NAGISING si Velora sa mga boses na narinig niya. Nagmulat siya ng kanyang mata at napatingin sa mga nag-uusap. "Tatlong linggong buntis po ang pasyente. Overfatigue lang po siya, siguro dahil sa sobrang pagod kaya siya nawalan ng malay. Pero wala naman pong problema sa baby niya, at maayos naman po ang pagbubuntis ni misis," sabi ni doktora sa mag-asawa. Napatingin sina Tacio at Igna sa gawi ni Velora. Napansin na gising na ito. "Puwede na rin pong makauwi siya mamaya?" tanong ni Igna nang muling bumaling kay doktora. "Opo. Resetahan ko lang po ng vitamin si mother at si baby. Huwag lang pong hayaan ma-stress si mommy at need niya magpahinga." "Salamat naman po kung walang masamang nangyari sa kanila." Ani ni Igna. Nakangiting tumango-tango ang doktora. "Magpapaalam na po ako," sabi nito. "Salamat po ulit." Muling pasasalamat ni Igna. Tumalikod sa kanila ang doktora at nilapitan si Velora. Impit na umiiyak ang dalaga na inalo namang kaagad ni Igna. "Tahan na, Velora. Bawal kan
NAKAUWI na ng bahay si Velora. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama, may pagkain sa side table na iniwan ni Nanay Igna at drinks. Pero wala siyang ganang kumain. "Lalaban tayo, anak. Basta kakapit ka lang... 'di kita pababayaan," nausal niya habang tumutulo ang luha sa kanyang mata. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng kuwarto si Dewei. Mabilis na napaiwas ng tingin si Velora at pinalis ang mga luha. "Hi, babe. How's your day?" tanong ni Dewei na ngiting-ngiti. "Good naman, babe." Sagot ni Velora at pekeng ngumiti. Yumakap kaagad sa kanya ang nobyo at pagkatapos ay hinalikan siya ng smack sa labi. Umupo si Dewei sa tabi ni Velora at napansin ang pagkain sa side table. "Kanina pa yata ang pagkain mo, babe? Wala kang gana?" tanong niya. "H-Huh? Oo.. kasi naman si Nanay palagi na lang akong dinadalhan ng pagkain. Wala na akong ginawa sa bahay kundi kumain at matulog," kunwari'y maktol niya. Malakas na tumawa si Dewei, at ramdam ni Velora ang saya sa kanyang
NAPAANGAT ang tingin ni Velora nang may mabanaag siyang dumarating, isang puting sasakyan ang huminto sa parking lot. Nasa harapan sila ng bahay ni Nanay Igna. Nakaupo ang dalaga at nagpapaaraw. Tumayo si Igna na nagtatanggal ng mga maliliit na damo, naghugas siya ng kamay at pumunta sa likuran ni Velora. Lumabas mula sa sasakyan si Marilyn na ikinagulat ng dalaga. Napahawak si Igna sa magkabilaang balikat ni Velora. Nag-angat siya ng tingin sa matanda, tila nangungusap ang mga mata. Taas ang noo na naglakad si Marilyn palapit sa kanila. Nakataas ang isang kilay nito na ang mata kay Velora. "Kakausapin lang sana kita, Velora. Puwede ba?" tanong na bungad ni Marilyn. Wala pang maisagot si Velora. Nakamasid lang siya ng matiim kay Marilyn. "Hija, okay lang tumanggi kung hindi mo kaya..." mahinang sabi ni Igna. "Okay lang po ako, Nay." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin kay Marilyn. "Ikaw ang bahala. Pero anuman ang mangyari, tawagin mo lang ako. Andito lang ako sa malapit sa'yo
TILA may napapansin si Dewei kay Velora, nitong nagdaang mga araw para itong namumutla at parang maysakit. "Nay, may napapansin po ba kayo kay Velora?" Natigilan si Igna sa biglang natanong ni Dewei. Hindi niya maapuhap ang isasagot sa binata. "W-Wala naman." Umiiling na sagot niya. "Bakit mo naman natanong?" "Ilang araw ko na pong napapansin na tila wala siyang ganang kumain. Para siya namamayat. May dinaramdam po ba siya?" Mabilis na umiling-iling na naman si Igna. "Wala siyang sakit. A-Alam mo naman ang mga babae, pabago-bago ng mood pagdating sa pagkain. Saka, baka nagda-diet si Velora. Ikaw kaya ang magtanong sa kanya." "Maigi pa po dagdagan ko na lang po ang mga healthy food sa groceries items natin. Dapat po maraming prutas at vegetables." "Maigi pa nga. Damihan ang prutas, maganda iyon sa kalusugan ni Velora," pagsang-ayon na rin ni Igna. Hanggang ngayon ay walang kaalam-alam ang binata tungkol sa pagdadalang-tao ni Velora. Sa pakiusap na rin ng dalaga kaya hindi nila
