Share

CHAPTER FOURTEEN

Ang sabi nila duwag lang daw ang umaatras. Katawa-tawa raw ang mga taong umaatras. Masama bang umatras? Magtago? Masama bang... magising sa katotohanan?

Never kong inasahan na magagawa sa akin ito ni Travis. Oo, may ideya na ang lahat ng kaklase ko sa kung gaano nga ba akong kabaliw sa kanya. Alam na nila kung gaanong kong kinahuhumalingan si Travis.

"Baliw yan si Enpress," rinig kong bulong ng isang estudyanteng nadaanan namin.

Tumango ang kausap nito sa kanya. "Ang gandang babae pero nagpapaka baliw sa isang lalaki," dagdag pa nito bago sila nagtawanan.

Tila ba hindi lang ako ang nakarinig sa mga sinabi nila dahil nang sandaling tumigil si Nathalie sa paglalakad at agad na umatras upang lapitan ang dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina, paniguradong hindi nakatakas sa pandinig niya lahat ng sinabi nito.

"Anong sinabi niyo?" gigil niyang tanong.

Naglapat ang labi ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Bahagya ring rumiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya naman natitiyak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status