Share

Chapter 01

Author: ROSENAV91
last update publish date: 2026-08-10 04:14:02

"Congratulations Mr and Misis Jimenez." Masayang bati ng mga bisita sa aming dalawa nang asawa ko. Sa wakas sa ilang taon na paghihintay ay ikinasal na kaming dalawa at ngayon isa na kaming ganap bilang mag-asawa. Isa na ako ngayong Misis Jimenez. Napapangiti ako dahil pangarap ko ito na ikasal kami, akala ko hindi na matutuloy pero ang saya no'ng araw na nagpropose sa akin si Kent. Nakita ko pa lang ang singsing at lumuhod siya at kahit hindi niya pa sinabi ang buong tanong niya ay nag-yes agad ako. Wala ng paligoy-ligoy at baka bawiin niya pa.

Akala ko dati, wala ng tatanggap sa akin. Nagkaroon kasi ng peklat itong kalahating katawan ko especially ang mukha ko dahil sa isang trahedya na nangyari sa akin.

At sa limang taon naming magkasama bilang boyfriend at girlfriend ay sa altar din ang bagsak naming dalawa. Tanggap n'ya ako, hindi siya nandidiri sa akin.

"Thank you... Thank you so much." walang paglagyan ang saya ko.

"Thank you - are you tired mahal?" tanong ni Kent sa akin, umiling ako at nginitian siya. Nasa wedding reception kami ngayon kasama ang iilang kamag-anak namin at kakilala at katrabaho at medyo marami ang dumalo sa kasal namin ng asawa ko. Ang iba ay business partner ni dad at mommy.

Asawa ko....

Gosh, until now hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na talaga si Kent.

"Hindi pa naman, kaya ko pa, kaya ko pa nga magperform mamaya eh-" kinikilig kong sabi.

"Talaga lang ha...."

Nakita ko ang pagsilay at pagkislap ng kanyang mga mata sa akin. Kaya natanto ko na iba ang nasa isip niya kaya pinalo ko siya ng mahina sa may braso niya. Nag-iinarte pa nga na nasasaktan.

"Magperform, sasayaw diyan mismo sa stage kasama ang mga kaibigan ko, ikaw ha, kung ano-ano ang naiisip mo eh-" ani ko at isang halakhak ang binigay niya sa akin. Napatingin tuloy ang ibang bisita sa amin at napapangiti, may iba ay may mapang-asar na tingin. Pinamulahan tuloy ako ng mukha.

"Bakit? Hindi ba ginagawa ng mag-asawa ang bagay na yan bilang mag-asawa? Kaya imbes na sumayaw ka sa gitna ay sa kwarto ka nalang sumayaw, ouch-" mas lalo ko pa siyang kinurot sa tagiliran na tanging kami lang ang nakakaalam .

"Huwag kang atat riyan, unahin na muna natin pakainin ang mga bisita bago tayo matulog."

"Matulog?" Sambit niya na ikatuwa ko lalo dahil sa mukha niya na hindi maipinta.

"Oo...di ba napag-usapan na natin ito noon na sa ibang bansa natin gagawin ang honeymoon para may remembrance tayo kaya mag mariang palad ka muna tolal next week andon na tayo sa paradise na sinasabi mo kung saan mo ako dadalhin." paalala ko sa kanya pero tinawanan pa ako lalo, gusto lang yata maka-score ang tao na ito. Pero hindi pwede, kung ano ang napag-usapan namin ay iyon dapat ang masusunod. At isa pa, sa daming ganap kanina, actually kahapon pa dahil sa preparation ng kasal namin ay pagod ang katawan ko, kaya mamaya nito, pagdating sa bahay, baka tuloy mantika na agad ako dahil sa pagod.

Hindi pa kasi namin ginagawa ang mga adult thing sa five years namin na pagsasama bilang magkasintahan palang kami. Focus siya sa trabaho niya at ganoon din ako. Hanggang kiss lang. Sa mukha at labi pero walang mga foreplay na nagaganap between us kaya isa iyan sa nagustuhan ko sa kanya. Marunong rumespito at maalaga. Makapaghintay at sa relasyon namin ay nariyan lang siya palagi nakasuporta kahit minsan hindi ko na alam ang gagawin ko ay tinutulungan n'ya parin ako. Na maganda pa rin lalo ang mga pini-paint ko.

Isa kasi akong painter, bata palang ako ay mahilig na akong magdrawing hanggang sa nasubukan ko na rin ang magpaint ng kung ano-ano na maisipan ko. Binebenta ko online at si Kent naman ay nagtatrabaho sa kumpanya namin. Si daddy ay isang dealer ng mga sasakyan at si daddy nagpapasok sa asawa ko sa trabaho na meron siya.

Minsan, mapapatanong ako sa sarili ko kung deserve ko ba siya? Dahil sa nangyari sa akin, eight years ago, nasa hiking ako at kasama ko ang mga kaibigan ko. Habang natutulog ako ay may sumisigaw na lang sa labas na may sunog, huli na malaman ko na sariling tent ko pala yong nasusunog.

Nagkaroon ako ng second degree burn, ngayon ay peklat na lang pero nasasaktan ako kapag nakikita ko ang kalahating pisngi ko na may malaking peklat, dahil dito, maalala ko palagi ang malagim na panaginip na sana nga panaginip na lang ang lahat, pero hindi. Matagal bago ako nakabangon. May nagsabi na baka humangin ng malakas at yong apoy na ginawa naming bonfire bago kami natulog ay doon nagsimula ang lahat.

Hanggang sa nakilala ko si Kent. Isa siya sa mga nakakita ng mga drawings ko no'ng nagkaroon ako ng exhibit. Nagkamabutihan and now...we are officially married.

"Basta....mamaya ka sa akin." Tinawanan ko na lang ang asawa ko habang binubulong niya sa akin.

"Anong binubulong-bulong niyo riyan? Nag-uusap-usap na ba kayo kung paano takasan ang mga bisita para sa honeymoon niyo? Aba! Aba! Mamaya na iyan at kami na muna asikasuhin niyo at baka maubos ni Cazzie itong mga ulam at mag sharon pauwi." Si Laureen.

" I can hear you- lakasan mo pa, kung wala akong madala na ulam, uutang talaga ako sa iyo bruha ka. Ang sarap sarap ng kain ko kanina kaso nabitin dahil alam nyo na baka sabihin nila na matakaw ako kumain. Hindi kaya....at bilbil lang ito." turo ni Cazzie sa kanyang tiyan kaya natawa kami ng asawa ko.

"Oo kapag wala nang mga bisita, kayo na ang bahala kung ano ang dadalhin niyo pauwi pwera lang sa mga regalo namin, mga pagkain lang ang itatake-out niyo." Nakangiting paalala ko sa mga kaibigan ko. College palang ay kaibigan ko na silang dalawa ni Cazzie at Laureen kaya alam na namin minsan ang mga sikreto sa bawat isa.

"Nah hala, aalis muna ako at sayang ang maraming alak sa bar counter." si Laureen at ang kanyang hilig sa alak, si Cazzie naman ay ang pagkain ang target kaya pareho silang kumarepas ng takbo at iniwan kami.

"Ikaw, baka gusto mo ulit kumain?" Bumaling ako sa asawa ko. Nakaupo kami sa isang malambot na upuan habang nakikinig sa sinasabi ng host, at habang kumakain kasi ang mga bisita ay may kanya-kanya namang nagbibigay ng mensahe sa amin bilang bagong kasal. Especially si daddy at ang step mom ko at pamilya ni Kent. Pero ang step sister ko ay hindi ko na alam kung nasaan ngayon dahil hindi ko pa siya nakikita kahit sa simbahan kanina.

Yes...I have step sister, anak siya ng step mom ko and daddy, noong nawala si mommy 20 years na ang nakalipas and I was 8 years old that time na hanggang ngayon ay hindi pa namin nakita ang kanyang katawan o bangkay man lang na kung saan kasama si mommy sa nawawalang pasahero noong nagcrash ang eroplano na sinasakyan nila pauwi ng Maynila kaya pinagluluksa namin ang pagkawala ni mommy at malalaman ko na lang na may anak si daddy sa ibang babae, dahil sa kalasingan niya sa bar ay nakabuntis siya hanggang sa nakapag-asawa ulit si daddy dahil sa paniniwala na wala na ang aking tunay na ina ko.

Hindi ko makasundo ang kapatid ko dahil sa mataray ito at laging masungit, hindi kami makavibes sa isa't-isa o marahil nalaman niya na hindi kami magkapatid sa ina kaya ganyan siya. Maayos naman ang step mom ko kaya wala akong problema sa kanya, itinuring niya rin naman ako bilang anak niya pero iba nga lang ang treatment no'ng nanganak na siya. Mas nakikita ko ang pagmamahal niya sa kanyang tunay na anak ngunit naiintindihan ko. Maayos naman kami ni daddy and I'm praying and hoping na masaya ngayon ang mommy ko sa kamay ng Maykapal kung sakaling wala na talaga siya. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na mag-isa na lang ako at si daddy. Pero may pamilya na siya na bago kaya sa tingin ko, sa amin dalawa ako ang nag-iisa. Pero nasanay na ako until I met my husband na si Kent.

At sa step sister ko naman ay hinayaan ko nalang kesa naman sasakit pa ang ulo ko sa kanya. Ang mahalaga ngayon sa akin ay pinakasalan ako ni Kent, and one of these days ay bubukod na kami ng tahanan bilang mag-asawa.

And of course, I feel like after marrying Kent I found my fairy tales come true. He is my prince charming. He is my everything, my friend and now my real husband. And I can't wait to see our future family together. Full of blast of joy and love.

"Are you hungry?" ulit na tanong ni Kent kaya mas lalo akong napapangiti sa kanya.

"Mamaya na, kakakain ko lang eh. Ikaw, baka gusto mong kumain ulit." tukoy ko rito pero binigyan niya lang din ako ng matamis na ngiti at umiling.

"I'm still full, so mamaya nalang tayo kumain pagnakaalis na ang bisita, " ilang oras nalang ay for sure matatapos na rin ang celebration namin.

"Cr muna ako, ayos lang ba na iwan muna kita rito?" paalam ni Kent sa akin.

" Yeah sure hangga't busy pa sila sa kanilang kinakain." sagot ko rito at agad naman siyang umalis sa tabi ko at nagmamadaling pumunta ng comfort room.

"Nasaan na ang partner mo? Ikaw na lang mag-isa rito?" Tanong ni Cazzie na may bitbit na naman na pinggan na may pagkain.

"Nag-cr muna," sabi ko at tumango siya, inalok niya ako na kumain na siyang tinanggihan ko, sabay na lang kami ng asawa ko pagusto niya ng kumain.

Makahulugan ang mga tingin ni Cazzie sa akin.

" What?"

"Nothing... I'm happy for you, sa wakas natupad na ang isa sa mga hinihiling mo na pakasalan ka ni Kent, at ngayon look at you girl, ang ganda-ganda mo sa wedding gown kanina sa simbahan," natawa naman ako sa sinabi niya. Ako pa mismo ang pumili nito at nagustuhan naman ni Kent.

Nag-usap pa kami ni Cazzie at hindi talaga mawawala ang asaran lalo na sa honeymoon namin.

Umalis muna ang kaibigan ko at dahil nakaramdam na gusto ko ring magbanyo ay namalayan ko na lang ang sarili ko ng comfort room.

"Gagawin ko..."

"Gawin mo lahat-lahat na makakaya mo, kapag nanalo tayo sa lahat ng mga pinaplano natin, 'wag kang mag-aalala, sayong-sayo na ako. At Ikaw ay para sa akin. Ah, shit... iputok mo sa loob babe!" Napatakip ako ng kamay sa tenga dahil sa narinig sa kabilang kwarto. Hindi ako nagkamali, mga ungol iyon at may ginagawa sila ng kababalaghan sa loob. Hindi ako sure pero mukhang familiar sa akin ang boses ng babae.

Nagmamadali na akong maglakad para makapunta ng banyo. Hinihingal ako na makarating. Hindi na rin ako nagtagal sa loob at agad bumalik sa venue pagkatapos kong gumamit at baka kung ano na namang marinig ko at mangagaling mismo sa isa sa cubicle.

Pagkarating ko ay nakita ako ni Kent at tinanong kong saan ako galing na agad ko namang sinabi. Kitang-kita ko kung paano siya nakatitig ng matagal sa akin, kalaunan ay ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko at pumunta sa food area para sabay na kaming kumain dahil nagugutom na raw siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 02

    "I'm happy for you, anak." "Thanks dad." Si daddy nang makalapit sa amin. Nakita ko kung gaano siya masaya na kasal na ako. Akala niya kasi dati na, hindi seryoso si Kent sa akin at wala siyang balak na pakasalan niya ako. "Lilipat na ba agad kayo ng bahay?" tanong nito at nakatingin siya kay Kent. Si mommy naman ay busy sa kausap niya ngayon na business woman at kakilala niya na invited sa kasal, kasama niya si daddy at magkatabi lang sila. Lumingon si Kent sa akin, magkahawak kamay pa rin kami at parang ayaw na naming bitawan ang isa't-isa. "Kung ano po ang gusto ng asawa ko dad, iyon po ang masusunod." aniya na siya namang kinabalingan ni daddy sa akin. "Hmm, baka sa Sunday na po kami lilipat ng bahay, bago kami pumunta ng ibang bansa para sa honeymoon namin daddy." tumango si daddy na parang alam niya na ang mangyayari after this reception. Kasal na kami ni Kent kaya wala naman sigurong masama kung ito ang pag-uusapan namin, hindi na hadlang kay daddy ang pagmamahalan naming

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Chapter 01

    "Congratulations Mr and Misis Jimenez." Masayang bati ng mga bisita sa aming dalawa nang asawa ko. Sa wakas sa ilang taon na paghihintay ay ikinasal na kaming dalawa at ngayon isa na kaming ganap bilang mag-asawa. Isa na ako ngayong Misis Jimenez. Napapangiti ako dahil pangarap ko ito na ikasal kami, akala ko hindi na matutuloy pero ang saya no'ng araw na nagpropose sa akin si Kent. Nakita ko pa lang ang singsing at lumuhod siya at kahit hindi niya pa sinabi ang buong tanong niya ay nag-yes agad ako. Wala ng paligoy-ligoy at baka bawiin niya pa. Akala ko dati, wala ng tatanggap sa akin. Nagkaroon kasi ng peklat itong kalahating katawan ko especially ang mukha ko dahil sa isang trahedya na nangyari sa akin. At sa limang taon naming magkasama bilang boyfriend at girlfriend ay sa altar din ang bagsak naming dalawa. Tanggap n'ya ako, hindi siya nandidiri sa akin. "Thank you... Thank you so much." walang paglagyan ang saya ko. "Thank you - are you tired mahal?" tanong ni Kent s

  • Dyvenna's Tarnished Heart ( FEARLESS HEARTS SERIES 01)   Prologue

    “Miss Esmerald, nakahanda na po ang kotse.” Lumingon ako sa nagsasalita na tauhan ko. O matatawag ko na bodyguard at driver. "Thank you.” iyan lamang ang nasabi ko at kinuha sa kanya ang susi at tuluyan ng sumakay ng kotse. Dahil gusto kong mapag-isa kaya ako na muna ang magda-drive ng aking sasakyan. I went to London for vacation, to unwind, to heal and to forget what happened. I'm already healed and I guess handa na ako para kalabanin ang mga taong sumira sa pagkatao at sa pamilya ko. Pero uunahin ko muna ang mismong target ko at unti-unti kong ipaparanas sa kanila ang salitang paghihiganti. Umuwi ako ng Pilipinas para hanapin ang totoong salarin, ang totoong suspect dahil sila ang dahilan ng paghihirap ko ng ilang taon, sinira nila ang buhay ko. Ibabalik ko rin sa kanila ang lahat-lahat at itatama ko ang mali.Sa mga taong ito. Ang animo’y mabait, maraming lihim palang tinatago na mabaho. Habang nakahinto ang sasakyan ko pagkarating sa stop light. Bumaling ako sa kab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status