Teilen

CHAPTER 191 (SS: 48)

last update Veröffentlichungsdatum: 05.05.2026 15:23:22

Mag iisang buwan na mula nang mapadpad si Rex sa isla.

Nagising si Fleur na papasikat pa lang ang araw, ngunit gising na ang paligid, ang marahang tunog ng alon, huni ng ibon, at hangin na dumadampi sa kanyang balat.

Dahan-dahan siyang bumangon, pero bago pa tuluyang makaupo, kusa nang gumalaw ang mga mata niya at hinanap ang isang bulto na malimit na niyang gawin sa tuwing magigising.

Bahagya siyang napakunot-noo.

“Rex?” mahinang tawag niya.

Walang sumagot kaya naman mabilis siyang
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 193 (SS: 50)

    Tuwang-tuwa si Fleur nang iabot ni Aling Bebang ang bayad sa kanila. Ramdam niya ang bigat ng perang hawak hindi lang dahil sa halaga, kundi dahil sa ginhawang dala nito. “Marami tayong mabibili ngayon,” masigla niyang sabi habang naglalakad sila papunta sa pamilihan. “Tara, samahan mo akong bumili ng mga kailangan natin sa bahay.” Tahimik na sumunod si Rex sa likuran niya, dala ang ilang pinamili. Isa-isa nilang pinuntahan ang mga tindahan—bigas, asin, mantika at iba pa. Paminsan-minsan ay tinatanong niya si Rex kung okay ba ang kukunin niya, at kahit maiksi lang ang sagot nito, ramdam niyang kasama niya ito sa bawat desisyon. Hindi na rin niya gaanong iniisip ang pagiging tahimik ng binata. Parang naging normal na iyon sa pagitan nila. Habang naglalakad sila pauwi, nadaanan nila ang isang maliit na convenience store. Napahinto si Fleur. “Hm… namimiss kong kumain ng ice cream,” sabi niya, bahagyang napangiti. “Tara, bumili muna tayo.” Tumango ang binata at sumunod sa lo

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 192 (SS: 49)

    Pagdating nina Fleur at Rex sa fish port, masigla na ang paligid kahit maaga pa. May mga bangkang bagong daong, sariwa ang amoy ng dagat, at abala ang mga tao sa pagbubuhat at pagtitinda ng kani-kanilang huli. Ngunit sa gitna ng ingay at galaw ng paligid, nanatiling tahimik si Fleur. Ni hindi niya magawang tingnan si Rex. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nangyari kanina sa batuhan, kusa na lang umiinit ang kanyang pisngi. Parang paulit-ulit na bumabalik ang sandaling iyon, ang pagkakadulas niya, ang pagkakahiga nila… at ang aksidenteng halik. Mariin siyang napapikit sandali. “Focus…” bulong niya sa sarili. Dumiretso sila sa pamilyar na pwesto, ang tindahan ng matandang babae na suki na niya. “Oh, Fleur, ikaw pala!” masiglang bati ng matanda. “Marami ka bang dalang isda ngayon?” “Opo, Aling Bebang,” sagot niya, pilit na ngumiti. Doon lang niya tinapunan ng tingin ang kasamang binata, bahagya pa siyang natigilan ng magtama ang kanilang mga mata, kasabay ng pagbilis

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 191 (SS: 48)

    Mag iisang buwan na mula nang mapadpad si Rex sa isla. Nagising si Fleur na papasikat pa lang ang araw, ngunit gising na ang paligid, ang marahang tunog ng alon, huni ng ibon, at hangin na dumadampi sa kanyang balat. Dahan-dahan siyang bumangon, pero bago pa tuluyang makaupo, kusa nang gumalaw ang mga mata niya at hinanap ang isang bulto na malimit na niyang gawin sa tuwing magigising. Bahagya siyang napakunot-noo. “Rex?” mahinang tawag niya. Walang sumagot kaya naman mabilis siyang tumayo at lumabas ng kubo. Hindi niya alam kung bakit may kung ano sa loob niya na nangangamba na bigla itong mawala. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ito na naroon sa gilid ng kubo, nakayuko at inaayos ang mga kahoy. Parang kanina pa ito gising. Huminto si Fleur sandali, hindi siya agad lumapit, hinayaan niya ang sarili na panoorin ito. Kung paanong natural na ang galaw nito sa lugar. Kung paanong hindi na ito mukhang estranghero... na parang…bahagi na rin ito ng buhay niya. “Ang aga m

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 190 (SS: 47)

    Isang linggo matapos niyang makita at mailigtas si Rex sa dalampasigan, tila naging likas na sa araw-araw ni Fleur ang presensya ng binata. Unti-unti, nasanay siya rito. Sa paggising sa umaga na naroon na itong abala sa mga gawain bahay. Sa simpleng katahimikang hindi na kailangang punuin ng salita. Gumaling na rin ang sprain sa paa niya. Sa mga araw na hindi siya makalakad nang maayos, si Rex ang gumawa halos ng lahat, pagkuha ng tubig, pag-aayos ng panggatong, pangingisda, maging pagluluto kung minsan. Kaya lihim na nagpapasalamat si Fleur. Hindi lang dahil gumaling agad ang paa niya kundi dahil sa panahong iyon, mas nakilala niya ang binata. Nang araw na iyon, habang nagluluto siya ng agahan, napabuntong-hininga siya. “Namiss ko bigla ang karne,” reklamo niya. Napatingin si Rex mula sa pag-aayos ng lambat. “Karne?” “Mm. Ligaw na manok… o baboy ramo.” Napangiti siya. “Kung maswerte tayo.” “Gusto mong mangaso?” Tumango siya. “Maaari naman sana tayong tumawid s

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 189 (SS: 46)

    Nagising na lamang si Fleur nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kanyang pisngi. “Fleur…” Marahan siyang nagmulat at ang unang bumungad sa kanya ay isang guwapong mukha. Bahagya pa siyang nalito dahil sa antok, gising na ba siya o nananaginip pa. “Rex?” “Oo,” mahina nitong tugon, halos may halong amusement. “Gutom ka na ba? Nakaluto na ako ng tanghalian.” Napaawang ang labi niya. “Nagluto ka?” gulat niyang tanong. “Marunong kang magluto?” Bahagyang napakamot si Rex sa batok, tila nahihiya. “Well… siguro nakaya ko naman. Nakita ko rin kung paano ka magluto, kaya parang… natandaan ko lang.” "Sana ginising mo na lang ako," sabi niya. "Hindi na kita inabala pa, mahimbing ang tulog mo." anito na may maikling ngiti sa labi. Nahiya naman siya. Maya-maya ay napasinghap siya nang dumampi sa ilong niya ang mabangong aroma ng pritong isda. “Medyo nagugutom na nga ako,” nakangiti niyang sabi. Tatayo sana siya ngunit bigla siyang binuhat ni Rex. “Sandali—!” Napa

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 188 (SS: 45)

    “Uy—!” napasigaw si Fleur, napuno ng saya ang tinig. Habang sabay nilang hinila ni Rex ang lambat. Maraming isda silang nahuli. Kumikislap ang mga ito sa ilalim ng liwanag ng umaga, pilit kumakawala sa lambat. Napangiti si Rex, isang ngiting bihirang lumitaw. “Magaling ka pala,” sabi nito. “Sinabi ko na sa’yo,” biro niya habang isa-isang inilalagay ang mga huli sa basket. “Sanay na ako.” Matapos iyon, nagpasya na silang bumaba sa batuhan."Tara na, marami na itong nahuli natin." Yakag niya sa binata. Tumango ito at binitbit ang basket . Nauna si Fleur sa pagbaba. Sanay man siya, hindi pa rin maiiwasan ang panganib. Isang maling hakbang lang niya ay kaagad na dumulas ang paa niya sa basang bato."Ah!" “Fleur—!” Kasabay ng mabilis na reflex nito, nahila siya ni Rex. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso, sapat para hilahin siya palapit dito. Napasinghap siya nang mapagtantong nakasubsob siya sa matipunong dibdib nito. Inangat niya ang ulo at saglit silang nag

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 153 (SS :10)

    Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, nasaksihan ni Pola ang komplikadong relasyon ni Morris at Tanya, walang araw yata na hindi nakikipagtalo ang babae sa binata, nakikita niya na hinahabaan lang ni Morris ang pasensya nito sa babae pero minsan ay nasasagad ang pagtitiis nito. Until they were

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-04-02
  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 150 (Side Stories 7)

    Mabigat ang mga hakbang ni Pola habang papasok sa malawak na banquet hall, ginanap ang engagement party sa isa sa mga hotel na pagmamay ari ng pamilya ni Tanya. Simple lang ang suot niya, slacks at blouse na pinartner-an ng blazer na usual niyang sinusuot sa opisina, palibhasa ay wala talaga siya

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-04-02
  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 157 (SS: 14)

    Inisang lagok ni Morris ang laman ng wine glass na inabot sa kanya ng kaibigan at kaklase noon, wala naman talaga siyang balak na um-attend sa alumni party na iyon subalit napilitan siyang um-attend ng tadtadin siya ng messages ng mga dating kaklase, ilan beses na kasi niyang tinanggihan ang madala

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-04-02
  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 155 (SS: 12)

    Nang araw na iyon, nasa Han Mall si Pola. Tumitingin siya ng damit na susuotin para sa alumni party. Inisa-isa niyang tingnan sa hanger ang damit pagkatapos ay sisilipin ang tag price, nang makita kung gaano kamahal iyon ay mabilis din niya iyong binabalik sa hangeran. "It was too expensive." bu

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-04-02
Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status