MAY biglaang out-of-the-country na conference si Dewei. Nasa airport na sila ni Velora, kasama ang mag-asawang sina Igna at Tacio. 'Dalawang araw lang akong mawawala, babe. If you need anything, just call me. Kahit ano pa 'yan, o kahit nasa meeting ako, don't hesitate to call me or text me,' bilin ni Dewei. Malamlam ang mata ni Velora na tumango sa binata. Nginitian siya ng binata at hinapit siya sa beywang na ikinagulat niya. "Don't be sad. Dalawang araw lang 'yun. Go out with Aster or with Nanay Igna. Kumain kayo sa labas o kaya mamasyal," paglalambing pa ni Dewei sa dalaga para hindi ito malungkot habang wala siya. "Mami-miss kita. Sobra..." maiiyak na sabi ni Velora. Pilit na iniiwas ang mukha sa binata. "Me too but I promised to call when I reached Japan." "Sabi mo 'yan, ha? Huwag mong kakalimutan, Dewei, ang pangako mo," sabi ni Velora na tila nagbabala ang tingin sa binata. Malawak na ngumiti si Dewei. Walang pakundangan niyang hinalikan sa labi si Velora sa harap
"ANONG sinabi mo?!" singhal ni Velora, halos pasigaw. Napaatras siya nang bahagya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kaya pala parang inosente si Dewei sa kasunduan nilang dalawa. At nagulat ito nang makita siya sa resthouse. Ngayon, unti-unting lumilinaw ang lahat sa kanya. "I'm the one who talked to Rosenda," mariing sabi ni Dwight, walang pag-aalinlangang inamin ang ginawa. "Ako ang nag-ayos ng lahat para magkaroon ng kasunduan sa inyo ng kapatid ko. Pareho n’yong pinirmahan. At ikaw? Hindi ka rin naman mahirap kumbinsihin, dahil desperada ka na sa pera para sa kapatid mo." Ang buong akala niya ay si Dewei ang estrangherong customer na hiniling ang serbisyo niya ng isang buwan. "Ikaw pala!" napasigaw si Velora, ang dibdib ay mariing humahagok sa galit. "Anong kailangan mo, ha?! Bakit mo niloko ang sarili mong kapatid?! Pati ako?!" Halos nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tinuligsa niya si Dwight, kahit alam niyang delikado.
Natawa si Dwight, pero may bahid ng panggigigil sa kanyang tawa. "Alam mo bang mas lalo kang gumaganda kapag galit ka? Namumula ang tenga at pisngi mo. Nanlalaki ang butas ng ilong. Kaya siguro baliw na baliw din ang kapatid ko sa'yo." At bago pa siya muling makalapit, isang malakas na sampal ang ibinigay ni Velora. "Wala kang karapatang bastusin ako, Dwight!" sigaw niya, hingal na hingal, habang tumatakbo palayo. Natigilan si Dwight. Hawak niya ang pisngi niya na namula dahil sa sampal—at sa halip na magalit, lalo lang siyang ngumisi. "We’ll see, Velora... we’ll see," aniya, pero may dagdag pa siyang binulong na mas malamig kaysa sa hangin sa paligid. "O baka gusto mong kumalat ang video n’yo ni Dewei sa opisina? The one where you moaned his name like you owned him?" Parang binagsakan ng langit at lupa si Velora. Napatigil sa pagtakbo. Napalingon siya, namumutla, nanlalaki ang mga mata. "A-Anong sinabi mo?" halos hindi na makalabas sa bibig niya ang mga salita. Lumapit
"TACIO! Halika muna rito!" Malalakas na sigaw ni Igna. Inaalalayan niyang tumayo si Velora. "Anong nangyari sa'yo, anak?" Nag-aalalang tanong niya. Napatunghay si Velora. "Na-Nahilo lang po ako, Nay," pagsisinungaling na sagot ni Velora. "Ito na nga ba ang iniisip ko. Kaya ayaw kitang naiiwan mag-isa dito sa bahay." Tumatakbo naman si Tacio na lumapit sa kanila. "Igna, ang lakas-lakas ng boses mo. Anong nangyari?" Natataranta niyang tanong. "Nahilo daw si Velora," sagot ni Igna. Napabaling ang tingin ni Tacio sa dalaga. "Dalhin na muna natin siya sa kuwarto nila." "Hija, ang maigi pa'y magpahinga ka na lang. Kami na ni Igna ang bahala sa bahay. Ingatan mo ang anak mo sa tiyan," ang pangaral na sabi ni Tacio. "Opo, Tay." Mahinang tugon ni Velora. Nanatiling tikom ang kanyang bibig sa nangyari kanina. Sobrang binabagabag ang dibdib niya sa maaring gawin ni Dwight. Sa tono ng pananalita nito hindi ito nagbibiro, gagawin ang gustong gawin kahit makasakit pa ng ibang tao. Sa
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina