HUMINTO ang sinasakyan na taxi ni Velora sa harap ng mansyon ng mga Hughes. Wala na siyang pagpipilian pa. Tumatakbo ang oras at kailangan na niya ng pera para sa transplant ni Vanna. Wala rin si Dewei para matakbuhan niya ngayon. Kabado si Velora habang nakaupo sa sopa sa loob ng library. Pinapasok siya ng guwardiya sa guard house at dumiretso papunta sa mansyon. Umalis siya sa bahay na nakapambahay lamang at hindi na niya napansin kung ano ang hitsura niya sa sobrang taranta. Ang tumatakbo na lamang sa isip niya ay mapuntahan agad si Vanna. Pangalawang beses na niyang makapasok sa loob ng mansyon ng mga Hughes. Pero hindi pa rin niya maiwasang di humanga sa ganda at laki ng lupang sakop ng magarbo at malaking mala-kastilyong bahay. Ang lawak ng agwat ng antas ng pamumuhay nilang dalawa ni Dewei. Kitang-kita niya iyon ngayon na nakapasok siya sa loob ng mansyon. Napalundo lalo sa kaba ang dibdib ni Velora nang biglang bumukas ang pinto. Kaagad siyang napayuko, iniiwasang tignan
BUMALIK si Velora sa ospital. Humahangos na lumalapit sa kanya si Len. "Velora, mayroon na raw nakuhang ka-match si Vanna. Ihahanda na daw ang operasyon ng kapatid mo," balita ni Len na naaninaw na ang saya sa mukha. "Talaga po, Ate?" Untag ni Velora na hinawakan ang kamay ng tagabantay ni Vanna. Mabilis na tumango si Len. "Oo. Dala mo na ba ang para sa advanced payment sa operasyon ni Vanna?" "Opo, Ate..." Tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Len. "Ginawa mo talaga ang lahat para sa kapatid mo." "Ang importante po ay matutuloy na ang kidney transplant ni Vanna," sabi ni Velora na pinilit na nginitian si Len. "Tara na po. Puntahan na natin si Vanna." Tumango si Len bilang pagsang-ayon. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng ospital. UMUWI si Dewei sa resthouse mula sa limang araw na conference meeting sa labas ng bansa. Walang sumalubong na Velora sa kanya. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang traveling bag sa sopa. "Velora... Velora!' Tawag ng binata at nagpalinga-linga.
"D*MN it! How could she do this to me?!" galit na galit na sigaw ni Dewei. Nagngingitngit ang kanyang mga bagang at animo’y sasabak sa giyera ang kanyang mukha sa sobrang paninibughong nararamdaman sa kalooban. "She escaped from me again!" "What will you do now? Paano mo hahanapin si Velora ngayong nakalabas na sila ng bansa?" tanong ni Jai. Matalim ang kanyang tingin sa kawalan. "I will hire the best investigators in the country just to find her. I won’t stop until I have her tied to my bed forever." Napangisi si Jai habang napapailing. Baliw na talaga ang kaibigan niya. Madly, crazily in love. Umuwi na lang si Dewei sa resthouse niya. Wala siyang magagawa sa ngayon dahil hindi niya alam kung saang lupalop ng bansa pupunta si Velora. Kailangan niyang pag-isipan ang hakbang na gagawin, makita lamang ang babaeng minamahal. "Nagkita ba kayo ni Velora?" Bungad na tanong ni Igna sa binata. Malungkot na umiling si Dewei. He heaved a sigh. "She left the country, para sa operasyon ng
INAYA ni Dewei ang ama sa library para makausap ito ng sarilinan. "What are they doing here, Dad?" "Who?" "Sina Marilyn at Marizca..." sagot ni Dewei sa nanlalamig na tinig. "What's the problem? Marizca is your daughter. May karapatan ang anak mo dito sa mansyon." "That’s not the point. I know she's my daughter. Pero alam natin pareho kung bakit sila narito, because Mom wants me to marry Marilyn. Ipipilit na naman niya ang gusto niya kahit ayoko." Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang inis. "And that’s never going to happen." Alam niyang may pinaplano na naman ang ina. Kay Velora pa rin ang puso niya, at kahit kailan, hindi niya muling mamahalin ang babaeng minsang sumira sa kanya. "Magbigay ka nga ng isang matibay na dahilan para hindi mo dapat pakasalan si Marilyn?" mariing tanong ni Donny. "Dewei, she’s the mother of your child. Dapat talaga siya ang pinapakasalan mo." Napailing si Dewei. They still didn’t get it. "I don’t love her, Dad. I can’t teach my heart to fee
