he is a working man for our future."

"Yeah yeah, I know...sige ingat kayo at kakausapin ko lang ang secretary ko." Aniya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag. Natapos ang usapan namin ni dad at timing naman nasa harapan na ako ng p***o ng office ni Kent.

Hindi na natanggal ang ngiti ko, marahil sa narinig ko sa sinabi ni dad at excited na makita ang asawa ko. I knocked on the door three times at walang sumagot kaya pinihit ko na lang ang doorknob para makapasok pero nalusaw ang ngiti ko when I saw Christina leaning against the table while staring with my husband.

Nagkatitigan silang dalawa.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 03

    Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame, ang ganda ng panaginip ko kagabi kaya napapangiti ako, naalala ko na, kinasal kami kahapon ni Kent. Inangat ko ang kanang kamay ko at pinagmasdan sa palasingsingan ang singsing na hugis puso at napapaligiran ng mga diamond. Bumaling ako sa kabilang kama para makita ang asawa ko ngunit nadismaya ako na makitang wala na akong katabi. Nagtaka ako dahil kagabi naramdaman ko talaga na umalis siya sa kwarto namin pero ang nasa isip ko ay baka lumabas lang ito sa baba at nagpunta sa kusina dahil nagugutom. No mali, narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone niya at pagsara ng pinto, after that , wala na akong maalala dahil sa antok. At ngayon, akala ko pa naman sabay kaming magigising at magkayakap pero wala na siya. Nagmamadali akong bumangon sa kama ng makita ang oras sa phone ko. It's already nine o'clock and here I am, I just woke up. Oh no..."Dapat maaga akong nagising para ako ang magluluto ng agahan nami

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 02

    "I'm happy for you, anak." "Thanks dad." Si daddy nang makalapit sa amin. Nakita ko kung gaano siya masaya na kasal na ako. Akala niya kasi dati na, hindi seryoso si Kent sa akin at wala siyang balak na pakasalan niya ako. "Lilipat na ba agad kayo ng bahay?" tanong nito at nakatingin siya kay Kent. Si mommy naman ay busy sa kausap niya ngayon na business woman at kakilala niya na invited sa kasal, kasama niya si daddy at magkatabi lang sila. Lumingon si Kent sa akin, magkahawak kamay pa rin kami at parang ayaw na naming bitawan ang isa't-isa. "Kung ano po ang gusto ng asawa ko dad, iyon po ang masusunod." aniya na siya namang kinabalingan ni daddy sa akin. "Hmm, baka sa Sunday na po kami lilipat ng bahay, bago kami pumunta ng ibang bansa para sa honeymoon namin daddy." tumango si daddy na parang alam niya na ang mangyayari after this reception. Kasal na kami ni Kent kaya wala naman sigurong masama kung ito ang pag-uusapan namin, hindi na hadlang kay daddy ang pagmamahalan naming

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 01

    "Congratulations Mr and Misis Jimenez." Masayang bati ng mga bisita sa aming dalawa nang asawa ko. Sa wakas sa ilang taon na paghihintay ay ikinasal na kaming dalawa at ngayon isa na kaming ganap bilang mag-asawa. Isa na ako ngayong Misis Jimenez. Napapangiti ako dahil pangarap ko ito na ikasal kami, akala ko hindi na matutuloy pero ang saya no'ng araw na nagpropose sa akin si Kent. Nakita ko pa lang ang singsing at lumuhod siya at kahit hindi niya pa sinabi ang buong tanong niya ay nag-yes agad ako. Wala ng paligoy-ligoy at baka bawiin niya pa. Akala ko dati, wala ng tatanggap sa akin. Nagkaroon kasi ng peklat itong kalahating katawan ko especially ang mukha ko dahil sa isang trahedya na nangyari sa akin. At sa limang taon naming magkasama bilang boyfriend at girlfriend ay sa altar din ang bagsak naming dalawa. Tanggap n'ya ako, hindi siya nandidiri sa akin. "Thank you... Thank you so much." walang paglagyan ang saya ko. "Thank you - are you tired mahal?" tanong ni Kent s

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Prologue

    “Miss Esmerald, nakahanda na po ang kotse.” Lumingon ako sa nagsasalita na tauhan ko. O matatawag ko na bodyguard at driver. "Thank you.” iyan lamang ang nasabi ko at kinuha sa kanya ang susi at tuluyan ng sumakay ng kotse. Dahil gusto kong mapag-isa kaya ako na muna ang magda-drive ng aking sasakyan. I went to London for vacation, to unwind, to heal and to forget what happened. I'm already healed and I guess handa na ako para kalabanin ang mga taong sumira sa pagkatao at sa pamilya ko. Pero uunahin ko muna ang mismong target ko at unti-unti kong ipaparanas sa kanila ang salitang paghihiganti. Umuwi ako ng Pilipinas para hanapin ang totoong salarin, ang totoong suspect dahil sila ang dahilan ng paghihirap ko ng ilang taon, sinira nila ang buhay ko. Ibabalik ko rin sa kanila ang lahat-lahat at itatama ko ang mali.Sa mga taong ito. Ang animo’y mabait, maraming lihim palang tinatago na mabaho. Habang nakahinto ang sasakyan ko pagkarating sa stop light. Bumaling ako sa kab

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status