KABANATA 65 "Walang Nakinig"Mabilis ang lakad ni Chase palabas ng gusaling iyon, habang mariing nakasara ang kanyang panga at nanggagalaiti ang dibdib sa sobrang galit at sakit. Wala siyang pakialam kung anong paliwanag pa ang ibigay ni Emma. Wala na. Tapos na.Nang maisara niya ang pinto ng sasakyan, agad niyang pinaharurot iyon palayo, hindi man lang nililingon kung anong naiwan.Samantala, si Emma ay nakatayo lang sa harap ng pintong isinara ni Chase, tahimik na umaagos ang mga luha. Nanghina ang kanyang mga tuhod at napaupo siya sa malamig na sahig ng hotel corridor."Hindi man lang niya ako pinakinggan," bulong niya sa sarili, habang patuloy ang pagtulo ng luha. "Hindi man lang niya ako tinanong kung totoo..."Hawak-hawak niya ang cellphone habang nanginginig ang mga kamay. Ilang ulit niyang tiningnan ang contact ni Chase. Paulit-ulit niyang tinangkang tawagan ito. Busy. Denied. Walang sagot.Hanggang sa sa huli, wala na si
KABANATA 66: âBakit Pa Ako?âHindi na nakapaghintay si Emma. Hindi na siya mapakali. Hawak niya ang pregnancy test sa loob ng kanyang bagâdalawa, parehong may dalawang malinaw na guhit At Ang papel record niya sa hospital 8 weeks so it means buntis ako ng dalawang buwan?. Buntis siya. At kailangan niyang sabihin 'yon kay Chase.Umaga pa lang, tumungo na siya sa penthouse nila. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri habang pinipindot ang doorbell. Binuksan ito ng kasambahay, at agad siyang tinanong, âMaâam Emma?â Buti nagbakin po kayo?âSi Chase... nandiyan ba siya?â tanong niya, pilit pinapakalma ang tinig.Umiling ang kasambahay. âUmalis po, Maâam. May lakad daw po siya. Nakabihis na po nang umalis kanina, parang may importanteng meeting.âNapayuko si Emma, pilit pinipigil ang kabog ng dibdib. âSaan siya pumunta?ââWala po siyang sinabi, Maâam. Pero nakaayos po talaga siya kanina, parang may dinner.âNagpasalamat na
Kabanata 67 â Bagong SimulaSa wakas, nakalayo rin si Emma sa magulong lungsod. Sa dami ng sugat sa puso at isip, tanging ang katahimikan lang ng probinsya ang maaaring makapagpagaling sa kanya. Kaya nang inalok siya ni Mia na pansamantalang mamalagi sa Southern Leyte, hindi na siya nagdalawang-isip.Ang bahay na tinutuluyan nila ay pag-aari ng tiyahin ni Mia na ngayon ay nasa United Kingdom. Malapit ito sa dagat at bundok, malamig ang simoy ng hangin, at puro sariwang tanawin lang ang makikita sa paligid. Malayo sa ingay, sa problema, at sa alaala ni Chase Donovan.âParang panaginip 'no?â ani Mia habang nakatayo sa beranda ng lumang bahay, hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa.âPanaginip na sana huwag nang magising,â sagot ni Emma, nakatingin sa papalubog na araw. âDito... parang kaya ko na ulit huminga.âNiyakap siya ni Mia mula sa likod. âBasta ako, nandito lang. Magkaibigan tayoâhanggang dulo.âButi na lang talaga at m
Kabanata 68 â Buhay ng Bagong SimulaNasa isang tahimik na baryo sa Southern Leyte, patuloy na nagbabago ang buhay ni Emma. Habang pinapanday ang araw-araw na rutina, siya at si Mia ay nagsusumikap sa kanilang negosyo ng ihawan. Ang simpleng buhay sa probinsya ay nagbigay ng kapayapaan kay Emma, at unti-unti niyang nararamdaman ang mga maliliit na kasiyahan. Isang magandang tanawin, ang sariwang hangin, at ang mga taong tumutulong sa kanyaâang mga ito ang mga bagay na tinatangkilik niya ngayon.Si Mia naman ay tuloy ang pagbibigay ng suporta sa kaibigan, lalo na sa mga araw ng mga bagong hamon. Nagkakaroon sila ng mga bonding moments habang tinutulungan nila ang kanilang tindera, si Lourdes, na siya namang patuloy na lumalago sa kanilang simpleng negosyo.Ngunit hindi rin nakaligtas si Emma sa mga masalimuot na alalahanin tungkol sa kanyang sitwasyonâbuntis siya at wala sa plano niyang maghanap ng bagong pagmamahal. Dahil sa lahat ng nangyari, natutun
Kabanata 69 â Mga Pagdududa at DesisyonMatapos ang mga linggong puno ng abala at pagpapasya sa kumpanya, si Chase Donovan ay naupo sa kanyang opisina, nag-iisa, at iniisip ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo. Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga papel na nakakalat sa lamesaâmga kontrata, meeting notes, at mga ulat ng negosyo. Pero sa kabila ng mga papeles at spreadsheets, wala sa mga iyon ang nagpapakilos sa kanya. Ang tanging naiisip niya ay si Emma."Anong nangyari sa akin?" tanong niya sa sarili. "Bakit hindi ko siya matanggal sa isipan ko?"Simula nang mawala si Emma, ang lahat ng bagay ay tila nagbago. Hindi na siya gaanong interesado sa mga bagay na dating nagbibigay saya sa kanya. Nagsimula siyang magduda sa mga desisyon niyaâsa kanyang buhay, sa negosyo, at pati na rin sa mga relasyon niya. Hindi na niya kayang balewalain ang nararamdaman niya kay Emma, ngunit hindi rin niya alam kung paano siya haharapin ang lahat ng ito.Sa i
Kabanata 70 â Paglaho ng Pag-asa at Paghahanap ng PagkakataonHabang patuloy na tinatanggap ni Chase ang mga tawag, mensahe, at responsibilidad ng negosyo, ang isang hindi matanggal-tanggal na thought sa kanyang isipan ay si Emma. Ang mga alaala nila ay tumatak sa kanyang puso at isipan. Minsan, hindi na siya makapagtrabaho ng maayos, dahil ang bawat pag-iisip ay bumabalik kay Emmaâsa kanyang mga mata na puno ng takot at sakit, sa mga halakhak nilang dalawa habang nag-aasikaso ng negosyo, at sa mga sandali ng pagiging maligaya nila na tila bigla na lamang nawawala.âNasan ka na ba, Emma?â tanong ni Chase habang ang mga kamay ay mahigpit na nakatangan sa gilid ng kanyang lamesa. Tinutok niya ang kanyang atensyon sa kanyang laptop, pero ang isipan niyaây naguguluhan. Lahat ng mga hakbang na ginawa niya sa mga nakaraang linggo ay hindi nakatulong sa paghahanap kay Emma. Lahat ng galit at pagkabigo ay bumabalik. Ang pakiramdam ng pagkawala ay isang pahirap na hindi niy
Kabanata 70 â Paglaho ng Pag-asa at Paghahanap ng PagkakataonHabang patuloy na tinatanggap ni Chase ang mga tawag, mensahe, at responsibilidad ng negosyo, ang isang hindi matanggal-tanggal na thought sa kanyang isipan ay si Emma. Ang mga alaala nila ay tumatak sa kanyang puso at isipan. Minsan, hindi na siya makapagtrabaho ng maayos, dahil ang bawat pag-iisip ay bumabalik kay Emmaâsa kanyang mga mata na puno ng takot at sakit, sa mga halakhak nilang dalawa habang nag-aasikaso ng negosyo, at sa mga sandali ng pagiging maligaya nila na tila bigla na lamang nawawala.âNasan ka na ba, Emma?â tanong ni Chase habang ang mga kamay ay mahigpit na nakatangan sa gilid ng kanyang lamesa. Tinutok niya ang kanyang atensyon sa kanyang laptop, pero ang isipan niyaây naguguluhan. Lahat ng mga hakbang na ginawa niya sa mga nakaraang linggo ay hindi nakatulong sa paghahanap kay Emma. Lahat ng galit at pagkabigo ay bumabalik. Ang pakiramdam ng pagkawala ay isang pahirap na hindi niy
Kabanata 72 â 'Bahay ng Alaala"Buong araw na subsub sa trabaho si Chase. Hindi siya tumigil kahit saglit, pinilit niyang ilibing ang sarili sa mga papel, meeting, at tawag para lang hindi siya lamunin ng katahimikan. Dahil sa tuwing tatahimik ang paligid, si Emma ang laman ng isip niya.Nasaan siya? Kumakain ba siya ng maayos? Iniisip niya rin kaya ako?Habang minamaneho niya ang sasakyan pauwi, mas lalo siyang nilunod ng alaala. Napapikit siya sandali sa pulang ilaw habang binabalikan ang huling araw na magkasama sila ni Emma. Bakit ba hindi niya ito pinakinggan? Bakit mas pinili niyang manahimik kaysa harapin ang katotohanan?Alam niya ang dahilan.Dahil kung sinuportahan niya si Emma noon, tiyak ang galit ng kanyang ama. Isang galit na matagal na niyang alam kung gaano kabagsik. Hindi dahil sa sharesâdahil sa pagmamahal niya kay Emma. Ang ama niya, hindi tanggap si Emma, hindi dahil sa kasunduan nila kundi dahil naging tunay na t
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nitoâhindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellarâpanahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouseâisang mala-silid
Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya
Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom
Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder â laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets â alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre
Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "Whatâs this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe
Kabanata 94: Paglabas ng KatotohananAng sunod na araw ay puno ng alingawngaw ng mga balita. Si Chase Donovan ay hindi nakaligtas sa mga epekto ng kanyang pahayag. Sa mga sulok ng media, hindi lamang ang kanyang mga personal na desisyon ang binabatikos â ang pamilya ng mga Laurent ay nagbabanta na kumuha ng legal na hakbang.Sa isang tahimik na opisina sa loob ng Donovan Enterprises, si Chase ay nakaupo sa harap ng kanyang desk, nakatingin sa mga papeles, ngunit ang isip ay malayo. Ang tanong na paulit-ulit niyang iniisip: âPaano ako makakalabas sa lahat ng ito?âBilang CEO ng isang malaki at respetadong kumpanya, hindi pwedeng basta-basta matabunan ang mga isyung ito. Sa kabila ng kanyang pagiging malupit at matatag sa negosyo, ang kanyang puso ay naguguluhan sa sitwasyong ito â at higit sa lahat, ang kalooban niya ay tinatablan ng pag-aalala."Ito na ba ang simula ng lahat ng ito?" tanong ni Chase sa sarili, ang mga mata ay nakatutok sa dokument
Kabanata 93: PagguhoHabang pinapalabas sa media ang eksklusibong pahayag ni Chase Donovan, napatitig si Victoria sa malaki nilang TV screen, nanlalamig ang buong katawan."What?" bulalas niya, nanginginig ang boses. "Our marriage is fake?!"Tumayo siya, natataranta at hindi makapaniwala."No... no! Hindi ako naniniwala! Hindi ito totoo!" Sigaw niya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagbagsak.Umiiyak siya nang tuluyan, halos hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman. Napalingon siya sa kanyang mga magulang, na kapwa napatitig sa kanya nang may halong awa at galit."Mom... Dad... what should I do now?" nauutal niyang tanong sa gitna ng pag-iyak."Peke ang kasal namin ni Chase! Hindi ko ito matatanggap..."Napasinghap si Mrs. Laurent habang hinahagod ang likod ng anak. Si Mr. Laurent naman ay mariin ang pagkakatitig sa telebisyon,
Kabanata 92 - Umpisa ng KaguluhanTahimik ang buong ospital. Walang umiimik. Parang may dumaan na malakas na hanginâlahat ay tila huminto sa oras.Ang mga ilaw sa corridor ng ospital ay tila naging malamlam, at ang bawat tao sa paligid, maging ang mga nurse at doktor na dumadaan, ay tila naging mga anino lamang sa paningin ni Chase Donovan.Nakaupo siya sa isang silya sa loob kung nasaan si Don Esteban ang mga siko niya ay nakapatong sa tuhod, at ang dalawang kamay ay nagkukuyom. Hindi niya maialis ang bigat sa dibdib niya. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyong kinasasadlakan niya.Si Emma naman ay nakaupo sa kabilang gilid, yakap-yakap ang kanilang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Hindi niya malaman kung saan siya huhugot ng lakas, pero ang presensya ng kanyang anak ang nagsisilbing tanging dahilan upang hindi siya tuluyang bumigay.Ang mga tao sa paligid ni
KABANATA 91: Pagbabalik at Pagpapakilala Tahimik ang loob ng ospital habang tinatahak nina Emma, Chase, at Amara ang pasilyo patungo sa private room ni Don Esteban. Ang bawat hakbang ay may kasamang kaba at bigat ng alaala. Mahigpit ang hawak ni Emma sa maliit na kamay ni Amara, habang si Chase naman ay tila hindi makapaniwalang sa wakas, heto naâang pagkakataong maipakilala ang anak sa ama. âMatagal ko nang hinintay âtong sandaling âto,â bulong ni Chase sa sarili, tinatapik ang dibdib na tila baây may tinatagong pagsisisi at takot. âMakikita na rin niya si AmaraâĶ ang apo niyang ilang taon niyang hindi nasilayan.â Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang maputlang anyo ni Don Esteban, nakahiga ngunit mulat na ang mga mata, mabagal man ang kilos ay naroon ang liwanag sa kanyang tingin. Parang muling nagbalik ang lakas sa pagtama ng paningin niya kay Chase. âChaseâĶâ mahinang tawag ng matanda. âDâdadâĶâ Napang