HATAK ni Dewei si Velora papasok sa kanyang kuwarto sa loob ng mansyon. Mabilis na natapos ang party dahil sa sunod-sunod na hindi magagandang nangyari. Ipinatigil na lang din ng binata dahil sa mainit na ang ulo niya. "Nag-uusap lang kami, Dewei. Wala naman kaming ginagawang masama ng kapatid mo, ah. Saka, bakit ka ba nagagalit sa akin?" Naiiyak na sabi ni Velora. Ginulo ni Dewei ang kanyang buhok sa sobrang frustration. Sa galit na matagal nang namamahay sa dibdib niya dahil sa ginawa ng kanyang mismong kapatid. "You don’t know what happened between us seven years ago, Velora! Kaya sana, hangga’t maaari, iwasan mo si Dwight. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag nakita kitang kasama siya!" Napailing-iling si Velora. Kung anuman ang nangyari kina Dewei at ng kapatid niya ay wala na siya doon. Ang sa kanya lang, bakit siya hindi pinagkakatiwalaan ni Dewei? "Alam ko naman ang tama at mali. At alam ko na may boyfriend ako! Hindi na ako bata para bawalan mo na makipag-us
TAHIMIK ang umaga sa mansyon ng mga Hughes. Ang mag-asawang sina Solara at Donny lamang ang nasa hapag. "Minda, si Marizca nakakain na ba ng breakfast?" tanong ni Solara sa kanilang kasambahay. "Ma'am, dinalhan na po ni Ma'am Marilyn kanina sa kuwarto nila." "Eh, si Marilyn ba kumain na?" Tumango ang kasambahay sa kanya. "Opo. Nabanggit niya pong sabay na sila ni Marizca kaya hindi siya makakasabay sa dining po." "Okay..." tanging nasambit ni Solara. Marahas siyang napahinga nang malalim. Ibinaba ni Donny ang newspaper na binabasa. Pinagmamasdan ang asawa sa reaksyon nito habang nagsisimula nang kumain. "Wala kang gana?" untag niya. Panay ang buntong-hininga ng asawa. "Sinong gaganahan sa mga nangyayari? Don't you see it o nagbubulag-bulagan ka lang? Hindi nababagay ang babaeng iyon sa pamilya natin. Dumating lang siya sunod-sunod na problema ang dumarating. I don't like her for our son Dewei," mahabang sagot ni Solara. Hayagan ang pagsasabi ni Solara nang hindi pagkadisgust
NANG makarating sa resthouse ay dumiretso si Velosa papasok sa loob ng bahay. Nadaanan niya si Nanay Igna pero hindi siya huminto para batiin ito. Iniiwasan niyang makita ang pamumugto ng kanyang mga mata.Nagtaka naman si Igna sa naging kilos ng dalaga. Dahil sa pag-aalala niya ay sinundan kaagad niya ito sa kuwarto nila.Agad siyang kumatok sa pinto, walang sumagot sa kanya. Pinihit ang seradura, bukas. Kaya pumasok na siya sa loob."Velora, hija..." tawag niya. Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa kama. "Anak, bakit mag-isa ka lang umuwi? Maysakit ka ba?" sunod-sunod niya pang tanong.Umupo na si Igna sa gilid ng kama at hinawakan ang balikat ni Velora. Pansin niya ang pag-alon ng balikat nito at ang palihim na pagpunas ng luha sa mata."May maitutulong ba ako? Baka gusto mong ilabas 'yan. Masama daw kapag kinikimkim sa loob ang lungkot," aniya.Dahan-dahang bumangon si Velora at umupo. Isinandal ang kanyang likod sa headboard habang tiklop ang dalawang tuhod."Naiwan po si Dewei
NANLAKI ang mga mata ni Dewei. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paanong nalaman ni ina na si Velora ang babaeng kasama niya sa video pati ang dating trabaho ng dalaga? "Nagtataka ka siguro kung paano namin nalaman ng daddy mo, Dewei. Tama ba ako?" Tumaas ang sulok ng labi ng binata. "Hindi na po ako nagtataka kung malaman n’yo man. Wala na akong pakialam sa nakaraan. Mahal ko si Velora, at kahit anong pangba-blackmail n’yo, hindi ko iuurong ang kasal namin!" madiin at matapang niyang sagot. Napaamang si Solara sa tapang na nakikita sa mukha ng panganay na anak. Talagang pipiliin nito ang babaeng iyon kaysa magulang niya. "Ganyan mo tratuhin ang sarili mong magulang?" sigaw ni Solara, lalo pang nag-alab ang galit niya dahil sa babaeng bayaran na ‘yon. Binalingan niya ang asawang nanatiling tahimik. "Donny, magsalita ka nga! Tell your child what will happen if he continues to disobey us! Masyado nang humahaba ang sungay ni Dewei, pati tayong magulang niya, hindi na n
MATAMAN na naghihintay si Velora sa pag-uwi ni Dewei. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sopa at nakatingin sa pintuan. Inaabangan niya ang pagbukas nito. "Velora, 'wag mong kalimutan na i-lock ang mga pintuan. Iyong mga bintana rin, 'wag mong hayaang nakabukas. Ikaw lang mag-isa dito. Sa kusina na-lock ko na lahat ng mga binata at pinto, pati sa ibang kuwarto," mga bilin ni Igna sa dalaga. "Opo, Nay. Saka, sino naman po ang papasok dito?" "Mas mabuti na sigurado tayo. Mahirap na masalisan tayo ng mga magnanakaw. Di bale, kung may kasama ka dito," sabi ni Igna. Iniisip lang niya ang magiging kaligtasan ng dalaga. "Opo, Nay. Okay lang po ako dito. Huwag kayong mag-alala. Baka rin po umuwi si Dewei mamaya-maya lang po." Pagtatakip sa binata. Pero ang totoo, hindi niya alam kung sigurado ito uuwi. Dahil 'di naman ito nagparamdam sa kanya. Ni hindi tumawag para sabihin na uuwi ito o kamustahin siya, simula noong makauwi sa Batangas. "Mag-iingat ka dito, anak. Tumawag ka lang sa akin kung
PAGKABUKAS ng pinto ng kuwarto, nadatnan ni Dewei si Velora na mahimbing ang tulog sa kama. Napangiti siya na nilapitan ang asawa. Ang kontrata na ibinigay niya ay pinalitan niya ng marriage contract na pinapirmahan niya dito at ipinalakad niya kay Jai para maging legal niyang asawa si Velora. Dinukwang niya ang asawa para mahalikan sa pisngi. Nagising si Velora at nagmulat ng kanyang mata. Kaagad na sinalubong ng matamis na ngiti ni Dewei ang asawa. Napabalikwas ito ng bangon. "A-Andito ka na pala. Kumain ka na ba?" Untag ni Velora. Tumango-tango si Dewei. "Yeah, tapos na. Nakainom din konti," ngingiti-ngiting sagot ni Dewei. "For you.. peace offering," sabi pa niya na ibinigay ang mga bulaklak. Tinanggap iyon ni Velora nang makita ang bulaklak. "Thank you." Namumula ang pisnging aniya. Hinawakan ng binata ang kamay niya. "I want to apologize. Hindi ako nakahingi ng tawad sa'yo dahil itinago ko ang tungkol sa anak ko," panimula niya. "Natatakot ako na baka hindi mo matanggap
NAPABANGON bigla mula kama si Velora nang maramdaman na parang bumabaliktad ang kanyang sikmura. Kipkip niya ang kumot na naitakip niya sa kanyang katawan at saka tumakbo papunta sa banyo. Sumuka siya pero parang wala laman. Mabilis siyang nagmumog at hinahabol ang paghinga na napatingin sa salamin. "Babe..." biglang tawag ni Dewei sa kanya. Biglang kinabahan si Velora. Inilock niya ang pinto ng banyo. Muli siyang napaharap sa salamin. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Kaya dali-dali siyang naghilamos ng mukha. At kinuha ang face towel saka pinunasan ang kanyang buong mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili. "B-Buntis ako..." ang nausal niya sa isip. "Babe... Are you alright?" Katok ni Dewei sa pintuan. "O-Oo. Okay lang ako," medyo nangangatal na sagot niya. "I sense something is wrong. Can you open this door." Huminga nang malalim si Velora. Sinipat maigi ang mukha. Baka mahalata ni Dewei na parang naging kabado siya. Mabilis niyang binuksan ang pinto. "Tingnan mo, okay l
PASEKRETONG bumili si Velora ng pregnancy test kit sa botika. Gusto niyang makasigurado kung tama ang kutob niya. Tamang-tama rin na pumasok sa opisina si Dewei. "Okay, inhale… exhale… Kung ano man ‘to, handa na ako," sabi ni Velora habang nasa kanyang dibdib ang hawak na pregnancy test kit. Binuksan niya ang box na lagayan ng kit at nilagyan ng kanyang urine. Ipinatong lang muna niya sa sink at saka, naghintay pa siya ng limang minuto bago lumabas ang results ng pt. Kabado si Velora. Sobrang ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang napapabuga ng hangin. Lumipas pa ang limang minuto, muli niyang sinilip ang kit. Lumabas si Velora ng banyo, tulala at parang balisa. "Kailangan ko bang sabihin kay Dewei?" tanong niyang usal na napatigil. Hanggang sa paglabas niya ng kuwarto ay parang tuliro pa rin si Velora. Masyadong okupado ang isip niya sa nalaman. "Hija, dumating na ang Tatay Tacio mo galing sa palengke at bumili siya ng kamias para sa'yo," biglang sabi ni Nanay Igna sa kanya
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina