LOGINIpinaalam niya kay Gerry ang sinabi ni Eachen na ihanda na ang sasakyan. Bago ito umalis ay nagsalita pa ulit siya.
"Hindi ako sasabay sa pag uwi, may pupuntahan pa ako kaya huwag ninyo na akong hintayin," ani Selina na naglakad na patungo sa elevator. She didn't understand what was going on with her at that moment, nalilito siya at hindi pa niya mapangalanan ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya ay ayaw muna niyang makita o makausap si Eachen ng mga orasPapalubog na ang araw, kulay kahel ang kalangitan, tila nag-aagawan ang liwanag at dilim. Nakaupo sina Fleur at Rex sa buhanginan, tahimik na pinagmamasdan ang dagat na unti-unting nilalamon ng gabi. Mahina ang hangin, sapat lang para paglaruin ang buhok ni Fleur. Wala naman talaga silang gagawin, kaya napagdesisyunan nilang magtungo sa dalampasigan. May hawak na beer in can si Rex, habang si Fleur naman ay may dalang malaking supot ng potato chips na binili niya kanina sa bayan. Tahimik silang nakatanaw sa magandang tanawin. Hanggang sa si Rex ang unang nagsalita.“Anong pangarap mo?” panimula nito, saka bahagyang tumingin sa kanya. Napatingin si Fleur sa dagat, tila hinahanap ang sagot sa alon. “Simple lang,” sabi niya. “Gusto ko lang ng tahimik na buhay… ‘yung may sariling pamilya. ‘Yung may uuwian ka, may taong naghihintay sa’yo.” Bahagya siyang ngumiti. “Walang magulo, walang komplikasyon.” Saglit na natahimik si Rex. “Ikaw?” balik niyang tanong. Lumagok muna ito sa be
Tuwang-tuwa si Fleur nang iabot ni Aling Bebang ang bayad sa kanila. Ramdam niya ang bigat ng perang hawak hindi lang dahil sa halaga, kundi dahil sa ginhawang dala nito. “Marami tayong mabibili ngayon,” masigla niyang sabi habang naglalakad sila papunta sa pamilihan. “Tara, samahan mo akong bumili ng mga kailangan natin sa bahay.” Tahimik na sumunod si Rex sa likuran niya, dala ang ilang pinamili. Isa-isa nilang pinuntahan ang mga tindahan—bigas, asin, mantika at iba pa. Paminsan-minsan ay tinatanong niya si Rex kung okay ba ang kukunin niya, at kahit maiksi lang ang sagot nito, ramdam niyang kasama niya ito sa bawat desisyon. Hindi na rin niya gaanong iniisip ang pagiging tahimik ng binata. Parang naging normal na iyon sa pagitan nila. Habang naglalakad sila pauwi, nadaanan nila ang isang maliit na convenience store. Napahinto si Fleur. “Hm… namimiss kong kumain ng ice cream,” sabi niya, bahagyang napangiti. “Tara, bumili muna tayo.” Tumango ang binata at sumunod sa lo
Pagdating nina Fleur at Rex sa fish port, masigla na ang paligid kahit maaga pa. May mga bangkang bagong daong, sariwa ang amoy ng dagat, at abala ang mga tao sa pagbubuhat at pagtitinda ng kani-kanilang huli. Ngunit sa gitna ng ingay at galaw ng paligid, nanatiling tahimik si Fleur. Ni hindi niya magawang tingnan si Rex. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nangyari kanina sa batuhan, kusa na lang umiinit ang kanyang pisngi. Parang paulit-ulit na bumabalik ang sandaling iyon, ang pagkakadulas niya, ang pagkakahiga nila… at ang aksidenteng halik. Mariin siyang napapikit sandali. “Focus…” bulong niya sa sarili. Dumiretso sila sa pamilyar na pwesto, ang tindahan ng matandang babae na suki na niya. “Oh, Fleur, ikaw pala!” masiglang bati ng matanda. “Marami ka bang dalang isda ngayon?” “Opo, Aling Bebang,” sagot niya, pilit na ngumiti. Doon lang niya tinapunan ng tingin ang kasamang binata, bahagya pa siyang natigilan ng magtama ang kanilang mga mata, kasabay ng pagbilis
Mag iisang buwan na mula nang mapadpad si Rex sa isla. Nagising si Fleur na papasikat pa lang ang araw, ngunit gising na ang paligid, ang marahang tunog ng alon, huni ng ibon, at hangin na dumadampi sa kanyang balat. Dahan-dahan siyang bumangon, pero bago pa tuluyang makaupo, kusa nang gumalaw ang mga mata niya at hinanap ang isang bulto na malimit na niyang gawin sa tuwing magigising. Bahagya siyang napakunot-noo. “Rex?” mahinang tawag niya. Walang sumagot kaya naman mabilis siyang tumayo at lumabas ng kubo. Hindi niya alam kung bakit may kung ano sa loob niya na nangangamba na bigla itong mawala. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ito na naroon sa gilid ng kubo, nakayuko at inaayos ang mga kahoy. Parang kanina pa ito gising. Huminto si Fleur sandali, hindi siya agad lumapit, hinayaan niya ang sarili na panoorin ito. Kung paanong natural na ang galaw nito sa lugar. Kung paanong hindi na ito mukhang estranghero... na parang…bahagi na rin ito ng buhay niya. “Ang aga m
Isang linggo matapos niyang makita at mailigtas si Rex sa dalampasigan, tila naging likas na sa araw-araw ni Fleur ang presensya ng binata. Unti-unti, nasanay siya rito. Sa paggising sa umaga na naroon na itong abala sa mga gawain bahay. Sa simpleng katahimikang hindi na kailangang punuin ng salita. Gumaling na rin ang sprain sa paa niya. Sa mga araw na hindi siya makalakad nang maayos, si Rex ang gumawa halos ng lahat, pagkuha ng tubig, pag-aayos ng panggatong, pangingisda, maging pagluluto kung minsan. Kaya lihim na nagpapasalamat si Fleur. Hindi lang dahil gumaling agad ang paa niya kundi dahil sa panahong iyon, mas nakilala niya ang binata. Nang araw na iyon, habang nagluluto siya ng agahan, napabuntong-hininga siya. “Namiss ko bigla ang karne,” reklamo niya. Napatingin si Rex mula sa pag-aayos ng lambat. “Karne?” “Mm. Ligaw na manok… o baboy ramo.” Napangiti siya. “Kung maswerte tayo.” “Gusto mong mangaso?” Tumango siya. “Maaari naman sana tayong tumawid s
Nagising na lamang si Fleur nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kanyang pisngi. “Fleur…” Marahan siyang nagmulat at ang unang bumungad sa kanya ay isang guwapong mukha. Bahagya pa siyang nalito dahil sa antok, gising na ba siya o nananaginip pa. “Rex?” “Oo,” mahina nitong tugon, halos may halong amusement. “Gutom ka na ba? Nakaluto na ako ng tanghalian.” Napaawang ang labi niya. “Nagluto ka?” gulat niyang tanong. “Marunong kang magluto?” Bahagyang napakamot si Rex sa batok, tila nahihiya. “Well… siguro nakaya ko naman. Nakita ko rin kung paano ka magluto, kaya parang… natandaan ko lang.” "Sana ginising mo na lang ako," sabi niya. "Hindi na kita inabala pa, mahimbing ang tulog mo." anito na may maikling ngiti sa labi. Nahiya naman siya. Maya-maya ay napasinghap siya nang dumampi sa ilong niya ang mabangong aroma ng pritong isda. “Medyo nagugutom na nga ako,” nakangiti niyang sabi. Tatayo sana siya ngunit bigla siyang binuhat ni Rex. “Sandali—!” Napa
"Wala na kaming mga magulang ni kuya Pong pero kahit sa kalsada kami lumaki at kung saan saan kami natutulog ay masaya pa rin ako dahil hindi niya ako pinababayaan, ginagawa niya ang lahat para mabuhay kaming dalawa." nagsimulang magkwento si Dick sa buhay nito. "Kahit anim na taon lang ako noon at
Isa-isang tinanggal ni Selina ang kanyang mga damit, bawat saplot na suot ay nangalaglag sa sahig hanggang walang natira sa katawan niya. Ang kahubaran niya ay malayang napagmasdan ni Eachen. Though his lips remained sealed, his eyes betrayed a fierce, unguarded admiration, his eyes can’t lie. “Y
Pagkalabas ni Selina ng Royal Empire Club, naglakad siya at nagpasyang bumalik sa penthouse ni Eachen, nasa lobby na siya at patungo sa elevator nang mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na mukha ng babae sa labas ng Han Hotel. "Selina!" tawag nito na may kasama pang pagkaway. "Puwede ba kitang
Tahimik na kumakain si Selina habang nasa hapag, katabi niya si Eachen subalit hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Tila ba isa siyang hangin na hindi nito nakikita. If during their last meal at the Han mansion, Eachen was very attentive to her, but now he doesn’t care about her at all. She wo