NAGKAGULO sa labas ng mansyon. Sinuntok ni Dewei sa mukha si Dwight. Dumudugo ang ilong ng nakababatang kapatid habang itinatayo ito ng kanilang ama. "Bawiin mo ang sinabi mo, Dwight!" bulyaw ni Dewei habang dinuduro ang kapatid. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nagngangalit ang bagang. Pinunasan ni Dwight ang dugo sa gilid ng labi niya. "Alin sa sinabi ko ang babawiin ko? Galit na galit ka dahil sa sinabi ko! Hindi ko na babawiin ang mga nasabi ko na!" Napatiim-bagang si Dewei. Muli na naman siyang susugod sa kapatid pero nahawakan siya ng ama. "D^mn, you! May kasalanan ka pa sa akin, Dwight. Seven years ago, kayo ni Marilyn. And now, inuulit mo na naman!" Napaamang si Donny sa narinig kay Dewei. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawang anak. "What are you saying, Dewei?" Untag niya. May pagtataka sa kanyang mukha. Papalit na rin sa kanila sina Solara at ang mag-inang sina Marilyn at Marizca. "What's happening here?!" tanong din ni Solara. Napabaling ang tingin
"GOOD morning, Sir," nakangiting bati ng isang empleyado ni Dewei sa kanya. Hindi niya ito ginantihan man lang ng ngiti o bati. Malamig ang ekspresyon ng mukha na diretso ang lakad na parang walang nakikitang ibang tao patungo sa lift. Napakamot sa kanyang ulo ang lalaking empleyado nang makalagpas si Dewei. Sa executive floor, walang reaksyon ang mukha ni Dewei na dumaan sa harapan ni Magenta na nakatayong nakatingin sa kanya. Sa sulok ng kanyang mga mata, kita niya ang pagsunod ng mata ng kanyang sekretarya. Pumasok si Dewei sa loob ng opisina niya at naka-dekwatrong umupo sa kanyang swivel chair. Marahas siyang napabuntong-hininga. Natuon ang kanyang pansin sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Kinuha niya ang receiver ng intercom. "Magenta, cancel all my appointments today and don’t accept any visitors," madiing utos ni Dewei, hindi na niya hinintay ang sagot ng sekretarya at agad niyang ibinaba ang tawag. Pinindot niya ang lock ng remote sa pintuan. Napa
GABI na, mamatyag na naghihintay si Marilyn sa pag-uwi ni Dewei. "Mama, tulog na po tayo," aya ng anak niya na nakasalampak sa carpet at naglalaro ng kanyang mono blocks. "Gusto mo na bang matulog?" Untag niya na tinanguan ng anak. "Sabihin ko kay Ate Aida na samahan ka sa kuwarto." "Bakit hindi ka pa po matulog?" "Hintayin ko pa ang Papa mo. Sige na, mauna ka na matulog," nakangiting sagot ni Marilyn. "Okay po." Tumayo si Marilyn at pumunta sa kusina para tawagin ang kasambahay ng mga Hughes. Isang linggo na silang mag-ina nakatira sa mansyon. Ang Papa niyang si Vener ang naiwan sa condo. Inakay ng kasambahay si Marizca paakyat ng hagdanan habang naiwan si Marilyn na nakaupo sa sopa. Makalipas ang isang oras, dumating si Dewei na lasing at may kasamang babae. Nakaakbay siya rito habang ang babae naman ay humahagikhik at tila walang pakialam kahit nasa loob ng ibang bahay. Napatingin si Marilyn. Nanlaki ang mga mata niya, pero hindi siya kumibo. Hinintay niyang mapansin siya
"GET out of my room, Marilyn! I'm warning you!" Sigaw na babala ni Dewei. Bigla-bigla na lamang itong pumasok sa kuwarto niya. Umiling-iling si Marilyn habang nakangisi. "Hindi ako lalabas ng kuwarto mo hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko..." "What! You're insane and desperate!" Bulyaw ng binata. Nakainom siya ngayon pero matino pa naman ang utak niya. Hindi niya papatulan si Marilyn sa kahibangan nito. Pumunta sa kama si Marilyn at humiga naka-crossed legs. Tila inaakit si Dewei. Alam na alam niya ang kahinaan ng dating katipan. 'Di magtatagal ay bibigay din ito. "Huwag mo nang kontrolin ang sarili mo. Kailangan mo 'ko," sabi ni Marilyn sa malamyos na tinig. Para bang inaanyayahan ang binata. Natawa si Dewei habang napapailing. Kung si Velora ang nasa harapan niya ngayon at ganyan ang suot, mabilis pa sa alas kuwatro ay kinubabawan na niya ito sa kama. Pero hindi si Velora ang kaharap niya. "You're really crazy... do you really think mapapasunod mo ako sa gusto mo?" t
