Share

136

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-04-21 15:41:00

HINDI malaman ni Velora ang sasabihin pagkatapos marinig iyon mula sa kanyang ama. Pangalawang pamilya pala sila, kabit ang Mama niia.

Paano nilang itinago iyon sa napakahabang panahon? Naglihim sila pareho ng Mama niya. Kaya pala halos isuka sila ng mga kamag-anak ng Mama niya. Walang umako sa kanilang magkapatid na mga kamag-anak noong mawala ito.

"Papa, ibig sabihin po ba 'nun kabit n'yo si Mama?" tanong ni Velora. Masakit na malaman na ganoon nga ang naging papel ng Mama nila sa kanyang Papa. Kaya pala hindi sila ikinasal noon at dala pa rin nila ni Vanna ang surname ng ina.

Napayuko si Vener. "Patawarin n'yo ako. Kasalanan ko ang lahat..." yumugyog ang balikat niya dahil sa pag-iyak.

Tinanggal ni Velora ang kamay sa ama. Tahimik na tumulo ang mga luha niya.

"Napakasakit pong marinig na niloko n'yo po kami. Iyong pag-iwan mo po sa amin noong mamatay si Mama, hinarap ko 'yun mag-isa. Binuhay ko si Vanna sa pagtitiyaga ko. Pa, hindi ko na po alam ngayon kung ano pa ang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
di cla Ng about n dewei.. sna mgkita n cla
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
sqna mgpakita n c dewie at ipaliwanag nya lhat ka velora,,,kawawa n mn,,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   317

    AGAD tumayo si Zander. Napatunghay ang tingin ni Vanna sa binata. Wari'y nagtataka siya sa binata. "Saan ka pupunta, Kuya?" Napabaling ng tingin si Zander sa dalaga. Nginitian niya ito. "Umiinom ka ba?" "Oo naman, Kuya," pagsisinungaling na sagot ni Vanna na napapalunok. Ang totoo, hindi talaga siya umiinom ng alak. Pero hindi parang may nagtulak sa kanya na hindi niya puwedeng tanggihan si Zander, lalo na ngayon. "Tamang-tama. May natira pa akong beer sa ref," sabi ni Zander na napatango-tango. Sinusubukan lang niya kung tayanggi si Vanna na uminom ng alak. Pero, nagtataka siya na hindi siya inurungan nito. "Ha? Dito lang tayo?" Tila nagmamayabang pa na tanong si Vanna, pero sa loob-loob ay kinakabahan. "Puwede naman. Saka, wala ka naman sigurong pasok sa university. Nabanggit mo kanina na nakabasyon ka. Di ba?" "W-Wala nga," may alinlangan na sagot ni Vanna na pinilit ngumiti. "Good. D'yan ka lang kukunin ko ang beer sa fridge. At kukuha na rin ako ng baso." Mabilis na tum

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   316

    "CONTRACT husband?" ulit ni Zander na napakunot ang noo. "Vanna, seryoso ka ba sa sinasabi?" "Oo. Alam kong ang hirap paniwalaan para sa'yo, pero kailangan ko lang talaga. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na sapat 'yong manahimik lang ako. Kailangan kong may ipakitang hindi sa matandang 'yon na hindi na niya ako dapat guluhin dahil pag-aari na ako ng iba. Iyon lang ang naiisip kong paraan para hindi na ako guluhin ni Mayor Oscar." Mahabang paliwanag ni Vanna, sabay tango saka umiwas ng tingin. "At ako ang naisip mong kunin bilang contract husband mo?" tanong ni Zander na may bahid ng gulat. "Ikaw lang ang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko, Kuya Zander." Muling sagot niya, ngayon ay tumingin na kay Zander. "Kapag nalaman ng tao na may asawa ako, malaki ang tsansang umatras si Mayor Oscar. Ayaw ko ng gulo at lalong ayaw ko sa matandang 'yon." Napalunok si Zander. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalong mape-pressure sa mga rason ni Vanna. Parang mahirap iyong naisip ng dalag

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   315

    "KUMAIN ka na ba, Zander?" Untag ni Len sa anak. "Tapos na po," sagot ng binata na ang mata ay na kay Vanna. "Halika at magkape. Ipagtitimpla kita, Zander. Gusto mo ba?" "Ah, Ate Len, ako na lang po," sabat na prisinta ni Vanna. Napangiti si Len. May kakaibang kislap ang kanyang mga mata na napatingin sa kanyang nag-iisang anak. "Sige, Vanna. Ikaw na ang magtimpla para sa Kuya Zander mo. No sugar at no cream ang gusto niya sa kape..." sagot ni Len na tinanguan ng dalaga. "Oh, siya. Maiwan ko na kayong dalawa rito. Ako'y matutulog na." Maya-maya'y nagpaalam na si Len sa dalawa. Pagkaalis ni Len ay saglit na natahimik sina Vanna at Zander. Kumuha ng tasa ang dalaga at nagsalin ng mainit na tubig sa baso habang kinukuha rin ang garapon ng kape. Ramdam ni Zander ang bahagyang paninikip ng dibdib habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng babae. "Na-miss ko ang bahay na 'to," biglang nasambit ni Vanna na hindi lumilingon kay Zander habang hinahalo ang kape. "Lalo na siguro ‘yong inga

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   314

    PUMASOK si Zander sa loob ng bahay nila. Hinanap kaagad ng kanyang mata ang ina. Ginabi na siya ng uwi, pero inaasahan pa rin naman siya ng ina na umuwi. "Ma..." tawag niya. Tumungo siya papunta sa kusina. Habang papalapit ay napangiti siya nang makita ang isang babae na abala sa ginagawa sa lababo. "Ma, andito lang po pala kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Bakit nasa kusina pa rin kayo? Alas nuebe na po ng gabi..." dire-diretsong sabi ni Zander. Nilapitan niya ang ina at agad hinalikan sa pisngi. Pero, bigla siyang natuod nang mapagtantong hindi iyon ang kanyang ina. Hinalikan pa naman ang pisngi nito, na ipinagdiwang na rin ng kanyang kalooban. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae, at sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. "Vanna?" halos pabulong pero malinaw niyang nasambit. Ang babaeng matagal na gumulo sa kanyang isipan. Ang pinangarap niya noon. Anong ginagawa ni Vanna sa bahay nila? Ang alam niya ay hindi siya nito naalala. Bigla atang naalala nito ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   313

    "KUMUSTA ang Ate Velora mo?" tanong ni Len habang banayad na nakangiti. Kita sa mga mata niya ang sinserong interes. "Maayos naman po," sagot ni Vanna, sabay ayos ng pagkakaupo. "Apat na buwan pa lang mula noong manganak siya sa second baby nila ni Kuya Dewei. Babae po ang anak nila." Napangiti si Len. "Masaya ako para sa kanila ni Dewei. Mukhang naging maayos na talaga ang pagsasama nila. Tahimik na rin ang buhay nila ngayon sa Batangas… Hindi tulad dati." Tumango si Vanna. "Opo. Ang dami na pong nagbago. Nakakatuwa po silang panoorin, si Ate, laging abala sa mga bata, tapos si Kuya Dewei, mas hands-on na rin ngayon." Sandaling natahimik si Vanna bago muling nagsalita. "Puwede po kayong dumalaw sa bahay para makita n'yo si Ate at ang mga anak niya. Lagi po kayong nababanggit ni Ate Velora kapag nagkukuwentuhan kami." Napatingin si Len sa kanya, tila nabigla sa sinabi. Maya-maya’y ngumiti ito, may bahid ng lungkot at galak sa kanyang mga mata. "Talaga? Hindi ko akalaing naaalala

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   312

    PINAGMAMASDAN ni Vanna ang dating bahay na tinirhan nilang magkapatid noon. Ito ang bahay na tinuluyan nila matapos siyang gumaling sa malubhang sakit. Sandali lamang silang nanirahan dito, dahil makalipas ang ilang buwan ay dinala na sila ni Ate Velora sa poder ni Kuya Dewei, ang asawa ng kapatid niya. Parang kailan lang, pero ngayon, ang bahay ay pag-aari na ng pamilya nina Ate Len. Ang tahimik ng paligid, pero para kay Vanna, ang katahimikan ay may dalang bigat, mga alaala ng kahapon na hindi na maibabalik. Naalala niya ang dating tagapag-alaga nila. Parang nanay ang turing niya rito, siya na rin halos ang nagpalaki sa kanya sa mga taong sakitin siya. Mabait, maasikaso, at laging nariyan sa tabi niya. Tuwing may sakit siya, ito ang nagbabantay, naghahaplos sa likod niya, at nagdarasal nang mahina habang nakayuko sa paanan ng kama. Napabuntong-hininga si Vanna. Parang kahapon lang ang lahat. Pero ngayon, isa na lang itong alaala, tulad ng bahay na hindi na kanila. "Tao po... tao

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status