HINDI kaagad nakapagsalita si Jai. Tinitigan niya ang kaakit-akit na mukha ni Aster. Napansin niya ang mata nitong may tuyong luha pa at namumula rin ito. Nag-alala siya bigla kay Aster. Parang mayroon sa kanyang kalooban na dapat niyang tulungan ang dalaga. Ginagap ni Jai ang mga kamay ni Aster. "Do you want to talk about it? You can share it with me. I'm here if you need me," sabi niya habang umuupo sila sa sopa. Nakayuko si Aster at hindi pa rin binibitawan ni Jai ang kamay niya. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Kusa na itong kumawala at dumaloy sa kanyang pisngi. "M-May taning na ang buhay ng Papa ko... at kailangan nilang kong mapauwi sila dito. Pero, hindi sila makakauwi kung hindi nila mababayaran ang malaking utang nila dahil sa pagpapagamot ni Papa," kuwento niya habang panay pa rin ang pag-agos ng mga luha niya. Dahan-dahang itinaas ni Jai ang kanyang isang kamay at iniakbay iyon sa balikat ni Aster, nais iparamdam ang suporta para sa dalaga. "I'm willing
NAGKATITIGAN sina Aster at Jai. Nang dahan-dahan nang lumalapit ang mukha ng binata sa kanya ay pilit niyang iginalaw ang mga daliri sa kamay at mariing napapikit ng kanyang mga mata habang tikom ang bibig. Sabay tulak kay Jai palayo. Napaiwas ng tingin si Aster. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi na normal ang tibok ng puso niya. Hinihingal siya na parang tumakbo ng sampung kilometro. "Inhale, exhale, Aster. Breathe..." pagpapakalma niya sa sarili. Tumalikod si Jai at marahas na napabuga ng hangin. Muntik na siyang makalimot. Kamuntikan na niyang mahalikan si Aster. "As I was saying, pumapayag ka na ba, Aster? Or, gusto mo bang dagdagan ko pa ng limang milyong piso pa? Name your price para lamang pumayag ka..." sabi ni Jai na may pagkadesperado. Kailangan na niyang may maiharap na asawa sa Tatay Rey niya. Nang sa gayon ay mapanatag ang loob nito na magagawa niya ang lahat sa napagkasunduan. Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster. Umaakyat ang offer ni Jai hangga't hindi si
KINAGABIHAN, kabado na kipkip ni Aster ang kanyang bag habang na tahimik nakaupo sa sopa, nasa condo siya ni Jai. Hindi pa niya alam kung ano pa ang pag-uusapan nila bukod sa magiging kontrata nila bilang mag-asawa.Puwede naman kasing totoohanin na lang nila. Bukas siya sa usaping 'yon at hinding-hindi tatanggi. Sino ba siya para tanggihan ang isang Jai Gonzales? Para siyang nagtampo sa bigas. Halos nasa binata na ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Saka, si Jai na 'to, ang pangarap niyang lalaki.Napangiti si Aster sa kilig sa mga tumatakbo sa kanyang isip.Isang tikhim ang kanyang naulinagan. Napaigtad siya sa gulat at napaayos ng upo. Napatunghay siya sa matangkad na binata sa kanyang harapan.Lumabas mula sa kusina si Jai na walang pang-itaas na damit at naka-pajama lamang na puti. Inilapag nito ang dalang drinks sa ibabaw ng center table.Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster at naihilig ang ulo.Isang mala-Piolo Pascual ang lalaking nasa kanyang harapan. Sa tindig, tangka
ANG aga-aga pa ni Aster sa bahay nina Velora at Dewei. Dumayo pa siya sa Batangas para lamang sabihin ang napag-usapan nila ni Jai kagabi. Hindi na naman mapakali ang makating dila para ikuwento sa kaibigan ang lahat ng napag-usapan nila ng kaibiga. Nangako ito na dapat sila lang dalawa ni Jai ang makakaalam ng sekreto nila. "Ewan ko sa'yo, Aster. Baka magalit si Jai na sinabi mo sa akin ang sekreto ninyong dalawa. Ikaw talaga, oh. Hindi mo talaga kayang magtago ng sekreto. Nangako ka pa naman sa kanya. Lagot ka talaga kapag nalaman ni Jai 'to." "Sa excited lang ako. Bigyan mo nga ako ng tips," sabi ni Aster. Napaismid si Velora. "Tips? Para saan?" "How to be a good kisser? Siyempre, ikaw may asawa ka na. May anak na rin kayo ni Dewei. So, may experience ka na," kaswal na sagot niya. Gustong bumanghalit ng malakas na tawa ni Velora. "Loka-loka ka talaga. Tips, paano talaga maging good kisser?" Lumapit pa siya sa kaibigan at inilapit ang bibig sa tenga niya. "Ano kaya kung 'yung a
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma